Chapter 12

1935 Words
KAREN Napatingin ako kay Jopeth habang nagmamaneho siya. Gwapo na siya ngayon, inampon kasi siya ng isang mag-asawang hindi magkaanak. May kaya ang pamilyang umampon sa kaniya kaya naging maganda ang buhay niya ngayon . Hindi na siya bungi, naka veneers na nga siya kaya ang ganda na ng ngiti niya. "Mabuti na lang dumaan at nakita kita. Next time, kapag nasa ganoon kang lugar, try to call for help. My number is always available," saad nito habang nagmamaneho. "Hindi ka ba busy? Alam kong busy ka na ngayon, Architect." "Busy, pero wala ka namang boyfriend na matatawagan kaya pwedeng-pwede mo pa rin akong istorbohin," nakangising saad nito. "Tapos meron namang babaeng biglang sasabunot sa akin dahil tinawagan ko ang boyfriend niya?" Pinag-krus ko ang mga braso ko at tumingin sa unahan. "Wala akong girlfriend kung iyon ang iniisip mo. Pero kung gusto mong mag-volunteer, why not?" Ninisihan ako nito. "Gwapo ka na ngayon pero hindi pa rin kita type," diretsang wika ko. "I know. Mahilig ka sa mga lalaking hindi ka pinapansin. Trip mo yatang maghabol, e." "Hindi naman. I just find them exciting. What's behind those poker faces? Can they be sweet too? How a nonchalant man can woo a girl?" Nakangiting tanong ko. Hindi ko alam pero cute na cute talaga ako sa mga lalaking masungit. Iyong tahimik pero may tinatagong ka-sweetan na sa akin lang lalabas kapag kasama niya ako. Ganoon ang ideal man ko. Tumingin ako sa kaniya. Seryoso ang mukha nito at salubong ang mga kilay kaya nagtatakang nakatingin ako sa kaniya. "May problema ba?" Baka kasi may nasabi akong mali, though I just stated what I want for a man. He just looked at me, but he did not talk. "Anyari?" pangungulit ko sa kaniya. "Why did you suddenly turn mute?' "I am trying to be your ideal man, hindi ko pala kaya. Parang mapapanis laway ko," wika nito na ikinatawa ko. Madaldal kasi tapos may kahanginan din siya sa katawan kaya talagang hindi niya kayang maging tahimik. "Let us eat first before I send you home," saad nito at mabilis na ipinark ang sasakyan sa harap ng isang restaurant. Pero kasabay ng pagpark niya ay may kotse din na tumigil sa tabi namin. Bumaba na ako at kasabay na bumaba din doon ang isang lalaki. Naka-hoodie ito na at cap pa na parang itinatago ang mukha, pero nakita ko na kung sino siya. Maging ito ay nagulat din nang makita ako. "Enzo?" Tumingin lang ito sa akin at mabilis na nawala ang pagkagulat sa mukha nito. He tried to act cool and ignored me. Nauna na itong pumasok sa loob ng restaurant kasama ang lalaking bumaba sa passenger seat nito. Sinundan ko siya ng tingin. Huwag niyang sabihing hindi na naman niya ako kilala? May amnesia na naman ba siya? "Who's that?" tanong ni Jopeth, nagtataka ang tingin nito sa akin. I tried to give him a smile. "Nothing, I just think he is someone I knew," sagot ko. Tumango naman ito at niyaya na akong pumasok sa loob. Pagpasok namin ay agad na hinanap ng tingin ko si Enzo, pero hindi ko siya makita. May private dining rooms ang restaurants kaya maaring nandoon siya sa isa sa mga rooms. Naupo naman na kami ni Jopeth, pero medyo malikot ang mga mata ko dahil hinahanap ng tingin ko si Enzo. We ordered foods at madali naman iyong na-i serve sa amin. "Masyado ka bang busy these past few days?" tanong niya sa akin. "Hindi naman, why?" Nagkibit balikat ito. "Madalang na kasi tayong magkita. Unlike before, noong college pa lang tayo. Well, if you are busy, it's no wonder. You have a job, and I know you also have a job as a Senator's daughter," nakangiting saad nito. "Being my dad's daughter will never be my job. He is a senator, but I am not included in his job. I have my own. I just went abroad for a couple of weeks, kaya medyo naging busy ako. I actually visited the orphanage before you saw me." Tumango ako sa sinabi ko. "I want to visit there too, but I was too busy because we have a new project. Maybe when my schedule is not hectic, I will." Napangiti ako sa sinabi niya. Madalang siya dumalaw roon ayon kay Jeric. Kung pupunta raw ito doon ay magdadala lang ng pagkain o magbibigay ng pera kina Sister para sa foundation, pero hindi raw ito nagtatagal. Siguro nga dahil busy siya. Masaya akong makita siyang maayos na ang buhay ngayon. Isa na siyang ganap na architect. Iyong mag-asawang umampon sa kaniya, ibinigay ang lahat ng pangangailangan niya. I am glad he found a parent and family he deserves. Mabuti na lang noong inampon siya at nag-aral siya, same school kaming dalawa kaya kahit wala na siya sa bahay ampunan nagkikita pa rin kaming dalawa dati kaya na-maintain namin ang pagkakaibigan namin. Matapos naming kumain ay nagpaalam lang ako sandali sa kaniya na pupunta ako ng restroom. Mabilis na nagtungo ako sa restroom at pumasok sa isang cubicle. Matapos kong umihi ay naghugas lang ako ng kamay sa sink at lumabas na rin ako pero paglabas ko ay siya namang balak sanang pagpasok ng isang lalaki sa kataping pintuan kung saan ang men's bathroom pero hinila ko ang jacket na suot nito kaya napahinto ito. Tindig at suot na jacket pa lang nito ay kilala ko na siya dahil iyon ang suot niya kanina nang sabay kaming bumaba sa sasakyan. Masungit na tumingin sa akin si Enzo, pero binigyan ko siya ng isang malapad pero pekeng ngiti. Huwag niyang sabihin na dededmahin naman niya ako at itatanggi niyang nag-kiss kami. "Hello?" Kumunot ang noo nito. "You again?" Tila ba hindi ito natutuwa na makita ako. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Humakbang ako papalapit sa kaniya, pero umatras naman ito. "What are you doing?" nagtatakang tanong nito. "Are you ignoring me again?" "Should I greet you? We worked together once, but you are not even my friend," sagot nito. Muli akong humakbang hanggang sa napasandal siya sa wall. "Yeah, we are not friends. Friends don't make out," sarcastic na wika ko habang nakatingin sa gwapo niyang mukha. He looks soft today. Hindi ko alam pero there is something wrong about him that I can't figure out. "Just forget it. You are just drunk that night," saad nito. Napangisi ako sa sinabi niya. Akala ko itatanggi na naman niya. "Is it your hobby to kiss me when I am drunk? Hmmm?" "No, and I don't like it." Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. He does not like it, pero kung makahalik siya parang isang taong siyang hindi nakainom sa uhaw. "What do you mean?" matalim na tanong ko sa kaniya. "You are not my type. You were just drunk, and maybe I am not in the right mind that time. Don’t worry, I will not do it again, so let's forget it," wika nito na ikinatanga ko. “Hindi ko rin naman iyon ginusto,” dagdag pa nito na mas lalong ikinalaglag ng mga panga ko. Hindi ginusto? Wow, ganoon pala siya humalik kapag hindi niya gusto? Paano pa kaya kapag ginusto na niya? Ginagago ba niya ako? Is he a playboy? How could he tell me to forget it when it keeps on playing inside my head? Kinikilig pa naman ako kapag naalala ko iyon tapos sasabihin niya, kalimutan na lang namin dahil hindi niya ginusto. G Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kaniya sinamantala naman niya iyon at bahagya akong itinulak papalayo sa kaniya. "Ganoon na lang iyon?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya. “Ano pa ba ang gusto mo? Alam ko naman na hindi lang ako ang nahalikan mo kaya stop acting like I stole your first kiss.” Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. Iyong excitement ko kapag nakikita ko siya ay biglang napalitan ng inis. “You are an asshole,” hindi ko mapigilang sabihin sa kaniya. "I know. Naiihi na ako, kaya pwede bang paraan na," balewalang sagot nito. Humarang ako sa pintuan. Mabuti na lang at walang ibang dumarating. "No." Asar na tumingin ito sa akin para bang gusto niya akong tirisin. Pero mas asar ako sa kaniya ngayon. Masungit siya pero iyong masungit na parang nagmamaldito hindi iyong masungit na ayaw kang pansinin. Hindi ko alam pero iba ang awra niya ngayon. "Just don't drink next time. It's not my hobby to kiss a drunk woman, but it seems like you love to kiss any men when you are drunk," magaspang na saad nito at malakas na tinabig ako bago nagmamadaling pumasok sa men's comfort room. Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa sinabi niya. Akala ko medyo matalas lang ang dila niya pero hindi lang pala medyo. Pakiramdam ko ay ininsulto niya ako. Matalim na napatingin ako sa pintong pinasukan niya. Balisawsawin sana siya. Huminga muna ako ng malalim bago bumalik sa table namin, pero nang makarating ako roon ay may babaeng nagwawala na pilit inaawat ni Jopeth. "May babae ka? Asan? You said you were busy and yet you are here?" malakas na boses ng babae. Tumingin ito sa table at lalo itong nagalit nang makita ang dalawang plates na naroroon. "Are you eating with someone?" "And so? You are not my girlfriend," pambabara ni Jopeth dito. "But I did more than what a girlfriend should do! Tell who she is?!" "Excuse me? You are making a scene here," agaw pansin ko sa kanila. Nakita ko si Jopeth na umiiling sa akin at sumesenyas na huwag kong matulan ang babae, pero hindi ko siya pinansin. Mukhang may namagitan sa kanila ng babaeng ito, pero wala silang relasyon. Wala silang pagkakaiba ni Enzo. "Ito ba?" The woman laughed sarcastically while looking at me. "I know her. Sa tingin mo ba seseryosohin ka niya? She saw men as a toy. Paglalaruan ka lang ng babaeng iyan!" Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Nakakaagaw pansin na rin ito kaya maraming napapatingin sa gawi namin. "You talked like you knew me, huh?" "I don't know you, but I heard a lot about you. Kung anong binango ng pangalan ng tatay mo, iyon naman ang kabaliktaran ng sa'yo," pang-iinsulto nito at tiningnan ako mula ulo hanggang paa na para bang minamaliit ako nito. Gumalaw ang panga ko. Strike two na yata ako ngayon araw sa loob lang ng wala pang sampong minuto. "Kung ano man ang narinig mo, I am worse than that, so if you don't want to experience getting bald, shut your fvcking mouth,” mahinang saad ko pero nangangalit ang ngipin ko habang sinasabi ko iyon. “And next time, bago ka magwala at mang-away alamin mo muna kung may karapatan ka ba. It's cheap to claim someone who is not yours," palabang saad ko rito. Kinuha ko ang bag ko na nasa table at isinukbit sa balikat ko. Tumingin ako kay Jopeth. “Mauna na ako. ” I don’t want to waste my time talking to someone who is obviously looking for a fight. Wala ako sa mood ngayon, at kapag hindi ako nakapagpigil baka makalbo ko talaga ang babaeng ito. Doble ang inis na nararamdaman ko ngayon, kaya alam kung kapag prinovoke pa ako nito ay hindi malabong patulan ko siya. Pero pagtalikod ko ay biglang may humila ng buhok ko dahilan para mapahawak ako sa buhok ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Mabilis namang inilayo ni Jopeth ang babae sa akin pero galit na galit na lumingon akong muli at hindi na ako nagdalawang isip na sugurin ito at hablutin ang buhok niya.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD