SOFIA “CK, please believe me,” nagmamakaawang sabi ni Roxy kay Chase. “I swear, hindi ako ang nagsimula ng gulo kanina nang dumating ako dito sa opisina mo, kung ‘di ang babaeng iyan!” Dinuro pa ako ni Roxy pero humaba lang ang nguso ko habang walang emosyon na nakatingin ako sa kaniya at nakataas ang kanang kilay sa tabi ni Chase. Para siyang kaawa-awa na para bang inapi ko kanina, kung paano umiyak sa harap namin ni Chase si Roxy habang mabilis na umaagos ang mga luha sa magkabilang pisngi. "You were one of my closest friends before your brother passed away. I never fight with him or anyone else. She intentionally provoked me, kaya nagalit ako, because she insulted me countless times,” luhaan na paliwanag at sumbong ni Roxy kay Chase. “Really?” walang kangiti-ngiti na tanong ko sa