HER SECRET : CHAPTER 2

4130 Words
ZINN POV "Long time no see, Dark Angel Gang," sabi ng leader nilang si Venom. Napangiti naman ako sa kaniya, ang lakas ng loob manghamon. "Handa na ba kayong matalo ngayon?" mayabang na tanong niya. "Too many chitchat Venom, simulan na natin dami mong kuda!" sagot sa kaniya ni Ella. Isa-sa silang sumugod sa amin, ilag lang ako ng ilag habang pinapatamaan ako ni Venom. "Ano na Black? Iilag ka na lang ba? Naduduwag ka na ba?" tanong niya sa akin. "Tss,," singhal ko. Nakakita ako ng tiyansa at sinikmuraan ko siya sabay suntok. "Argghhh," daing niya sabay ubo. "Ang yabang mo pa rin, wala ka naman palang binatbat!" sabi ko sa kaniya . Tumayo siya at may dinukot sa kanyang gilid, katana! Panigurado akong may lason ito, tsk madaya! "Sikapin mong makailag, para masikatan ka pa ng araw," sabi niya sabay takbo papunta sa direksyon ko. Inilagan ko lang iyon. "Tss weak," singhal ko. Umikot ako at pumunta sa likod niya sabay sipa. Tinadyakan ko siya ng sunod-sunod. Naglabas ulit siya ng katana, pero bago niya iyon naipatama sa akin napigilan ko ang kamay niya. "Sayang ang lason kung hindi mo man lang ako natatamaan Venom. Hanggang ngayon, mayabang ka pa rin. Hindi ka na nadala, ilang beses na naming tinalo ang grupo niyo, ngunit ito ka naghamon ulit," madiin kong saad sa kaniya. "Wala kang pakialam, ibabagsak namin ang grupo niyo. At kapag nangyari iyon, ako na ang malakas na babaeng gangster sa underground at ikaw, mawawala na sa'yo ang trono mo!" Smsagot niya. Tumawa ako ng malakas. "Nagpapatawa ka yata, sa tingin mo matatalo niyo kami? Look around, tingnan mo ang mga kasama mo! Dalawa na ang bagsak!" sabi ko sa kaniya. Tiningnan naman niya ang mga kasama niya at gulat siya sa nakita niya. "I won't let you win this time," sabi niya sabay gulong, ngayon siya na ang nasa ibabaw ko. Hindi ako makagalaw ng maayos dahil pigil niya ang katawan ko at ang kamay ko ay nakahawak sa kaniya. "Kung ako sa 'yo, magdasal na ako sa mga santo dahil ito na ang huling gabi mo." Pagkatapos niyang sabihin iyon sinikmuraan niya ako at buong lakas niyang tinutok sa akin ang katana niya. Kunwari ay nawawalan na ako ng lakas, malapit na niyang isaksak sa akin ang katana niya. Humugot ako ng hangin at buong lakas kong binunggo ang ulo niya dahilan para mahilo siya at umalis sa ibabaw ko. Dali-dali akong tumayo at hinila ang buhok niya. "Hindi mo ako mapapatay tangaa!" sabi ko. Sinikmuraan ko siya at siniko ko ang batok niya. Kasabay no'n ang pag ikot ko at buong lakas ko siyang sinipa. Bagsak at walang malay... "Ang boring ng labang ito," sabi ko sa sarili ko nang biglang sumigaw si Wendy. "Black si Red!" Tiningnan ko naman si Audrey na nakahiga at hawak ang hita niya. Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan niya. "Red, red tumingin ka sa akin. Sh*t ang bilis kumalat ng lason," usal ko. "B-black ang sakiiiittt, ahhh k-kanina pa ako nasugatan ngayon ko l-lang naramdaman ang sakit. Aarggghhh," daing niya . Tinanggal ko ang belt ko at ginapos sa hita niya para hindi kumalat sa buong katawan niya ang lason. Pagnagkataon mababawasan kami. Hindi, hindi ako makakapayag dinala ko siya sa tabi. "Dito ka lang, 'wag kang pumikit. Ipaghihiganti kita," gigil na sabi ko. Kinuha ko ang maliit na punyal na ginagamit ko kapag naiipit na kami sa laban. Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan nila Wendy at apat kaming nakipaglaban sa tatlo. Inagaw ko sa isa ang katanang hawak niya at hiniwa ko siya hita niya. "Damhin mo ang sarili niyong lason. Mga hangaal!" sigaw ko sabay sipa sa kaniya. Bagsak siya at nawalan ng malay. "Black, 'wag kang magpapadala sa galit. Alalahanin mo ang nag-iisang rules natin. 'Huwag Pumatay.'" paalala sa akin ni Ella. Hindi ko siya pinansin, tuloy lang ako sa ginagawa ko. WaLa akong pakialam kung makapatay man ako ngayong gabi. Buong lakas kung tinadyakan ang isa, 'di ako nakuntento, sinaksan ko siya gamit ang punyal ko. "This is bad, hindi na nakikinig si black sa atin. Baka makapatay siya," rinig kong sabi ni Wendy. "Black tama na!" tawag nila sa akin. Hininto ko ang ginagawa ko at tinalikuran sila. "Buhay pa ang mga 'yan." sabi ko. Pinuntahan ko si Audrey at tiningnan ang kalagayan niya. "Audrey, Audrey sumagot ka! Audrey!" sigaw ko. Lumapit naman sila sa Ella at Wendy. "F*ck Audrey no, no, no! Audrey labanan mo ang lason. Please 'wag kang mamatay," umiiyak na sambit ni Ella. "P-pumikit lang ako, 'di pa ako mamatay Ella. G-grabe ka buds, 'di ko pa naranasang magka-jowa," pabirong sabi niya. "Puwedeng 'wag ka na magsalita? Uuwi na tayo, gagamutin natin ang sugat mo. Please labanan mo," sabi ni Wendy. Binuhat namin siya palabas ng arena. Binilisan naming makarating sa van at sumakay kami. "Tatawagan ko si Doc. Salazar, siya lang ang nakakaalam sa antidote ng lason," sabi ko sa kanila. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang doctor namin. Mabilis ang takbo ng sasakyan namin papunta sa bahay ni Doc. Salazar. Maya maya lang nasa gate na kami at sinalubong ng mga tauhan niya. "Good evening, kayo ba ang mga bisita ni Doc?" tanong no'ng isang lalaki. "Kami nga," sagot ko. Binaba namin si Audrey at agad naman silang nagsilapit at binuhat siya. "Salamat. Paki dahan-dahan lang mga kuya," sabi naman ni Ella. Pumasok kami sa loob at dumiretso sa clinic niya. "Good evening, siya ba ang kaibigan niyong sugatan?" tanong sa amin ni Doc. Salazar. "Siya nga po Doc. May lason po 'yong nakasugat sa kaniya. Please doc, gawin niyo ang lahat mailigtas lang ang kaibigan namin," pagmamakaawa ko. Hindi ko kakayanin kung may isa na naman sa amin ang mawala. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. "Don't worry Lauriett ako na ang bahala sa kaibigan niyo," sabi niya sa akin. Sinuri niya ang sugat ni Audrey. Putlang putla na siya at walang malay. Pinadugo niya ng mabuti ang sugat ni at nilinis niya ito at may itinurok siya. "Doc ano 'yong tinurok niyo sa kaniya?" Tanong ni Wendy. "Antidote, hindi naman masiyadong makamandag ang lason. Pero puwede niya pa rin ikamatay lalo na kung pinapabayaan niyo lang. Nakatulong ang belt na tinali niyo sa hita niya. Napigilan nito ang pag kalat ng lason, puwede kasi itong mapunta sa puso niya at ikamamatay niya iyon." Sabi niya sa amin. Nakahinga naman kami ng maluwag, ligtas na din si Audrey. "For now, hintayin na lang natin na magising siya at magpahinga na rin kayo. Ako na ang bahala sa kaibigan niyo." Sabi niya sa amin. "Sige po, maraming salamat Doc." Sabi ko. Lumabas na kami ng clinic at pumunta sa kuwarto namin. May kuwarto na para sa amin dito sa bahay ni Doc. Salazar. Siya ang gumagamot sa amin kapag malala ang natamo naming sugat sa laban. Naglinis na kami ng mga katawan namin at natulog. Kinabukasan alas tress na ng hapon ako nagising. Napabalikwas ako ng maalala kong may pasok pala ako. Patakbo akong lumaas ng kuwarto, naabutan ko naman sila Ella at Wendy. "Oh! Anyari sayo? Buti naman gising ka na. Kanina ka pa kaya namin ginigising." Sabi ni Ella. "Hindi ako nakapasok." Sabi ka sabay upo. Lagot ako nito pag nalaman nila Mom and Dad na hindi ako pumasok at hindi naka uwi kagabi paniguradong sermon ang aabutin ko. "Hoyyy, okay ka lang. Kumain ka na." Sabi ni Wendy. Pumunta akong kusina at hinanda ang pagkain ko. Na alala ko si Audrey. "Ahm, si Audrey gising na ba?" Tanong ko. Tumingin sila sa akin nang makahulugan. Kinabahan ako at nanayo ang balahibo ko. Nangingilid ang luha ni Ella na nakatingin sa akin. "A-anong nangyari? Bakit ganiyan ang mga mukha niyo?" Kinakabahan kong tanong. "S-si.. Audrey." Pabitin na sabi ni Ella. Lumapit ako sa kanila. "A- ano ba! Umayos nga kayo, hindi na ako natutuwa. Anong nangyari kay Audrey?" Sabi ko na naiiyak na din. Sana mali ang kutob ko. "Si Audrey buds... Hindi pa nagising," sabi ni Ella at umatungal ng iyak. Lumapit ako sa kaniya at binatukan ko siya. "Arraayyy ang sakit no'n ahh," reklamo niya. "Abnormal ka kasi, kinabahan ako sa'yo, 'di maganda ang biro mo." Kunot-noong sabi ko at bumalik na sa mesa. Nagtawanan na naman silang dalawa. "Epic 'yong mukha mo buds, ano kaba masamang d**o 'yon kaya matagal mamatay 'yon." Natatawang sabi ni Ella. Inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos hinugasan ko ang plato ko at nag ayos. "Kailangan ko ng umuwi, papasok na ako bukas, baka magtaka sila Mommy at Daddy." Sabi ko . "Ay, oo nga pala buds, hindi ba may sasabihin ka sa amin?" Tanong ni Wendy. Napabuga ako ng hangin ng maalala ko ang arrange marriage. Umupo ako at huminga ng malalim. "Ahm yeah, I have a big problem, Mom and Dad want me to get married." Sabi ko. "Oh em geee seriously? Why? Naghihingalo na ba ang company niyo? Naku, akala ko sa books ko lang nababasa 'yan. 'Yung naghihirap na ang company so para ma save kailangan ipakasal sa business partner ang anak na babae. Jusko." sabi ni Ella na nakahawak pa sa noo niya. "Tss mali, hindi naghihingalo ang company namin. Gusto lang nila akong ipakasal do'n sa anak ng business partner nila para daw may kasama ako kung darating 'yong araw na mawala na sila. At para naman daw sa kabutihan ko 'yon." Sabi ko. "Ahh, gano'n pala 'yon," tatango-tango niyang sabi. "So anong gagawin mo? Or plano para 'di matuloy or gusto mo rin. Paano na pag-aaral mo?" Tanong ni Wendy. "Honestly, I don't know sabi ni Mom mag-aaral pa rin naman daw kami. And pagkatapos naming grumaduate ng senior saka pa lang kami ikakasal." Sagot ko. "Naku budss mahirap 'yan. What if badboy pala yang ipapakasal sa'yo. Sasaktan ka, gawin kang maid, tapos mangbabae. Naku bilang lang ang arrange marriage na nag work no." Sabi ni Ella. Isa din 'yon sa naisip ko. Pero sa itsura ni Harris hindi ko naman masabing masama siyang lalaki. "Kilala mo ba ang pakakasalan mo?" Tanong ni Wendy. Tumango ako bilang sagot. "Yes, I know him. Anak siya ng owner ng Harrington Integrated. Kung saan ako nag-aaral ngayon, magkaklase din kami." Sagot ko. "Ohws talaga? Guwafuu ba? Mas guwafuu pa kay Ash?" Tanong niya. Pina-alala na naman niya ang pangalan na 'yon. "Tssk, oo mas guwapo sa kaniya. Pero suplado at 'di ko type." Naiiritang sagot ko. "Ay gano'n, eh anong plano mo. I'm sure hindi mo matatanggihan ang magulang mo, ikaw pa," sabi ni Wendy. She's right lahat ng gusto nila sinusunod ko. Gaya na lang ng paglipat ko ng school. Maybe sinadiya nila 'yon para makilala ko si Harris. Pero ngayon, parang ito 'yong desisyon nila na hindi ko kayang sundin. Nagpaalam na ako sa kanila para umuwi. "Tawagan niyo 'ko kapag gising na si Audrey, kayo na muna bahala. Babalik ako sa sabado." Sabi ko . "Yeah sure, kami na ang bahala sa kaniya. Ingat ka." Sagot nila at nagyakap kami. Sumilip muna ako sa clinic, tulog pa rin si Audrey. Umalis na ako at sumakay ng taxi pauwi. Pagdating ko ng bahay wala pa rin ang kotse ni Mommy at Daddy. Pumasok na ako sa loob at nakita ko si yaya Fe. "Yaya, hindi po ba umuwi sila Mommy?" Tanong ko. "Ay, ikaw pala iha. Naku, hindi e hindi rin sila tumawag. Gusto mo ba ng snacks ipaghanda kita." Sabi niya. "Ahm thanks po yaya busog pa po ako. Dinner na lang po ang ihanda niyo para mamaya kakain tayo." Nakangiting sabi ko. Umakyat na ako sa taas at pumasok sa kuwarto ko. I open my phone, sunod-sunod ang mga messages at missed calls na dumating. Isa doon kay Mommy, text nila Megan and Trisha. May unknown number din na nagpop up. "Heyy it's me, Harris. Tita ask me to look after you. Where are you? Bakit hindi ka pumasok?" basa ko sa message niya. Napa irap ako at pinatay na ang phone ko. Pumasok ako sa cr at naligo at nagpahinga. Kinagabihan bumaba ako para mag dinner. "Yaya Fe, kain na po tayo." Tawag ko sa kanila. "Sige iha, ihahanda ko lang ang mesa." Sabi naman niya. Habang kumakain kami naalala ko si Audrey. Gising na kaya siya? Sana okay na siya? I'm scared of what might happen, I remember the last time na nakipaglaban kami sa underground. Nawalan kami ng isang kasama si Frances. Iniwaksi ko ang naiisip ko, ayoko na ulit maalala 'yon. Pagkatapos kong kumain bumalik na ako sa kwarto ko at tinawagan si Wendy. "Hey buds, buti at tumawag ka tatawagan na sana kita eh," sabi niya. "Hi, kumusta kayo? Si Audrey is she awake?" tanong ko. "We're fine and Audrey is awake na, hinanap ka niya, we told her na umuwi ka muna and babalik ka sa sabado kasi may pasok ka." Sagot niya. Nakahinga naman ako ng maluwag sa good news. "That's good send my hug to her. Text na lang tayo bukas, inaantok na kasi ako and maaga pa ako bukas." Sabi ko. "Noted buds, I'll tell her na tumawag ka, goodnight." Sabi niya. Pinatay ko na ang call at nahiga sa kama. Nagising ako sa alarm ng phone ko, 6am na pala. Bumangon ako at pumasok sa cr para maligo. Nag-ayos sa sarili at lumabas, pagbaba ko narinig ko ang boses ni Mommy at Daddy. "Good morning Mom, Dad." Bati ko sa kanila. "Hey, sweetie good morning. We're so sorry kung hindi kami naka-uwi ng Dad mo. May inaayos kasi kami sa tagaytay na project." Sabi niya. "It's okay Mom, Dad i understand." matipid na ngiti kong sabi. "How's your schoolbanak?" Tanong ni Daddy. Napatigil ako sa pag kain at tumingin sa kaniya. "H-hindi po ako nakapasok kahapon." Nakayukong sabi ko. "Why?" Tanong ni Dad "Ahm Hon, nagpaalam siya sa akin last day na pupunta siya sa party ng kaibigan niya doon sa dati niyang school. Remember those girls na kaibigan niya?" Sabi ni Mom. Nakahinga naman ako dahil siya na ang sumagot sa tanong ni Daddy. "Oh, i didn't know I'm sorry." Sabi ni Dad. "I'm sorry din Dad kung hindi ko po nasabi sa inyo. Mommy told me that you are busy kaya 'di na kita tinawagan. " Sabi ko. "I'm sorry hon, I forgot to tell you." Sabi naman ni Mommy. "It's okay anak. I'm not mad ang mahalaga hindi ka nagsisingungaling sa amin ng Mommy mo." Sabi niya sa akin. Ngumiti ako sa kanila at tinapos ang pagkain ko. "By the way anak, kinausap ko si Harris i told him to look after you. Baka kasi pag initan ka na naman sa school it's better na may nagbabantay sa'yo." Sabi ni Mom sa akin. "Mom, do you have to do that? I mean, I'm not a child anymore. I can take care of my self." Sabi ko kay Mommy. "Just listen to your Mom Zinn. It's for your own good. Besides his your fiance so wala naman sigurong masama kung babantayan ka niya." Sabi naman ni Dad. Napatungo na lang ako sa mesa. "O-okay, I understand i have to go. Baka po ma late ako." Paalam ko sa kanila. I hug them both and kiss, lumabas na ako ng bahay at sumakay na ako sa kotse. Kinuha ko ang phone ko at ti-next si Wendy. Habang nasa biyahe, napaisip ako sa sinabi ni Dad. Harris is my fiance? Kailan pa? "Ms. Zinn nandito na po tayo." Sabi ni kuya Ben. "S-sorry kuya, may iniisip lang po ako." Paghingi ko ng paumanhin ko. Bumaba na ako ng kotse at naglakad papasok, magulo ang isip ko. Ano bang gagawin ko para 'di matuloy ang kasalan na 'yan. Tuloy lang ako sa paglalakad nang may tumawag sa pangalan ko. "Lauriett dito," lumingon ako sa kanan at nakita ko ang tumatawag sa akin. Nabigla ako sa nakita ko, sila Trevor nandito sila. Anong ginagawa nila dito? Tanong ko sa aking sarili. Lumapit ako sa kanila para maka usap, may mga estudiyanteng nakatingin sa amin at nag chismisan. "T-trevor, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko. Ngumiti naman siya sa akin bago sumagot. "Hi, 'di ba obvious, we're here para mag-aral." Sagot niya. . "Hi Zinn, you look good and beautiful. Long time no see." Sabi naman ni Alex na nakangiti. "H-hi ahm, welcome to Harrington Integrated. Ma-uuna na ako bye," Sabi ko sa kanila. "Teka, 'di mo man lang ba hinhintayin si Ash?" Pigil ni Trevor. "Ash is here?" Tanong ko. Tumango naman sila . "Actually he is at your back." Sabi ni Louis na nakatingin sa likod ko. Dahan-dahan akong lumingon at nagtama ang mga mata namin. Si Ash, nandito nga siya. After 1 year, nakita ko ulit ang taong dahilan ng pagkawala ni Frances. "It's good to see you again Zinn. Finally, matagal din kitang hinanap, nagtanong tanong ako sa mga kaibigan mo but, they are good on hiding and keeping a secret. Mabuti na lang may nakapagturo sa amin na dito kana nag aaral. That's why, we're here para sa'yo. I want you back Zinn." Sabi niya. Akmang lalapit siya sa akin pero lumayo ako. "Don't come near me," kalmadong sabi ko. "Zinn I know you are mad at me. But please listen to me." Pakiusap niya. "You have nothing to explain Ash, my friend was died because of you! Kaya 'wag kang umasang maging maayos at magkaroon pa tayo ng second chance dahil huli na ang lahat!" Sabi ko sa kaniya. "No Zinn, please let's talk." Pakiusap niya ulit sa akin at hinawakan niya ang braso ko. "Bitawan mo'ko ano ba!" Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa braso ko pero malakas siya. "No! You will come with me, sa ayaw at sa gusto mo." Sabi niya at hinigpitan pa ang paghawak sa braso ko. "Let.her.go." Sabi ng pamilyar na boses ng isang lalaki. Sabay kaming napalingon sa nagmamay ari ng boses na iyon at hindi ako nagkamali si Harris nga. "Harris," sambit ko sa pangalan niya. "And who are you?" Tanong ni Ash sa kaniya. "I'm Harris," pormal na sagot niya. "And? Pakialam ko, 'wag ka nang makialam dito. Zinn sumama ka na sa akin." Sabi niya sa akin. "Hindi nga ako sasama sa'yo. Kaya please bitawan mo na ako." Pakiusap ko sa kaniya. "Let her go, she's hurting," sabi sa kaniya ni Harris. "Puwede ba 'wag kang makialam, may pag uusapan lang kami. She is my girlfriend," sita sa kaniya ni Ash. "I am not your girlfriend anymore Ash, so let me go!" Pag pupumiglas ko. Ngayon nasa tabi ko na si Harris at pilit na inaagaw kay Ash. "You're not going anywhere Zinn. Sasama ka sa akin. Hindi na kita pakakawalan ulit." Sabi niya. Mahigpit ang pagkawahak niya sa kamay ko at nahihirapan akong makawala. "A-ash nasasaktan ako." Sabi ko kay Ash, mahigpit ang hawak niya at ang sakit. "Back off dude, bitawan mo siya." Sabi ni Harris kay Ash. Hawak nilang dalawa ang kamay ko. "Wala kang pakialam, ikaw ang bumitaw!" Sabi ni Ash kay Harris. "Ash, stop this hiindi ako sasama sa'yo. Kaya bitawan mo na ang kamay ko dahil nasasaktan na ako." Sabi ko sa kaniya. "At kanino ka sasama? Sa lalaking 'to? Ha!?" Singhal niya at naka turo kay Harris. "Let go of her hands now. Hindi ka ba nakakaintindi? Hindi siya sasama sa'yo." sabi ni Harris. "Kaano-ano mo ba ang lalaking to ha, Zinn?" Tanong niya. Napatingin ako kay Harris. At tiningnan ko si Ash diretso sa mata . "H-he is my boyfriend." Sagot ko. "Ha? Are you kidding? Ang bilis mo naman yata akong pinalitan." nakalokong sabi niya. "I don't believe you Zinn," dugtong niya. "She is telling the truth, I'm his boyfriend soon to be fiance. So back off and get off your f*cking hand of my girl!" Sabi sa kaniya ni Harris. "Alam mo, napipikon na ako sa'yo," akmang susuntukin niya si Harris pero pumagitna ako. "Don't you ever hurt him or else, ako ang makakalaban mo Ash!" May pagbabantang sabi ko sa kaniya. "Tol, tara na 'wag dito may panahon para diyan. Let's go." Tawag sa kaniya ng mga kaibigan niya. "Umalis na kayo dito at 'wag na wag kayong manggulo. Isipin niyo, 'di niyo ito teritoryo." sabi ko sa kanila. Hinila na si Ash ng kaniyang mga kaibigan paalis. Nagtungo naman kami ni Harris sa classroom namin tumingin ako sa paligid, wala nang estudiyante na nagkalat sa campus. "Tsk, late na tayo sa unang subject." Reklamo ko. "F*ck, run!" Sabi ni Harris sabay hila sa kamay ko at tumakbo kami. Hingal na hingal kami pagdating sa tapat ng room namin. Kumatok muna siya bago pumasok. "G-good morning ma'am, sorry we're late." Sabi niya. Tumingin naman sa amin ang teacher at sinilip ang relo niya. "Wallace and Harrington you are 30 minutes late. Detention room now!!" sabi niya sa amin. Nanlumo akong lumabas ng classroom kasunod siya. "This is my worst day everr!" Sabi ko habang nagpapadyak ng paa. "This is my lucky day," sabi naman ni Harris kay napalingon ako sa kaniya. "Seriously? Na-late tayo sa first class at na detention lucky day 'yon sa'yo?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Tiningnan naman niya ako habang nakangiti. "Ehm," sagot niya habang nakangiti at nakatitig sa akin. "You're unbelievable Harris. Ewan ko sa'yo, diyan ka na nga." Tinalikuran ko siya at pumasok sa loob ng detention room. "Kasalanan 'to ng mokong na 'yon," sabi ko sa sarili ko. Tiningnan ko naman si Harris na nasa tapat ko nakaupo at busy siya sa phone niya. "Zinn," tawag niya sa akin. Tiningnan ko naman siya. "That guy, is he your boyfriend?" Tanong niya. "Ex-boyfriend. Why?" Tanong ko. "Nothing, mind if i ask you why naghiwalay kayo?" Tanong niya. Umayos ako ng upo at huminga ng malalim. "He is my boyfriend since grade 8, actually secret relationship lang 'yon dahil 'yon ang gusto niya. Umabot kami ng 1 year. Then I always saw him na may kasamang babae. Away, bati kami, until one day nahuli ko sila ng isa kong kaibigan na naghalikan. Kaya 'yon nakipaghiwalay ako. Then nalaman namin na kinidnap si Frances. Ash is a gang leader, lagi silang nakikipag-away. Kaya no'ng may nakabangga silang malalaking grupo nadamay kami dahil malapit kami sa kanila. Kinidnap nila si Frances, hinanap namin. Pero huli na kami dumating..." Naputol ang sasabihin ko dahil sa luhang kong nag-uunahan sa pagpatak. Naalala ko na naman ang nangyari. Lumapit sa akin si Harris at niyakap niya ako. "Shh, it's okay, h'wag mo nang ituloy ang pagkuwento." Sabi niya. Pinahid ko ang luha ko at tumingin sa kaniya. "No, siguro tama rin na may napagsabihan ako. Ang tagal ko kasing kinimkim 'to. Hindi ko matanggap ang pagkamatay ni Frances." Umiiyak na sabi ko. "O-okay, i will listen continue," sabi niya. "Natuntun namin ang pinagdalhan kay Frances. Pero huli na kami, nakita namin siya nakagapos walang damit at wala nang buhay. Subrang galit ang naramdaman ko no'ng oras na 'yon. Lahat ng nakakasalubong ko sinasaktan ko. I have this kind of me na kapag nagagalit, hindi ko na co-control ang katawan ko. Galit din ako kay Ash, pinabayaan niya ang kaibigan ko. Kaya siya ang sinisisi ko sa pagkamatay ni Frances." Kuwento ko. Tahimik lang si Harris na nakikinig. "Kung gangster si Ash, ikaw gangster ka rin ba?" Diritsong tanong niya. Napatingin ako sa kaniya at nagtama ang mga mata namin. Dapat ko bang aminin iyon sa kaniya? Paano kung isusumbong niya ako? Iniwas ko ang tingin ko, pinahid ko ang luha sa aking mga mata at tumingin ulit sa kaniya. "Ahm h-hindi, pero nadadamay ako kapag may away si Ash. Siguro kong hindi kami naghiwalay, baka ako 'yong na kidnap," sagot ko. "Good thing, dahil naghiwalay kayo. Hindi na siguro kita makilala kung nagkataon na ikaw 'yon." Sabi niya. Nagtaka naman ako sa sinabi niya. "What do you mean?" Tanong ko. "I mean, hindi kita makikilala, hindi magkakaroon ng arrange marriage. Hindi ko masisilayan ang maganda mong mukha." Sabi niya at ngumiti sa akin. Bakit ang guwapo niya 'pag nakangiti, kapag nakasimangot naman guwapo pa rin. "Alam kong guwapo ako, no need to starring at me like that." Sabi niya. "Ang kapal naman, hindi ka guwapo okay 'wag assuming." Tanggi ko. "I'm telling the truth here, kung hindi ako guwapo bakit ka nakatitig?" pang-aasar niya. "Naisip ko lang kasi, bakit sa iyo ako gustong ipakasal nila Mom? Eh, 'di ka naman guwapo tapos suplado pa," sabi ko. "Alam mo, kung may problema ka sa mga guwapo 'wag mo'ko idamay. Nanahimik ang ka guwapohan ko," sabi niya. Natawa naman ako sa mga sinabi niya ang hangin grabe... "Bakit mo sinabi na boyfriend mo'ko?" tanong niya bigla. "Para tigilan na ako ni Ash. Mangungulit at mangungulit 'yon kaya sinabayan na lang kita," sabi ko sa kaniya na nasa ibang direksyon ang tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD