Sabi ng iba "Nerd" daw ako, kasi palaging nakatutok sa pagbabasa ng kung ano ano ang attention ko. Mapa libro, komiks, pocketbook, kahit nga mga apps na w*****d at dreame pinag aaksayahan ng oras ko. Ewan ko ba? basta't nakakabasa nako ng kahit na anong article sa google kontento nako.
May isa pa akong hilig na gawin lalo na kapag stress nako sa mga nangyayari saking buhay. Mahilig akong mag selfie.. emote dito, wacky face doon... Sabay edit at lagay ng anik anik na sticker.. Bago i upload sa f*******:, twitter, i********:, t****k at youtube.. with a caption...
#Future
Tapos may kasama pang thoughts and sayings na...
'We do not get to choose how we start out in life. We do not get to choose the day we are born or the family we are born into, what we are named at birth, what country we are born in, and we do not get to choose our ancestry. All these things are predetermined by a higher power. By the time you are old enough to start making decisions for yourself, a lot of things in your life are already in place. It's important, therefore, that you focus on the future, the only thing that you can change❤
Mga katropa kong Bad Girls ang maraming comments sa mga posted pix at quotes na shini share ko palagi sa social media.
I am an adopted child of the Takeda family. Born and raised in Korea. Isang nurse na pinay ang tunay kong Ina, nabuntis sya't nanganak sa Korea, pagkatapos pinaampon ako sa kaibigan nyang doctor na si Minch Takeda.
When I was seven years old, nagbakasyon kami ng Pinas.. Yun ang unang pagkakataon na umapak ang aking mga paa sa Pilipinas. Ang bayan ng aking tunay na Ina.. Inakala ko noon na ibabalik nako nila Mom & Dad sa tunay kong Ina, hindi pala. Dahil ang rason ng pag uwi namin sa Pilipinas ay para makiramay sa pagkamatay ni Inay. Hindi ko man sya nakilala ng lubusan at nakasama saking buhay. Ramdam ko sa aking puso ang pagmamahal at pagpapatawad sa kanya. Nagpapasalamat din ako, dahil binigyan nya ako ng buhay, kahit na ang kapalit nun ay ang pagkasira ng kanyang dignidad at kinabukasan. Iniwan pa sya ng lalaking pinagkatiwalaan at minahal nya ng higit pa sa kanyang buhay. Maswerte rin ako, kasi, hindi lang iisa ang aking pamilya kundi dala dalawang pamilya ang nagmamahal sakin.
Twelve years old nako ng magpaalam kila Mom at Dad na babalik ako ng Pinas, para dun na mag aral.. Pinayagan naman nila ako sa isang kondisyon... Yun ay kung sa pamilya ni Inay ako titira, na sinang ayunan ko naman kaagad. Napakabait at napakabuting mga magulang ang nag ampon at nag alaga sakin. Kaya sa abot ng aking makakaya nag aaral akong mabuti para maibalik ko sa kanila ang lahat ng sakripisyo at kabutihan nila sakin. Gusto kong maipagmalaki rin nila ako at maging isang magaling na doctor din ako katulad nila.
Nasali man ako sa grupo ng Bad Girls, napatunayan ko naman saking mga magulang pati na rin saking sarili na...
'Wala sa ibang tao ang ikakasira ng buhay mo.. nasa sayo na lang yun, kung panu mo patakbuhin ang buhay mo... Choice mo yan, kung mabuti ba o masama ang landas na tatahakin mo... Ikaw lang ang nakakaalam ng ikakabuti mo sa buhay.'
I'm Mabel Takeda... Sixteen...
Seryoso..
Masipag...
Matalino.
Ang pagiging "Nerd" ay hindi masama at hindi dapat ikahiya.. Ipinagmamalaki ko iyon, dahil sa pagiging nerd, marami akong nalalaman at natutuklasan sa buhay... Lalo na't sinusuportahan ako ng mga taong malapit sa puso ko. . ...
Mabait at maalaga ang Foster Parents ko.,.
Yung Bad Girls na laging nasa tabi ko...
At higit sa lahat..
May isang lalakeng niyakap at minahal ang buo kong pagkatao...
?MahikaNiAyana