MAXINE I went straight to my café. This is my only safe place. Dito ko lahat binubuhos ang sama ng loob ko sa mundo kaya naman dito ako dumiretso matapos ang naging mainit naming harapan ni Hunter kanina. Hindi ko man aminin ngunit umaasa akong hahabulin ako ni Hunter katulad ng paghabol nito sa akin kahapon. Ngunit kahit isang tawag ay wala akong natanggap mula sa kanya. Biglang nilukob ng kalungkutan ang buo kong pagkatao. Ilang beses na akong pabalik balik ng tingin sa aking cellphone ngunit wala ni isang mensahe o tawag mula kay Hunter. Pilit ko na lamang ibinaling akong buo kong atensyon sa pag-aayos ng mga natambak kong trabaho dito sa shop, dahil na rin sa pag take over ko ng kompanya ni Hunter pansamantala. Muli akong sumulyap sa aking cellphone ngunit wala pa ding kahit ano mul