BY: SRRedilla
"Ada Canlas, gising ka ba o tulog?" dinig kong tawag sa akin ng bestfriend kong si Jenny.
"Besty, pumasok ka na gising na gising pa ako." Wika ko sa kanya.
Narinig kong bumukas ang pinto kaya tumingin ako rito.
"Oh my gosh! Ada, anong nangyari sa'yo? Mukha kang zombie, ang laki ng eyebags mo at nangingitim pa ang ilalim ng mata mo." Wika ni Jenny.
"Huwag mo na lang akong pansinin bestfriend! Alam mo naman na isa akong writer,” pahayag ko rito.
"Baka gusto mo rin matulog Ada? Mukha ka na kasing adik, baka magulat na lang ako isang araw baliw kana.”Pahayag nito.
"Puro ka kalokohan Jenny! At saka, kailangan ko ngang pumunta sa bar mamayang gabi. Dahil ang sinusulat kong kwento, ay tungkol sa babaeng sumasayaw sa bar." Ani ko sa kanya.
"W-what?” bulalas nito.
“Huwag mong sabihin na sasayaw ka rin sa bar?” Asik niya sa akin.
"Why not? Kung maganda naman ang kalalabasan ng ginagawa kong story, para malaman ko rin kung ano ang ginagawa ng isang mananayaw sa bar. Bestfriend, alam mo namang ginagawa ko na ito. Kahit nga, ang pagbabasura ginawa ko rin para lang mayroong magandang kwento akong magawa.” Mahabang wika ko rito.
"Bestfriend, tanggap ko naman ang kabaliwan mo. Ang hindi ko lang ma-take ay yung pati pagsasayaw sa bar, ay gagawin mo!” Asik niya sa'kin.
"Wala namang masama sa gagawin ko ah! Magsasayaw lang ako sa bar," tugon ko sa kanya.
"Diyos ko po! Baliw ka na nga yata bestfriend!" Wika ni Jenny.
At halos hindi makapaniwala sa gagawin kong pagsasayaw sa bar. Ngunit tinawanan ko lang ito.
“Hmmm, mayroon ka bang kailangan sa'kin?” Tanong ko rito.
"Aalis muna ako! Pinapatawag kasi ako ng boss kong abnoy, para lang pag-alisin ng puting buhok niya. Naku! kung hindi lang malaki ang pasahod ng abnoy na 'yun, never akong magtitiis sa kanya." Pahayag ni Jenny.
"Sige na! Umalis ka na, dahil mamaya aalis din ako para pumunta sa bar. Para sa binabalak ko," wika ko ritong nakangisi.
Kaya nagsalubong ang kilay niyang tumingin pa sa'kin.
"Pasaway ka Ada! Mag-iingat ka sa gagawin mong kabaliwan," paalala niya sa'kin.
Napangiti ako. Mabuti na lang meron akong mga bestfriend na mababait. Sila ang tumutulong sa'kin noong nawala ang papa ko dahil sa sakit na cancer. Mayroon naman akong ina kaso, mayroon na itong sariling pamilya.
Sabagay, kahit noong nabubuhay pa si papa hiwalay na ang mga ito. Si mama, nag-asawa ng iba at saka kahit nang maghiwalay si mama at papa. Hindi ako tumira o sumama kay mama dahil kay papa ako sumama. At saka, tingin ko naman ayaw akong isama ni mama dahil galit ito sa'kin at kay papa. Dahil sabi ni mama, kaya lang daw ako nabuo dahil ginahasa lang siya ni papa.
Kaya, si papa lang ang totoong nagmamahal sa'kin. Kahit nga nang mamatay si papa, hindi ito nagpunta o inalam kung saan ako titira, at kung sino ang kasama ko. Kaya, tanggap ko na sa sarili ko na wala akong ina dahil simula't sapol ay ayaw nito sa'kin.
Sinabi pa nga nito na kung hindi lang daw kasalanan ang magpalaglag ng baby, matagal na raw sana niyang ginawa sa'kin. Nakikita daw niya sa'kin, ang kasalanang ginawa ni papa.
Sa ngayon, mayroon na itong isang anak sa asawa nito. At tingin ko'y mas higit niyang mahal si Roselyn. Hindi katulad kung halos isuka. Siguro'y tatanggapin ko na lang na ayaw sa'kin ni mama. Kahit sobrang masakit sa aking dibdib. Pasalamat na lang ako, dahil kahit papano'y binuhay pa niya ako.
Hay! Kailangan ko na lang tanggapin na, malabo na akong matanggap bilang anak ng aking mahal na ina.
Tumayo ako upang maghanda para sa aking pupuntahan. Nagsuot ako ng mini skirt at maliit na damit.
Napangisi ako nang makita ko ang itsura ko sa salamin. Dahil mukha na akong pokpok. Sa tatlong taon ko sa pagsusulat, ngayon ko lang gagawin ang pumasok sa bar upang maging dancer. Ang gagawin ko kasing story, ay tungkol sa babaeng nagsasayaw sa bar. Gusto ko kasing mas gumanda ang gagawin kong nobela. Ginagawa ko muna ang mga gagawin ng magiging bida sa kwento ko, kahit nga pagbabasura ginawa ko rin o magpakulong sa bilangguan. Kaya, nga tinatawag akong baliw ng bestfriend ko. Baliw daw kasi akong writer.
Umikot pa ako sa harapan ng salamin bago lumabas ng silid. Pakanta-kanta pa nga ako habang pababa nang hagdan.
“Mukhang nakaalis na si Jenny!" Bulong ko.
Lumabas ako ng bahay at naghanap ng taxi. Nagpahatid ako sa D.A bars. Siguro'y papayag naman ang manager ng bar na sumayaw ako dahil kahit papaano marunong akong sumayaw. Pakembot-kembot pa ako habang papalapit sa bar.
“Tingin ko'y ganito ang ginagawa ng mga nagsasayaw na mga babae sa bar." Sabi ko sa aking sarili.
Ngunit nagulat ako nang may humila sa braso ko, at hilahin sa madilim na parte na lugar. Tumingin ako sa lalaking humila sa'kin at nakita kong nakasalamin ito, at naka suot ng sumbrero.
"Si-sino ka?" Nauutal na tanong ko rito.
Nakita kong ngumisi siya sa'kin at tinitigan pa ang labi ko, patungo sa leeg ko hanggang sa flat kong tiyan. Bigla akong kinabahan.
"Miss, holdap ito! Hubarin mo ang panty mo at ibigay mo sa'kin,” pahayag ng holdaper.
"Ha! Teka lang mister, bakit panty ko? Baliw ka yata eh!" Galit kong tanong dito.
"Yes! Baliw nga ako miss, kaya bilisan muna ang pagkilos at ibigay mo na ang panty mo, para maisangla ko na iyan!" Desididong sagot ng lalaki.
“Anak ng tinapa, baliw nga! Anong gagawin ko? Pinagtripan pa ako ng isang baliw, Diyos ko! Ang malas ko naman ngayong gabi! Pero, hindi naman ako papayag na basta ko na lang ibigay sa baliw na ito ang panty ko." Ani ko sa aking sarili.
Tumingin ako rito, at ngumiti nang alanganin.
“Mister, pogi! Gusto mo, ibili na lang kita nang bagong panty?” Tanong ko sa lalaking baliw at baka madala ko sa mahinahong pakiusap.
"Ayoko!" Ang gusto ko ay 'yung panty mo,” nakangisi nitong wika sa'kin.
Bigla akong kinabahan sa uri ng pagkaka ngisi nito. Tatakbo sana ako pero, hinawakan niya ako sa braso at isinandal sa pader. Ramdam kong gumapang ang kamay niya patungo sa legs ko at medyo pinisil pa niya ito.
Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak niya sa'kin. Ngunit ang baliw na lalaki ay malakas. Dahil inipit ako ng katawan nito kaya, hindi ako halos makagalaw.
"Hmmm! Magkano ko kaya, maibebenta ang panty mo?” Baliw na tanong ng lalaki.
Tumingin ako sa kanya.
“Bibigyan na lang kita, ng pera!
Para makabili ka ng panty, kung gusto mo ay 'yung maraming panty pa!" Pahayag ko rito, baka sakaling tumigil ito sa ginagawa.
"Ayaw ko! Mas gusto ko ang panty mo!" Giit niya pa ring sabi.
Inipit kung maige ang dalawang hita ko, upang hindi matuloy ang balak ng lalaking baliw.
"Mister pogi! Hindi mo maaalis ang panty ko, kasi nakalock yan!” Tanga kong sabi rito.
"Huwag kang mag-alala, miss! Mayroon akong dalang susi," nakangisi nitong sabi.
Kaya lumaki ang mata ko nang mayroon nga itong ipinakitang susi sa'kin.
Diyos ko po! Dahil baliw nga ang lalaking kaharap ko. Lalo pang lumaki ang mata ko nang mahawakan na nito ang gilid ng underwear ko at sapilitang ibinaba.
Hindi ko maawat ang kamay niya dahil hawak rin ang dalawang palapulsuhan ko. Gusto kong umiyak at maglupasay sa lupa, nang wala akong magawa dahil sapilitang hinila nito ang underwear ko pababa. At nakita ko ang, ngising tagumpay sa mukha nito ng makuha ang underwear ko.
"Magkano ko kaya, maibebenta ang underwear mo? Okay Miss, hanggang sa susunod nating pagkikita," paalam sa akin ng lalaki at tumalikod na ito at lumayo.
Halos maluha ako sa nangyari. Kaya sumakay na lang ulit ako ng taxi para makaumuwi na lang sa bahay.
Ang saklap ng sinapit ko ngayong gabi, grabe.