Chapter Sixty Six

2327 Words

“Nice meeting you, mga pare. Sa susunod kapag may time kayo, jamming tayo!” saad ni Rusty habang binubuksan ang pinto ng kanyang van.     Nandito na kami sa parking lot. Kasama pa rin namin sina Zachary. Nagkataon din naman na magkatapat lang ang pinag-park-an ng mga sasakyan nina Rusty at Blake. Nauna nang pumasok sa loob sina Chelsea at Caleb.     “Maraming salamat din sa inyo.” Tinanguan sila ni Ares bago bumaling sa akin. Naglakad siya papunta sa akin. Bumitaw naman sa pagkakahawak sa akin si Lei nang yakapin ako ni Ares.     “Uwi na kami. Tawagan ka na lang ulit namin. Mag-iingat ka rito,” mahinang saad niya.     Tumango ako at agad din naman akong yumakap pabalik sa kanya.     “Mag-iingat din kayo. Balitaan mo na lang ako kung ilan na ang panganay mo,” pabirong ani

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD