Chapter Fifty One

2364 Words

"Okay! Nandito na pala ang lucky charms namin!" bungad na ani Rusty habang malaki ang ngisi sa amin.     Nakabuka ang dalawa niyang braso habang naglalakad palapit sa aming puwesto. Lalapit na sana siya kay Donna nang nauna nang tumama ang puting tuwalya sa mukha niya.     "Yuck! Ang jeje mo talaga!" Humalukipkip si Donna habang umiirap sa ere. Nahawa na rin yata siya kay Chelsea kaiirap kanina.     "Gwapo naman!" Sa halip na maasar ay mas lalo yatang lumakas ang loob ng isang iyon.     "Baka kwago! O kaya g*go!" Tumatawang dagdag ni Lorelei na siyang nagpahalakhak sa mga kasama namin.     “Grabe kayong dalawa sa akin! Sa halip na palakasin n’yo ang loob ko dahil may laro kami, nakuha n’yo pa akong pagkaisahan!” Napalabi si Rusty na ngayon ay ipinamumunas na sa kanyang mukh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD