Mula noon, hanggang ngayon....

2004 Words
Malayo pa lang si Ryle sa bahay nila Neil, nakikita na nitong binata sa lanai ng dalawang palapag na bahay nito. Kinuha nyang cellphone na nakapatong sa dashboard ng kanyang kotse. "Bro, labas tayo!" Yaya ni Ryle pagka sagot ni Neil sa cellphone nito. "Busy ako! Wag kang storbo!" Nagpupunas ng pawis nyang sabi dito. "Weh! Mukhang dika naman busy eh!" Napangisi si Ryle ng makitang nagkamot ng leeg si Neil, alam nyang nakukulitan na naman ito sa kanya. "At panu mo naman nasabi yan abir? Tadong 'to ke aga agang mambwisit!" "Hahaha nakikita kaya kita! Pa push up push up kapa dyan, para kanino ba yang paghahanda ng stamina mo ha?" Pagkarinig nya sa sinabi ni Ryle, napatingin sya sa kalsada. Kaagad nyang nakita ang peste sa loob ng kotse nitong nakababa ang bintana at nakangisi pang kumakaway sa kanya. Pinatay nyang cellphone saka mabilis na tinungo nyang pintuan ng bahay, dere deretsong tinungo ang gate. "Tsk! Bilis mo ah!" Bungad na sabi nya sa kaibigan ng pagbukas nya ng gate nakatayo na ito dun. "Syempre! Alam ko naman kasi na dimu ako matitiis na mangawit kakaantay sayo dito." "Taas ng kumpyansa sa sarili, di naman ako nandito para papasukin ka sa pamamahay ko eh!" "Ows! Talaga ba? Eh ba't moko pinagbuksan ng gate? Hehe." Lalo tuloy nasirang araw nya. Lakas talaga mang asar nitong kaibigan nya, palibhasa alam kasi nitong madali syang mapikon. "Para palayasin ka!" Singhal nya dito. "Ikaw naman.. Parang dimu ako kaibigan kung palayasin mo! Naturingan kapa namang Attorney, pero wala ka namang puso. Sige alis na'ko, pasensya na sa storbo!" Tumalikod na si Ryle at mabagal na naglakad patungong kotse nito. Naiiling na tinawag naman nya ito. "Hoy! San ka pupunta? Itong gate oh!" Kaylapad ng pagkakangiti ng pumihit paharap sa kanya ang kaibigan. "Sabi ko na nga ba, di mo'ko matitiis eh!" Naglakad na ito palapit sa kanya. "Hayop na'to! Kaytindi magpa konsensya! Sarap sapakin eh! Tangna, kapang gigil ka!" "Attorney! Bawal kang magmura, sige ka! baka may makarinig sayo, maipost ka sa social media at mag withdraw ang mga clients mo, sayang naman." Natampal nyang nuo, bago pa sya tuluyang mapikon, tinalikuran na nyang kaibigan. Pumasok sya ng kabahayan, dumeretso ng kusina at kumuha ng maiinom dun, pampakalma sa kumukulo nyang dugo. Nakasunod naman si Ryle sa kanya na pasipol sipol lang. "Ba't kaba nandito? Ano na naman kelangan mo?" Inabutan nya ito ng maiinom. "Nandito ako, para tuparin ang misyon ko?" Kunotnuong napatitig sya sa kaharap na lumalaklak sa beer nitong hawak. "Misyon? Anu naman yun? Kelan kapa naging detective?" Sabagay di naman yun imposible, kasi pulis naman itong mahangin at mayabang nyang kaibigan. "Misyon kong magkabalikan kayo ng long lost love of your life! Anupa ba?" "Gago!" Sinuntok nya ito sa panga. "Aray! Ba't kaba nanapak? Idedemanda kita!" Singhal nii Ryle sa kanya, habang sapo ang pangang nasaktan. "Abogado ako! Baka ikaw ang kasuhan ko! Tangnang 'to! Pinag iinit lalong ulo ko! Lumayas kana nga dito! Panira ka ng araw ko eh!" Naiinis na naglakad sya pabalik ng lanai, kinuhang cellphone na nagri ring. Nakasunod naman sa kanyang alaskador na kaibigan. "Kalma ka lang Bro, ikaw naman dika na mabiro.. hehe." Balik ulit ito sa paglaklak ng beer, umupo sa kaharap nyang upuan at ngumiti ng nakakaloko habang sinasagot nyang tawag ni Mabel. "Yes, Baby?" Napatuwid ng upo si Ryle, sumesenyas itong nagtanong sa kanya kung sinong kanyang kausap. Umiwas sya ng tingin dito. 'Tsk.. Napaka shismoso talaga ng hayop na'to!' "Okay, hintayin mo na lang ako dyan. Love you! Bye, Baby!" Naburang ngiti nya sa labi ng mapasulyap kay Ryle. "Sinong Baby naman yun? May bagong girlfriend kana Bro? Ba't dimu man lang ako ininform? Walangjo naman eh! Kakasama ng loob yang paglilihim mo sakin!" Napapalatak pa nitong reklamo kasabay ng paghampas ng kamay nito sa mesang salamin nya. Nabatukan nya tuloy ito. "Bweset ka! Babasagin mo pa yang lamesa ko! Umalis kana nga!" Tinalikuran nya na ito, kelangan nyang magmadali at susunduin nya pang kasintahan sa bahay nila Claire. Samantalang mainit naman ang usapan ng magkaibigan na nakaupo sa garden, habang naghihintay si Mabel sa pagdating ni Neil. "Kapag pinakilig ka ng isang taong nakakausap mo araw araw siguraduhin mong kaya ka niyang panindigan kapag na fall ka sa mga words of wisdom at banats niya. Kailangan mong siguraduhin na sincere siya sa ginagawa niya at hindi trip trip lang. Depende kasi sa tao kung bakit nagiging sweet sa isa’t isa, yung iba sweet na talaga sa lahat ng tao, yung iba nagiging sweet dahil crush niya ang kausap niya, yung iba nagiging sweet dahil gusto lang nila." Bumaling ito kay Claire "Eh, ikaw ba? Ano ng stage nyung dalawa nung crush mo?" "Sakto lang naman!" Pailalim nyang tiningnan ito, at sa hinuha nya na fall na talaga ito sa poging kapitbahay nito. "Hindi kasi maiiwasan na ma fall ka sa taong palagi mong nakakausap at palagi kang napapangiti, yung kayang baguhin ang mood mo. Minsan nararamdaman mo na parang kulang yung araw mo kapag hindi mo siya nakakausap at bigla bigla mo na lang siyang naiisip. Kapag nagsimula na kayong magpakilig sa isa’t isa walang atrasan na yan. May mga taong delikado, yung mga taong pakikiligin ka tapos iiwan ka na lang na parang walang nangyari, kaya kapag may nakakalandian ka mag isip isip ka na, kung nahulog ka sa kanya, sasaluhin ka ba talaga niya?" "Siguro! Hayzt! Di ako sigurado eh!" Pumapadyak pang sagot ni Claire sa kanya. "Abah! Besty, Siguraduhin mong kayang kaya ka niyang saluhin at hindi ka niya iiwasan kapag nagtapat ka na sa kanya ng nararamdaman." "Ako, talaga Besty! Ako talagang magtatapat sa kanya?" Nanlalaking mga mata ni Claire na napasulyap sa kanya. "Dalawa lang kasi ang pwedeng mangyari Besty, Magiging mutual ang feelings niyo or unti unti na siyang iiwas sayo hanggang sa mawala na. Alin sa dalawa ang gusto mo?" Napahawak bigla sa kanyang dibdib si Claire, halata sa mukha nito ang kaba at pag aalala. "Besty, ngayon kasi eh, mag Best friend lang kami.." "Abah! Lume level up ng ugnayan nyung dalawa ha!" "Syempre! Nag effort naman ako dun, para ma achieve ko ang best friend label namin." Kinikilig pang kwento ni Claire na ikinangiti na lang nya dito. "Besty, yung best friend, yun ‘yung mga taong kahit hindi mo kausapin araw-araw, nandyan pa rin sa tabi mo sa oras ng nangangailangan ka. Sila yung mga taong, magkagalit man kayo, hindi niyo hahayaang matapos ang pagkakaibigan niyo " "Korek! tumpak na tumpak ka naman dyan Besty, ganun kami ni Ryle eh!" "Talaga! Pero bakit parang sa panahon ngayon ginagamit na ang salitang 'BEST FRIEND' bilang underground ng relationship? Ano bang basehan niyo ng best friend?" Napaisip naman si Claire sa kanyang sinabi, di ito nakapagsalita ng ilang minuto na ang lumipas, kaya naisip nyang magtanong dito. "Magbestfriend na ba kayo kapag nagseshare ka ng problema sa kanya? Magbestfriend na ba kayo kapag magkasama kayo lagi at komportable kayo sa isa’t-isa? Magbestfriend na ba kayo kapag marami na kayong napagsamahan?" Hindi nakaimik ang kanyang kaibigan, nakatingin lang ito sa kanya, na para bang sinasabi nitong.. Ituloy lang nyang pagsasalita para maunawaan nitong nais nyang ipahiwatig dito. "Hindi ko maintindihan kung bakit nagagawang tawaging best friend ng isang tao ang kaibigan niyang isang buwan niya palang nakakasama. O yung taong halata namang nilalandi siya. Hindi ko alam kung pangfront lang 'yun o para sumunod lang sa uso. Wag sana natin gamitin ang salitang 'Best friend' para sa landian. Dahil unang-una, hindi mo bestfriend ang isang taong katext mo araw-araw. Hindi mo bestfriend ang isang taong hinoholding hands ka. Hindi mo best friend ang isang taong nilalandi ka. May mga pagkakataong naiinlove kayo sa isa’t-isa, pero hindi yun dahil naglalandian na kayo sa umpisa palang. Iba ang landian sa pagiging magkaibigan." Nakataas pang kilay nya ng abutin ang buhok ni Claire at bahagyang hinila. "Kaya sa mga taong may best friend daw diyan, pero ang totoo, sa umpisa palang gusto nya na ito, 'wag ganun!! Wag gamitin ang pagiging mag bestfriend para magkaron ng lovelife. Naintindihan mo?" "Arayko! Grabeh ka naman sakin Besty! Parang ayaw mo akong maging masaya!" Nakalabing sabi pa nito sa kanya. "Gaga! Syempre gusto kong maging masaya ka, para kang temang! Emote kagad ng di man lang muna inintindi ang point ko!" Hinila na naman nyang buhok nito. "Eh, hindi naman kasi ako kagaya nyo na biniyayaan ng nag uumapaw na pleasing personality" Nangalumbabang sabi pa nito. "Hay naku! Ito na naman po, ang self pity attitude one point two alert.. Besty, Ikaw yung babae na hindi kaagad mapapansin , hindi kaagad titingnan.Hindi ikaw yung pinakamaganda sa lahat ng babae sa mundo. Hindi ikaw yung binabalikan ng tingin. Hindi ikaw yung babae na talented." "Kita mo na! Eh, di inamin mo ring ugly duckling nga ako, Besty! Chakit naman sa puso." Umirap pa ito sa kanya. "Shunga! Makinig kasi muna bago dumakdak diba! .. Hindi ka man ganun! pero ikaw naman yung babae na pagtinitigan mo talaga ,umuusbong yung ganda, yung ugali mo na kakaiba, yung talagang mapapahanga sila pag nakilala ka. Kakaiba ka. Ikaw yung babae na pag nagmahal totoo, yung alam mo sa sarili mo na hindi mo lolokuhin yung mahal mo, Ikaw yung babae na kahit anong mangyari nandyan lang sa tabi ng lalaking iniibig mo, lkaw yung babae na totoo sa mga kaibigan, yung babaeng hindi backstabber. Ikaw yung babae na relihiyosa, yung lagi mong iniisip at sinasapuso na nasa gitna lagi si God sa mga pang araw araw mong ginagawa." Nakita nyang pagpatak ng luha ni Claire, napaka sensitive talaga ng Besry nya kahit kelan.. Inabot nyang nakatuping tissue sa mesa at dahan dahang pinahid ang luha nito. "Ikaw yung babae na uunahin ang iba bago ang sarili. Ikaw yung babae na pag nagmahal balance. Yung tipong hindi mo sasakalin yung mahal mo para hindi siya mawala sayo. Kakaiba kang babae, Besty. maswerte ang lalakeng mamahalin mo, at maswerte siya dahil siya ang napili mo." Niyakap na nya ito ng marinig ang paghikbi ng kaibigan. "Oh my gosh! Napaka swerte ko na may Besty akong kagaya mo! Thank you Mabel ha! My Bff for life!" "Syempre! Besty for life tayo eh!" Tinapik tapik pa nyang likod nito. BEEP! BEEP! Sunod sunod na busina ng sasakyan ang nagpabitaw sa yakapan nilang dalawa. Nagmamadaling napatayo si Mabel sabay hablot ng kanyang bag at nagmamadaling tinungo ng mababang gate nila Claire. "Ba-bye! Besty! Dito ng Baby ko! Text text na lang tayo! Bye!" "Ba-bye! Besty, ingat!" Pasigaw ng boses ni Claire para marinig ng kaibigan na pilit nyang sinusundan. "Sya ang Baby mo?" Gulat na gulat na tanong ni Ryle kay Neil na umaalaylay kay Mabel pasakay ng kotse nito. "Yap! Bakit gulat na gulat ka?" Kanina pa nya tinataboy ang kaibigan para lubayan na sya nito, eh ang kaso magkapitbahay na pala ito at si Claire na kaibigan naman ni Mabel, kaya hanggang dito nakabuntot pa rin ito sa kanya. "Na surprise lang! Kasi, nung huli tayong magkita sa bahay mo, di maganda ang lagay mo, pero ngayon, panatag na ako, kasi your in good hands... " "... With Metrobank! Hahhaha.." Sya ng nagtapos sa sasabihin pa sana ni Ryle. "Tangna! Hahaha... Lumang luma ng kasabihan natin Bro! Palitan na natin.." "Wag na! Ganda nga eh! Unique! Saka yun ng nakasanayan natin mula pa nung maging magkaibigan tayo." "Baby!" Tawag ni Mabel. "Yeah! Dyan na Baby!" Mabilisang tinapik nyang balikat ni Ryle, saka nagmamadaling sumakay sa kanyang kotse. Basta't pagdating kay Mabel natataranta na sya. Sabi nga nya sa kanyang sarili noong makita nyang muli si Mabel... 'Maiksi ang buhay, kaya't labagin ang mga patakaran .. Magpatawad tulad ng mayroon kang amnesia, maniwala tulad ng isang bata, mag mahal na parang baliw, tumawa hanggang sa umutot ka at huwag magsisi sa anumang bagay na nagpapasaya sa iyo.' Tama lang ang naging pasya nya, kasi sa mga nangyaring yun sa kanyang buhay, naging lubos ng kanyang kaligayahan, sa piling ng babaeng pinaka mamahal nya, mula noon, hanggang ngayon. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD