EPISODE 1

2539 Words
THIRD PERSON PLACE: FINE DINING RESTAURANT TIME: 2:50PM “Sh*t!” Malakas na hiyaw at mabilis na napatayo si Yuri sa kinauupuan niya dahil sa pagkagulantang. Kasalukuyan pa namang kinakain niya ang wagyu steak na in-order niya tapos ito na, natapunan siya ng juice. Nawalan tuloy siya ng gana at galit na galit. “Tingnan mo ang ginawa mo! Tinapunan mo ng juice ang mamahalin kong damit!!!” malakas na singhal pa nito sa lalaking waiter na nakatapon sa damit niya ng dala nitong orange juice na ise-serve sa isa sa mga customer. Nanlalaki ang medyo singkit na mata ni Yuri na galit na galit na nakatitig sa waiter na nakakaramdam naman ngayon ng matinding kaba. Nanginginig pa nga ang kamay at labi nito. Wala namang pakielam si Yuri sa kung anong mararamdaman ng pobreng waiter na pinagsasalitaan niya. Basta may nagawa sa kanyang pagkakamali, nararapat lamang na makatikim ito ng matinding galit niya. “I’m sorry, Sir. Hindi ko-” “Sorry?! May magagawa ba ‘yang sorry mo?!” malakas na singhal kaagad ni Yuri. “Kung palagi na lang magso-sorry ang mga tanga na katulad mo, ano na lang ang mangyayari sa mga may utak na tulad ko?” pang-iinsulto pa niya sa kaawa-awang waiter. Maya-maya ay natawa nang pagak si Yuri. “Palagi na lang ba talagang maga-adjust ang mga may utak sa mga kagaya mong tanga?” dagdag pa niya. Napayuko ang pobreng waiter. Nahihiya ito sa nagawa niya na hindi naman niya sinasadya. Nagtatagis ang ngipin ni Yuri na nanggagalaiti pa rin sa galit. “Saan ka ba napulot ng restaurant na ito para maging empleyado ang isang tanga na gaya mo? Simpleng pagse-serve lang nang inumin, hindi mo pa magawa nang maayos! Dumaan ka ba sa training o sinalang ka na kaagad? Dapat ko bang i-reklamo ang resto na ito dahil tumatanggap sila ng isang gaya mo?” galit at may pang-iinsulto na bulalas pa ni Yuri. “Sir-” “Bwisit ka, alam mo ba iyon?! Sira na nga ang araw ko dahil sa pesteng trapik na iyan, sinisira mo pa lalo dahil ang tanga-tanga mo!” galit na galit na asik pa ni Yuri. Nakapagat-labi ang waiter. “Kung alam ko lang na tinanggap ka ng resto na ito, hindi na lang sana ako kumain at nagsayang ng pera dito!” asik pa ni Yuri. Nananatiling tahimik ang waiter na hindi magawang lumaban kay Yuri at nakatayo lang sa harapan niya. “Tapos ka ba ng pag-aaral?” tanong ni Yuri sa waiter na nakayuko pa rin hanggang ngayon. Bigla namang napa-angat ang tingin ng waiter kay Yuri nang marinig nito ang tanong ng huli. “Opo Sir-” “Tapos ka naman pala ng pag-aaral pero mukhang hindi mo yata ina-apply sa trabaho ang pinag-aralan mo dahil sa katangahan mo,” pang-iinsulto kaagad ni Yuri na nagpayuko muli sa pobreng waiter na nahihiya na talaga sa mga sinasabi niya. Biglang nag-smirked ng labi si Yuri. “O baka naman kaya tanga ka kahit may pinag-aralan ka naman ay dahil wala naman talagang pumasok kahit kaunti na itinuro sayo ng professor mo diyan sa maliit mong utak,” dagdag pang-iinsulto pa niya. Lahat nang tao na naroon rin sa loob nang restaurant na iyon ay nakatingin sa kanila. Mababanaag sa mga mukha nito ang awa sa waiter at pagkadismaya kay Yuri. “Grabe siya magsalita.” “Walang galang na bata.” “Rich kid kasi kaya ganyan.” “Oy may mga kilala akong rich kid pero mababait naman.” “Baka naman hindi napalaki ng maayos ng magulang.” “Siguro nga.” Bigla namang umentrada sa eksena ang manager ng restaurant. Lumapit ito sa kinaroroonan nila Yuri at ng waiter. “Uhm… Sir, if you don’t mind, what’s happening here?” tanong ng manager kay Yuri. Uminit na naman ang ulo ni Yuri at tiningnan ng matalim ang manager. Sayang maganda pa naman ang babaeng manager na ito pero para kay Yuri, wala siyang pakielam kung ito pa si Aphrodite na goddess of beauty. ‘Ang ganda nga, tanga naman,’ sa isip-isip pa niya. “Hindi mo ba nakikita?!” malakas na sigaw ni Yuri sa manager na napapikit ng mga mata dahil halos mabingi sa sigaw ni Yuri. Itinuro niya ang namantsahang school uniform. Nasindak naman ang magandang manager na dumilat ulit dahil nakita niya na galit na galit si Yuri. “Tinapunan lang naman ng tanga mong empleyado ang uniform ko kaya namantsahan!” galit na singhal pa ni Yuri. “Naturingan ka pa namang manager pero hindi ka alisto! Anong klase ka?” dagdag pa niya. Nahiya naman ang magandang manager. Ang gwapo pa naman ni Yuri sa paningin niya pero bagsak ito sa ugali. “I’m sorry Sir sa nagawa niya. Kung gusto niyo po, papalitan-” “Papalitan? Ang alin? Ang damit ko?” sunod-sunod na tanong ni Yuri na nanlalaki ang mga mata. “Hoy! For your information, nag-iisa lang sa buong mundo itong klase ng damit na suot ko dahil exclusive ito para sa akin. Alam mo ba ang ibig sabihin ng exclusive? O sige sasabihin ko sayo ng simple at sa paraang maiintindihan mo,” sabi pa niya saka inilapit ang mukha sa manager na nanlaki ang mga mata at medyo napa-atras naman. Nag-smirk si Yuri. “Mahal ‘to. Sobrang mahal. Mas mahal pa ito sa kidneys mo,” dagdag pa niya. Ibang klase ang suot na school uniform ni Yuri kaysa sa ibang school uniform ng mga ka-eskwela niya. Gawa ito sa mamahaling tela na nag-iisa lamang sa mundo. Although pareho lang din naman ang itsura nito tulad ng sa ibang school uniform, mas nangingibabaw ‘yung kanya dahil para itong kumikinang na dyamante. Napayuko naman ang manager na puno ng kaba ang dibdib. Tulad ng pobreng waiter, nahihiya rin ito. Kung hindi nga lang ina-apply sa kahit saang negosyo ang kasabihang costumer is always right, malamang pinatulan na niya si Yuri. “Grabe naman siya,” bulong na naman ng isang costumer na nakaupo sa hindi kalayuan mesa sa loob ng restaurant at isa sa mga nakasaksi sa pangyayari. “Kaya nga, gwapo sana pero ang ugali, epic fail! Hindi ko keri ang mas mataray pa sa akin na lalaki,” sabi naman ng kausap nito. “Kulang na nga lang, sabihin niya ang linya ni Anne Curtis sa pelikula niya na I can buy your friends, your drinks and this club! Grabe! Sobrang maldito.” Naniningkit ang mata ni Yuri na tiningnan ng masama ang mga babaeng nagsabi ng mga katagang iyon. Kumulo ang dugo niya nang marinig ang mga salitang binitawan ng mga ito. “Ano bang pakiealam niyo kung ganito ako? Pwede ba? Pakiealaman niyo ang wala niyong kwentang buhay kaysa pag-tsismisan ako? Mga walang kwentang bubuyog!” malakas na singhal ni Yuri sa mga babaeng iyon. “Saka tingnan niyo nga ang sarili niyo, sa tingin niyo ba papatol ako sa inyo?” nang-iinsulto pang sambit niya. Mabilis namang nag-iwas nang tingin ang tatlong babae kay Yuri at tiningnan ang mga sarili kung mukha nga ba silang bubuyog. Grabe kung makapanlait si Yuri. Wagas! Umikot ang mga mata ni Yuri. Hindi na makayanan pa ni Yuri na mag-stay pa ng matagal sa restaurant na iyon dahil bukod sa nakikita niya ang manager at waiter na ubod ng tanga na talaga namang nagpapakulo sa dugo niya, may mga tsismosa pang customer na kung makatingin sa kanya, akala mo siya na ang pinakamasamang tao sa mundo. ‘Ako na nga ang na-agrabyado, ako pa ang masama? Haaay! Kaya ayoko na sa earth, eh.’ Iniisip pa niya. Mabilis na hinugot ni Yuri mula sa back pocket ng suot niyang slack pants ang kanyang mahaba niyang leather wallet. Binuksan niya ito at naglabas ng ten thousand pesos at pabalag na inihagis sa ibabaw ng mesa. “Bayad ko and keep the change! Baka kasi maghirap kayo kung ipapalibre ko pa ang kinain ko kahit wala namang kwenta ang serbisyo niyo!” pang-iinsulto pa ni Yuri sa nasusuyang tono. Pagkatapos sabihin iyon ay nagsimula na siyang maglakad palabas ng restaurant na iyon. Tila naging slow-motion ang paglalakad ni Yuri na parang naglalakad sa runway ng fashion show at mino-modelo ang mamahaling school uniform. Lahat ng mata ay nakasunod nang tingin sa kanya. Sinusundan ang bawat galaw ni Yuri at kahit na hindi pasado ang ugali niya, napakalakas pa rin ng dating ng kagwapuhan niya. Gwapo, matipuno ang pangangatawan, moreno, makinis ang balat mula ulo hanggang paa, matangos ang ilong, manipis at mamula-mula ang labi, medyo singkit ang mga mata, makapal ang itim na itim na kilay at medyo may kahabaan ang pilik-mata. Maganda ang pagkaka-ayos ng buhok na nakataas at kulay brown, at higit sa lahat, matangkad sa height na six-one. Dagdagan pa na ang cool nitong lumakad na akala parang modelo. Ganyan isasalarawan si Yuri Angelo Del Pierro. Yuri Angelo Del Pierro, nineteen, half-Filipino and Korean. Pinagpapantasyahan ng lahat mapa-babae man, binabae o kahit lihim na nangangati sa kapwa lalaki. Maraming may crush sa kanya sa school nila kahit na napakasungit at maldito niya. Napaka-gwapo naman kasi niya. Nakakalambot tuhod hanggang mapaluhod ang kagwapuhan at kakisigan niya. Third year college na si Yuri sa pinapasukan nitong prestigious university. Kumukuha siya ng kursong Business Administration dahil iyon na rin ang gusto ng mga magulang niya. Okay lang rin naman sa kanya iyon dahil kaya naman ng matalino niyang utak ang kurso na iyon at isa pang dahilan ay alam naman niya na siya ang susunod na magmamana ng negosyo ng mga magulang, ang Del Pierro Group of Companies na kung saan, lahat ng klase ng negosyong legal ay pinasok nila. Beverages, foods, restaurant, hotel and resort, clothing, mall, at kung anu-ano pa, mayroon ang kumpanya nila. Kulang na lang ay pasukin rin nila ang negosyo ng broadcast media. Tunay ngang napakayaman ng pamilya ni Yuri at nahahalata iyon sa kanya dahil para siyang dyamante na kumikinang. Pero sa likod ng gwapo nitong mukha at yummy nitong pangangatawan na talaga namang makalaglag underwear ay may ugali ito na kailanman hindi magugustuhan ng kahit sinumang babae. Short-tempered at insensitive siya. Wala siyang pakiealam sa damdamin ng ibang tao at kahit masaktan niya pa ang damdamin nito ng labis, wala lang sa kanya. Napaka-maldito at pintasero. Napakasungit at hindi basta-basta namamansin. Arogante at mayabang din siya. Mga ugali na maaaring nagiging dahilan para hindi siya magkaroon ng matatawag na girlfriend. Sino ba naman kasing babae ang papatol sa kanya kung mas mataray pa sa kanila ang magiging boyfriend nila? NGSB tuloy si Yuri. Mga kaibigan nga lang nito ang nakakatiis sa ugali niya. Wala namang pakielam doon si Yuri dahil sabi nga niya, hindi niya kailangang magkaroon ng girlfriend para mabuhay. Mabubuhay at mabubuhay pa rin siya kahit walang babae sa buhay niya. Sapat na sa kanya na mahalin ang sarili niya. Minsan nga, sa sobra nitong katarayan at kasungitan, napagkakamalan na si Yuri na kasali sa ikatlong lahi. Pero totoong lalaki si Yuri at hindi siya bading at sigurado siya dun. Talagang ugali lang niya simula bata pa ang pagiging maldito. Mabilis kasing uminit ang ulo niya lalo na sa mga tanga. Gwapo man siya at talagang pinagpapantasyahan ng lahat, pero hindi sapat iyon para makahanap si Yuri ng taong magmamahal sa kanya ng totoo. Aanhin naman kasi ang napaka-ganda at nakaka-akit na physical appearance kung sa pag-uugali naman, epic fail! Ngunit para kay Yuri, hindi niya kailangan na baguhin ang sarili niya para makahanap ng babaeng magmamahal sa kanya dahil naniniwala siya na kahit anong ugali ng tao, basta mahal mo, mahal mo. Wala naman kasing perpektong tao sa mundo. Sa fairy tale, siguradong meron pero hindi naman iyon totoo. Totoong tao si Yuri at totoong may ugali nga siya. Habang naglalakad si Yuri papunta sa car park kung saan nakaparada doon ang kanyang luxury car na binili pa ng parents niya, naramdaman niyang nag-vibrate ang phone niya sa bulsa. Kinuha niya ito at tiningnan. Si Drew ang tumatawag. Isa ito sa mga kaibigan ni Yuri na sobrang tahimik. Nag-iingay lang ito kapag sila ang kasama. Kaklase niya rin ito at tulad ni Yuri, mayaman rin ang pamilya nito pero hindi kasing-yaman nila Yuri. Sinagot ni Yuri ang tawag ni Drew. Poker-face lang siya. “Oh? Bakit?” walang gana na tanong niya. “Pare! Nasaan ka?” tanong ni Drew. “Sa impyerno,” sagot ni Yuri na naka-poker pa rin ang mukha. “Pare naman, seryoso ako. Nasaan ka nga?” Halata nga sa boses ni Drew na seryoso ito. “Bakit mo ba tinatanong kung nasaan ako? Syota ba kita?” pamimilosopo ni Yuri. “Pare naman. Ang lakas talaga ng topak mo. Nasaan ka nga?” pagtatanong ulit ni Drew. Minsan talaga ay may topak si Yuri. Kakausapin ng matino pero sasagot ng nakakag*go. “Pauwi na ako sa bahay,” matinong sagot na ni Yuri. “Bakit ba kasi?” pahabol pa niya. “Si Philipp kasi, nag-aaya makipag-inuman. Ano? Pagbibigyan ba natin siya?” “Bakit siya nagyayaya? May problema ba ang g*gong ‘yan?” kunot-noong tanong ni Yuri. Si Philipp, isa rin sa mga nakakatiis sa ugali ni Yuri. Kaibigan rin niya at kaklase. Mayaman rin gaya nila pero hindi kasing-yaman ni Yuri. Kung si Drew ay tahimik na tao, ito namang si Philipp ang kilabot ng mga babae. Playboy, maingay at kwela kasi ang personality nito kaya gustong-gusto ito ng mga babae. Pero oras na mabitag sa charm ni Philipp, huwag nang asahan na magiging prinsesa ang buhay sa kanya dahil siguradong masasaktan ka lang. Mahilig kasi itong maglaro sa damdamin ng mga babae. Palibhasa, hindi pa naiinlove gaya ni Yuri. Mabuti pa si Drew, kahit tahimik ‘yan, matino naman. Mahal na mahal nga niyan ang kasintahan na si Ayesha. Dalawa lang ang kaibigan ni Yuri, si Drew at si Philipp. “Wala siyang problema pare. Trip lang daw niya uminom,” aniya ni Drew saka mahinang tumawa. “Trip lang pala. Huwag na tayong uminom. Hindi ako pwede ngayon,” pagtanggi ni Yuri. “Pero pare baka magalit-” Pinutol na kaagad ni Yuri ang tawag ni Drew at itinago na sa bulsa ang cellphone. ‘So what kung magalit siya?’ sa isip-isip ni Yuri. Nag-smirk siya. Wala naman siyang pakielam kung magalit si Philipp sa kanya. Kabisado na niya ito. Hindi ito mapagtanim ng galit lalo na kung mababaw lang ang dahilan na gaya ng hindi niya pagsama rito para makipag-inuman. Saka hindi naman talaga siya pwede ngayon, nag-text kasi ang mommy niya na umuwi raw siya ng maaga dahil may mahalaga silang pag-uusapan. Nakarating na si Yuri kung saan nakaparada ang kotse niya. Binuksan niya ang kaliwang pintuan ng kanyang kotse gamit ang car key at sumakay na. Umupo sa driver’s seat saka pinaandar na ang kotse at pinaharurot na niya ito para makauwi na siya. Habang nasa biyahe ay iniisip ni Yuri ang mommy niya. Tumaas ang kanang kilay niya. “Ano kayang sasabihin sa akin ni mommy?” tanong ni Yuri sa hangin. Maya-maya ay umismid siya. “Ahhh… siguro may regalo na naman siya sa akin,” sabi pa niya. Nagkibit-balikat na lamang si Yuri saka nagpatuloy sa pagda-drive sa kalsada.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD