Chapter 7: Sticky Notes "WHAT ARE YOU DOING?" madiing pag-uulit nito na puno ng awtoridad. Biglang nanindig ang lahat ng puwedeng tumindig sa buong katawan ko. Hindi ko na nagawang i-minimize ang browser sa sobrang gulat. Holy mother of f*******:! Patay ka ngayon, Nisyel. Isip. Isip. "Eh... Hehe... K-kwan..." Napakamot ako sa ulo habang iniikot paharap sa kanya ang swivel chair ko. "Sir talaga. Para kayong sira. Kita n'yo nang nagfi-f*******: ako nagtatanong pa kayo. Akala ko ba sabi sa magazine mataas ang IQ n'yo," feeling close na sabi ko at tinapik pa siya sa braso. Baka sakaling madala. Hihihi. "WHAT?" Tuluyan na akong napatayo sa kinauupuan ko nang bigla itong nag-transform sa dragon. I'm dead. "Is that part of your job description, Miss Borara?" Nagsalubong na naman ang mga