Nang handa niya nang ipasok sa isang iglap bigla siya nawala sa ibabaw ko at tumilapon sa kung saan at kita ko si Dewei kung paano niya kinuwelyuhan ang kanyang Kuya para itayo at isinalya sa dingding. "WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING, HUH?! KUYA??" nangangalit na tanong ni Dewei habang mariin niyang kapit si Rahul. Dahil sa biglaang pagdating ni Dewei hindi natuloy ang binabalak ni Rahul sa 'kin pero naroon pa rin ang takot ko at nagulat ako nang bigla na lang suntukin ni Rahul ang bunsong kapatid! "Dewei!" hintakot kong sigaw. Dadaluhan ko sana siya nang mapahiga siya sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok ng Kuya niya ngunit siya naman ngayon ang kinuwelyuhan ni Rahul kaya hindi siya kaagad nakabawi. "H'wag kang nakikialam!!" Pinagsusuntok ni Rahul si Dewei at gusto ko man tulunga