SOFIA “Boss, hawak na po namin ang girlfriend ni Primo.” Narinig kong sabi ni Ruru mula sa kabilang linya. Four o'clock pa lang ng tawagan niya ako at ipaalam sa akin na nagawa na nila ang utos ko. “I'm coming,” mabilis na sabi ko. Nakabihis na ako at suot ko ang karaniwang maskarang ginagamit ko sa tuwing lumalabas ako para hindi ako makilala ng mga taong nakakasalamuha ko. Aware ang mga tauhan ko na gumagamit ako ng ibang mukha, kaya hindi na questionable sa kanila kapag nakikita nila akong pumupunta sa safehouse, gamit ang maskarang suot ko. Katulad ng ginawa ko noong unang umalis ako para pumunta sa safehouse ay nag-book ako ng taxi at nagpahatid sa coffee shop. Naroon na rin ang sasakyan na pinadala ni Ruru, pati na rin ang driver na sumundo at naghatid sa akin dito. “Nasaan a