Chapter 7

2912 Words
Ilang ulit pang sinulyapan ni LV ang karatig na balcony habang nananatiling nakahawak ang dalawang palad sa railings ng balcony. Nagbabakasakali siya na lumabas din doon si Chanel kahit na alam niya na imposible naman iyong mangyari sa mga oras na iyon. Alam niya at sigurado siyang sa mga oras na iyon ay umiiyak pa rin ito, nagdadalamhati at nasasaktan pa rin ang aktres patunay ang tunog ng mga iyak nito kanina sa kabila ng pintuan nang dahil sa nangyari niyang kabiguan. Kung kaya naman ay kaagad siyang natigilan at nanlalaki ang mga matang mabilis na umatras patungo sa may pintuan ng kanyang unit nang makita niya ang bulto ng katawan nito na mabagal na lumalabas sa pintuan ng sarili niyang balcony. Yakap ang rolyo ng tisyu na malapit ng maubos at mahina pa rin itong tumatangis kahit paos na. Lalo pang umiyak ang dalaga nang lumapit sa railings ng balcony, at tumingala siya sa langit. Mahina pa siyang humikbi, habang kinakagat ang kanyang labi upang pigilan ang impit na iyak nito na halatang kaninang-kanina pa. Ni hindi pa rin ito nakakapagpalit ng damit niya. Muli pang umagos ang kanyang mga luha mula sa namamagang mga mata habang inililibot ang kanyang paningin sa mga karatig na building na nasa compound na iyon. Tanawin na kitang-kita ni LV na hindi na rin naiwasan pang magkaroon ng bara ang kanyang lalamunan. Awang-awa na siya dito, nais niya ng yakapin sa mga sandaling iyon ang aktres at aluin na. Hindi niya na matagalan pa ang tunog ng masakit nitong iyak, at ang munting mga hikbi.   “H-Hon...” mahinang sambit ni Chanel na sinundan niya ng papalakas na naman niyang mga iyak na siyang mariing nagpakuyom ng mga kamao ni LV at nagpadilim ng mga mata niya.   Sa mga sandaling iyon ay lalo pang sumudhi ang pagnanais niyang ikulong sa kanyang mga bisig ang dalaga na patuloy pa rin sa kanyang pagluha. Nais niyang palisin ang mga luha nito at tulungan na itong makaahon sa pagkakalugmok nito sa putik na kinasasadlakadan nila sa ngayon. Bagay na hindi niya kayang magawa dahil para na siyang ipinako sa kanyang kinatatayuan. Paulit-ulit na nag-replay sa kanyang isipan ang sinabi niya kay Teresa. Hindi siya magpapakita sa aktres at magiging anino lang siya nitong tahimik lang na nakasunod. Pangako na hindi niya alam kung hanggang saan tatagal at kung hanggang saan makakaya. Kilala siya na marunong tumupad sa usapan, ngunit pagdating kay Chanel alam niya na ang lahat ay tila ba mababali niya masigurado lang na huwag na itong masaktan ng mga iyon.   “Bakit hindi mo man lang ako pinakinggan? Bakit hindi mo man lang ako binigyan pa ng pagkakataon na magpaliwanag? Bakit mo ginawa sa akin ang mga bagay na ito, Giordano?” patuloy na hikbi ni Chanel na padausdos ng naupo sa sahig ng balcony, marahas niyang isinubsob ang kanyang mukha sa kanyang dalawang tuhod. Sumakit pa ang tunog ng mga iyak nito sa pandinig ni LV na lumalim na rin ang paghinga. “Hindi pa ba sapat iyong mga bagay na pinagtiisan kong makita habang kasama mo siya? Hindi pa ba sapat ang lahat?”   Tuluyan nang malakas na muling humagulhol si Chanel ng iyak na tila nawalan na naman ng pakialam sa mga karatig na unit na maaari noong makarinig. Pasalamat siya na halos ang mga nakatira doon ay may mga lakad, ang iba naman ay nasa trabaho at ang iba ay himbing na natutulog. Paulit-ulit na muling pumapasok na naman sa kanyang malinaw na isipan ang mga sandaling kinakaya niyang magpanggap na ayos lamang siya na kasama nito si Gucci. Ang babaeng sumagip dito kahit na masakit na masakit na iyon sa kanyang pakiramdam. At sa mga panahong iyon ay wala siyang magawa kahit na magtapang siya dito, wala siyang magawa dahil alam niya sa kanyang sarili na sa mga sandaling iyon ito na ang mahal ni Giordano. Siya na ang nagmamay-ari ng puso nitong dati-rati ay kanyang tanging pag-aari. Kahit pilitin niyang bawiin ang dating sa kanya, hindi siya nagtagumpay na gawin iyon noon. Hindi siya nagwagi dahil higit at labis na ang pagmamahal ng fiancee niya sa babaeng iyon. At alam niya na doon pa lamang ay talong-talo na siya kahit pa sabihing siya ang nauna dito. Hindi niya nagawang bawiin si Giordano, sa halip ay mas lalong napamahal ang babae dito.   “Minahal naman kita ‘di ba, ibinigay ko ang lahat-lahat ng aking makakaya pero bakit hindi mo iyon nakita noong mga sandaling nawala ka? Bakit nakalimutan ako ng puso mo, Hon?” patuloy nitong hinaing sa marahang ihip ng hangin, “Sana...sana...” halos masakal na siya ng mga luhang nagpaparada pa sa kanyang magandang mukha, puno pa rin ng panghihinayang ang kanyang mga matang namamaga, namumula at patuloy na naglalabas ng masasakit na mga luha. Tanawing mas dumurog pa ng doble kay LV na hindi pa rin makagalaw ang paa. “S-Sana ay hindi na lang ako noon nag-oo sa’yo. Sana ay hindi ako pumayag na makipag-dinner sa’yo, sana ang unang beses ay hindi ko na inulit pa. Hindi na dapat ako pumayag na ligawan mo, at kung ginawa ko iyon malamang ay hindi sana ako nasasaktan ng ganito.”   Mga litanyang umantig na rin ng damdamin ni LV na nananatiling hindi pa rin gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. Alam niya sa kanyang sarili na may parte siya ng kasalanan sa aktres. Kung noong unang beses na matikman niya ito ay gumawa na siya ng paraan na mapansin nito e ‘di sana sa mga sandaling iyon ay hindi labis na nagdurusa si Chanel. Ilang beses niya iyong naisip dahil ng mga sandaling iyon ay alam niyang may pagtingin na siya sa aktres. Walang lingon-likod siyang tumalikod at pumasok na ng kanyang unit, habang unti-unting bumabagsak ang namuong butil ng mga luha niya sa kanyang mata. Hindi niya na matagalan pa na marinig ang mga pagsisisi ni Chanel ng mga sandaling iyon dahil mas doble ang mga nararamdaman niya dahil wala siyang nagawa. Hindi niya ito naprotektahan sa lahat noon. Hindi niya nagawang protektahan na hindi ito masaktan, bagkus ay siya pa ang isa sa mga naging dahilan upang humantong ang aktres sa bansang iyon na kagaya niya rin ngayon. Siya ang tunay na may kasalanan, kung hindi niya inilabas ang video, ang s*x scandal nila. Kung hindi niya lang sana iyon ginawa ay siguradong masaya ito ngyaong nakatali sa kanya. Bagay na alam niyang hindi rin magtatagal ay unti-unting papatay sa mga ngiti ni Chanel.   “Sorry...” mahinang bulong niya na naupo na sa gilid ng kanyang kama, mabilis na inilagay ang dalawang palad sa kanyang ulo. “Sorry kung nasasaktan ka nang dahil sa kasalanan ko.” dagdag ni LV na mabilis ng nagtaas at baba ang kanyang magkabilang balikat sa kwarto nito.   Tila ihip ng malakas na hanging pumapasok sa bukas ng pintuan ng balcony na nakalimutan niyang isara ang mga alaalang pinakakaingatan niya ng kanilang pinakaunang pagkakamali ni Chanel. Ang unang kasalanan nila na noong una lamang niya pinagsisihan at dinamdam. Dahil hindi rin nagtagal ay naging masayang alaala na iyon sa kanya ng kanilang kapusukan.   “Chanel...” mahinang bulong ni LV sa kanyang pangalan na tanging siya ang nakakarinig.   Malakas pa rin ang tugtugan sa loob ng nasabing bar, napupuno ng malakas na tawanan ang banda ng balcony nilang kinaroroonan ng mga kasamahang nagsasaya na at wild na. Naburo pa ang kanyang mga mata sa aktres na nananatiling nakatayo lamang sa kanyang harapan, nais man niya itong talikuran ng mga sandaling iyon ngunit hindi niya iyon magawa lalo pa at tila lunoy na ito sa espirito ng alak ngayon na halata sa namumula niya ng mukha. Ang magkabilang pisngi niya na lalo pang nagpatingkad ng kanyang ganda sa paningin ni LV na sa mga sandaling iyon ay may mahinang tama na rin ng ilang baso ng alak na nilaklak kanina.   “Let’s dance?” ilang minuto ay hindi na nakatiis na tanong ni LV kay Chanel sabay lahad ng kanyang isang palad sa harapan nito, nilingon pa ng lalaki ang dance floor kung nasaan ang mga kasamahan nilang puma-party na upang tanggalin ang stress at pagod ng trabaho nila.   Nilagok muna ni Chanela ang alak na nasa kanyang baso bago tinanggap ang kamay nito. Bagay na malawak na ikinangiti na ni LV nang mabagal niyang igiya ang katawan ng aktres patungo sa dance floor. Hindi sila pumuwesto sa sa grupo ng kanilang mga kasamahan na malakas ng nagtatawanan habang nagtatanggal ng alak sa kanilang katawan. Pawisan na ang mga ito. Ilang beses silang sinulyapan ng mga kasamahan, bagay na hindi na bago pa sa kanila tuwing magkakaroon ng wrapped up party ang kanilang photoshoot or fashion show.   Nagsimulang mapang-akit na sumayaw si Chanel na pumupungay na ang mga magandang mata na kawangis ng iba’t-ibang kulay ng mga ilaw na nasa loob ng exclusibong bar na iyon. Mariing kinagat ni LV ang kanyang pang-ibabang labi nang makita at masaksihan niya kung paano umindayog ang halos ay perpekto nitong katawan na sumasabay sa ritmo nang mabilis na beat ng tugtog sa bar na iyon. Napangisi niya nang malaki at napapiksi rin nang ikawit na nito ang kanyang dalawang kamay sa kanyang leeg habang patuloy pa rin itong sumasayaw sa kanyang harapan. Ilang sandali pa ay maliit itong ngumiti na tila ba satisfy siya sa reaction na nakuha mula sa lalaki. Hindi na makapaniwala si LV na ganun na kalapit sa kanya ang aktres ngayon na halos ay dalawang taon niyang iniiwasan sa katotohanang kapwa na sila mayroong seryosong karelasyon. Ayaw niya ng maulit pa ang isang kamalian noon na halos ay maangkin na niya ang pagkabirhen nito kung hindi lang siya nasipa nito.   At nang mga sandaling iyon ay walang pag-aatubili niyang hinapit ng isa niyang kamay ang beywang ni Chanel palapit sa katawan niya habang magkahinang ang kanilang mga mata. At ilang saglit pa ay sinabayan na niya ang indayog ng katawan nito sa saliw ng maingay na musika. Bahagya pa siyang umikot upang itago si Chanel sa mga kasamahan nilang nasa malapit lang at sa kanilang banda ay panaka-naka ang pagsulyap. Sa mga sandaling iyon ay hindi niya na napigilan pa ang kanyang sarili, lalo na nang halos ay kisap-matang abutin ni Chanel ang kanyang nakaawang na labi at marahang siilin iyon ng halik na agad na uminit.   “C-Chanel...” napapaos na anas ni LV nang putulin niya ang halikan nilang iyon doon, halos siya lang din ang nakakarinig ng sariling tinig nang dahil sa malakas pa ‘ring musika sa bar. Hindi niya na maipaliwanag pa nag malakas na kabog ng kanyang puso sa loob ng dibdib.   “I want you, Vans...” anitong naging dahilan upang bumitaw sa kanyang beywang si LV at umatras ng isang hakbang upang lumayo sa kanyang banda, iba ang dating noon sa kanya. At kahit na mayroon siyang pagtingin kay Chanel, hindi niya ugali ang mapagsamantala pa.   “Chanel...” marahang iling niya na lumayo pa nang tangkain nitong lapitan siya doon upang muling halikan o kung hindi naman ay yakapin na nito. “No, hindi natin pwedeng gawin ito.”   Nakita niya kung paano mapaklang ngumiti si Chanel sa kanya. Hindi niya intensyon na i-reject ito ngayon lalo na at alam niyang mayroon silang kapwa na ibang karelasyon. Wala rin silang label na dalawa kagaya na lamang noon na muntik ng may mangyari sa kanila. Mabuti na lang at hindi iyon natuloy, bagay na kaunting pinagsisisihan ni LV kung minsan. Naisip niya na iba sana ang estado nilang dalawa ngayon kung aksidenteng nagalaw ito.   “Alright,” maikling saad nito na tinalikuran na siya at nakipagsayaw sa grupo ng mga locals na alam niyang taga bansang iyon, nang hawakan ng isa sa mga lalaking iyon ang beywang ni Chanel ay tila apoy na nagningas sa galit si LV lalo pa nang marinig niya ang tawa nila dito.   Gumagalaw ang pangang lumapit siya sa kanilang grupo at mahigpit na hinawakan si Chanel sa kanyang palapulsuhan na labis namang ikinagulat na ni Chanel ng mga sandaling iyon.   “What are you doing, Vans?” tanong ni Chanel na kaagad siyang sinamaan ng tingin.   “Fetching you, we are going to the hotel now!” may diin sa tinig na saad ni LV na hindi siya magawang tingnan sa kanyang mga mata, sinimulan na siyang hilahin nito palabas ng bar.   Lingid sa kaalaman ni Chanel ay selos na selos na si LV ng mga sandaling iyon na kulang na lang ay mangbugbog sa grupong iyon. Bagay na hindi rin nahahalata ni LV sa sarili niya.   “Hey, I am not yet even drunk—” pagpupumiglas ni Chanel sa mahigpit na hawak ni LV.   “Hindi ka nga lasing pero kung umasta ka sa loob akala mo ilang bote na ng alak ang nainom mo. Let’s go to the hotel, magpahinga ka na at maaga pa ang flight natin pabalik ng Pinas!” bahagyang tigil ni LV at nilingon si Chanel, nasa labas na silang dalawa ng maingay na bar. “Do you think magugustuhan ng boyfriend mo kapag nalaman niya ang mga ginagawa mo?”   “Ano bang maling ginawa ko?!” muling hila ni Chanel sa kanyang braso na mahigpit na hawak pa rin ni LV ng mga sandaling iyon, “Sumasabay lang naman ako sa agos, Vans!” singhot ni Chanel na halata na talaga sa mukha ang tama ng alak na kanyang ininom.   Bahagyang lumuwag ang hawak ni LV sa kanyang palapulsuhan nang humikbi na ito. Hindi niya alam kung bakit nais niyang magsisi sa mga sandaling iyon na kinaladkad niya si Chanel.   “Masama na bang paminsan-minsan ay maging masaya ako?” tanong pa nito na hindi na muling hinila ang braso kahit na maluwag na ang hawak ni LV doon, “Masama ba ha, LV?”   Binitawan ni LV ang kanyang hawak sa palapulsuhan nito, alam niyang kapag tinawag na siya nitong LV ay nagagalit na ito sa kanya. Bukod-tangi ang dalaga ang tumatawag sa kanya ng second name. Madalas na LV ang tawag sa kanya ng mga kakilala, pamilya, at ng lahat.   “Sorry kung—” hindi na niya natuloy pa ang kanyang sasabihin nang pasandal na bumagsak ang katawan ni Chanel sa kanyang isang balikat, kung hindi niya agad ito nahawakan sa kanyang beywang ay malamang bumagsak na ang aktres sa marumi at malamig na sahig.   Walang pag-aalinlangan na niyakap na niya ito sa kanyang beywang habang tumatawag siya ng taxi upang magpahatid na sa hotel na kanilang tinutuluyan na hindi rin kalayuan doon. At habang nasa taxi ay si LV na ang tumawag sa organizer ng event na kanilang kasama upang ipaalam na mauuna na siyang umuwi sa hotel na kanilang inookupa. By partner sila sa mga silid ng hotel, ngunit dahil number one silang in demand ni Chanel ay solo sila ng room nila.   “Ang aga naman, LV?” narinig niyang tanong ni Phile sa kabilang linya, “Parang hindi ikaw.”   “Tatawag pa ako sa girlfriend ko at Mommy ko.” tanging palusot niya sa tanong ng kasama.   “Ay, kaya naman pala.” si Arth ang nagsabi noon bago tuluyang sumang-ayon ang organizer.   “Alright, see you tomorrow, LV.”   “Good night.” sambit niyang agad na nilingon na ang nahihimbing nang si Chanel sa kanyang tabi na mahigpit sa kanyang beywang ang ay nakayakap. “See you, tomorrow.” ngiti niya.   Bahagyang nahihimasmasan na si Chanel nang sapitin nila ang lobby ng hotel na bagama’t kaya niya ng maglakad ay inaakay pa rin siya ni LV na hindi na nakuha pang mahiya sa mga staff na sa kanila ay makakakita. Sa mga oras na iyon ay wala na siyang pakialam pa maliban sa nais na niyang makarating ng silid si Chanel upang makapagpahinga na ang aktres na ito. Hindi niya na naisip kung gagawan pa sila ng isyu nang dahil sa sabay silang umuwi ng hotel.   “Teka lang, sarado pa ang lift.” mahinang usal niya nang bumangga doon ang mukha ni Chanel na animo naglalakad ito ng tulog, “Chanel...” marahan niyang hawak sa palad nito.   Hinila niya sa kanyang tabi ang aktres na alam niyang sa mga sandaling iyon ay wala pa rin siya sa kanyang wisyo at nananatili pa ‘ring hawak-hawak ng espirito ng alak na nilaklak.   “Pagagalitan talaga kita bukas ng umaga.” mahinang palatak ni LV na naiiling na sa kanya, “Hindi ka dapat ganyan kapag nalalasing, paano na lang kung mapahamak ka sa kanila ha? Ano na lang ang sasabihin ng boyfriend mo sa’yo? Isa kang babae na pabaya sa iyong sarili.”   Pumasok na sila ng lift na dalawa, muli siyang sinalo ni LV nang kamuntikan na namang matumba. At nanlalaki na sa gulat ang mga mata ng binata sa mga sumunod nitong ginawa.   “Chanel!” habol ang hiningang sigaw ni LV nang kumalas ito sa kanya ng yakap, hindi siya pinansin ni Chanel na muli siyang siniil ng mariing halik sa kanyang labi habang nanlalaki pa rin ang kanyang mata sa gawi ng aktres na kasama. “Chanel, please calm down! What are you doing?” bahagyang yugyog niya sa hawak niyang magkabilang balikat nito upang magtama ang kanilang mga mata at tuluyan itong magising na.  “Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon?! Come back to your senses now, Chanel! Hindi ka nakakatuwa!”   “I like you...” tugon nito habang nakatitig sa kanya ang mapungay na nitong mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD