Pornever este Forever

1642 Words
Totoo nga pala talaga na ang mga magagandang bagay ay dumadating lamang ng kusa. Hindi mo na kailangang hanapin, hindi mo kailangang pilitin. Maghintay ka lang, siguradong darating yan. Hindi na lang natin namamalayan, na yung mga bagay na dati'y nasa isip lamang, na dati'y parang imposibleng mangyari, na parang wala talagang pag-asang maging totoo, ay nararamdaman at nararanasan na pala natin ngayon. Tulad nito, hindi ko inaasahang dumating sya sa buhay ko. Yung tipong mapapasabi na lang ako sa sarili ko 'ano bang mabuting bagay ang ginawa ko’t nakatagpo ako ng ganitong klaseng tao?' kasi sobrang swerte ko. Sa halip na magtanong at magtaka, tinanggap ko na lang at wala ng maraming sasabihin pa. Lahat ng nangyayari ngayon ay talagang gusto ko, talagang kailangan ko. Nasanay na ako, napamahal na ko, at di ko kakayanin kapag nawala pa ulit ito. Kung may kailangan mang pasalamatan, sya yun at ang Panginoon. Salamat sa kanya kasi binigyan niya ako ng pag-asang makilala ka, at salamat sayo kasi tinanggap mo ako at minahal ng ganito. Yung boyfriend ko kasi, hindi sya masyadong showy, sweet at clingy. Hindi perfect yung boyfriend ko, may flaws sya, may pagka possessive lalo pag kasama ako, minsan loading at minsan insensitive. Pero he never fails to make my heart melt everytime na nakakatanggap ako ng mga unexpected loveletters sa kanya, he never fails to make me smile sa mga pangungulit nya at talagang napapagaan nyang loob ko, he never fails to remind me na katanggap tanggap ako at kapili pili, he never fails to make feel me appreciated; he never fails to make my love tank full at talagang pinaparamdam nya sakin na mahal nya ko at pinahahalagahan at nirerespeto. Mahal na mahal ko yung boyfriend ko. he’s one of my greatest blessings at talagang answered prayer ko sya. But yes, hindi kami perfect couple, may disagreements kami, may mga away at tampuhan, may mga times na nasusubok na yung mga pasensya namin talaga, but i always admire what we have, kung pano namin hinahandle yung isa’t isa at kung paano namin winoworkout ang mga bagay bagay. At talagang araw araw akong nagpapasalamat kay Lord kasi sya ang partner ko. Ako yung girlfriend na sa sobra kong naaappreciate yung sinasabi sakin ng boyfriend ko, iniscreenshot ko yung messages nya na nakakataba ng puso. Ako din yung girlfriend na hindi masyadong pala-post sa social media ng picture namin ng boyfriend ko, o picture nya, minsan lang, pero lahat nakasave naman at mahilig ako magnakaw ng kuha nya, kasi para sakin mas nakikita ko yung totoong side nya. So ngayong umaga, nagbasa basa ako dun sa mga nakasave na messages namin from day1. 'Tas grabe, naiyak ako talaga. Kasi sa totoo lang, nagsimula naman talaga kami sa unexciting way as friends. At talagang may proseso talaga yung relationship namin, hindi kami nagmadali. At lalong hindi madali yung proseso. Talagang araw araw kong pinapatunayan na deserving ako ng pagmamahal nya, talagang araw araw pinapakita ko, lalo na yung mahal ko sya kahit wala akong hinihintay na kapalit, talagang wala akong ibang gustong gawin kundi mahalin lang sya at maiparamdam sa kanya na deserve nya ang pagmamahal ko. Kaya naman nung time na nagtapat sya sakin ng kanyang pagmamahal at sinagot ko sya, sobrang saya ko. Sobra talaga. Answered prayer talaga. At sya, pinaparamdam din nya yung pagmamahal nya sakin. Pero syempre hindi naman laging rainbows and butterflies din. May mga disagreements din kami at mga issues, pero we allow room for mistakes. Lalo ako, malaki ang allowance ko for mistakes. Kasi yung mistakes, stepping stone yan for growth eh. At sa mga oras na hindi kami okay, dun ko sya mas pinipiling mahalin lalo. At sobra ko syang naaappreciate. Malayo pa ang tatakbuhin ng second chance relationship namin, sobrang layo pa. Pero magkasama kaming maggogrow, magkasama namin haharapin lahat. Kasi kakayanin namin basta magkasama kami. Ganyan naman yung relationship eh! two way yan. Kaya nga partner kayo eh, kasi you work together as a team para makabuild kayo ng strong foundation sa relasyon nyo. Napangiti si Mabel sa pagbabaliktanaw sa kanilang nakaraan, ng may biglang mensahe na pumasok habang paulit ulit syang nagbabasa ng mga messages nila ni Neil. 'Happy ako at sobrang love kita. No words can explain gaano kita kamahal. No words can explain gaano mo ko napapagaan. No words can explain gaano mo ko napapasaya. Hindi ako magsasawang mag thank you mula sa maliliit na bagay hanggang sa mga bagay na di mo alam na napapasaya mo pala ako. Yung saya na hindi ako natatakot na may expiration date. Yung saya na ang gaan gaan sa pakiramdam. Yung saya na genuine dahil alam kong nasa tamang tao ako. Baby, Sobra akong happy at sobra kitang love♥️' "Napakatamis talaga ng syota mo Besty! Napapa sana all tuloy ako dito!" "Mag jowa kana rin kasi, para di ganyang puro buntong hininga kana lang dyan." Nangingiting sabi nya kay Claire, habang nere replayan ang text ni Neil sa kanya. 'Baby, Happy din ako na boyfriend kita, Sobra kong naaappreciate na pinupuno mo ang lovetank ko, magkasama man tayo o hindi. Sobra kong naaappreciate na andyan ka lagi handang umalalay at makinig kahit ano man ang pinagdadaanan ko. Sobra kong naaappreciate na kasama kita through thick and thin. Sobra kitang naaapreciate bilang partner ko. Kaya naman happy ako na boyfriend kita ♥️ "Panu? Eh waley nga yatang pag asa itong puso ko kay Mr. Dreamboy ko eh!" "Bakit ba kasi naka focus ka lang kay Ryle? Marami namang nanliligaw sayo, di dun ka pumili, para happy happy na tayong dalawa!" "Kung nauutusan lang sana ang puso, di sana noon ko pa ginawa diba? Kasalanan ito ni Kupido eh! Kedami namang boylet kung bakit sa isang manhid pa nya pinana itong puso ko?" Natatawang kinurot ni Mabel ang pisngi ng kaibigan. Alam nyang gustong gusto na nitong magka boyfriend, hindi dahil sa may boyfriend na sya, kundi ito na lang kasi ang naiwang single sa kanilang magkaka tropa. "Besty, masyadong malawak ang mundo para umikot ang buhay mo sa iisang tao." "Anong magagawa ko? Tanging pangalan nya lang ang binubulong nitong puso ko!" Inabot ni Claire ang bag saka kinuhang cellphone, may ipinakita itong picture sa kanya. "Besty, tingnan mo? Ang gwapo gwapo nya anuh? Panu ko ipagpapalit ang adonis na ito? Di lang wafu, yummy pa! Naman! nakakaloka pang amoy nya, ang bango bango.. Humahalimuyak sa bango hmm.." Tinitigan naman nyang picture ni Ryle, oo nandun na sya sa paniniwalang magandang lalake talaga ito, pang rampa ang appearance.. Ang problema lang sa lalakeng ito na nahalata nya kapag kasama ito ni Neil, kahit na palabiro, alaskador, maloko ito, mahirap hulaan ang kilos lalo ng iniisip nito. Masyadong maraming nere reserve sa sarili. Napaisip tuloy sya kung anuba ang maitutulong nya sa kaibigang tila desperadang magka jowa. "Besty, landiin mo kaya.. Baka sakaling effective ang ganung diskarte!" "Bawal akong lumandi. Hindi ako marunong." Napapairap pang sagot ni Claire. "Biro lang, Besty! alam ko namang dimu kayang gawin yun eh!" Sablay ang payo nya, napaisip na naman tuloy sya kung anong magandang isa suggest sa kaibigang nangalumbaba na naman. "Hay... Kelan ba'ko magkaka lablyf, Besty?" "Haha.. Grabeh sya! Talagang pino problema mo yun Besty? Eh anuba kasing tipo mong lalaki?" Walang pag aalinlangan nyang tanong kay Claire. "Yung Tipo kong Lalaki? Hmm.. Siguro nga mapili ako sa kung sinong iibigin ko. Yung lalaking paglalaanan ko ng oras at mamahalin ko ng buo. Yung tipo kong lalaki hindi katulad ng mga kakilala kong mga manloloko at babaero, kasi ayaw ko maramdaman ang sakit na pinadama nila sa mga jowa nila kapag ayaw na nila. Yung tipo ko yung matapang, kaya akong ipaglaban sa negatibo kong pag-iisip. Yung kaya panindigan ang salitang 'PANGAKO'. Gusto ko din sa isang lalaki yung kaya akong intindihin, kahit na sobrang kulit ko at topakin maiintindihan niya parin ako. Tipo ko din yung paboritong numero ay 1. Kasi gusto ko ako lang ang mahal niya walang number 2,3, o 4. Yung tipo ko ng lalaki matalino, para alam niya na ang tama o mali. Alam niyang tama ako para sa kanya, at maling mangaliwa. Gusto ko ‘din sana yung lalaking tatapos sa pangarap kong ‘to, dahil alam kong nahanap ko na sya at wala nang iba. Simple lang naman diba? Gusto ko mamahalin ako ng ako lang talaga. Gusto ko marunong siyang maglaan ng oras at intindihin ako. Gusto ko sana sya! ang tanong nga lang gusto nya din kaya ako?" "Yun ang dapat na alamin mo.. pero, sigurado kana bang si Ryle Martins nga ang tinitibok nyang pihikang puso mo, ha! Besty?" Nagniningning ang mga mata ni Claire na sunod sunod ang pagtango sa kanya. "Abay galaw galaw na kung ganun Besty! Para magka pornever kana rin! Este forever pala! Hahaha.." "Leche! Nahahawa kana rin sa kahalayan ni Rowena, Besty! Hahaha" "Di naman masyado, sakto lang naman.." Kaagad nyang sabi. "Ayos lang yan, masaya nga eh! So, anuna Besty, anong hakbang gagawin natin para ma get get aww! ko na si Mr. Dream boy ko?" "Diko nga rin alam eh!" Napakamot na lang sya ng leeg, pati tuloy sya namomroblema na rin kung panu matulungan ang kaibigang napapabuntong hininga na lang. "Tara! Punta muna tayong Bravos, magrelax muna tayo, baka sakaling makaisip tayo ng bagong diskarte para magka jowa kana rin." Tinapik nyang braso ni Claire. Kaagad naman itong tumayo at hinila pa sya palabas ng campus nila. "Tara! Guluhin nating Bad Girls dun!" Natatawa na lang syang umagapay sa mabilis na paglalakad ni Claire. Ito ang gusto nya sa kaibigan, napakabilis magbago ng mood nito, kaya naman sa lima nyang katropa ito lang ang naging Besty nya, kumbaga ang kadikit nya kahit san man sya magpunta, bonus na lang na yung nagugustuhan nitong lalaki ay kaibigan din ni Neil. Oh diba bongga? Mag bff talaga silang dalawa. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD