SOFIA Matapos akong ihatid ni Aidan dito sa bahay ay agad akong naghanap ng apartment na malapit sa kompanyang pinapasukan ko. Mas mabuti na may bahay akong pansamantalang tutuluyan para hindi risky sa misyon ko kung sakaling ihahatid na naman ako ni Chase Mondragon. “Ate Em, isasama kita sa lilipatan ko. May trabaho akong gagawin, kaya mag-impake ka ng ilang gamit na dadalhin natin,” agad na bilin ko sa kasama ko dito sa bahay. “Sige, ilang araw tayo doon, Sofie?” tanong naman ni Ate Em sa akin. “Good for three to four weeks po,” mabilis na sagot ko. “Sige, ako na ang bahala, magpahinga ka na.” “Salamat, ate.” Tumayo na ako at tinungo ko ang silid ko. Pagod na pagod kasi talaga ang pakiramdam ko ngayon dahil halos wala akong maayos na tulog magdamag kagabi, tapos maaga rin akong g