"WHAT?! ARE YOU CRAZY?!" shock na shock ang mukha ni Enzo habang nakatingin sa akin. Nanlalaki pa ang mga mata nito na kulang na lang ay lumuwa ang mga iyon. Inalok ko lang naman siya ng kasal. We are inside a hotel. Balak niya akong ihatid pauwi sa bahay kanina, pero sinabi kong sa hotel na lang niya ako ihatid. Ayaw kong umuwi ng bahay, ayaw ko munang umuwi ng bahay. Hindi ako uuwi hangga't wala akong maipapakilalang asawa kay Dad para tantanan na niya ako. Alam ko naman na pwede akong lumayo, pero hanggang kailan? Kaya iapapkita ko na lang sa kaniya na hindi niya ako pwedeng diktahan sa bagay na gusto niya. Nang makarating kami sa hotel ay niyaya ko siyang mag-usap kami. Ayaw pa nga niyang sumama kaya kailangan ko pa siyang pilitin kaya ang ending ay magksama kami ngayon. Nag-iinarte