Chapter 45

1732 Words

SOFIA Hindi ko alam na dito na rin pala nakatira sa bahay ni Chase si Roxy at ang anak ng babaeng iyon dahil hindi ito nakalagay sa report na binigay sa amin ni Aidan. Isa pa, hindi ko inaasahan na makikita ko dito ngayong gabi si Roxy dahil narinig ko sa usapan nilang dalawa sa CCTV footage na pinanood ko, na tinanggihan niya ang offer ni Chase na tumira dito sa mansyon noong araw na pumunta ang babaeng iyon sa opisina. “Daddy Chase! You're finally home!” Malakas ang tinig at natutuwang tumakbo palapit sa direksyon namin ang batang babaeng sumalubong sa amin ni Chase ang narinig ko nang makarating kami dito sa sala. Napatingin ako sa batang niyakap ni Chase. Kamukha ito ng nanay niya, lalo na ang mga mata. Nakita ko rin na nakatingin siya sa akin at nangunot ang noo ng makita ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD