CHAPTER 2

4602 Words
CHAPTER TWO Ang araw na pinuntahan namin si Tita Rachel ay ang araw na akala ko magiging bakasyon namin nila mama at papa kahit isang araw lang. Minsan lang kasi kami lumabas para mamasyal. Pero akala ko lang pala ‘yon. Ang araw pala na ‘yon ay ang magiging unang araw... ng lahat ng wirdong mangyayari sa buhay ko. Naupo ako sa couch dito sa living room nang magpaalam sila mama at papa na aalis lang saglit. “Dito ka lang, may hahanapin lang kami ng papa mo sa attic ng tita Rachel mo.” Bilin ni mama sa ‘kin habang naglalakad kasunod ni papa paakyat ng hagdan. “One more thing, do not open that briefcase, okay?” pahabol ni papa habang seryosong nakatingin sa ‘kin at turo turo ang briefcase na nakalapag sa center table. “Parating na rin ang tita mo galing sa labas kumuha lang ‘yon ng halaman, huwag kang susuway sa mga bilin namin. We trust you.” Ani pa ulit ni papa saka pinanliitan ako ng mga mata. “Okay po, oo na po.” Bored na sagot ko. Kung ano man ang laman niyan, alam naman nila papa at mama na kapag sinabi nilang hindi ay hindi ko naman talaga gagawin. Napaka masunurin ko kayang anak. “Bilisan niyo po ah, baba po kayo agad.” Dugtong ko. “Kapag dumating na ang Tita Rachel mo, sabihin mo sa kanya na bilisan niya na at umakyat na siya rito sa attic kaagad ha,” pahabol pa ulit ni mama habang patingin tingin sa relo na parang urgent na urgent. Sunod sunod ang tango ko saka nag thumbs up pa ng dalawang daliri kay mama. Nang mawala na sila sa paningin ko ay tinitigan ko naman ang dalawang briefcase na kulay itim at kulay puti. Siguro kulang lang ako sa kinain ko kaninang lunch o kulang lang ako sa tulog kaya sa paningin ko ay parang nagliliwanag ang loob ng briefcase at tumatakas ang sinag sa bawat sulok ng briefcase. Siguro may christmas lights sa loob kaya ganiyan. O flashlight. Whatever. Nilibot ko ang tingin sa buong paligid na lang para may magawa. Kung titignan mula sa loob ng bahay ay napaka ganda ng paligid, pero kung sa labas mo titignan ay parang sobrang simple lang ng bahay ni tita Rachel. Hinding hindi mo talaga maiintindihan kung paano nangyari. Tapos bawat bagay pa rito sa loob ay parang gumagalaw kapag hindi mo tinitigan nang mabuti, sobrang weird talaga sa pakiramdam. Pero hindi naman to the point na matatakot ka at iisipin mong baka multo lang. Hindi kasi ganoon ang nararamdaman ko. Parang may iba pa. Tumayo ako para lapitan sana ang ilan sa mga nakahilerang picture frames na maliliit sa gilid ng television ni Tita Rachel nang magulat ako sa ingay ng grandfather clock ni Tita Rachel. Umalingawngaw ang tunog nito sa buong kabahayan dahil tumapat na sa saktong alas dose ng tanghali ang mga kamay ng orasan. Naisip kong puntahan at lapitan ang grandfather clock ni Tita Rachel sa corner ng living room dahil sobrang laki nito at gold na gold ang kulay. Pagkalapit ko rito ay napansin kong sobrang dami ng mga litratong nakadikit sa bandang baba, nakadikit ang mga ito... o parang nakaukit mismo? “Wow,” hindi napigilang bulong ko sa hangin habang nilalapitan ng tingin ang mga litrato. May isa doon na litrato ko pa at mukhang kinuha ang litratong ‘yon noong maliit pa lang ako. Sa tingin ko ay edad walong taong gulang pa lang ako. Natatawang tinitigan ko ang hitsura ko. Ang pangit ko talaga, my gosh. Ang buhok ko ay sobrang haba na hanggang beywang tapos gulo gulo habang nakahawak sa lobo ang kaliwang kamay at ang kanang kamay naman ay nakahawak sa ice cream. Nakangiwi ang mukha ko at nakatingin sa ibang banda bukod sa camera. “Ang chaka ko doon, bakit kaya hindi ako nakangiti.” Nagtatakang tanong ko. Kasi naman, halos lahat ng picture ko noong bata ay hindi nakangiti. It’s either nakasimangot, nakangiwi, mukhang natatakot o ‘di naman kaya ay umiiyak. As in lahat! Lahat ng litrato ko! Kapag naman tinatanong ko si mama ay hindi niya naman masagot, ganoon din si papa. Ang sinasabi lang nila palagi ay hindi rin nila alam ang dahilan kung bakit ganoon. Basta bigla na lang daw akong mawawala sa mood kapag picture taking. “Wala tuloy akong cute pictures noong childhood. Wala akong maipost na cute throwback pictures sa social medias kapag Thursday eh.” Iritableng bulong ko pa sa hangin. Hinawakan ko ang litrato saglit bago sana magpasya na bumalik sa pagkakaupo sa couch pero natigilan dahil pagkahawak ko ng litrato ay may narinig akong mga boses. Natigilan ako at pakiramdam ko tinakasan ako ng mga dugo ko. Pagkadikit na pagkadikit ng mga daliri ko sa litrato... parang nakita kong gumalaw ‘yung mga tao sa litrato at... nakarinig ako ng mga boses. Napaatras ako palayo. Nilingon ko rin ang buong paligid. Walang babae, lalaki at bata rito kaya... kanino ang mga boses na narinig ko? Bumilis ang t***k ng puso ko at napatingin sa oras sa may grandfather clock. 12:05 PM. At dahil salamin ang pumoprotekta sa orasan sa loob, nakita ko ang repleksyon ko roon at tila... nagliliwanag ang katawan ko nang kaunti. Ipinikit ko ang mga mata ko at sunud sunod na iniling ang ulo. Hindi kasi talaga ako naniniwala sa multo eh, pero baka maniwala na ako ngayon dahil sa luma na ang bahay ni Tita Rachel tapos ganito pa ang nararanasan ko mula pa kanina. Huminga ako nang malalim saka natakot na bumalik sa couch, feeling ko kasi kapag gumalaw pa ako at naglakad sa kung saan saan ay may lilitaw na white lady sa harapan ko kagaya ng mga nasa palabas sa tv. Okay, naniniwala na ako ngayon sa multo I guess. Kasi nag uumpisa na ako matakot! Bumalik na lang ako sa pagtingin ng iba pang litrato sa grandfather clock sa ibaba noon. Nakahanap ako ng isa pang litrato ko, kasama ko naman doon si Tita Rachel na nakatawa sa camera habang ako... as usual, umiiyak at hindi nakatingin sa lens ng camera. Nakaturo ako sa kung saan at mukhang natatakot na ewan. Ang litratong ‘yon ay nakalagay sa gitna ng gold na design sa ibaba ng grandfather clock, sobrang ganda ng design na naka kabit mismo sa loob. Totoo kayang gold ‘to? Hinawakan ko ang design na ginto saka ang litrato. “Wendy baby! Tingin sa camera, baby!” Nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ulit ng mga boses. This time, boses ni mama na ‘yon... tapos iyak naman ng bata. “Wendy, umiiyak ka na naman. Palagi na lang kapag may kamera ha!” boses ni Tita Rachel! Mabilis na napunta sa litratong hinahawakan ko ang atensyon ko. Gumalaw ‘yon nang mabilis, na parang pinakita sa ‘kin ang... mismong nagaganap habang kinukuha ang litrato. Oh my gosh. TO BE CONTINUE... This is a quick spoiler from the later chapter. Please read more! Nilingon ko ang sumasabay sa akin ngayon sa paglalakad. Walang iba kundi si Mary at Shian. Kahit nasa paligid at mga wirdong tao ang kanilang atensyon ay nakuha ko namang ako ang kinakausap ni Mary. “Wala na.” Maiksing sagot ko sa kanila. Ayon sa ancient map na ‘yon ay kailangan daanan ang limang lugar para diretsong mapuntahan ang Isla ng mga Higante. Kaya nga mahirap na makapunta sa Isla na ‘yon na gawa lang ng pamilya ko kung hindi ka isang Prime o wala kang kasamang Prime. Pero kung aalalahanin, ang mgalugar ay para ipahamak ang kung sino mang mangangahas na magpunta ng isla na hindi naman kasama sa angkan ng mga Prime, paano naman kung ako ang mangahas na magpunta sa isla na ‘yon? Ibig sabihin may tyansang makalabas kami rito? “Wendy!” Nilingon ko ang tumawag sa ‘king pangalan saka natagpuan ang tingin ni Samuel mula sa ‘di kalayuang distansya. Nasa harap ito ngayon ng babaeng medyo mas matanda yata sa kaniya ang edad habang nag- aabot siya rito ng kung anong nakabalot sa maliit na tela, at kumakaway ang isang kamay sa gawi ko. Lumapit ako sa kaniya at naramdaman kong sumunod sa likuran ko si Mary at Shian. “Nakahanap ako ng tutuluyan nating lahat habang nandito pa tayo,” bungad ni Sam pagkalapit ko sa kaniya. Nakangiting ipinakita niya ang susi mula sa kaniyang kamay. “You mean, tutuluyan natin hanggang mamatay tayo?” Pagsingit ni Mary saka kamot- ulong nag- peace sign. “Kidding,” “Okay ‘yan, magpaplano tayo para makalabas dito. Makakahanap ako ng paraan,” pagpapalakas ko ng loob nila. Pero sa katunayan ay 50/50 talaga kung makakalabas kami rito o hindi. Wala akong ideya kung paano. Saan naman ako maghahagilap ng impormasyon kung lahat nga ng mga tao rito ay nawalan na rin ng pag- asang makalabas ng lugar, ang iba sa kanila ay tumanda na lang nang hindi nakakalagpas ng kahit anong bakod, gate o pader ng Yesterday Town na ito. “Malaki ba ‘yan? Hindi ko kakayanin kung maliit lang, lalo na’t magkakasama kami ng Elixir na ‘yon. Hindi ko nga rin maatim na halos iisang dugo ang nananalaytay sa mga ugat namin sa sobrang sama ng ugali niya,” naiiling na sambit ni Shian saka nakakrus ang mga brasong umalis sa banda namin para lumapit sa mga kapatid na sila Mira, Michael at Miguel na nakatanaw pa rin sa mga taong umaakto ng wirdo sa paligid. Habang si Elixir naman at ang mga tauhan niya ay kumakain na sa gilid. “Mabuti na lang at may mga dalang ginto at pilak bilang pera,” rinig kong sabi ni Samuel. “Nauna na si Daro sa loob, malaki naman daw ang silid kaya kahit isa lang ay kakasya tayong lahat. Kumbaga hindi lang siya silid pala, mukhang maliit na bahay na ‘yon kaya tamang- tama lang,” Tumango ako bilang pagtugon saka tiningala ang building na nasa harapan namin. Sobrang taas nito at sobrang lapad, walang duda na malalaki nga ang mga silid nito sa bawat palapag. Kung ililibot din ang paningin ko sa buong bayan ay hindi naman nawawalan ng matataas na building at iba’t ibang nakakamanghang gusali ang lugar. Kahit mukhang kaunti lang ang mga tao ay nakagawa sila ng mga ganoon. Marahil dahil wala naman na silang pagpipilian, hindi na sila makalabas kaya kailangan na lang mabuhay sa loob ng lugar na ‘to. “Sign ka na lang dito, hijo.” Sabi noong babae kay Samuel habang itinuturo sa kaniya ang listahan at ballpen sa reception desk ng gusali. Sumunod ako kay Samuel at nakasalubong namin si Daro, parang walang nakita na lalagpasan niya sana ako pero hinila ko ang manggas ng suot niyang itim na tshirt. “Saan ka pupunta?” Tanong ko sa kaniya. “Hahanapin ko ang exit. Sama ka?” “Sama ako,” Mabilis na sambit ko. “Ako rin, wait for me,” ani Samuel kaya nalingon namin ang gawi niya. Maglalakad na sana ito para sumunod na sa ‘min nang tawagin ulit ng babae sa reception desk ang atensyon niya pabalik. “Pakilagay ang pirma mo kasama na rin ang date at time.” Pagpapatuloy ng babae saka nagsalita pa ulit habang nagpipirma si Samuel sa listahan na sinasabi niya, “Naku, hijo, kayo pala ‘yung bagong pasok sa bayan?” Napaangat sa kaniya ng atensyon si Samuel saka tumango, “Kami nga ho.” “Simula ngayon ay palagi kang mag- iwan ng pirma, date at time sa mga bibilhin mo. Sabihin mo na rin sa iba mong kasamahan, mukhang marami kayo at walang ideya sa lugar na pinasok ninyo eh,” natatawang sambit niya. “Ano pong mayroon sa date at time?” Tanong ni Samuel. “Ang sabi ng lahat dito ay umuulit ang mga minuto at oras, hindi namin alam kung kailan o kung totoo ba ‘yon, walang nakakaalam kung may katotohanan ngang nangyayari ‘yon dito. Pero nagugulat na lang kami sa mga signature na may date and time bilang katibayan ng mga purchase, kahit walang nakakaalala kung may nangyari nga bang ganoon.” Nagkatinginan kami ni Daro at hindi na nagtangka pang umimik. Napaisip ako sa sinabi noong babae. Wala ni isa sa kanila ang nakakaalala, probably kagaya rin ng nangyayari kanina pa kila Samuel at sa iba pa naming kasama rito. Napabuntong- hininga ako. Akala ko pa naman ay tapos na ang ganoong problema ko kanina sa paulit- ulit na oras at mga minuto, mayroon pa pala ulit sa loob ng Yesterday Town na ‘to. “No wonder at Yesterday Town ang pangalan ng bayan na ‘to.” Wala na sa mood na bulong ko sa hangin. Mukhang narinig naman ng mga kasama ko habang naglalakad kami sa lugar kaya narinig kong natawa si Samuel habang si Daro naman ay napapailing na lang. “Totoo kaya ‘yong sinasabi niya? Baka inuuto tayo dahil bago tayo rito,” Ani Samuel. “Ang sa tingin ko naman ay 50/50 lang. Hangga’t walang pruweba at solid na ebidensya na may nangyayari ngayong ganoon ay hindi ako magpapaniwala.” Komento ni Daro. “Totoo ang sinasabi ng babae kaya maniwala tayo,” pagbasag ko sa mga pg- aalinlangan nila. Sabay silang napalingon sa akin at hinintay ang sunod kong sasabihin. “Ako mismo ang nakaranas, doon pa lang sa labas ng town, kung alam niyo lang kung ilang beses akong umulit kasama ang minuto at bawat oras sa pare- parehong scenario bago natin marating ang higanteng gate na ‘yan. Nakakastress.” Wala na sa mood na sambit ko. Iniisip ko pa lang ang nangyari sa ‘kin kanina ay parang gusto na ulit sumakit ng ulo ko eh. ‘Yon na yata ang trauma ko simula ngayon, bagay na hindi ko na ulit gustong alalahanin na nangyari sa buhay ko. Never na. “Huh? Anong nangyari? Kailan? Bakit hindi ko man lang napansin? Ganoon kabilis?” Hindi makapaniwala at may himig ng pag- aalala na tanong ni Samuel sa ‘kin. “Wala ngang nakakaalala sa inyo eh. ‘Yon ang nakakainis,” naiiling na angal ko. “Kaya ba alam mo na agad ang gagawin sa gate at naroon ka na sa bandang ‘yon kung sa’n ka namin naabutan?” Tanong pa ni Daro sa ‘kin. Tumango ako bilang pagtugon. Nakita ko ang ekspresyon ni Samuel at halatang nag make sense na nga ang mga actions at decisions ko kanina lang sa kaniya. Kung bakit gusto kong umalis ng sinasakyan namin sa paglalakbay papuntang madilim na kagubatan kahit mag- isa lang ako. “Sabi ko na nga ba kahit anong desisyon mo ay dapat lang pagkatiwalaan,” nakangiting sambit ni Samuel.  “Kaya hindi ko na balak na magtagal pa tayo rito, hindi dapat.” Dugtong ko pa saka nagpatuloy kami sa paglalakad. Marami kaming pinuntahan na lugar at nag- observe kami habang paminsan ay nagtatanong- tanong sa mga tao sa paligid patungkol sa kung ano pang kababalaghan ang mayroon sa lugar na ‘to. “Ang sabi ng iba ay makakalimot kapag umulit ang oras, pero sabi- sabi lang naman ‘yon eh. Hindi nga ako naniniwala dahil wala naman ebidensya na talagang may ganoon. Mas naniniwala akong hindi pwede lumabas dahil kahit anong gawin namin ay ayaw mabukas ng gate.” Ani noong pinagtanungan namin na matandang babae, nagwawalis ito sa harap ng kaniyang munting bahay at mukhang marami pa sanang gusto sabihin nang magpaalam na kami. “Ako ang pruweba.” Natatawang sabi ko pagkalayo namin doon. “Bakit kaya ikaw lang ang nakakaalala habang kami ay wala namang matandaan gaya ng kwento mo,” nagtatakang sabi ni Daro. Kumibit- balikat ako. Hindi ko rin talaga alam ang posibleng dahilan. “Baka dahil isa kang Prime at kami ay hindi?” Ani Samuel. “Pwede rin,” sagot ko. Mayroon pa ulit kaming pinagtanungan na nakita lang naming kumakain sa isang wooden bench sa kahabaan ng tahimik at walang katao- taong kalye. “Sa edad kong ‘to at kahit ang gusto ng ibang babae riyan ay magpaganda ng hubog ng katawan ibahin ninyo ako. Wala akong pakialam na babae sa ganoon! Tanungin mo ‘ko kung bakit, bilis!” Makulit na sambit noon sa ‘min nila Samuel at Daro. Napalingon ako kila Samuel at Daro, hindi sigurado pero sinunod na lang ang sinabi niya. “Uhm, bakit po?” Lumapit ito nang bahagya sa ‘min saka mahina ang boses na bumulong. “Kinakain ko na ‘to lahat agad dahil kapag naulit na ang oras ay babalik na naman sa nakaraang mga oras ang mga eksena rito at hindi ko na ‘to matitikman pa!” Tukoy niya sa maraming uri ng mga pagkain na nasa tabi niya ngayon sa wooden bench. Puro matatamis na snacks ang naroon, mukhang mga tsokolate na gawa pa sa cocoa at mga gatas pati na rin mga heavy meal na nakalagay sam gag plato, may humahalimuyak pa nga ang amoy na noodles. Napakamot tuloy ako ng noo, pakiramdam ko ay nagutom din ako eh. Hindi na namin siya nakausap pa pagkatapos niyang sabihin ‘yon dahil wala na siyang sinayang pa na segundo, pinaglalantakan niya na ang mga pagkain na parang mauunahan siya ng kung sino kung hindi kakainin ang mga ‘yon nang mabilisan. Halos kahit saan kami magpunta ay may makikita kaming kumakain nang kumakain na para bang mauubusan sila ng pagkain kung hindi nila ‘yon gawin ngayon o para bang ito na ang huling araw nila sa mundo kaya kakainin na ang lahat ng pwede at gusto kainin. Nilibot namin halos ang buong lugar at nang marating ang dulo at sulok ng bayan ay nakahanap kami ng malaking… uh, hindi ako sigurado kung anong klase ‘to dahil may nakatakip na malaki ring tela sa harap. Parang kung ano na tinatabunan ng higanteng tela na tinahi para pagdugtong- dugtongin. “Ano naman ang isang ‘yan?” Asik ni Daro. “Parang malaking screen sa sinehan ng mortal world, o ‘yung malaking stage ng teatro na may nakaharang sa una na malaki at higanteng kurtina tapos bubuksan lang kapag mag uumpisa na ang play,” komento pa ni Samuel habang hinihimas ang noo at takang- taka sa kung anong nasa harapan namin ngayon. Humakbang ako para sana lapitan ang kung anong ‘yon at nang akmang aabutin na ang tela para silipin kung ano ang nasa likod nito ay bigla namang may pumito na malakas. Paglingon ko, ganoon din sila Daro at Samuel, ay nakita naman namin ang ilan sa mga mamamayan ng Yesterday Town, nakauniporme sila na parang officer ng pulisya. Tatlo sila at patakbo na lumalapit sa ‘min. Hirap na hirap pa nga sa pagtakbo dahil sa bigat at laki ng mga tiyan. “Hoy, ineng! Bawal diyan!” Pigil niya pa saka tuluyang nakalapit sila sa ‘min. “Naku!” Bulalas pa no’ng isa sa mga kasama niyang nakauniporme saka tumuro sa ‘kin at sa dalawa ko pang mga kasama. “Ito yata ‘yong mga bagong pasok sa town, hindi nila alam na bawal dito!” Pinanliitan kami ng mga mata no’ng nasa gitna sa kanila, mukhang mas mataas ang posisyon nito dahil sa kulay ng uniporme na itim, naiiba kaysa sa dalawang kasama na kulay gray naman ang polo. “Bawal ba rito?” Prenteng tanong ni Daro sa kaniya saka nag- angat ng tingin sa higanteng kurtina sa likuran namin. “Walang nagsabi sa ‘min,” Humugot sa bulsa ‘yong pulis saka naglabas ng posas mula roon kaya nanlaki ang mga mata ko. “Sumama muna kayo sa ‘min, hindi gagana ang mga mahika niyo rito kaya h’wag na kayong magtangka.” Inuna niyang abutin sana ang braso ko pero bago pa dumapo ang kamay niya sa balat ko ay humarang na ang kamay ni Daro saka tinabig ang kamay niyon. Si Samuel naman ay humakbang para harangan ako sa kanila. “Sinabi nang hindi namin alam na bawal eh. Aalis na kami kung bawal pala rito.” Ani Daro saka kinuha ang kamay kong may suot na glove at hinila na ako paalis sa harapan nila. Naiwan silang hahabol pa sana sa amin, pagkalingon ko ay hindi naman na sila nakasunod dahil hinarang sila ni Samuel at kinausap nang ilang segundo saka sumunod na sa ‘min ni Daro. “Umalis na rin kayo diyan kasi bawal diyan!” Pabirong sigaw ni Samuel sa tatlong naiwan na pulisya doon saka sumabay sa ‘kin sa paglalakad. “Bawal, bawal, sus. Lalo tuloy akong na- curious kung ano ang mayroon doon.” Ani Samuel. “Puntahan ulit natin mamaya ‘yon, kapag gabi na at tulog na silang lahat,” nakangising suhestyon niya. “I’m in.” Pagtango ni Daro sa kapatid. Napaangat ang kilay ko. “Kailan pa kayo naging magkasundo sa isang bagay?” Napayuko si Samuel saka mahinang natawa habang si Daro naman ay hindi rin umimik at nakapamulsa lang ang mga kamay na naglakad. Masaya ako para sa kanilang dalawa. PAGBALIK namin sa sentro ng Yesterday Town ay mas malala na ang kalagayan ng mga tao, ‘yon ang bumungad at naabutan namin. Kalat na sa kahit saan ang mga pagkain na nahuhulog sa sahig dahil sa pagkain… hindi pala ‘yon ang term, paglamon na pala, na ginagawa nilang lahat. “Nakakadiri naman ang mga ‘to,” naiiling na komento ko. “Saan kayo galing? Bakit hindi kayo nagpapaalam?” Nag- angat ako ng tingin at bumungad sa ‘min si Elixir na as usual ay iritable ang mukha sa ‘min “Ikaw ba si mama para magpaalam pa ‘ko sa ‘yo?” Umirap ako sa kaniya bago siya lagpasan. May sagot din siya na nakakainsulto pero hindi ko na pinansin pa at sa halip ay nilayuan na silang tatlo magkapatid doon. “Wendy!” Sumalubong sa ‘kin ang lakad- takbo at halos nakabusangot na mukha ni Mira kasunod si Miguel. “Mira,” bungad ko sa kaniya. “May problema ba?” “Hindi ko alam kung dapat kong problemahin pero nag- aalala na kasi ako.” Ani niya. “Masyado ka lang nag- iisip ng kung anu- ano, Mira.” Pagsingit ni Miguel sa kapatid saka kinamot ang noo na tinignan ang mga tao sa paligid. “Okay, sige, tignan mo si Michael!” Turo ni Mira sa kung saan kaya sinundan ko ang tinutukoy niya, napaangat ako ng mga kilay nang makita sa gitna ng maraming taong abala sa pagkain si Michael. Parang kaisa na rin doon si Michael dahil sa siba nito kumain. Nasa tabi niya si Shian at mukhang may sinasabi sa kapatid, nakakunot na nga ang noo na parang kanina pa siya pinagsasabihan, pero itong si Michael ay mukhang wala naman pakialam at parang walang naririnig. “Gutom siya? Ako rin medyo gutom na,” nakangusong sambit ko. Mukhang masarap naman ang mga pagkain na kinakain nila, kahit nga walang mesa masyado sa paligid ay kaya nilang kumain habang hawak lang ang malalaking plato. Ang mga pagkain naman ay galing doon sa isang shop na punung- puno ng lamesa na may iba’t ibang urg pagkain. ‘Yon nga lang ay nakakawalang gana na kumain sa sobrang kalat ng paligid at sobrang siba ng lahat kumain. “See?” Ani Miguel. “Lahat tayo ay gutom. Ang pinipilit ni Mira ay may mali sa pagkain ni Michael.” Noong una ay kinakampihan at sinasang- ayunan ko pa si Miguel. Gutom nga naman kaming lahat kaya naman hinayaan namin si Michael dahil hindi rin naman siya nagpapaawat kahit anong hila nila Shian sa kaniya. Ako gutom din pero wala lang gana dahil… ewan ko ba, nakakawalang gana silang lahat tignan. Sobra- sobra kung kumain dahil natatakot daw ang lahat na baka umulit na ang oras at hindi na nila matikman ulit ang mga pagkain na nakahain sa araw na ‘to. Nalaman kong iba- iba pala ang hinahain mula sa food shop na ‘yon at ‘yon din mismo ang bumubuhay sa mga mamamayan na nandito sa Yesterday Town. Walang bayad. Maliban na lang sa ibang bagay na kailangan mo ng ginto at pilak para bumili. Maraming tanong ngayon sa isipan ko, galing din ang mga bagay na ‘to kila Daro at Samuel. Gaya ng… kung nakakulong silang lahat, mabuti at hindi pa sila nauubusan ng pinagkukunan ng mga pagkain? Misteryoso kung iisipin para sa ‘kin, sunod kong balak ay hilahin sila Daro at Samuel sa food shop na ‘yon at magtanong. Pero lumipas ang mga minuto, halos bumagsak na ang katawan ng lahat sa kabusugan at kataka- takang hindi pa rin sila tumitigil. “Tignan mo ‘tong inutil na ‘to,” ani Elixir habang nanunuya ang ngisi na nakatingin kay Michael. “Patay gutom.” Sinuntok siya sa mukha ni Miguel at halos bulyawan ni Mira sa galit dahil iniinsulto na naman ni Elixir ang isa sa mga kapatid nila pero as usual ay hindi ko na sila pinansin pa. “Parang wala sa kontrol si Michael,” Napalingon ako sa nagsalita, si Samuel ‘yon at seryosong nakatitig sa banda ni Michael. “Wala na sa sarili kamo,” dagdag pa ni Daro. “Bakit?” tanong ko sa kanila. “Tignan mo ang gagawin ko,” ani Samuel sa ‘kin saka lumakad palapit kay Michael. Nakakunot ang noo na inabangan ko ang gagawin niya. Nagbiro siya kay Michael pero mabilis lang siya nitong tinapunan ng tingin na parang walang kapakialam- pakialam, basta kakain lang ng pagkain. Ang sunod na ginawa ni Samuel ay mabilis niyang hinablot ang pizza slice mula sa kamay ni Michael. Ang naging reaksyon ni Michael ang nagpatagilid ng aking ulo dulot ng matinding pagtataka!   "Napasarap lang ng kwentuhan." sagot ni Samuel.   Naglakad na patungo sa likuran sina Samuel kasama ang tatlo pang mga kaibigan. Maayos silang tumindig habang nasa harap ang tingin, habang si Miracle ay ayon at okupadong muli ang isip. May bata na naman kase ang napaslang dahil sa kasalanang hindi nito ginawa. Sa limang taon na lumipas ay mahigit dalawang daan na ang namamatay, mabuti na lamang at may dumadagdag sa kampo.   Ang lahat ay walang ideya sa nalalaman ni Miracle. Alam nya kung sino ang dahilan ng lahat. Hindi lamang nya magawang isatinig ang laman ng isip sapagkat ayaw nyang lumikha ng gulo, lalo pa't galing sa kalabang lungsod ang babaeng nakapasok sa kanilang kampo. Hindi nya pa napapatunayan ang paratang, ngunit malakas ang pakiramdam nyang totoo ang kanyang iniisip patungkol kay Hyera.   Nagsimula ang pagsasanay, pinilit ni Miracle na ituon ang kanyang atensyon sa ano mang ipinapagawa ng mga bantay. Maya't-maya ang hampas nya ng patpat sa sino mang nakakatapat, isa ito sa page-ensayo para sa nalalapit na digmaan. Ang digmaan ay hindi nangyari sa inaasahang pagkakataon, hindi natuloy ang balak na pagsugod ng Lepana sapagkat nais nilang mas palakasin pa ang kanilang pwersa kaya't humingi sila ng dagdag pang mga taon upang magsanay.   Pagkatapos ang pagsasanay ay naupong muli sa ilalim ng puno sina Miracle, Elizabeth, Isaiah at Samuel. Hinihingal silang lahat habang inilalapag at hinuhubad ang mga kasuotan at sandatang pandigma.   "Napakarami nang batang nasanay ng husto ang nalagas sa kampo." bigla ay nagsalita si Samuel, "Sana ay kayanin natin ang digmaan." huminga ito ng malalim.   "Kakayanin natin 'yan." nakangiting pagpapalakas ni Elizabeth sa loob ni Samuel.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD