Nagising ako sa mga katok sa pinto nang aking silid, hindi sana ako babangon kaya lang sadyang makulit si Jenny, hindi iyon titigil hanggang hindi ko binubuksan ang pinto ng silid ko. "Ada bestfriend! Baka gusto mong bumangon ka na riyan may sa sabihin ako sa 'yo!" tawag sa akin ni Jenny. Kaya bumango ako sa kama at lumapit sa pinto upang pagbuksan ko siya nakasimangot na binuksan ko ang pinto. "Ooohh! Bakit ba? Ang aga-aga nang bubulahaw ka ng natutulog," iritang wika ko. "Kailangang nating pumunta sa bahay ni Mr Martin. Dahil pinapupunta tayo ni Abe. At ngayon tayo pupunta dahil gusto niya tayong makasama bago raw siya ikasal o mag-asawa. Kaya huwag ka nang magreklamo diyan bestfriend," pahayag nito. "Ngayon na ba?" tanong ko. "Yes, bestfriend! Ngayon na tayo aalis, doon na lang d