MAXINE I woke up with a throbbing pain in my head. Hindi ako agad nakatulog after my encounter with Hunter last night. Hindi ko alam kung hanggang anong oras ako umiiyak knowing that my husband is sharing a bed with another woman. Hindi maganda ang pakiramdam ko ng umagang iyon. I feel like I was dragging myself to get up, I don't really feel like myself right now. Kahit nahihirapan ay pinilit ko ang aking sariling bumangon dahil madami akong aasikasuhin sa café dahil sa pagkawala ko ng ilang araw. Masyado kasi akong naging abala sa pag-aasikaso kay Hunter sa ospital kaya ilang araw akong hindi nakabisita sa shop. Matapos akong maligo ay mabilis akong nagbihis. I was wearing an off shoulder floral dress na pinaresan ko ng isang white na flat shoes. I just let my slightly curly hair down