SOFIA “Good morning, Sofie,” nakangiting bati sa akin ni Secretary Skyle ng makitang palapit ako sa kaniya. “Good morning.” Ngumiti rin ako sa kaniya bago binuksan ang pintuan at pumasok sa loob ng opisina ni Chase. Katulad ng araw-araw na pagpasok ko sa trabaho ay nadatnan ko siyang nakaupo sa swivel chair, kaharap ang laptop niya at mukhang abala sa binabasang document. “Good morning, Chase.” Nag-angat siya ng ulo at biglang sumilay ang ngiti sa mga labi ng makita ako. “Good morning, honey!” Bahagyang gumalaw paatras ang upuan niya at tinapik ng kanang kamay ang hita habang nakatingin sa akin na para bang sinasabing umupo ako sa kandungan niya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko bago humakbang palapit sa kaniya. Mabilis na pumulupot sa bewang ko ang kanang bras