SOFIA “Mauna na po kayong maligo, sir,” pormal ang ekspresyon at magalang na sabi ko sa lalaking kasama ko. Nakahubad na rin naman kasi siya ng damit pang-itaas, kaya mas mabuting mauna na siyang maligo. “Are you not going to join me?” Hindi ko alam kung seryoso ba talaga siya sa tanong niya. Umiling lang ako bilang sagot at hindi na nagsalita pa. “Why? Afraid of me, Sofie?” may ngiti sa labi na tanong ni Chase Mondragon sa akin. “Boss ko po kayo, sir. Walang dahilan para makisabay akong maligo sa iyo,” nagpipigil na sagot ko. Gumalaw ang kilay niya na para bang hindi niya nagustuhan ang sinagot ko pero wala na akong pakialam pa. Mabuti na lang at biglang nag-ring ang cellphone ko. Bahagya akong lumayo sa lalaking kaharap ko at mabilis na binuksan ko ang bag na dala ko at pagkatap