KAREN Umupo ako sa katapat ni Dad kahit na hindi pa naman niya ako sinasabihin. Hinanda ko na ang sarili ko na may sabihin siya at pagalitan ako dahil sa matapang na anyo niya ngayon. Parang malapit na naman itong sumabog. “Get yourself ready for tomorrow night. We will have dinner with the Allegre,” seryosong saad ni Dad. Napakunot ang noo ko nang banggitin niya ang apilyedong Allegre. Governor Allegre is one of his friends. They really used to have dinner together sometimes, pero hindi naman ako kasama. “With me? Are you sure?” Itinuro ko pa ang sarili ko para makasigurado. Hindi ugali ni dad ang isama ako sa mga dinner na pinupuntahan niya, madalas ay ang mag-inang Rachel at April ang kasama niya. Hindi niya ako sinasama dati kaya nakapagtatakang isasama niya ako ngayon. “Yes, so