CHAPTER THIRTY EIGHT:

1873 Words

KINUSOT-KUSOT ni Izaac ang mga mata ngunit tinatamaan na ito ng antok hanggang ipinuwesto nito ang mga paa sa kandungan ni Harris. Tumayo siya at lumipat sa katabing single seater. Tinamaan na ng alak ang kausap niya. Siya naman ay hindi pa inaantok. Tinanaw ni Harris ang malaking orasan na nakasabit sa pader sa tungod ng flat screen TV nito. Alas tres na pala ng madaling araw at masyado silang nawili sa pagkukwentuhan na parang ilang taon silang nagkahiwalay at ngayon lang nagkita. Hindi tuloy maiwasan ni Harris na balikan lahat ng alaala simula nang kabataan niya habang nagmumuni-muni at naghihintay ng antok. FLASHBACK… Lumaki si Harris sa mahirap na pamilya. Ang ama ay suma-sideline lang sa construction dahil hindi naman nakapagtapos ng pag-aaral. Elementarya lang ang natapos ng kan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD