"Liwayway, don't sleep yet. You have to freshen up," saad ni Pancho sa akin nang akmang makakatulog na sana ako. Nagkusot ako ng mata at dumako ang tingin ko sa mga paper bag na mukang damit ang laman. Tiningnan ko ang itsura ko, hindi nga naman p'wedeng ganito lang ako magdamag, wala pa akong suot na panty. "That's our clothes, ipinabili ko kay Rad, hindi tayo p'wedeng matulog at umalis pa-manila nang ganito ang mga itsura," saad niya at nanlaki naman ang mga mata ko nang rumehistro sa isip ko ang lugar na pupuntahan namin. Manila?? "P-Pa-manila? Tutulak tayo pa-m-maynila?" gulantang kong tanong, hindi ko naman alam na sa manila niya ako dadalhin. Tumango siya. "Yes." "Pancho..." batid ko ang pagdadalawang isip na sumama at nabasa niya naman sa mukha ko ang labis na pagkukuli. "Liw