Kahit kinakaban pinagpatuloy ko ang pagkain ko ngunit naramdaman kung meron humahaplos sa likod ko. Kaya bigla tuloy nanigas ang katawan ko at pasimple akong tumingin sa katabi ko mukhang hindi naman ito ang may kagagawan ng paghaplos sa likod ko O baka guni-guni ko lang. Pinagpatuloy kong muli ang pagkain. At bigla akong tumingin kay Jenny at sa boss nito tumayo na kasi ang mga ito gusto kung tumawa ng malakas dahil nakaakbay pa ang boss nito kay Jenny. Alam kong na iilang naman ang kaibigan ko. "Doon mo na kami sa labas Ada, mayroon lang ipag-uutos si boss sa akin," wika ni Jenny. "S-sige..." kinakabahang tugon ko rito. "Bro, sure akong susunggaban mo na agad 'yan," wika ng boss ni Jenny sa katabi kong lalaki. "Yeah!" tugon ng katabi ko. Sobrang kaba ng dibdib ko ng mga oras na ito