Dear Heart

1944 Words
"Punch! Punch! Then kick!.. Good! Again!" BLAG! Tumilapon si Mabel sa sulok ng magkamali sya ng pagsipa sa trainor nilang si Keros Kitsume, isang Secret Assassin Agent ng Hainsha Underground Organization.. Ito ang pinakiusapan ni Queen na magturo sa kanila ng iba't ibang paraan sa pakikipaglaban. 'Dyoskupoo! Nagtanggalan na yatang mga buto ko sa katawan huhu.. Aruuuyyy...' Di nya malaman kung saang parte ng katawan nya ang unang hahaplusin ng mapaluhod si Claire sabay alalay sa kanya. "Besty, ano kaya paba? Mag rest ka kaya muna!" Nag aalalang sabi pa nito sa kanya. Pilit syang ngumiti dito. "Ayos lang ako, anuka ba? Para ba namang first time ko lang tumilapon, eh sa tuwing insayo naman natin laging nangyayari to sakin." "From the beginning girls, ready in five minutes, okay! Just rest for awhile.. I'll be right back!" Napasulyap silang dalawa kay Keros ng marinig ang sinabi nito bago ito naglakad papasok sa loob ng bahay nila Queen. "Girls! Meryenda muna tayo! Halina kayo dito!" Iinot inot ang kilos ni Mabel ng hilahin sya ni Claire patayo. Nakita nyang palapit sa kanila si R'joy, siguro para tingnan ang kanyang kalagayan, ganito naman talaga ang leader nilang 'to eh! Intimidating lang kung tingnan pero napakabait naman. "Pahinga kana lang muna, mukhang di maganda ang pagbagsak mo eh! May party pa naman tayong pupuntahan mamayang gabi." Tinulungan nito si Claire sa pag alalay sa kanya patungo sa iba pa nilang kasamahan na nag uumpisa ng lumafang. "San bang party mamayang gabi Queen?" Tanong ni Ashley ng tuluyang makaupo na sila sa pabilog na mesa. "Kila Ryle Martins. Birthday kasi ni Tita Mely at invited tayo." "Talaga? Baka ikaw lang ang invited, kami hindi!" Nakairap pang sabi ni Rowena, napahiyaw na lang ito ng biglang hilahin ni Queen ang mahaba nyang buhok. "Aray naman! Nananakit? Grabe ka sakin Queen ha!" "Arte ng gagang 'to! Kung ayaw mong sumama di wag! Kaming lima na lang ang pupunta! Ka bad trip ka!" Inis na pinaghihila pa nyang buhok ni Rowena na napatakbo na lang palayo ng makakuha ng tyempo. "Yan ang reward mo b***h! Bilisan mong takbo, dahil kapag naabutan ka ni Queen, lagas yang blonde mong buhok hahaha.." Sigaw ni Roselia, samantalang tawa lang ng tawa ang ibang kaibigan nila. "Eee! Queen! Joke lang naman yun, dika na mabiro! Waaahhh.. Yoko na pagod nakoooo.." Panay man ang ilag ni Rowena kay R'joy, may pagkakataon pa ring nakakastamba itong mahawakan ang buhok nya, kaya wala na itong nagawa kundi ang makipag manu manong labanan ang leader nila. "Waahh! Queen, totohanan na yang suntok at sipa mo ha! Nakakasakit kana!" Mangiyak ngiyak na napahilata ng higa si Rowena sa semento. Hingal aso ito na panay ang himas sa nasaktang bahagi ng katawan. Habang tawa naman ng tawa si Queen na inupuan pang tiyan nito. "Hahaha! Nagjo joke lang din ako b***h! Hiyaahhh!" Sinabunutan pa nito si Rowena, tuluyan na syang nanggigil dito. "Araayyy! Hellpp! Mga Gagitaa.. tulonngg.. Nabubuang na si R'joy Queen! Araayy..!" "Hahahah.. Enjoyin mo na lang yan Rowena! minsan lang naman manggigil yang si Queen, saka isapa may bayad yan!" Natigilan si Rowena ng marinig ang sigaw ni Ashley sa kanya. Huli na, kasi nakatayo na si Queen at tumatawang lumayo na sa kanya. Pumasok ito sa loob ng mansion. "Talaga? Gaga ka! Ba't ngayon mo lang sinabi! Naku! Sana pala ginalingan ko pang akting ko! Punyemas naman oo.." Mabilis itong bumangon saka papadyak padyak na nilapitan ang mga kaibigan na halos maluha luha na kakatawa sa panunuod sa kanila ni Queen kanina. "Oh! Bad girls!" Inabutan isa isa ni Queen ng sobre ang mga kaibigan pagkabalik nito sa gym. "Mag salon kayo! Mayang 6pm ko kayo dadaanan isa isa.." "Yeess! Grasya na naman ituu!.." Napapalakpak ang lahat sa tuwa at nagkanya kanyang ligpit na ng mga gamit nila. "Queen! Dapat may extra tong sakin ha! Sumakit kayang katawan ko lalo ng anit ko sa mga ginawa mo sakin!" Binilang ni Rowena ang perang hawak, malapad itong napangiti ng 15k lahat ang kanyang natanggap "Hola! Ang swerte ko talaga na naging kaibigan kita, Queen!" Nilapitan nitong kaibigan saka niyakap ng mahigpit. " Thank you so much, mwah!" "Ewww! Laway mo! Kadiri ka talagang bruhilda ka!" Panay punas ni Queen sa pisnging sinadya talagang dilaan ni Rowena. "Bakit ganun ang lasa ng face mo Queen?" "Anong lasa b***h?" Natatawang tanong ni Mabel kay Rowena na panay ang dila sa labi nito. "Lasang datung! Nyahahah.." Bunghalit ng tawa nito saka tumakbo ng palabas ng mini gym nila Queen si Rowena. "Hahaha.. Aray ko, sakit tiyan ko katatawa sa loka lokang yun ah." Bitbit ang bag, naiiling na tumayo si Mabel saka bumaling kay Claire na nagpupunas pa ng kanyang mga mata. "Ang hibang na yun! Napaiyak na naman ako sa sobrang saya.. Hayy! Tara na Besty, gora na tayo! Salamat Queen, sa blessing.. Bye Girls!" "Thanks Queen, Eh panu si Keros? Dipa yata tapos ang training natin." Ani Roselia. "Your welcome! Ako ng bahala kay Keros, sige na magpa beauty kayo, para bonggang bongga ang looks nyo mayang gabi." "Bye girls! Kita kitz na lang mamya." Dahan dahan lang ang paghakbang ni Mabel, masakit pa rin ang kanyang katawan. "Punta tayong Imagari Massage, Besty" "Sure, deretso na tayong Las Piñas nito." Kinuha ni Claire ang bag nya at ito ng nagbitbit. "Salamat!" sabay akbay sa kaibigang naiiling na lang ng lumingon sa kanya. 'MARTINS RESIDENTIAL HOME' "Queen! Masaya ako't nakarating ka." Nagniningning ang mga mata ng Ginang habang pasalubong sa mga bagong dating na bisita. Napangiti ito ng makitang suot na damit ng inaanak.. Naka bra ito ng black and white ang kulay, itim na maong shorts, Nakalugay ang mahabang itim na buhok, may suot itong headband na kulay itim na ang desenyo ay tenga ng pusa. "Happy birthday po Ninang Mely, mwah!" Yakap sabay halik sa pisngi na bati ni R'joy sa Ninang nya. "Salamat, mga kaibigan mo ba sila?" Pinasadahan ng tingin ang mga nakangiting limang naggagandahang kadalagahan sa likuran ni Queen. "Yap! Tita, meet my friends.. Si Ashley!" Unang pinakilala ni Queen si Ashley na nakasuot ng Black sleeveless mini dress, black knitted stockings, may headband ng itim na tenga ng pusa ang desenyo, may pawn gloves at higit sa lahat naka pusang make up ito. "Ang cute mo naman, bagay sa'yong outfit mo!" "Thanks Tita! Happy birthday po!" Halik sabay abot ng regalo nya sa Ginang. "Si Roselia.." Pakilala ni R'joy sa katabing naka white indian mini dress, may headdress ding nakapatong sa ulo nito at naka Indian makeup rin. "Gustong gusto ko yang outfit mo, naalala ko tuloy ang kabataan ni Ryle, nung sumali sya't nanalo ng first price sa patimpalak ng school nila, ganyang costume ang nirepresent nya." "Happy birthday po, Tita Mely! Masaya po ako at nagustuhan nyung suot ko." Inabot muna ni Roselia ang hawak na regalo sa Ginang, saka hinalikan ito sa pisngi. "Ako naman po si Rowena, ang pinaka maganda saming lima, pwera kay Queen, dahil kitang kita naman natin na nag uumapaw sa kagandahan ang kanyang personality, kaya 2nd place lang akitz sa kanya! Happy happy birthday po sa inyo Tita Mel, hmmwah!" "Salamat, Iha! Napakaganda mo namang bata, bagay na bagay sayo ang blonde na buhok." Inayos ang pulang sumbrero at hinaplos pa ng Ginang ang buhok ni Rowena. Nakasuot ito ng pulang tube swimsuit na pinatungan ng puting shorts na may lining na kulay pula rin, may hawak pa itong maliit na kulay yellow na salbabida. Simple lang ang makeup nito. Pula na contact lenses, Eye liner, pulang lipstick, foundation lang sa pisngi na ginuhitan nya ng kulay puti sa gitna. "Hay.. Pinuri na naman ang kanyang sarili tsk! Hello po Tita Mely, ako naman po si Claire, Happy birthday po!" Sabay abot ng kanyang regalo. Nakasuot naman ng mini dress si Claire, white tube top na may itim na ribbon sa bandang dibdib nito at black skirt, nakalugay ang mahaba nitong buhok na naka headband ng kulay itim na tenga ng rabbit ang desenyo, may mga itim din itong guhit sa pisngi at ilong katulad ng sa rabbit, at ang signature lipstick nitong kulay red. "Salamat Anak! ang ganda ganda mo naman, bagay ka saking Anak. Diba R'joy, bagay sila ni Ryle ko?" Kinurot pa nito ang pisngi ni Claire bago bumaling kay Queen na napa thumbs up sa kanya. "Tita, Happy birthday po!" Kaagad na inabot ni Mabel ang kanyang regalo sa Ginang ng bumaling ito ng tingin sa kanya. "Mabel po!" Pakilala pa nya. Sya ang pinaka simple ang kasoutan, Black fitted mini dress, na pinaresan lang nya ng itim na kwentas at bracelet, kagaya ng mga kaibigan nya, may mga guhit na itim din ang kanyang pisngi, may kulay itim ang ilalim ng ilong at itim na lipstick. "Thank you! Mabel, sa inyong lahat.. Ikaw ang pinaka cute." Niyakap pa sya ng Ginang. "Oh kitam! Narinig mo ba yun Rowena, yung may birthday ang kusang pumupuri satin, hindi yung sariling sikap hahahha.." Napairap na lang si Rowena sa narinig mula kay Queen, alam nyang inaasar lang sya ng kaibigan. "Uy! Ang pikon laging talo! Kaya chilax lang tayo dito." Sabi naman ni Ashley. "Honey!" Napalingon ang lahat sa kanilang likuran ng marinig ang boses ng isang lalaki na palabas sa pulang kotse. "Bee!" Sinalubong ng yakap ni R'joy ang kinakapatid nito. " Si Neil Cuenca pala, kaibigan ko." Pakilala ni Ryle sa katabing lalaki na seryosong nakatingin kay R'joy. Di tuloy nito nakita ang palihim na kindatan nung dalawa. "Hi Attorney! Ngiti ka naman dyan! masyado ka namang seryoso." Pinitik pitik pa nyang daliri sa harap ng mukha nito. "R'joy Queen" lihim na napaismid si Neil ng makaharap ulit ang spoiled brat na Anak ng kleyente nyang si Mrs. Madeline Llamedary. Nahiling nya, na sana dina ulit ito makulong para naman mapanatag ng Ina nitong may sakit sa puso. Ibinaling nyang tingin sa mga kaibigan nitong maiingay. Pinagmasdan nya isa isa ang mga kababaihang kung manamit ay takaw pansin. Nahinto ang tingin nya sa pinaka slim at pinakabatang tingnan sa limang nagtatawanan, naghaharutan, nagbabangayan na tila walang pakialam sa kapaligiran. "Mabel!" Nahigit ni Neil ang kanyang paghinga ng biglang lumingon sa kanilang dereksyon ang babaeng pinagmamasdan nya dahil sa pagtawag ni Queen dito. "Yap! Queen?" Nakangiti nitong tanong, na pakiramdam ni Neil sa kanya ito nagtatanong. "Mauna na kayong pumasok sa loob, sunod na lang ako!" Ani R"joy na kay Neil nakapukos ang tingin. Malakas ang pakiramdam nito at marunong syang magbasa ng iba't ibang emosyong makikita sa mukha ng tao.. Isa yun sa mga itinuro ni Keros sa kanya. ' Hmm.. Mukhang lakas tama ni Attorney kay Mabel ah! Lagot ka ngayon samin heheh' "Excuse us Attorney, may pag uusapan lang kami ni Ryle." Bahagya pang tinapik ni R'joy ang balikat nito bago hinila si Ryle sa isang sulok. 'f**k! Bakit dito pa tayo muling nagkatagpo, Mabel Takeda?' Biglang bumilis ang pintig ng kanyang puso. 'Uh-noh masama ito! Di pedeng mangyari ito sakin! Hindi!' Nagmamadali syang bumalik sa kanyang sasakyan , dina nya binigyang pansin ang pagtawag sa kanya ni Ryle. Ang nais nya ay lumayo na lang sa lugar na yun, kung saan nakakaramdam sya ng panganib. Ng tuluyang makasakay na sya sa kanyang sasakyan, nahampas pa nyang manebela para kumalma. 'Dear Heart, wag muna ngayon please!' Tinapik tapik nyang dibdib kung saan mabilis ang pagtibok ng kanyang puso. 'Dipa ito ang tamang panahon para tumibok ka ulit para sa kanya! dahil kapag tuluyan kana namang nahulog sa babaeng yun, sya na naman ang magiging dahilan ng pagbagsak mo!' Mariing naipikit na lang nyang kanyang mga mata ng unti unti itong mamasa.. Na kalaunan ay tumulo na rin ang pinipigilang luha. ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD