Chapter 5: Punishment
"Teka, seryoso kayo, Sir? Ita-type ko 'tong lahat?" Madamdaming saad ko kay Sir Sungit pero pinanlisikan niya ako ng mata.
"Are you questioning me, Miss Borara?"
"Borora po. At opo, Sir, tinatanong ko kung ita-type ko talaga 'to lahat? 828 pages to, Sir eh, puwedeng i-photocopy ko na lang?"
"Stop questioning and just do your job, Miss Borara."
"Sir, Borora nga po."
Seriously? Last name basis na? The last time I checked, Love ang tawag niya sa'kin, ah. Nagka-temporary amnesia kaya si Sir sa sobrang ganda ko?
"YOU START TYPING THAT DAMN PAPERS OR I'LL FIRE YOU RIGHT NOW?"
Napapitlag ako sa pagtaas ng boses niya kaya dali-dali akong humarap sa desktop na nasa ibabaw ng table ko.
Dey!
"Sabi ko nga po ita-type na."
"I want soft copies of that, NOT photocopies, Miss Borara," untag pa nito bago ko narinig ang pabalang na pagsarado ng pinto. May connecting door pala rito sa office ng secretary patungong office niya. Yaman.
"Borora po! Kakasuhan ko kayo ng homicide. Minu-murder niyo ang apelyido ko!" Buong tapang kong saad dahil alam kong hindi na niya ako naririnig. Sound proof kasi ang office niya. Sosyalin.
Ang tindi niya, ha. First day pa lang tinambakan na agad ako ng trabaho. Akala ko ba schedule niya dapat ang aatupagin ko?
Ang kapal naman ng mukha niyang pahirapan ang isang extinct na kagaya ko!
Ang kapal, kapal niya talaga. Kasing kapal nitong pinapa-encode niya!
Buti sana kung puro numbers ito eh, magagawan ko ng formula sa spreadsheet pero company profile ito ng iba't ibang negosyo niya.
Kung iisipin, hindi naman talaga ako late. Siksikan lang kanina sa elevator kaya ilang minuto rin ang ginugol ko roon. Isa pa, isang minuto lang naman akong late. Kung makapagbigay ng trabaho parang wala nang bukas.
Aargh!
Napabuntonghininga na lang ako. Pero nang makita ko ang itsura ko sa desk mirror na nasa tabi ng monitor ay bigla akong natauhan.
Bakit ba ako nagpapai-stress sa masungit na 'yon?
Masyado akong maganda para magpaapi. Humanda ka, Sir Sungit. Tuturuan kita ng leksyon!
...
HALOS maduling na ako sa kakaharap sa monitor. Ang sakit din ng likod ko. Twenty pages pa nga lang pero parang mababali na ang leeg ko. Sumandal ako sa upuan at nag-inat nang bigla na lang may nagsalita sa harap ko.
"Good morning. Is the CEO inside? I'm from Salvatore Group, and I'm the marketing representative. I'm here to talk to Mr. Mijares in behalf of my boss regarding our business partnership proposal," dire-diretsong sabi ng babae na bigla na lang bumalandra sa harap ko. Pinasadahan ko siya ng tingin. Hmm. Maganda siya, infairness.
"Do you have an appointment, Ma'am?" Tanong ko at kinuha sa gilid ko ang schedule ni Sir Sungit.
"Yes. It's under the name of Simone Salvatore," nakangiting sabi niya. Nginitian ko na lang din siya dahil mukha namang mahinhin at mabait.
"Andito nga, Ma'am. Sige sasamahan ko kayo sa loob." Tumayo na ako at iginiya siya sa pinto. Pinagbuksan ko na rin siya para makapasok dahil isa akong mabait at mapagkumbabang dyosa.
Tumikhim muna ako para kunin ang atensyon ni Sir Sungit na tutok sa binabasa niyang files.
"Excuse me, Sir. Andito na po 'yong representative ng-"
"What the-! Who are you?"
Pareho kaming napatigalgal ng babaeng kasama ko nang bigla itong tumayo at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa kasama ko.
"Sir, siya po 'yong representative ng Salvatore-"
"The hell! You let her in?!"
"Sir, siya po yung--"
"Dang it!" Malutong na mura nito at napahilot sa kanyang sintido.
Shet!
Bakit parang ang guwapo-guwapo niya sa paningin ko kahit nagsusungit siya?
What the-?
Kailan pa natutong lumandi ang isipan ko?
Tsk! Ang isang dyosa ay hindi naglalandi kahit sa isip lang.
"Sir, may appointment po si-"
"The hell I care! You two, get out!" Untag nito na halos ikapitlag ko. Tulala naman ang kasama ko na parang naitulos sa kanyang kinatatayuan.
"What are you waiting for? Get out!"
"Eh, Sir, ka-"
"NOW!"
Mabilis pa sa alas kuwatrong lumabas kami ng pinto ng babaeng kasama ko na nanginginig sa takot.
"Ayos ka lang, Miss?" tanong ko sa kanya dahil parang wala ito sa kanyang sarili at gulat na gulat pa rin sa nangyari.
"A-ayos l- lang. Ayos lang ako. Hindi lang ako makapaniwala na ganoon pala siya. Paano ka nakakatagal dito, Miss?" Aniya.
"First day ko pa lang dito, eh. Hindi ko pa alam kung hanggang kailan kakayanin ng beauty ko ang kasungitan niya," sabi ko.
"Pero alam mo, Miss ang suwerte mo pa rin kahit masungit 'yang boss mo." Pagkuwa'y sabi niya nang matauhan na sa pagkagulat.
Huh?
"Kasi--shet! Ang guwapo niya!" Aniya na parang teenager na kinikilig. Binabawi ko na ang sinabi kong mukha siyang mahinhin at mabait.
"Oh pa'no na 'yan, Miss? Ayaw ka palang makausap ni boss?"
"Hindi bale, sasabihin ko na lang kay Sir Simone na magpa-schedule ulit dahil busy pa ang boss mo,"anito na parang walang nangyari.
"Oh sige, Miss. Bumalik ka na lang ulit kung hindi ka pa natuto," sabi ko pero binulong ko na lang 'yung huli.
"Ha?"
"Wala, Miss. Sabi ko, mag-ingat ka."
"Sige, ha. Salamat," aniya at umalis na.
Tinanaw ko na lang ang pagpasok niya sa elevator at umikot ako para makaupo sa upuan ko. Pero hindi pa man ako nakakaupo nang biglang dumagundong ang baritonong boses sa likod ko.
"Who the hell gave you the permission to bring that woman inside my office, huh?"
Dahan-dahan akong lumingon at napakamot sa ulo. Nakita ko ang appointment logbook sa mesa kaya kinuha ko ito at itinaas.
"E-eto po." Sabi ko at itinaas sa harap niya ang appointment logbook.
"WHAT?" hindi makapaniwalang untag nito at halos lumitid ang kanyang ugat sa galit. Oh, oh.
"May appointment nga po si Mr. Salvatore at siya ipinadalang representative--"
"Darn!" Napahilamos siya sa kanyang mukha at parang frustrated na nakatitig sa'kin.
"Totoo nga, Sir--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bigla siyang pumasok sa opisina niya.
"Why you gotta be so rude? Don't you know I'm human too..." Pakanta-kanta akong umupo ulit sa swivel chair ko. Akala ng masungit na 'yon mai-istress ako sa kasungitan niya?
Never!
Ever!
Amen!
Bumalik na ulit ako sa aking ginagawa nang makaupo na ako. Akma kong pipindutin ang keyboard nang biglang may bumagsak na folder sa harapan ko. Napamaang ako ngunit dahan-dahan rin pumihit at tumingala.
"Make a power point presentation out of that. And I need it--" Tumingin ito sa kanyang pambisig na relo.
"before 11:30," pagtatapos niya.
Pero nanlaki ang mga mata ko nang pagtingin ko sa oras na nasa monitor ay--10:00 AM na!
Holy crap!
"Seryoso, Sir? Eh, hindi ko nga nakakalahati 'tong pinapa-encode ninyo--"
"That's your punishment for ruining my day," walang emosyon na saad nito.
Pero...Whaaaaat? Sinira ko raw ang araw niya?
"Hala! Ako, Sir? Sinira ang araw n'yo?" Maang na tanong ko at tinuro ang aking sarili.
Ngunit tiningnan lang niya ako nang masama.
"Do.it.or.else-" Madiing saad niya.
"Pero, Sir--"
"Anak!"
Pareho kaming napalingon ni Sir Sungit nang biglang dumating si Ma'am Amethyst, ang mommy niya.
"Good morning po," bati ko sa kanya.
"Good morning din, Nisyel."
"Wait. What's going on here, son? Pinapagalitan mo ba si Nisyel?"
"I won't if it's not because of her stupidity," walang emosyong untag nito.
Walanjo! Ako pa? Ako pa ngayon ang stupid? Eh, siya nga itong bigla-bigla na lang naninigaw, eh.
"Pumasok ka na lang muna, anak. Kakausapin ko lang muna si Nisyel," ani Ma'am Amethyst na nakatingin sa'kin.
Humalik muna ito sa mommy niya bago pumasok sa loob. Hmm. May sweet bones din pala itong masungit na 'to.
"Ano bang nangyari, iha?" pagkuwa'y tanong ni Ma'am Amethyst nang tuluyang makapasok si Sir Sungit sa opisina niya.
Kinuwento ko kay Ma'am Amethyst ang lahat ng nangyari kanina. Simula sa pagka-late ko, binigyan ako ng tambak na ita-type, dumating ang isang babae na ikinagalit ng anak niya hanggang sa pinalabas kami.
Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Ma'am Amethyst.
"Sorry, my bad, nakalimutan kong sabihin sa'yo na ayaw na ayaw ni Skeet na may iba pang babae na pumapasok sa office niya maliban sa'kin at sa kapatid niya. Iyon nga lang hindi naman pumupunta rito ang kapatid niya."
"Po?"
"Yes, iha. Pasensya na." Kaya pala parang papatay ito kanina pagkakita niya sa babae.
"Eh, bakit ho hindi siya nagalit nang una niya akong nakita sa opisina niya?" tanong ko.
"Dahil nga may kasunduan kami, iha. At alam niya noon na darating ka."
Tumango-tango ako sa sinabi ni Ma'am Amethyst. Grabe! Saksakan pala ng sungit ang anak niya!
"Gano'n po ba, Ma'am? Puwede po ba akong magtanong?"
"Ano 'yon?"
"Sa'n n'yo po ipinaglihi ang anak niyo?" Bigla namang napatawa at napailing si Ma'am.
"Hmm. It's for you to find out, iha," aniya.
"Na naman?"
May bago na naman akong misyon? Hay.
Marami pa kaming napag-usapan ni Ma'am Amethyst pero nagpaalam na rin ito kaagad.
Bumalik na naman ako sa ginagawa ko pagka alis niya. Akmang hahawakan ko na ang keyboard nang tumunog ang intercom.
"Yes, Sir?"
"Coffee," malamig na saad niya.
"Kape ho?"
"NOW!"
Bigla akong nataranta at mabilis na tumayo. Ang sungit-sungit niya talaga kahit kailan. Namumuro na talaga siya sa'kin. Pa'no ko ba tuturuan ng leksyon ang dragon na 'yon?
Teka...
Kape?
Magpapatimpla siya ng kape?
Hihihi.
Humanda ka ngayon, Sir Sungit!
©GREATFAIRY
Twitter: greatfairyWP
FB Group: GF Readers Lounge