CHAPTER 3

1224 Words
CHAPTER THREE Malakas na bumukas ang pinto saka niluwa si Tita Rachel na humahangos at pawis na pawis pa. Sa orasan agad ang tingin niya at tinakbo na ang papunta sa hagdan paakyat. “Late na ako, dios ko, yari na talaga ako!” rinig kong sigaw niya nang palapit sa ‘kin, nasa gilid lang kasi ang grandfather clock ng hagdanan. “Tita! Tita!” tawag ko rito habang nakaturo sa litrato na kanina ko pa naririnig na parang may mga boses. “Mamaya na, bebe Wendy, late na ang pretty tita mo! Papagalitan ako ng butihin mong mama!” sigaw niya saka tumapak sa huling baitang ng hagdan papuntang second floor. “Pero Tita Rachel may narinig ako dito eh!” sigaw ko pa habang natatakot na nakaturo sa mga litrato. Natigilan si Tita Rachel sa gagawin dapat na pagbukas ng door knob sa isang room. Nilingon niya ako sa baba saka nanlalaki ang mga mata na nagtanong. “Ano ulit ang sinabi mo?” tanong niya. Idiniretso ko ang linya ng aking mga labi saka nilingon ang litrato sa grandfather clock. “Tita, magegets ko po kung hindi ka maniniwala sa sasabihin ko-“ “Nakarinig ka ng mga boses? Sa pictures? Tama ba ang pagkakarinig ko?” Tumango ako. Sure akong dito galing sa mga litrato ‘yon! Rinig na rinig ko! At kitang kita ko pa eh. Kitang kita ko na gumalaw nang sobrang bilis ang litrato, nakita ko ang eksena nang ilang segundo kung kailan ito nakuhanan. Tumigil lang sa paggalaw pagkatapos magflash ng camera. Kaso baka ang nasa isip na ngayon ni tita ay gumagamit ako ng pinagbabawal na gamot. Sa murang edad. O nag hahallucinate ako. My gosh. ‘Yun din siguro ang iisipin ko sa sarili ko. Charot. Hindi tumuloy si Tita Rachel sa pagbukas ng pinto na dapat itutulak niya na kanina, mabilis siyang tumakbo sa hagdan pababa para puntahan ang kinatatayuan ko saka tinapunan din ng tingin ang mga litratong tinuturo ko. “Wendy, nagsasabi ka ng totoo, sure na sure na sure na sure ka ba talaga? Promise na promise na promise ba?” mabilis niyang banggit habang nakalagay ang dalawang kamay sa magkabilang mga balikat ko at tinatapatan ang height ko. “Opo, tita Rachel, nagsasabi po talaga ako ng totoo.” Mahinang sagot ko at mas lalo tuloy kinakabahan sa paraan ng pagtatanong niya. “Wendy, seryosong bagay ‘to. Real na real na real ba?” tanong ulit ni Tita Rachel pero this time ay sobrang bagal at parang maingat na nagtatanong siya dahil bawat words niya ay mariin. “Oo o hindi?” “Tita, hindi naman po ako sinungaling. Hindi rin po ako gumagawa ng kwento. Totoo po talaga!” pilit ko. “Sa totoo po niyan, pangalawang beses ko na nga po narinig ‘yung mga boses! Kasi kanina hinawakan ko rin po ‘tong isa sa taas nito.” Turo ko sa mga litratong kanina ko pa tinitignan. Unti unting umawang ang bibig niya saka nanlaki na naman ang mga mata. Tapos pumalakpak at malawak na ngumiti habang nagtatalon sa... tuwa? “Tita?” “Wendy, masaya ako! Sobrang saya ko talaga! Masaya ako para sa ‘yo, Wendy!” sigaw niya habang hinahalikan ang mga pisngi ko nang magkabilaan. “Congratulations, Wendy! Isa ka talagang Prime! I mean, totoong Prime ka naman dahil ‘yon ang surname natin, anak ka ng mama at papa mo, pero isa kang Prime dahil... dahil ganiyan!” OA na nilahad nito ang dalawang kamay paturo sa mga litrato. Isa akong... ganiyan? “Isa po akong ano, tita Rachel?” pag ulit ko sa katanungan sa isip ko. Si tita Rachel ‘yung tipo ng tita na parang kaedad mo lang kung isa kang teenager. Napaka lively, alive at full of energy niya. Kagaya na lang ng energy na ipinapakita niya sa ‘kin ngayon. Kaso hindi kami magkaunawaan. “Isa kang Prime, hija, kasi may ganiyan kang ability! You are a full-blooded Prime because of that power!” aniya saka tumili at niyakap ako nang mahigpit habang masayang tumatalon talon. NANG sumapit ang hapon ay nagtipon kami sa labas ng bahay ni tita Rachel, kanina pa sila usap nang usap ni mama at papa pero hindi man lang ako sinasali. Bawal ko raw marinig dahil seryosong bagay at... bawal sa bata. Napanguso ako. Okay, fine, kapag 22 years old na ako hindi niyo na ako ituturing na bata ha. Malapit na ako mag 18 years old. Three days na lang! “Tara na, Wendy, magpaalam na sa tita Rachel mo at kailangan na natin umalis. Baka abutan tayo ng dilim sa daan.” Bilin ni mama habang naglalakad na sila ni papa papuntang sasakyan. “Bye po, Tita Rachel. Mamimiss kita.” Paalam ko kay tita Rachel saka yumakap nang mahigpit. Nakangiting tumugon naman siya sa yakap saka humalik sa pisngi ko. Kung tatanungin ‘yung nangyari kaninang tanghali, masayang masaya si tita Rachel pero hiniling niya na huwag muna banggitin kay mama at papa ang bagay na ‘yon. Sabihin ko na lang daw sa eksaktong araw ng kaarawan ko, sa 18th birthday ko, dahil isa raw ‘yon na surprise news. Sobrang masusurpresa daw at matutuwa ang mga magulang ko sa bagay na ganoon. Ang weird ni Tita Rachel pero umoo na lang ako na huwag na nga banggitin pa kila mama at papa. Kasi nagbago na rin ang isip ko, huwag ko na siguro ulit isipin ang ganoong bagay dahil baka namalik-mata lang ako. Kapag tinitignan ko ang mga pictures sa bahay niya kanina ay hindi ko na magawang hawakan kahit pinapa try pa ulit sa ‘kin ni Tita Rachel. Feeling ko kasi haunted lang ang buong bahay niya at ang mga gamit niya eh. “Mamimiss din kita. Gamitin mo ang power mo wisely, okay?” bilin niya saka tumayo kung saan mahaharangan ang view ng parents ko sa akin saka siya may inabot na paperbag. “May kahon sa loob ng paperbag na ‘to, advance birthday gift ko na sa ‘yo ‘to ha. Kasi sigurado akong hindi ako makakapunta sa espesyal na araw ng kaarawan mo. Pinatungan ko ‘yan ng mga pagkain para kapag nagtanong ang mama at papa mo ay pwede mong ipakita na binigyan lang kita ng snacks.” Aniya. Power? Hindi na ako masyadong umimik patungkol sa binabanggit na ‘yon ni tita Rachel. Inintindi ko na lang ang mga sinasabi niya. Ayoko naman na isiping nawawalan na siya ng bait at maayos na pag iisip dahil mag isa lang siya rito. Kinuha ko ang inaabot niyang paperbag na puti saka sinilip. Ang dami ngang chocolates sa ibabaw. Nasa ilalim na parte ay may medyo malaking kahon na kulay pilak. “Ano po ang laman ng box?” tanong ko. Ngumiti si Tita Rachel. “Pictures.” Kumindat siya saka tinapik ang ulo ko. “Huwag mong sabihin na binigyan kita niyan, pero siguro sa 18th birthday mo ay pwede mo na ikwento sa mama at papa mo.” Tumango ako kay tita at yumakap ulit. “Bye po, Tita. I love you.” “Sure, I love you, too.” Sagot niya. “Mahalin mo ang kakayahan mo, Wendy. Pamilya lang natin ang may kaya niyan, we’re one damn special family!”      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD