Part 2

1096 Words
JESSICA MAGGIE GARCIA "Maggie nasan kotse mo?"tanong sakin ni Zachy nagulat pa ako bigla bigla naman kasing nagsasalita. "Bwesit ka talaga zachy bakit kaba nang gugulat", inis na sabi ko saka siya sinamaan ng tingin pano ba naman pinagtawanan pa ako nakakainis talaga tong lalaking to. "hindi kita ginulat Maggie ha ang lumanay nang tanong ko nasan ba kasi kotse mo bakit hindi ka sa parking lot papunta?" seryosong tanong niya kaya napabuntong hininga ako hindi daw nang gugulat e nagulat nga ako. "Coding kotse ko kaya nag grab lang ako kanina si papa naman may pasok kaya hindi ako maihatid", sagot ko tumango naman siya. Im Jessica Maggie Garcia 27years old working as an architect sa Santos firm na pagmamay ari ng lalaking lihim kong minamahal simula first college palang kame. Simpleng  buhay lang ang meron ako ang papa ko isang pulis si mama  naman teacher at yung bunso kong kapatid si baste short for Sebastian first year college ngayon bs criminology ang course niya gusto daw niyang maging katulad ni papa.Masaya ang pamilyang meron ako at gaya nang lagi kong hiling sana pagdating ng panahon ganito din yung maging pamilya ko i mean yung sariling pamilya ko. Magkaroon ng responsableng asawa gaya ni papa. "Ok day dreaming Jessica Maggie Garcia", sabay pitik niya nang uno ko kaya nahampas ko siya ng hawak kong bag ggggrrr kahit kelan talaga napaka pang asar nang mokong na to. "Aray naman kailangan ba talaga manghampas nag ooffer na nga akong ihatid ka", sabay kamot niya sa braso niyang hinampas ko bigla naman akong naguilty napalakas yata yung hampas ko sakanya nakakainis naman kasi bakit lagi niya akong inaasar kung hindi lang kita mahal baka hindi lang hampas nagawa ko sayong lalaki ka. "sorry naman",ngusong sabi ko kaya napabuntong hininga nalang siya alam ko namang hindi din niya ako matitiis. "Wait me here i get my car",seryosong sabi niya saka ako tinalikuran at naglakad papuntang parking lot napangiti nalang ako nang lihim habang tinitingnan siyang maglakad palayo matangkad,maputi,singkit,makapal ang kilay,macho at higit sa lahat matalino sinong hindi mahuhumaling sa mokong na to. Alam kong maraming babaeng nagkakagusto sakanya pero ni minsan wala pa siyang pinakilala samen na girlfriend niya parang ang hirap naman paniwalaan kung iisipin kong bakla siya hhmmmm pihikan lang siguro talaga siya.Simula nung una kong makita si Zachy crush ko na siya hanggang makatapos kame ng college at maging magkasama sa trabaho walang nagbago sa nararamdaman ko para sakanya pero takot akong malaman niya yun baka masira yung freindship na meron kame kaya nakuntento ako kung anong meron samen ngayon ang mahalaga masaya akong nakakasama siya. "Zachy baba ka muna nandyan na siguro sila papa dito kana din mag dinner",aya ko sakanya makabawi manlang sa paghatid niya sakin.Tahimik na tao si zachy nung una ko siyang makilala lagi lang siyang mag isa at kakausapin ka lang kung magtatanong ka sakanya pero nabago yun nung lagi na kameng magkakasamang apat ako siya si Princess at Bryle. "Nakakahiya Maggie may pa free lunch na nga si Tita", sabay kamot niya ng ulo pero tinaasan ko lang siya ng kilay ito yung ugali niyang hindi nawawala yung pagiging mahiyain niya. "Tse nakakahiya ka dyan isusumbong nga kita kay mama sabihin ko ayaw mo nang luto niya", pananakot ko sakanya kaya mabilis niyang inalis yung seatbelt niya saka binuksan yung pinto sa driver seat para makababa na  siya kailangan mo pa palang takutin para mawala yang hiya mo. "Magandang gabi ma pa", bati ko kay mama at papa na nakaupo sa sofa alam kong ako nalang yung hinihintay nila para makakain ng hapunan ganito kame lagi hanggat maaari gusto ni papa na pagdating sa hapunan sabay sabay kameng kakain dahil sa umaga at tanghali hindi kame nagkakasabay dahil sa kanya kanya naming trabaho. "Magandang gabi po Tito at Tita", bati ni Zachy saka nagmano kay mama at papa nung matapos kung gawin yun nakasanayan na kasi namin ni baste ang pagmamano sakanila bilang pag galang ganyan kame pinalaki ng mga magulang namin kaya pati mga kaibigan ko o kaibigan ni baste ginagawa din yun kila mama at papa. "Buti naman napasyal ka Zachy boy antagal mong hindi dumalaw dito ah",si papa kay Zachy kaya napakamot siya ng ulo ewan ko ba san nakuha ni papa yung tawag niya kay Zachy na Zachy boy. "Medyo busy po kasi sa firm tito", nahihiyang sagot ni Zachy kaya tumango naman si papa. "O kumain na tayo Zachy dito kana kumain ha", si mama bago tumayo sa sofa  para maghanda ng pagkain. "Opo tita thank you po", nakangiting sagot niya kay mama kaya ngumiti din si mama "Ma tulungan na po kita". Habol ko kay mama nung maglakad siya papunta sa kusina wow ang sarap ng ulam sinigang. "Ma nasan si baste?"tanong ko kay mama habang naglalagay ako nang plato sa lamesa parang wala kasi yung kapatid kong bully walang maingay dito sa bahay. "Naku wala Maggie nasa bahay ng classmate niya may tinatapos daw silang report", sagot niya kaya tumango ako hindi kumpleto ngayong araw pero bihira mangyari to pag kailangang kailangan lang talaga siguro rush yung report na ginagawa nila baste kaya hindi siya makakasabay ng hapunan ngayon. Tatawagin ko palang sana sila papa nung makita kung tumayo na din sila ni Zachy sa sofa para pumunta dito sa kusina. "Pwede ba tayong umisang bote mamaya Zachy pagkatapos kumain?" tanong ni papa kay zachy napaangat tuloy ng tingin si Zachy na seryosong kumain sigurado ako sa resto na naman kakainin to kung hindi ko inaya dito umiiwas kasi siyang kumain ss bahay nila dahil naaalala niya ang parents kaya sinasabihan na niya yung kasama niya sa bahay na wag na siyang ipagluto. "Sure po tito wala naman po akong maagang lakad bukas", nakangiting sagot naman nitong mokong na to if i know yung isang bote nila nagiging apat o lima. "Pa isang bote lang ha", ngusong sabi ko kaya kumunot ang nuo ni papa. "Day off ko bukas at wala ding maagang lakad si Zachy boy kaya kahit maging dalawang bote Maggie walang problema", sagot niya sakin kaya lalo lang akong napanguso sa sinabi niya buti nga sana kung isa o dalawa lang pero hindi kasi kulang yun lalo na pag napasarap sila nang kwentuhan ewan ko ba ang bilis napanatag ng loob ni papa kay Zachy. "Maiba ako kayong dalawa ba wala pang balak magpakasal?" aba eh sana naman bago ako mag retiro sa pagiging pulis may apo na akong aalagaan..dahil sa sinabi ni papa sabay pa kameng naubo ni zachy magpapakasal kame?e wala nga kameng relasyon bakit napunta sa kasal.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD