PAGOD ang katawang inihagis lang ni Saña ang susi sa direksyon ng sofa, saka binuksan ang ilaw upang magkailaw ang salas.
Hindi naman siya nagugutom pero mahinang nag-alburoto na naman ang tiyan niya nang may maamoy mula sa kusina.
Bukas ang ilaw ng kusina. Nalimutan yata niyang hindi pala umalis ang walanghiya. Nagawa pang magluto at stay at home na stay at home na.
"Harri, nandito na ang agreement."
Lumabas naman ang tinawag niya, dala ang sandok at suot ang aepron. Ibinalik nito ang sandok na hawak at nilapitan si Saña.
"I made it two copies, we have one copy each. I'll sign yours, and you'll sign mine."
Inilabas ni Saña ang bitbit na brown envelope at inilabas ang agreement. Inupo na rin niya ang pagod na katawan, kinuha ang ballpen sa loob ng bag at mabilis na pinirmahan iyon.
"Signed all the copies to make it sealed and void. Do we need to notarize it?"
"Hindi na. Mahirap ng masiwalat pa ang agreement na ito sa iba. Ayaw kong maeskandalo. Sapat ng ikaw at ako na lang ang saksi."
Kinuha din nito ang ballpen sa kanya matapos mapirmahan na niya lahat. Ito naman ang pumirma, nang matapos ay hindi pa nito ibinalik kaagad sa kanya ang kopya niya. Mukhang may naiisip na naman itong ikaaasar niya.
"Ano na namang problema?" iritadong tanong niya. Pagod na siya at gusto na niyang magpahinga at matulog ng mahaba.
"We need a thumb mark. Mayroon ka bang ink?"
"Wala."
"How about putting an ink of this pen in our thumbs?"
Dismayadong tiningnan niya ito. "What? You are not going to smudge anything on my clean fingers!"
"Okay. This is just a suggestion. How about lipstick? Siguro naman, hindi ka na magrereklamo, dahil mabilis naman iyong mabubura."
Inilabas niya ang maliit na make-up pouch. Mayroon siyang pulang lipstick na pag may event lang niya ginagamit ngunit lagi niyang dala.
She pulled out her MAC Lady danger shade in the pouch and removed the cap. She paints it in his thumb and puts that thumb directly in the paper to mark it and the other copy too.
He grabs the lipstick on her hand, too late for her to react. Nalimutan niyang gagamitin din pala ng animal ang lipstick niya.
"Stop right there, Alejandre!"
Wala na, nakadikit na ang hinlalaking daliri nito sa bukana ng lipstick.
"What have you done! You put your filthy dirty finger thumb in my precious expensive MAC lipstick!"
"It's just an ordinary lipstick. Mabuti sana kung isang milyon ang halaga para panghinayangan. Saka puwede mo pa rin namang gamitin iyan. Naghugas naman ako ng kamay," esplika nito na pinapahinto lang talaga siya sa pagrereklamo.
"That is worth a dollar to me! And my favorite."
"Mayaman ka 'di ba? Ba't hindi mo na lang palitan. Wala naman sa inyo kung magsayang ng pera at tiyak barya lang yan sa iyo."
Kung wala lang siya sa gaanong estado ngayon, itinapon na niya iyon at bumili ng doble-doble pa niyon. Kaso nga ay nagtitipid siya. Kaya malabong makabili ulit siya ng ganoon kamamahaling lipstick.
Ngayon na siya nanghihinayang lalo na at wala siyang ibang pagkukunan ng pera kundi ang savings niya na inipon niya simula ng college siya.
Her father is not an owner of Hotel del Casa but a shareholder. Kaya kung hindi siya papasok ay tiyak na maaari siyang masesante at mawawalan din siya ng kita lalo pa ngayon na self supporting na lang siya. Anytime, her father could decide to fire her in that Hotel.
"O, sa iyo na iyang lipstick. You can still use it, Saña. Pero kung gusto mo talagang itapon. Bahala ka, RIP to your beloved lipstick."
Doon lang siya tila nakabalik sa sarili nang ilapag na ni Harri ang lipstick sa kandungan niya.
Tulalang dinampot na lang niya ang lipstick. "Sa iyo ang isang kopya," paalala pa niya. "At heto ang kalahati sa napag-usapan nating kabayaran." Iniabot niya ang isang envelope na naglalaman ng tag-iisang libo.
Tinanggap naman iyon ni Harris saka muling nagsalita matapos silipin, "Hindi ko na bibilangin."
"Kumpleto iyan. But about your s****l health. I need a negative result in any disease. Mahirap na baka may aids ka pala." Saka niya ito inirapan.
"Bukas, kahit samahan mo pa ako."
"Good."
"Saan nga pala ako matutulog?"
"Sa sofa. It is a three-seater."
"Nagpapatawa ka ba? Six footer and three inches ang height ko. Baka nga hanggang tuhod ko lang ang sofa na iyan."
Tumayo na si Saña, bitbit ang bag, ang agreement at ang lipstick na dinumihan nito.
"Huwag kang umasang magtatabi tayo sa kama ko. We are not married kaya maghanap ka ng puwestong tutulugan mo," bulyaw niya. At kahit naman kasal pa sila ay hindi niya papayagang tumabi ng pagtulog sa kanya ang lalaking ito.
Talagang sinasagad nito ang pasensiyang mayroon siya. Alangang siya ang matulog sa sofa at ito ang sa kama, ano ito sinuswerte?
Kung siya nga na mayaman ay nagkasya sa maliit na bahay, ito pa ba? Na hindi na nga mayaman, ambisyoso pa.
"Sige, sa sahig ng sala mo na lang ako matutulog. Bigyan mo na lang ako ng kumot, unan o kung may comforter ka."
"Binayaran ko lang ang serbisyo mo, Alejandre at hindi ko obligasyong damitan ka, pakainin o pag-aralin. You're way too abusive for a contract pretender. Magkasya ka kung anong meron!"
Sa inis ay padabog niyang sinara ang pinto nang magmartsa papasok ng kwarto.
Dahil maliit lang ang mga espasyo ay narinig niya ang sinabi nito na mas malakas kaysa sa bulong. "F*ck! I'm so stupid! I should put it in a d*mned contract. Babalik na lang muna ako kayla Izaac para kunin ang mga gamit ko."
'Mabuti pa nga, masyado ka kasing pakialamero,' bulong ng isipan niya.
Inilayo na ni Saña ang sarili sa pintuan at iniayos ang mga dalahin. Upang maitago ang kontrata. Kinuha niya ang large size luggage, may hidden compartment iyon sa pinakaloob at doon niya nga itinago ang kontrata.
Binalikan niya ang lipstick na inilapag niya sa kama. Inilagay na lang niya sa drawer ng bedside table dahil hindi na niya iyon mapapakinabangan pa dahil masyado ng marumi lalo na at maruming daliri ng Alejandre na iyon ang humawak niyon.
INIHANDA na niya ang pajama's niya na longsleeve ang upper blouse. Kailangan niyang mag-shower at maglinis ng katawan, pakiramdam niya ay ang dumi-dumi at ang lagkit na niya dahil kanina pa siya panay kilos upang iaayos ang mga planong nais niyang mangyari. Nalimutan na naman niyang nasa labas ng kwarto ang banyo. Kung nasa loob lang sana ay hindi na siya mag-aalala at maaasiwa. Lalo pa at umaali-aligid lang ang presensiya ni Alejandre. And worst thing scenario, ay dito na ito maninirahan.
Bahala na. Basta kailangan niyang maligo at nang makatulog na. Bitbit ang PJs at bath towel, pipihitin na sana niya ang doorknob nang marinig niya ang pagsara ng pinto ng main door. Lumabas yata ito at hindi man lang nagpaalam sa kanya.
Ngunit mas mainam iyon, dahil mae-enjoy na niya ang paliligo at paglilinis ng katawan na walang inaalalang istorbo at kunsimisyong gaya ni Alejandre. Men are always a headache and bring heartache.
Diretsong tinungo na niya ang banyo at kaagad din ay ni-lock iyon, saka hinubad ang lahat ng damit. Isinahod ni Saña ang katawan sa hot bath. Nakaramdam siya ng relaxation at kakalmahan. Nami-miss tuloy niyang magpa-massage ulit. Iyon ang mas uunahin niya kaysa magpa-salon o parlor.
Hinayaan lang niyang damhin ng katawan niya ang mainit-init na tubig. Sayang din at kahit bath tub ay wala dahil masikip na rin ang banyo. Shower at toilet lang ang kakasya.
Matapos maligo ay binalot na ni Saña ang katawan saka tinuyo ang katawan at sinuot diretso ang PJs nang walang kahit anong panloob. Doon siya mas komportable, parang nakakahinga ang katawan niya. Ibinalot na lang ni Saña ang basang buhok sa tuwalya at ibinuhol saka isinampay sa ulo.
"Kailangan ko pa lang kunin ang mga gamit ko dito sa banyo. Mahirap na at baka gamitin pa niya."
Tipikal na walang tiwala si Saña, lalo na sa stranger na kagaya ni Alejandre. Kaya dinampot niya isa-isa ang mga naroon sa banyo saka pinagkasyang dalhin papasok sa kwarto. Ang mga naiwan ay binalikan pa niyang muli, matiyak lang na walang makalulusot ni isa na puwede nitong pakinabangan at dumihan. Kung gusto nito ng gamit, dapat itong bumili. Pinaghirapan lang naman niyang kunin ang mga iyon sa bahay ng kanilang ama.
Naipasok na niya ang lahat. Siguro ay bibili na lang siya ng organizer para tuwing maliligo siya ay bibitbitin niya iyon. Napakalaking abala, pero wala naman siyang ibang mapagpipilian.
Inayos lang niya sa ilalim ng kama ang mga toiletries at kung anu-anong accessories na gamit niya sa katawan dahil kulang ang mga kabinet na naroon at masikip na. Kung sa sariling kwarto lang niya sa bahay ng ama ay baka ang bahay n ukupado niya ngayon ay katumbas lang ng banyo niya roon. Manghinayang man siya ay nangyari na ang lahat, ang paglalayas niya, pagsuwaysa ama, ang kontrata at itong dagdag sakit ulo niyang si Alejandre.
Total naman, hangga't walang marriage ay hindi ito makapapasok sa loob ng kwarto niya, titiyakin niyang wala siyang kahati. She rented the house, and she's the only one who can decide and ruled on anything.
Pupwede na siguro siyang makapagpahinga at matulog. Humiga na siya sa kama. Iniangat ang kumot hanggang makarating sa dibdib nang maalala ang amoy ng pagkaing niluluto kanina ni Alejandre.
Her curiosity might kill the cat. She opens her room door and went through in the kitchen. Pagkakataon na niya dahil wala naman ito.
Bumili yata ito ng tangkeng may laman ng gas para makapagluto. May mga gamit din naman pangluto na iniwan ang may-ari. Iniwan na raw iyon ng dating nangungupahan doon.
Ayaw niya iyong hawakan o gamitin man lamang dahil baka bukod sa germs ay may kung anong disease ang huling gumamit niyon.
Papatayin talaga siya ng kanyang kyuryosidad kapag hindi pa niya tiningnan kung ano ang niluluto nito kanina bago siya dumating. Mukhang hindi naman uuwi ang lalaking iyon at baka matulog na sa tinutukoy nito. Kaya may pagkakataon na siyang mapag-isa.
Hindi naman siguro masama kung titikman lang niya dahil sadyang nakapanghahalina ang amoy niyon. "Kung nilagyan man niya ng lason ay titiyakin kong hahabulin ng kaluluwa ko ang lalaking iyon hanggang mapatapon ko siya sa nagliliyab na impyerno."
Gusto rin naman sana niyang makapagpahinga ngunit ayaw siya tigilan ng kanyang isipan at tiyan para alamin ang mabangong amoy na nanggaling sa kusina.
Siguro ay bibili na lang siya ng mga gamit pangkusina para palitan ang mga naroron at matiyak na safe siya sa kahit anong mikrobyo.
"Sino namn ang may sabi sayong obligasyon kong paglutuan ka? Pangahas na buksan mo iyan at baka matuluyan kang masunog sa impyerno."
Literal na napatalon siya sa nagsalita dahil sa sobrang gulat. Nahagis pa niya ang takip ng kawali at nabasag iyon na lumikha nang malakas na ingay sa buong kusina.