HER SECRET : CHAPTER 3

4033 Words
ZINN POV Pakiramdam ko namumula ang mukha ko kaya 'di ako tumingin sa kaniya. Kunwari may tinitingnan ako sa phone ko. "Zinn?" Tawag niya. Tiningnan ko naman siya. "Bakit?" Tanong ko. "Hindii naman siguro masama kong..." pabitin niyang sabi. "Kung ano?" Tanong ko. "Kung kikilalanin natin ang isa't isa." Sabi niya. Hindi ako umimik, wala naman sigurong masama doon. Wala na rin yatang pag-asa na mababago ang isip nila Mommy. "Hmm, o-okay lang naman sa akin." Sagot ko. "So can we go to a date?" Tanong niya. "Date?" Tanong ko. "Yup date friendly date. Getting to know each other, share mo sa akin kung ano ang mga gusto mo at gano'n din ako." Sabi niya. "Ahh okay, sige." Sagot ko. "Okay so let's go?" Sabi niya sabay lahad ng kamay niya. "Saan?" Takang tanong ko. "Mag-date." Diretsong sagot niya. Nanlaki ang mata ko. "Ngayon na? May pasok pa tayo, at saka kailangan kong bumawi sa absent ko." Sabi ko sa kaniya. "It's okay ako ang bahala." Nakangiting sabi niya. "Seryoso? Pagnapagalitan ako ikaw ang sisisihin ko." Banta ko. Tumawa naman siya. "Oo nga, ano tara na?" Tanong niya . "Sige na nga, basta libre mo." Nakangiting sabi ko. "Sure, no problem." Sagot niya at lumabas na kami sa detention room. Tapos na rin ang isang oras namin doon. Dumiretso kami sa parking lot kung saan nakaparada ang kotse niya. Pinagbuksan niya ako bago siya sumakay . "Harris, puwedeng magbihis muna ako? Daan lang tayo sa bahay saglit." Sabi ko. "Yeah sure, para naman alam ko kung saan kayo nakatira." Sagot niya. Sinabi ko sa kaniya ang address ng subdivision. Pagdating namin pinapasok ko muna siya. "Yaya Fe, paki bigyan po muna ng juice si Harris, magbibihis lang po ako." Sabi ko kay yaya. "Sige iha, teka wala ba kayong pasok?" Tanong niya. "Ahm, wala po." Sagot ko. Umakyat na ako sa taas para magbihis. Nagsuot ako ng white blouse at pinarisan ko ng black na palda. Nag suot din ako ng close shoes. "Tara," sabi ko kay Harris pagbaba ko. "Let's go," sabi naman niya. Nasa biyahe na kami nang maisip kong itanong sa kaniya kung saan kami pupunta. "Harris, where are we going nga pala?" Tanong ko. "Hmm, sa mall or if you want sa amusement park." Sabi niya. "Hmm, sa mall na lang siguro." Sagot ko. "Okay, no problem." sagot niya. Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Mayamaya pa nasa mall na kami. Bumaba siya at pinagbuksan niya ako ng pinto. "Thanks." Sabi ko. Pagpasok namin sa loob may mga taong nakatingin sa amin. "Saan mo gustong una nating puntahan?" Tanong niya. Napaisip naman ako, naalala kong 'di ako nakapag-snack. "Jollibee," nakangiting sabi ko. Natawa naman siya sa akin. "Jollibee lover ka pala. Cute." sabi niya. Napanguso naman ako. "Ano bang masama kung 'yon ang gusto ko. Spaghetti lang naman sundae at float nila ang gusto ko." Sabi ko. "Quit pouting, okay sa Jollibee na tayo baby ko." sabi niya at pinisil ang pisngi ko. "Ang sweet naman no'ng guy. Ang guwapo pa." Sabi ng mga babaeng nakakita sa ginawa niya. "Bagay sila, maganda rin si girl parang model." Sabi naman no'ng isa. Yumuko na lang ako para takpan ang mukha ko. "Zinn, wait me here order lang ako." Sabi sa akin ni Harris. Tumango na lang ako at nanupo . Mayamaya ay bumalik na si Harris dala ang order niya. Gaya ng sinabi ko 'yon ang in-order niya para sa akin. "Here is your order, miss," pabiro niyang sabi. Tumawa na lang ako at kinuha ko 'yon. "Puro ka biro e, 'no? Thanks, akala ko 'di mo naalala ang favorite ko." Sabi ko sa kaniya. "Ako pa ba, let's eat," sabi niya. Inumpisahan ko nang kainin ang spaghetti ko. Ang sarap talaga 'di nakakasawa. "Zinn, dahan-dahan lang 'di naman tayo nagmamadali e." sabi ni Harris. "Na miss ko kasi 'to. Ngayon lang ako ulit nakakain dito." Sabi ko sa kaniya. "Takaw mo pala. " Natatawang sabi niya. Hindi ko siya pinansin at tuloy lang ako sa pagkain. Sinunod ko naman ang sundae ko at float. "Hindi naman pala worst ang buong araw ko." Sabi ko. "Don't worry, if you have a bad day, I'm here to make you happy," sabi niya sa akin na ikinapula ng mukha ko. "You're blushing my girl." Sabi niya. Hindi ako sumagot at tuloy lang ako sa pagkain ng sundae at sinunggaban ko naman ang coke float. "Zinn," tawag niya. "Hmm, bakit?" Tanong ko. Hindi siya umimik at kumuha ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi ko. "There," sabi niya . "T-thanks," nahihiyang sabi ko. Nakatingin sa amin ang ibang customer sa loob. Ang iba kinikilig sa ginawa ni Harris. May grupo naman ng mga lalaki na nakatingin sa amin at parang pinag-uusapan kami. "Are you done?" Tanong ni Harris. "Ahm, i-take out ko na lang 'tong float." Sabi ko sa kaniya. "Okay, let's go. Those guy's keep on watching you, I don't like it." Sabi niya. Napatingin naman ako sa mga lalaki. Teka nagseselos ba siya? "Tara." Sabi ko at tumayo na ako. Kinuha niya ang kamay ko at magkahawak kamay kaming lumabas. "Where do you want to go next?" Tanong niya. Napa isip naman ako, naisipan kong mamili ng bagong dress . "Ahm, okay lang ba sa'yo kung magpasama akong mamili ng dress?" Nag aalangang tanong ko. "Oo naman actually may boutique ang pinsan ko dito. Let's go I bring you to her." Sabi niya sa akin. Hila na naman niya ako, ang hilig niya manghila hays. "So, tell me your favorites, 'di ba usapan natin na we're getting to know each other?" Sabi niya habang naglalakad kami. "Hmm yup. Well, mahilig ako sa black color and white. Pili lang din ang ibang kulay na magugustuhan ko. Sa foods spaghetti, sundae, float, menudo, and marami pa, food lover kasi ako. I love music, alam mo na rin 'yan. And last sports, volleyball and tennis, badminton din minsan." Sabi ko. "Hmm, okay. So ako naman, bilang lang ang food na gusto ko. I love ice cream, and other dessert. I love music too, sports basketball of course. Mahilig din ako sa dark color." Sabi naman niya. "Eh sa ugali?" Tanong ko. "Pinanganak akong guwapo at mabait. Pero may pagka-suplado din naman ako." Sabi niya. Hindi talaga mawala 'yang guwapo na 'yan. "Hmm. Ako naman, mabait na suplada. Nakikipag-suntokan ako, ayoko rin na kinukulit ako. Ayoko na iniistorbo at ayokong pinapakialaman ang gamit ko. Strick ako sa gamit ko eh." sabi ko. "Halata naman," natatawang sabi niya. Loko din to hays. "Where here, hey cous' good day." bati niya sa babaeng matangkad at maganda, parang modelo. "Hey Harris, what you doing here? Oh, sorry may kasama ka pala. Hi, I'm Hazel, Harris cousin." pakilala niya sabay lahad ng kamay. Tinanggap ko naman 'yun. "Lauriett Zinn, nice meeting you." pakilala ko. "Nice meeting you too, Lauriett, nice name ha, bagay sa 'yo you're beautiful." Sabi niya,. Nginitian ko lang siya. "Cous', 'di mo sinabing may girlfriend ka na. Infairness she's beautiful, and bagay kayo." Sabi nito kay Harris. "Ahm, hindi niya po ako girlfriend," nahihiyang sabi ko. "Not yet. But soon," sabat naman ni Harris. "Ahh, so nililigawan mo?" Tanong ng pinsan niya. "Not yet." Simpleng sagot niya habang tinitingnan ang mga dress. Ako naman namimili din, sa daming magaganda 'di ko alam anong pipiliin ko. "I have a new arrival dress here Zinn, tara doon tayo." Sabi niya sa akin at hinila ako. Pagkatapos kong mamili at isukat ang mga dress binayaran ko ang mga 'yon at nagpaalam na kami. Niyaya naman ako ni Harris mag arcade. "Anong lalaruin mo?" Tanong ko. "Basketball, come on. Let's make a deal, kapag natalo mo'ko bibilhin ko kung ano ang gusto mo. Kapag, natalo kita hmm... liligawan kita officially." Sabi niya sa akin. Seryoso? Manliligaw siya? "Gano'n, sige deal." Sang-ayon ko at nagsimula na kaming maglaro. Muntik na akong matumba dahil sa mga lalaking nasa kabila na naglalaro. Alam kong nanadya sila pero hindi ko lang pinansin no'ng una. "Hey, ano ba!? Nadadamay na 'yung ibang tao sa ginagawa niyo." sabi ko. Nagtutulakan kasi sila at natatamaan ako. "Ayy sorry, miss, hindi namin sinasadya." Paghingi ng sorry no'ng isa. Lumapit naman si Harris sa akin. "Are you okay? Nasaktan ka ba?" Tanong niya. "No, I'm fine." Sabi ko . "Hey you," tawag niya doon sa mga lalaki. "You did it in purpose right? Kanina ko pa kayo binabantayan. I know you're following us." Sita niya sa mga lalaki. Nagbulungan naman sila. "Napansin mo pala kami. Talas naman ng paningin mo, pre." Sabi ng isa. "Yes of course, pati 'yong pagbangga sa girlfriend ko sinadiya niyo din." Sagot niya. "Alam mo pare, relax ka lang. Sino ba naman kasi ang hindi maakit sa girlfriend mong mala-anghel ang mukha?" Sabi ng lalaki at tiningnan ako mula paa hanggang ulo na parang hinuhubaran. "F*ck you! I will call a security at ipapakaladkad ko kayo." Galit na sabi ni Harris. "Harris, 'wag na. Tara lumabas na lang tayo dito." Sabi ko sa kaniya. "Teka, teka," sabi nung isang lalaki at hinawakan ang braso ko. "Don't touch my girlfriend you jerk!" Galit na sabi ni Harris at iniwaksi niya ang kamay nung lalaki at hinila niya ako. "Alam mo ikaw ang yabang mo, akala mo kung sino ka. Kung ayaw mong may ibang tumitig diyan sa jowa mo eh 'di wag mong ibalandra. Dahil kahit sinong lalaki maakit sa kanya!" Sabi nang lalaki. "Bastos ka ah!!" Susugurin na sana ni Harris 'yong lalaki ngunit pinigilan ko siya. "Harris 'wag hayaan mo na 'yan sila. Wala lang magawa ang mga 'yan." sabi ko habang nakaharang sa kanyia. "Ano ha? Ba't di mo ituloy ang yabang mo! Porke mayaman ka!?" Sabi ng lalaki. "Puwede ba tumigil ka na! Kung gulo ang gusto niyo wag kayo dito maghanap!" Sita ko. "Iyang boyfriend mo pagsabihan mo Miss 'wag kami!" Sagot niya. "Tara na Harris, nagsasayang lang tayo ng oras sa mga taong 'yan!" Sabi ko kay Harris. "Duwag!" Sigaw nung isa. Hindi ko na talaga kayang pigilan ang sarili ko. Parang may sariling isip ang paa ko at bumalik sa kanila at sinuntok ko ang lalaki. Bagsak siya sa sahig na walang malay. Napasobra ata ang suntok ko. "Toll!" gising sa kaniya nang mga kasamahan niya. "Anong ginawa mo?" Tanong nila . "Bulag ba kayo? Sinuntok ko, ano may gusto pa bang magpasuntok? Lapit!" Sigaw ko. Nag atrasan naman ang iba at gulat na gulat. "Sa susunod, 'wag kayong mang hamon kung sa isang suntok lang tulog agad kayo. Ka lalaking tao bahag naman ang buntot. Mga manyak!" Sabi ko sabay tinalikuran sila. Hinila ko naman si Harris palabas ng mall. "Hoy!" sigaw ko. "Nakatulala ka diyan?" tanong ko. "H-how d-did you?" Utal na tanong niya. "Gulat ka ba? Sabi ko naman sa'yo 'di ba, nanununtok ako. Kaya lang napasobra ko ata 'yung pagsuntok ko." Sabi ko habang nasa ibang deriksyon ang tingin ko. "I-i can't believe it. Para kang lalaki manuntok. Daig mo pa yata ako." Hindi makapaniwalang sabi niya. "Wala e, na ubos yung pagtitimpi ko." Sabi ko. Binuksan na niya ang kotse at pumasok ako. Sumunod naman siya sa kabila. "Is it hurt?" Tanong niya habang tinitingnan ang kamay ko. "Nope. Don't worry okay lang ang kamay ko." Nakangiting ko niya. Pinaandar na niya ang kotse at pa uwi na kami. "Great date," sabi niya habang nasa kalsada ang tingin. "Better luck next time." Sabi ko. "Yeah, and don't do that again." Sabi niya. "What?" Tanong ko. "Thant thing," tukoy niya sa ginawa kong pagsuntok kanina "Ahh yes sir." Tawang sagot ko. Tahimik kami habang nasa biyahe. Nakarating na rin kami sa bahay. "Thank you for this day. Kahit hindi naging maganda." Naka ngiting sabi niya. "Thank you din ingat ka pa uwi." Sabi ko sa kaniya at pumasok na sa loob. "Zinn," tawag niya. "Bakit?" Tanong ko "I'll fetch you tomorrow, sabay tayong papasok." Sabi niya. "Sure." sagot. Tumango naman siya sabay paandar ng kotse niya. Pagpasok ko sa loob dumiretso ako sa kuwarto ko at inayos ang mga dress na nabili ko. Binuksan ko naman ang phone ko at sunod-sunod na text ang dumating . Text ni Audrey ang una kong binasa... "Buds, punta ka bukas dito sa bahay. Nakauwi na ako." Sabi niya. "I try buds, may pasok ako bukas. But try ko pagaling ka pa." reply ko. Sunod naman text nila Megan. Hindi ko na ni replyan baka 'di na ako tatantanan, madaldal pa naman isang 'yon. Pumasok ako sa banyo at nagbabad sa buthtub. Kinabukasan habang nag aalmusal kami.... "Excuse me po Maam, Sir may bisita po si Miss Zinn." Sabi ng isa naming katulong. Nilingon ko naman siya at tinanong. "Sino po ate Jean?" Tanong ko. "Maam, Harris po ang pangalan." Sagot niya. Doon ko lang na alala na sabay pala kaming papasok. "Oh his here papasokin mo yaya," singit ni Mommy. "Mabuti naman at nagkamabutihan na kayong dalawa anak." Masayang tugon ni Mommy. "Yess Mom, actually nag mall po kami kahapon. And hinatid niya ako dito sa house, then he said na susunduin niya ko at sabay na kaming papasok." Sagot ko. "Good to hear that anak. Well mukhang hindi na kami mahihirapang pagkasunduin kayong dalawa." sagot ni Dad. Ngumiti lang ako at maya maya pa pumasok na sila sa dining. "Good morning Tita and Tito." bati ni Harris sa kanila. "Good morning too iho. Come and join us." yaya sa kaniya ni Mom. "Thanks Tita," sabi niya at umupo sa tapat ko. "Good morning Zinn." bati niya sa akin sabay ngiti. "Good morning, kain ka na." alok ko sa kaniya. Kumuha siya ng sandwich and juice. "So, okay na kayong dalawa?" Tanong ni Mom. "Ahm yes, Tita, we're getting to know each other. Para hindi kami magmukhang stranger sa isa't-isa." Sagot ni Harris. "That's good. Well, next week we will announce your engagement party. Okay lang ba 'yon sa inyo?" Tanong ni Dad. Hindi ako nakasagot kaagad, bumara ata sa lalamunan ko ang kinain ko. Uminom muna ako ng tubig bago nagsalita. "Ehem, Mom, Dad masyado po atang mabilis. I mean, yes I agree na kilalanin namin ni Harris ang isa't-isa but, it's too early for the engagement . Hindi ba pagka-graduate pa naman po kami magpakasal." Sabi ko sa kanila. "Yes, but we want the both of you will live in one house. That's why, we decide na i-engaged kayo." Sagot ni Mommy. "But Mom," may pagtutol na sabi ko. "Anak, it's okay hindi naman kayo magtatabi matulog. Titira lang sa iisang bahay, para mas makilala niyo pa ang isa't-isa isa, para kapag nakasal na kayo hindi na kayo mahirapang pakisamahan ang isa't-isa." Sabi niya. "Your Mom is right Zinn." Singit naman ni Daddy. Inubos ko na ang pagkain ko at hinintay na lang si Harris. "Harris," tawag ni Daddy sa kaniya. "Yes Tito," sagot niya. "Is it okay to you na titira kayo sa iisang bahay ni Zinn? I mean, mapagkatiwalaan ka ba namin?" Tanong ni Dad sa kaniya. Tiningnan ko naman siya at umayos siya ng upo. "No problem Tito. If that's what you want and your decision between my parents." Sagot niya. "And don't worry I guarantee to you that, I will take good care of you daughter Tito, Tita." dugtong niya. "Thank you iho," sabi ni Dad sa kaniya. "Ahm, aalis na po kami Mom, Dad. Baka po ma-late kami." Paalam ko. "Sige Tito, Tita una na po kami." Paalam naman ni Harris. "Take care the both of you okay," sabi ni Mom. "Yes Tita, thanks," sagot niya Lumabas na kami ng bahay at sumakay ng kotse. "Are you okay?" Tanong ni Harris. "Yeah, looks like matutuloy 'yong arrange marriage natin. And nag-decide ulit sila without asking us." Sabi ko na nasa labas ng kotse nakatingin. "Wala naman sigurong masama doon. Mas makikilala natin ang isa't-isa isa kapag nasa iisang bahay tayo. Don't worry 'di naman ako pabigat if that's what you think." Sabi niya. "No, hindi 'yan ang iniisip ko, pa'no kung malaman ng school na nagsasama tayo sa iisang bahay? Ano na lang iisipin nila?" Tanong ko sa aking sarili. "Sila na bahala doon. Wala na rin tayong choice, sila pa rin ang masusunod." Sagot ni Harris. Hindi na ako nagsalita hanggang makarating kami sa school. Na una siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Pagbaba ko sa kotse nasa amin ang tingin ng mga students Bulungan dito, bulungan doon, well ano pa nga bang aasahan ko everyday naman ganito. "Zinn!" Isang matinis na boses ang sumalubong sa amin ni Harris. No other than his cousin si Megan 'yong boses niya parang inipit na daga. "F*ck, your voice is annoying cous'," sabi ni Harris. "Tse, saan mo dinala ang sissy namin kahapon ha? Hindi kayo pumasok sa next subject at buong araw." sermon niya. "Date." Boring na sagot ni Harris. "Whatttt!?" Sigaw nito. "Megan 'yung boses mo 'di naman kami bingi." Reklamo ko. "Ay sorry," sabi niya sabay peace sign. "Pero sagutin niyo nga tanong ko, saan kayo nagpunta kahapon?" Tanong niya ulit. "Nag mall," sagot ko . Papunta na kami ng classroom ng sumalubong naman si Trisha.. "Sissy na miss kita," sabi nito sabay yakap sa akin. Dalawang araw lang naman akong hindi nakapasok. "Over kayo ha parang isang taon niyo 'kong 'di nakita." Sabi ko sa kanila. "Ang daya ha, nag mall kayo without asking us. Hoy cous' libre mo kami ng snacks mamaya at lunch. Kinidnap mo kaibigan namin." Sabi ni Megan. Nagtawanan na lang kami sa reaksyon nila. "Ayy wait, sabay kayong dumating?" Tanong ni Megan. "Nope, sinundo ko siya sa kanila." Sagot ni Harris. "Ohw okay,, hmm I smell something. Ikaw Trish, may na amoy ka?" Tanong ni Megan. "Hmm, bukod sa pabango wala na bakit?" Sagot naman ni Trisha. Sabay kaming napahagalpak ng tawa ni Harris sa kaniyang reaksyon. Habang napa tampal naman sa kaniyang noo si Megan. "Laughtrip Trisha, tuloy mo 'yan," sabi ko habang nakahawak sa tiyan ko. "Slow," sabi naman ni Megan. Napatigil naman ako sa kakatawa ng mapansin kong nakatingin silang tatlo sa akin. "Ahm m-may problema ba? Bakit ganiyan mga mukha niyo?" Takang tanong ko. "You look more beautiful when you are laughing." komento ni Harris. Napayuko naman ako at tinalikuran sila . Pakiramdam ko namula ang mukha ko. Napa sobra pala pagtawa ko. "Hoy, tingnan mo 'to nang iiwan ganiyan ka ba kiligin sis?" Sabi ni Megan. Nilingon ko sila na naka seryoso na ang mukha. "Faster, ma-le-late na tayo sa first class." Sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Pagkatapos ng first and second subject papunta na kami ngayon sa cafeteria. "Sissy, gala tayo bukas total sabado naman hindi ba you know mag mall and gala." Sabi ni Megan.. "Ayy bet ko yan sis, punta tayo amusement park." excited na sabi ni Trisha. "Sure and ipapakilala ko din kayo sa mga friends ko." Sabi ko sa kanila. "Talagaa? I'm excited na," sabi ni Trisha. "Hindi ka magpapaalam sa akin?" Biglang singit ni Harris. Nilingon ko siya na may pagtataka. "Paalam? Hindi ka ba sasama?" Tanong ko. "Oo nga naman couz, tapos isama mo na rin sila Vincent," singit ni Megan. "Hmm okay, I will call them na sasabay sila sa atin mag snacks para masabihan ko." Sagot naman niya. "Iyon naman pala eh," nakangiting sabi ni Megan. "Asus, crush mo kasi si Vincent." Sabi ni Trisha. "O-oyy, hindi ah slight lang. Sino ba naman kasing 'di magka crush do'n, guwapo niya kaya." Sabi nito na parang kinikilig. "Tss, kung may crush siya sa'yo? Don't assume too much." Pang aasar ni Harris, nagtawanan naman kami ni Trisha. "Ang sama mong pinsan eh no? H'wag ka din sanang i-crushback ng crush mo!" Sabi nito sabay na unang naglakad. "It's really hurt." Natatawang sabi ni Trisha. Nasa loob na kami ng cafeteria at hinanap namin si Megan, nasa may dulo siya habang kinakalikot ang phone niya. "Hoy, sorry na 'di ka naman mabiro. Andiyan na sila Vincent oh, sige ka papangit ka kapag nakasimangot ka." Pang aasar ni Harris. "Tsk. Balakadiyan 'wag mo 'kong kausapin!" Pag susuplada nito. "Okay, girls what do you want to order? Libre ko kayo, 'yang iba diyan 'wag ko daw kausapin e 'di walang libre." Pagpaparinig ni Harris. "One slice red velvet cake and drinks, ikaw na bahala kung ano." Sabi ko. "Sa akin naman hmm... tuna sandwich and coke in can." Sabi naman ni Trisha. "Okay, oorder na ako. Wala na bang iba.." sabi ni Harris , pero di pa rin siya tumayo. Habang si Megan naman busy sa phone niya. "E-order mo na lang din 'yan," sabi ko na nakatingin kay Megan. Tumango naman si Harris at naglakad na papunta sa counter. Habang hinihintay namin in-open ko ang phone ko dahil may nagtext, si Wendy... "Hey buds, dito ka mag lunch later please," sabi niya sa text. "Ahm sige, sige can i bring my friends and classmates?" Tanong ko. Nagreply naman agad siya. "Talaga? May friends ka na diyan okay, okay bring them ng makilatis namin. Isama mo din 'yung soon to be fiance mo." Reply niya with smile emoticon. "Okayy," reply ko at pinasok ko na sa bag ang phone ko, dumating na rin si Harris dala ang order namin. "Here," abot niya sa akin ng snacks ko. Binigay naman niya ka Trisha at kay Megan ang snacks nila. "My peace offering," Sabi niya dito. Tiningnan naman iyon ni Megan. "Alam na alam mo talaga kung ano magpapagaan ng loob ko noh? Tsk, kainis alam ko naman na 'di ako magustuhan ni Vincent e, ni real talk pa." Seryosong sabi niya. Napatingin naman kaming tatlo sa kaniya. "I was just kidding okay, I'm sorry," pag so-sorry ni Harris. "Hays forgiven, kung 'di ko lang favorite 'tong in-order mo 'di ko tatanggapin. Thank you couz," sabi nito na niyakap ang braso niya. "Yeah welcome let's eat." Sabi niya. Nakakatuwa silang panoorin, hays I miss my cousins. Mga rich kid kasi kaya halos nasa abroad nag-aaral. "Ehem, dre what's up?" May tatlong lalaking lumapit sa puwesto namin. Siguro sila na 'yung mga kaibigan ni Harris. "Hey, doing good. By the way let me introduce to you my cousin Megan, her friends Trisha and Zinn." Pakilala sa amin ni Harris. "Hello, beautiful lady's." Bati nila sa amin. "And girls, they are my friends Vincent, Nathan and Christof." Nakipag-shake hands kami sa kanila at umupo sila sa tapat namin. "Ano nga pala meron at pinatawag mo kami?" tanong ni Nathan. "Nagyaya silang gumala bukas kaya tinawagan ko kayo at pinapunta dito baka gusto niyong sumama." Sabi ni Harris. "Ahh 'yon lang pala no probs, basta chix ang kasama go kami diyan." Sagot naman ni Vincent. Si Megan naman parang hindi mapakali sa puwesto niya. "Megan are you okay? Kanina ka pa 'di mapakali," Tanong ni Trisha. Napatingin naman kaming lahat sa kaniya. "O-okay lang ako ano lang, hays e-excuse muna washroom lang ako." Sabi niya at nagmadaling umalis. "Sasamahan ko lang si Megan," paalam ni Trisha. "Sige sige." Sagot namin. "So, you are the transferee right?" tanong ni Christof. "Yeah ako nga." Sagot ko naman. "Ahm Zinn, puwedeng magtanong?" Sabi ni Nathan. "Yes, what is it?" Tanong ko. "Do you have a boyfriend?" Tanong niya. Nagulat naman ako at 'di agad nakasagot. "What the hell Cruz!" Sabi sa kaniya ni Harris. Malakas ang boses niya at pinagtinginan kami. Tawang-tawa naman ang tatlo niyang barkada na halatang inaasar lang siya. "Dre easy, I'm just asking don't worry hindi ko aagawin 'yan sa'yo. I know, you have feelings for her." natatawang sabi ni Nathan. "Alam mo Zinn, Harris told a lot of things to us about you. And he told us about doon sa pagsuntok mo sa lalaking nambastos sa'yo sa mall. And crush ka din daw niya." kuwento ni Vincent. Gulat akong napatingin sa kanila. "Tss, daldal talaga," usal ni Harris. "Ayy sorry," sabi ni Vincent sabay nag peace sign siya sa akin. "N-no, it's okay. Totoo naman 'yong sinabi niya sa inyo." Sabi ko. "Talaga? Ginawa mo 'yon?" Tanong ni Christof. Tumango lang ako at inubos ko na ang cake ko. Dumating na rin sila Megan at Trisha galing sa washroom. Nagpaalam naman ang tatlong lalaki at bumalik sa kanilang klase gano'n din kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD