Chapter Sixty Five

1466 Words

Tinitingnan ko ng masama ngayon si Caleb habang parang wala naman siyang pakialam kahit na gaano pa kasama ang titig ko sa kanya.     Ano na naman kaya ang naiisip ng isang 'to?     "Paano ba 'yan, bata... uuwi na raw kayo." Napabaling ako kay Zach nang masalita ito.     May hindi maipaliwanag na ngisi sa kanyang labi kaya bigla akong kinabahan. Para bang ipinahihiwatig na mayroon siyang naiisip na kalokohan. Mas lalo nga akong kinabahan noong lumapit siya sa akin at akmang yayakapin ako, ngunit bago pa mangyari iyon ay may humarang na sa aking harapan. Kaya ang nangyari ay si Caleb ang nayakap ni Zach. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o ano? Ngunit kasabay rin noon ay ang pagbunghalit ng tawa nina Ares at Blake.     "Iba na 'yan, buddy. Hindi mo naman sinabing type mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD