SOFIA Hanggang ngayon ay hindi ko inaasahan na seryoso nga si Chase Mondragon ng sabihin niya na girlfriend na raw niya ako. Kahit hindi ko naman talaga siya sinagot at hindi ako directly pumayag na makipag-relasyon sa kaniya ay gano'n na pala talaga ang inakala niya. Hindi tuloy ako mapakali habang nakaupo at kaharap ang nakabukas na computer na gamit ko. Distracted ako sa treatment sa akin ng boss ko. Ramdam ko rin na kahit tahimik siya ay maya't maya naman kung tumingin siya dito sa direksyon ko, kaya ang awkward talaga sa pakiramdam ko. Kahit umabot ako sa ganitong edad ay hindi pa ako nakaranas na magkaroon ng boyfriend kasi hindi ito ang priority ko, kaya hindi ko alam kung paano ang tamang approach sa kaniya at kung paano ko siya pakikitunguhan. Ang hirap mag-adjust, lalo na at