(WARNING: The following scenes contain matured contents, violence, abuse not suitable for young audiences if you can't handle the sensitive part, please ignore and read at your own risk, thank you.) Gustuhin ko man magpunta sa mansion ng mga Selevestres ay hindi ako magkaroon ng lakas ng loob. Isang oras na ang nakakalipas pero hindi ko naman magawang makatulog sa ganitong lagay habang iniisip ko kung ano ba ang nangyayari doon... Kanina pa ako paikot-ikot dito sa loob ng bahay. Halos maubos ko na ata ang kuko ko sa hinlalaki dahil nakakagat ko na sa nerbyos at labis kong pag-iisip. Hindi ko lubos akalaing ganito ang mangyayari... galit na galit ngayon si Sameer sa kapatid niya, hindi ko kailan man ninais na lumikha ng gulo at pagmulan ng alitan ng ibang tao, higit ng magkapatid. Nap