Pagkahatid namin sa mga kaibigan ko sa kani-kanilang mga bahay ay idiniretso na nga ako ni Sameer sa kanilang mansion. Hindi ko maihakbang ang mga paa ko at nanatiling nakatayo sa harap ng malaking pinto. Kung kanina kaba lang, ngayon ay kabang-kaba na. Ang lakas ng ng lagabog ng dibdib ko. Siguradong kaya ako naririto hindi lang para makita at makausap ako ni Señora, palagay ko sinabi na ni Sameer sa kanyang Mama ang ugnayan namin sa isa't isa. At ngayon kaya ako naririto upang opisyal na ipakilala ako bilang nobya niya. Hindi naman ako papapuntahin dito kung wala lang dahilan. "Halika na sa loob," yakag na niya sa akin at hinawakan niya na ako sa braso na ikinangiwi at ikinasinghap ko nang bigla niya mapisil ang pasa ko. Hindi naman mahigpit ang pagkakahawak niya, masuyo nga pero n