Hindi alam ni Chanel kung paano niya kinaya ang kanyang unang buong magdamag niya sa banyagang bansa. Mag-isa, walang kausap at wala doong kasama maliban sa mga alaala ng kanyang dating kasintahan na nagawa siyang talikuran at iwan nang dahil sa problemang kinakaharap niya. Inabutan siya ng paglalim ng gabi sa balcony ng kanyang unit kung saan ay natatanaw niya ang langit na hindi nagbago ang hitsura noong nasa Pilipinas pa siya. Ang mga bituin, ang hugis ng buwan at maging ang ihip ng hangin sa manipis na mga ulap na nakapalibot sa buwan.. Iinot-inot siyang tumayo, pumasok ng unit habang tinatanglawan ang nito ang kanyang hinahakbangan ng flashlight ng kanyang dalang cellphone na malapit ng mawalan ng battery. Ilang sandali pa ay binuksan niya ang main switch ng ilaw na naging dahilan upang yakapin na ng liwanag ang kanyang bagong tirahan na ngayon niya pa lang lilibutin at sisiyasatin. Ang una niyang ginawa ay kinuha ang maleta na nasa may pintuan, hinila niya iyon patungo sa kanyang silid na nakahanda na para sa kanyang paghinga doon. Binabalot pa rin nang labis na katahimikan ang buong paligid, nagkaroon lang nang maingay na tunog nang buksan niya ang aircon upang pawiin ang maalisangang gabing iyon ngayon.
Lalo pang naramdaman ni Chanel ang kanyang kalungkutan nang ihiga na niya sa sahig ang kanyang maleta at buksan iyon upang kumuha ng kanyang damit na pantulog. Wala pa rin siyang imik na humila doon ng terno ng pajama at malalaki na ang hakbang na tinungo ang malapit na banyo nito. Nakakabinging katahimikan pa rin ang bumabalot sa kabuohan ng unit kahit na nagtungo na siya sa kusina at inumpisahan niyang buksan ang mga cabinet ng mga pagkain doon na mayroon na ‘ring stock ng mga pangmabilisang pagkain na lulutuin. Ang iba pa doon ay ready to heat na lang at mayroong instant pagkain na siya. Bagay na hindi niya kinahiligan bilang isa siyang sikat na artista at modelo na may iniingatang curve. Punong-puno rin ang fridge ng mga prutas at iba pang mga pagkain na paborito niya ngunit nang mga sandaling iyon ay wala siyang ganang bawasan ang mga iyon kahit isa. Uminom lang siya ng ilang basong tubig at muli na niyang tinungo ang inabandona niya ditong silid. Baon pa rin ang kanyang pusong mabigat dahil sa pangyayari na hindi pa rin matanggap.
Pasalampak siyang naupo sa kama, binuksan ang kanyang cellphone at isinalpak na doon ang bagong sim sa bansang iyon. Kahit na pakiramdam niya ay itinapon siya ng kanyang pamilya ay alam niyang naghihintay ang mga ito ng kanyang tawag upang sabihin na nakarating siya nang maayos sa kanyang pupuntahang lugar. Hindi niya pa rin kaya na tikisin ang mga ito at tuluyang huwag na magparamdam lalo na sa kanyang ina at sa kay Teresa. Libre man ang wifi sa loob ng kanyang unit ay hindi niya tinangkang magbukas pa ng mga social media account niya. Hindi pa siya handang makabasa ng mga hate comments at mga negatibong mga patutsada tungkol sa eskandalo nila ni LV na nakunan pa ng video. Isang pangyayari na hindi niya matandaan na ginawa niya. At kahit na nalaman niyang may ganun ngang kaganapan sa kanila noong nawala sa kalawakan ang kanyang nobyo ay hindi pa rin siya naniniwalang kaya niyang gawin ang bagay na iyon, lalo pa at tuwing magigising siya kinabukasan ay ayos lang naman ang kanyang pakiramdam. Wala doong kahit anong bago. Maliban na lang isang umaga na naabutan niyang natutulog ang modelo sa kanyang tabi. At kahit na anong gawin niyang tanggi sa maaaring nagawa nilang dalawa ay hindi niya pa rin magawang maniwala kahit na maraming mga ebidensiya ang parehong nagtuturo sa kanila.
“May nangyari sa ating dalawa, kagabi.” mahinang bulong ng kanyang kaharap na lalaki na naging dahilan upang halos mabugahan niya ang buong mukha nito ng kapeng nasa bibig.
Mabilis na rumihistro sa kanyang magandang mukha ang takot at mabilis na pamumutla sa sinabi nito sa kanya. Paulit-ulit siyang umiling na titig na titig sa seryosong mukha na ni LV. Hindi siya makapaniwala na sasabihin iyon ng modelo sa kanya ngayong araw na animo nagsasabi lang ito sa kanyang ina na mayroon siyang importanteng bagay na bibilhin doon. Naburo pa ang mga mata ni Chanel, hinintay niyang sabihin ng kanyang kaharap na prank.
“What do you mean, Vans?” halos pabulong na tanong ni Chanel sa kanya, kinakabahan na.
Mabilis na luminga-linga ang kanyang mga mata sa paligid, breaktime ng rehearsal nila iyon para sa bikini fashion show na gaganapin sa katapusan ng buwan na iyon. At halos limang buwan na ang mabilis na nakakalipas magmula nang maglahong parang bula ang fiancee. Makikita pa rin sa mukha ni Chanel ang pait ng karanasang iyon sa pamamagitan ng humpak niyang magkabilang pisngi. Kahit na ang lahat ay tila naka-move on sa nangyaring trahedya. Siya ay hindi pa, pinanghahawakan niya pa rin ang karampot na pag-asa na nasa puso niya. Babalik ang kanyang nobyo dahil alam niyang buhay ito, matutuloy ang kasal nilang dalawa. Bagay na kahit natanggap na ng karamihan nitong kakilala, hindi niya pa rin ito binibitawan.
“We did something naughty last night,” ulit ni LV na tinitingnan ang magiging reaction niya. Para sa binata ay ayaw na niyang sabihin pa ang mga nakaraang pangyayari pa sa kanila. Ayaw niyang mas ma-shock pa ito ngayon na kagaya na lang ng kanyang hitsura ngayon. Tama na iyong nalaman nito na may ginagawa silang kababalaghan na dalawa. “Hindi mo ba matandaan? Wala ka na bang maalala pa sa mga ginawa mo nang nagdaang gabi, Chanel?”
Tuluyan nang binitawan ni Chanel ang baso ng kanyang kape at naburo na ang mga mata sa lalaking kaharap na may kung anong kalokohang sinasabi patungkol sa kanya. Dati pa ay alam na ni Chanel na nagiging blangko ang kanyang isipan oras na uminom siya ng alak. Ilang beses na niyang ikinunsulta iyon sa manggagamot, ngunit ang tanging payo nito sa kanya ay bawasan niya ang uminom sa mga public places dahil wala pa rin ditong gamot. Bagay na hindi niya maiwasang gawin sa nature ng kanyang trabaho at karera sa ngayon. Sinabi rin sa kanya ng doctor na kapag nasubrahan siya ng alak sa katawan, it could lead her sa pagiging permanent ng pagkawala ng kanyang alaala. Ngunit kagaya palagi ng katwiran niya ay wala naman sa kanyang masamang mangyayari. Nagigising siya ay nasa silid na ng hotel o nasa kanyang unit na, patunay na mayroong nagmagandang loob na ihatid na siya. Nang dahil doon kung kaya naman ay hindi niya na ikinakabahala pa ang mga kaganapan.
“Imposible iyang sinasabi mo, Vans.” hilaw na mahinang tawa niya sabay simsim muli sa baso ng kanyang kape gamit ang nangangatal na niyang mga daliri sa kamay, iginala niya ang kanyang paningin sa mga kasamahan ngunit wala naman siya doong kakaibang napapansin at ganundin sa kanilang paraan ng pakikisalamuha at pagtitig sa kanyang mukha. Alam niya sa kanyang sarili na posible iyong mangyari sa kagaya niyang walang maalala, ngunit hindi pa kaya iyong tanggapin ng kanyang sistema na halatang in denial pa. “Bakit ko iyon gagawin sa’yo kung mayroon naman akong kasintahan at—”
“Check it yourself.” kaagad na pagputol sa kanya ni LV na halatang hindi gusto ang naging reaction niya sa sinabi niyang rason, ganunpaman ay pilit siyang humahanap ng valid reason na sasabihin nito sa kanya ngayon. “Tingnan mong mabuti ang katawan mo sa salamin.” dagdag nitong inilapag ang isang maliit na paperbag sa kanyang harapan na kaagad na rin tumayo upang siya ay iwan na doon, “Mahalagang gamit mo, nadala ko kagabi sa aking pag-uwi nang hindi ko naman sinasadya.” naguguluhan at kunot-noo niyang sinilip ang loob bag at halos malakas siyang mapasigaw nang makita niyang pag-aari nga niyang underwear ito.
Marahas niyang dinampot iyon at kapagdaka ay hinabol ang papalabas na sa pintuang si LV. Kumakalabog sa labis na pagkabigla at takot ang kanyang dibdib para sa katotohanang iyon. Hindi pa rin siya makapaniwalang may naganap ngang kalokohan sa kanila. Una sa lahat ay wala silang relasyon na dalawa upang gawin ang mga bagay na iyon ibabaw ng kama niya.
“Vans!” sigaw na niya pang ikinalingon nang bahagya ng mga kasamahan nilang nakarinig, kusang bumagal ang kanyang paghakbang. “Hintayin mo ako at mayroon akong sasabihin.”
Hindi nag-aksayang lumingon si LV sa kanya na ngayon ay nangangamatis na ang buong mukha nang dahil sa labis na hiya. Oo, lalaki siya pero pagdating sa bagay na iyon ay hindi pa rin siya sanay kahit na nagagawa na niya ang bagay na iyon sa kanyang dating nobya. Iba pa rin ang kanyang pakiramdam at saya kapag si Chanel ang mainit na kaulayaw sa kama. Hindi pa rin lumingon ang binata kahit na paulit-ulit siyang tiantawag sa pangalan ni Chanel. Tuloy-tuloy pa rin itong naglakad papalayo at palabas nang nasabing lugar. Wala na tuloy choice si Chanel kung hindi ang habulin ito at sundan pa sa labas kahit na alam niyang ang ilan sa atensyon ng kanilang kasamahan ay naagaw na noon. Humantong silang dalawa sa dulo at sulok na bahagi ng hallway kung saan ay walang halos na nagpupuntang mga staff. Paminsan-minsan lang din na mayroong nagagawi na kagaya nilang mayroong pag-uusapan.
“Pina-check mo na ba iyan sa doctor?” tanong ni LV sa kanya pagkarating pa lang niya sa likdo nito at hindi pa nakakapagsalita, “I mean bakit nakakalimutan mo? Kailan pa iyan? Wala ka ba talagang matandaan na kahit ano? Iyong mga reklamo at hinaing mo sa akin? Iyong as in wala kang kahit na anong natatandaan sa mga ginagawa at mga sinasabi mo?”
Hindi nagsalita si Chanel na nananatiling nakatitig sa problemadadong mukha na ni LV nang mga sandaling iyon. Hindi niya maatim sa kanyang sarili na mayroong nagaganap sa kanila nang hindi niya alam. Oo, labis na crush niya ang modelo noon ngunit ang pakiramdam niya na iyon ay tuluyan ng nawala nang makilala at matikman niya ang pagmamahal ni Giordano. Napalitan ito ng pagtingin niya dito bilang kasamahan lang at kung minsan ay kaibigan lang.
“Chanel, seryoso ang mga ganyang—”
“May nangyari ba sa ating dalawa?” deretsa at kaagad na pagputol nito sa mga sasabihin pa sana ni LV patungkol sa nararamdaman niya na nangyayari tuwing nakakainom siya ng alak. Walang pasabing napaawang ang labi ni LV sa labis na gulat sa kanyang naging tanong, hindi niya napaghandaan ang katanungan niyang iyon ngayon. “May nangyari ba sa ating dalawa, Vans?” muli niyang ulit sa tanong na naninigurado sa kanya kung tunay ang sinasabi na nito.
Ilang beses na ibinuka ni LV ang kanyang bibig, handa nang magpaliwanag at umamin na rin. Hindi na niya kayang patagalin pa ang lahat ng iyon lalo na at nasa usapin na rin naman sila ng tungkol sa bagay na iyon. Ngunit puno ng pag-aalinlangan ang kanyang puso kung kaya naman sa bandang huli ay mas pinili na lang niyang manahimik at huwag nang umamin pa. Kahit na ilang beses na sumagi sa kanyang isipan na sabihin ditong dati nila iyong nagawa. Noong nasa Singapore sila, sa after party ng summer fashion show nila, noong pagkatapos ng holloween party, at ang recent lang ay ang nagdaang gabi na ang buong akala ni LV ay natatandaan ni Chanel ang mga bagay na ginagawa nilang dalawa sa loob ng iisang silid.
Ilang beses niyang kinamot ang ulo, hindi siya makapaniwalang hindi siya makaimik ngayon. Sa kanyang gawi ay tila naputulan siya ng kanyang sariling dila at nawalang ng kanyang tinig. Habang nakatitig sa kanyang mga mata ay hindi lubos maisip ni LV na titiklop kay Chanel.
“Wala naman hindi ba?” alanganing tanong ni Chanel na labis-labis na ang kaba sa dibdib.
Ipinapanalangin ng kanyang dibdib na sana ay hindi totoo ang kanyang hinuha na dito. Hindi pa rin siya handa na marinig ang katotohanang iyon ngayon. Ngunit bago pa makasagot si LV sa kanya na handa na sanang umamin sa kanya kaya lang ay biglang sumulpot mula sa kung saan si Hughes, ang panganay na kapatid ng kasintahanan niyang nawawala pa rin. Seryoso ang mga matang palipat-lipat sa kanilang dalawa ni LV. Marahan nang umatras si Chanel, dumidistansiya na kay LV dahil ang pakiramdam niya ay nagtataksil siya sa fiancee.
“Chanel...” mahinang tawag ni Hughes sa kanya na mabilis niyang ikinalingon sa banda nito.
Mabilis niyang itinago ang hawak niyang maliit na paperbag sa kanyang likuran at ngumiti nang matamis sa kanyang future in law. Kahit na dama niya ang pangangatal ng labi niya.
“H-Hughes...” mahinang bulong niya na kaagad ikinakunot ng noo ni LV na natitigilan pa rin.
“Kumain ka na ba ng tanghalian?” tanong ni Hughes na lumipat na ang tingin kay LV na may namumuo na doong pagdududa sa kanya, “Gusto ka naming makasama ngayon sa lunch, nandito sa city sina Mom and Dad.” dagdag nitong nasa kay LV pa rin ang mga mata niya.
Ayaw man niyang iwanan si LV doon at bumitaw sa uasapan nila ay wala siyang nagawa kung hindi ang makihalubilo sa kanila. Minsan na lang din nilang gawin iyon dahil abala.
“Nagmula pa kami sa AVIAB Resort, wala pa ‘ring balita kay Giordano.” sambit ni Hughes habang magkasabay silang mabagal na naglalakad palabas na ng estasyong iyon, bagay na hindi ikinaimik ni Chanel dahil ang kanyang isipan ay abala pa rin sa mga sasabihin ni LV.
Nang mapansin ni Hughes na tulala pa rin si Chanel ay hindi na siya muling nagsalita pa. Naisip niya na baka nang dahil pa rin iyon sa pagkakabanggit niya dito sa kapatid niya.
“Kumusta ka, Chanel?” yakap ni Greena sa kanya, magulang ng kanyang fiancee na bahagya pang namamasa ang mga mata, “Ang laki na ng ipinayat mo Hija, nagpapabaya ka sa sarili.”
“Ayos lang po ako, Auntie.” maliit ang ngiting tugon ni Chanel sa kanya, binigyan niya pa ng ngiti ang asawa nitong si Leviste na tahimik lang na nagmamasid sa kanilang dalawa doon.
“Oo nga, ang laki ng ipinayat mo Chanel.” komento na ni Yuriah na karga ang panganay nila.
“Minsan bumisita ka naman sa Zambales, Chanel,” ani pa ni Greena na nasasabik sa kanya.
“Sige po Auntie, matapos lang po ang fashion show namin ngayong week at guesting ko.” tugon na ni Chanel kahit na ang buong isipan ay nababaling pa rin sa mga sinabi na ni LV.
Hindi na nagkaroon pa ng pagkakataong mag-usap na muli si LV at Chanel nang dahil sa pagkatapos ng fashion show nila ay hindi dumalo si Chanel sa kanilang after party. Ang rason nito ay mayroon siyang taping kinabukasan na siyang tunay din naman at totoo. Weekend came at nagpasya si Chanel na sumama sa mga kaibigan ng kanyang fiancee na mag-bar kahit na wala pa rin noon ang kanyang fiancee. Masayang nakipag-kuwentuhan sa kanila at hindi nagtagal ay malakas na siyang humagulhol ng iyak. Labis na ang kanyang pangungulila sa fiancee na sa mga sandaling iyon ay patuloy pa rin siyang nawawala. Hindi siya pinigilan ng anim na lalaking kaibigan ni Giordano, hinayaan lang siya doong umiyak.
“Ang tagal-tagal na, hindi pa rin siya bumabalik.” sambit niya na hindi na mapigilan pa ang mga luha sa kanyang mga mata, “Miss na miss ko na siya ngayon, miss ko na si Giordano.”
Maraha nang tinapik ng isa sa mga kaibigan ng kanyang fiancee ang kanyang isang balikat. Nasa isang eklusibo silang bar at nagpapakalunod sa alak, unti-unti na siyang nawawala sa katinuan ng mga sandaling iyon. At hindi iyon lingid sa kaalaman ni LV na ilang mesa lang ang layo sa kanilang kinaroroonan. Minamatyagan ang bawak galaw doon ni Chanel dahil alam na niya ang susunod na mangyayari. Nang magpaalam itong magbabanyo ay agad na niyang sinamantala ang bagay na iyon. Hinintay niya itong lumabas ng banyo upang usapin. Planong pag-uusap na nauwi sa umaatikabong labanan sa likod ng dalang sasakyan ni LV na nagtuloy sa condo unit ni Chanel na sa mga panahong iyon ay umaapaw pa rin ang lungkot at pangungulila sa fiancee na si Giordano.