Chapter 20

1119 Words
"Ohhh. Ikaw nga ang usap-usapan ng mga pinuno sa iba't ibang Emperyo. Kaya pala..." pagtango-tango niya saakin. Ayon sakaniya kanina'y siya ang Emperador ng Emperyo ng Mantriv. Invisible f*****g creatures. Napatingin naman ako sa kalaban ko kaninang lalaki na nakikipagpalitan ng pagtira kay Valentine na hindi ko alam kung saan galing. "Ano naman ang pinagsasabi nila saakin?" Patawa kong tanong habang hinihingal. Masyado siyang malakas. Hindi ko alam kung kailan siya mapapagod dahil ako'y nanghihina na. "Sabi nila'y magaling kang makipaglaban. Well, I kinda agree with that, but you have no difference with other creatures here. Wala ka sa kalingkingan ko." Pagngisi niya atsaka ulit ako sinugod. Nakita ko ang pangit na nilalang na tumatakbo papunta kay Luna kaya ko sila agad binato. Pagbalik ng espada ko saaking kamay ay sinangga ko ang pagtira niya. "Ano ba ang gusto niyo? Bakit hindi kayo matahimik sa kaniya-kaniya niyong teritoryo?" Hirap kong tanong dahil sa pwersang binibigay niya saakin. "I'm just doing the best for my Empire." Tugon niya atsaka ako pinahiga. Napapikit ako dahil sa malakas na pagtama ng likod ko sa matigas na lupa. Hindi na siya nag antay ng panahon atsaka ako tinira ng kaniyang mahabang espada ngunit agad akong nakaikot at tumayo. "I don't know why you two, is fighting for these two Empire. Bakit hindi niyo na lang kasi tanggapin na mapapasaamin din naman ito?" Tanong niya atsaka binato saakin ang kaniyang espada ngunit nakaiwas nanaman ako. Bigla niyang sinuntok at pinugutan ng ulo ang dumaan sa gilid niyang kalaban namin atsaka inagaw ang armas nito. Tumakbo siya papunta saakin at ako ay naghanda. Naging mas marahas ang bawat pagtira niya at mas mabilis kaya nahihirapan akong sumabay dahil sa paghihina ko. Dumapo ang kamay niya sa mukha ko dahilan ng pagkahiga ko sa lupa. "You're still a lady. A weak lady." Madiin niyang sabi. Titirahin na niya sana ako nang bigla siyang atakihin ng babaeng may kulot ang buhok. Sobrang bilis ng galaw niya ngunit nasasanga ng lalaki ang bawat tira niya. Patuloy ang lalaki sa pagatras kaya ko pinilit tumayo. "What the fu- who are you?" Tanong ng lalaki sakaniya. Tumakbo ako papunta sakanila ngunit napatingin sa babae nang siya'y malakas na sinampal ng lalaki. Nakahiga siya't nawalan ng malay. May. Sunod-sunod ko siyang tinira atsaka na rin ako gumawa ng usok. Kahit sa tingin kong hindi siya nakakakita'y nagagawa niya parin sanggahin ang pagtira ko. Ginamitan ko siya ng aking kapangyarihan ngunit nagagawa niya itong maiwasan. Humugot din siya ng espadang mahawakan niya habang siya'y umaatras at ginamit ito sa pagsangga sa mga tira ko. How can I kill him? Ano ba ang kahinaan niya? Napatigil ako nang bigla siyang naglaho kaya ko unti-unting inalis ang aking usok. Nagpatuloy ang mga naglalaban ngunit napatingin ako sa dalawang kalabang tumatakbo papunta saakin. Hingal akong naghanda ngunit biglang lumitaw sa harapan ko sila James at ang Emperador ng Orchian. "They're into us." Ani ng Emperador atsaka sinangga ang pagtira ng isa. Si James naman ay sinangga rin ang pagatake ng isa. "Lead the others. Kami na ang bahala dito." "I will help." "No." Madiing sagot ng Emperador. "This fight is between the Emperor and Empress. This fight is between us. Now lead them." "Sige na James. He's right." Hingal kong sagot. "Remember that Wintrayada and Ympra is not here. Labas sila sa labang nangyayari ngayon?" Aniya atsaka hinalikan muna ang tuktok ng ulo ko bago gumawa ng buhawi at doon sumama. "Bakit dadalawa lang sila?" "The other one from Matriv is gone. Bigla siyang nag laho." Tugon ko. "He's invisible." Dagdag ko atsaka sumugod katulad niya. Katulad ko'y marami na rin siyang galos at sugat. Habol niya na rin ang kaniyang hininga. Nagpalitan kami ng kalaban dahil hindi niya masundan ang galaw ng bampirang Emperador na sa palagay ko'y galing sa Emperyo ng Strevioa. Nginisian niya ako habang ang mga pangil niya'y unti-unting lumabas. Ang mga mata niya rin ay nagkulay dugo. Hindi ko inasahan ang kaniyang galaw kaya niya ako nasipa dahilan ng pagtilapon ko sa kung saan ngunit biglang may sumalo saakin. "Are you ok?" Tanong niya pero bigla akong umalis sa pagkakahawak niya. I need blood. Nanghihina na ako. Napatingin ako kay James na mabilis na napapatay ang mga kalaban kaya ko siya nilapitan at iniwan si Hiro. Magsasalita pa lang siya'y kumagat na ako sakaniyang leeg. "I'm sorry. I need it. I love you." Sunod sunod kong wika atsaka tumalon kasabay ng aking kalaban. "Sandra!" Malakas kong tawag nang makita si May na wala paring malay. "Get May! Now!" Sigaw ko habang nakaharang ang espada ko sa lalaki. Kahit papaano ay nagkaroon ako ng lakas dahil sa dugo ni James. "Why are you helping that girl? She's a demon." Sabi niya kaya ko siya tinulak at muling sinugod. Marahas niyang hinila ang mahaba kong buhok atsaka ito pinutol gamit ang kaniyang espada. Parang ang mundo ko'y yumanig nang makita ko ang buhok ko sa kaniyang kamay. Nakalahati ang haba ng aking buhok. Narinig ko pa ang mura at pagtawa nila James ngunit bigla itong nawala nang makita ko ang pagngisi ng kalaban bago itapon ang naputol niyang buhok. "You will pay for this, you inbred f*****g idiot." Madiin kong sambit atsaka siya sinugod. Naging maliksi at mabilis ang pag atake ko. Naramdaman ko rin ang pagputol ng ipit ko kaya malayang nilipad ng hangin ang aking buhok. Sunod-sunod ko siyang tinira nang makakuha ako ng isang espada sa kalaban. Kumuha rin siya at pilit akong sinasabayan sa pag atake. Nagawa niyang mahawakan ang dalawa kong kamay ngunit inuntog ko ang ulo ko sakaniya. Sumugod ulit ako atsaka marahas na tinira ang kaniyang isang espada. Umikot din ako upang makaiwas sa pagtira niya. Siniko ko ang kaniyang mukha at tinapakan ang kaniyang paa. Umikot ulit ako atsaka siya sinugatan sa tiyan. Napadaing siya kaya ako napangisi. Kita ko ang hingal niya kaya ako mas napangisi. Sinugat ko ulit ang dalawa niyang hita kasabay ng kaniyang likod. "That was the dumbest move you've done in all your years of existence." Aniko atsaka sinipa ang kaniyang espada. Ginamit ko ito pamputol sa dalawa niyang kamay at sinunod ang kaniyang ulo. Napatingin ako sa dalawang Emperador na naglalaban kaya ko sana sila lalapitan nang biglang humarang ang Emperador na nakalaban ko kanina. "Surprise. How's the feeling?" "Are you tired?" Tanong niya habang marahang lumalapit saakin. Hinawakan kong maigi ang aking espada habang patuloy sa pag atras ng bahagya. "It's not done yet. Let's enjoy more that's why I've brought them, because I want more." Wika niya. Napatingin ako sa maraming hukbong tumatakbo papunta saamin. Napatingin din ako sa paligid, sa mga kakampi kong nakaligtas ngunit hinihingal na.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD