"Kaya kitang suportahan sa mga bagay na gusto mo, pero hindi sa paraang pati tayo naaapektuhan hanggang sa magbago tayo."
-- Neil --
Iba kong mga kaibigan ay nagpapatalbugan
Kanya kanyang bida sa kanilang mga kasintahan
Nakikinig lang ako at nakikipagtawanan
Dahil sa mga biruan at kanilang mga kalokohan...
Aanhin mo naman ang gwapo
Kung marami kayo sa buhay nito
Isa ka lang sa mga pampalipas oras nito
Kabi kabila ang syota marter lang ang labas mo...
Meron naman hindi kagwapuhan
Ngunit ugali niya'y iyong hahangaan
Dahil kahit siya ay ganyan
Sa puso niya'y nag iisa ka lang...
Natatawa na lang ako
Kasi yong iba mahihilig sa gwapo
Pero anong napala niyo
Sakit ng ulo at basag na puso...
Ang boyfriend ko kahit hindi gwapo
Ipinagmamalaki ko sya at pinag sisigawan sa mundo
Dahil sa prinsesang pagpapahalaga niya sa babaeng katulad ko
Diko siya ipagpapalit kahit na sinupang adonis ang makaharap ko...
Sa panahon ngayon bihira lang ang mga lalaking tapat sayo
Yong magmamahal at rerespetuhin ang pagkababae mo
Yong ginagalang ka't inaalagaan ng husto
Dika binibigyan ng sama ng loob at sakit ng ulo...
Masarap pag ang boyfriend mo'y totoong tao
Yong tanggap ka kahit ano kapa at sa iba'y dika bagay dito
Pero nandiyan lang siya pinaglalaban ka at di umaalis sa tabi mo
Laging katuwang at kaagapay sa bawat hakbang na tatahakin mo..
"Siguro nga yung pagdating mo sa buhay ko, is lesson yun para matanggap ko na may mga pagkakamali din ako."
- Mabel -
?MahikaNiAyana