“How are you?” he whispered with full of sincerity while gently caressing my hand. Napaawang ang aking labi ngunit wala namang lumabas na salita roon. Mariin siyang nakatingin sa akin kaya’t hindi ko alam kung ano ang dapat na sabihin. May gusto akong sabihin ngunit parang nagbubuhol ang mga salita sa utak ko kaya ang tanging nagawa ko na lang ay ang pagmasdan siya. Napasiksik ang ulo ko sa headboard ng kama nang umangat ang palad niya na hindi nakahawak sa kamay ko para tingnan kung mayroon pa akong lagnat. Halos mapapikit ako nang tumama ang mabango niyang hininga sa aking pisngi. “You still has a fever…” mababang saad niya. Muling mababakas ang pag-aalala sa kanyang guwapong mukha. Napatikhim ako. “H-hindi na naman daw mataas ang l-lagnat ko sabi ni Lei,” m