PROLOGUE

1096 Words
PROLOGUE Nakatagpo ka na ba ng isang lalaking ubod nang maldito? ‘Yung tipong daig pa ang isang babaeng may dalaw o hindi kaya ay nasa menopausal stage dahil sa sobrang kasungitan. ‘Yung tipong nakagawa ka lang nang isang napakaliit na pagkakamali sa kanya, sukdulan na ang galit at kung anu-anong masasasakit na salita ang ibinabato sayo? ‘Yung tipo ng lalaking tila nasa likod niya at dala-dala ang malaking bagpack ng sama ng loob at any moment ay bigla-bigla niya iyong ilalabas para lamang maghasik ng kasamaan sa mundo. Ako? Nakilala ko na siya! At grabe! Hindi ko siya ma-take! Pero paano kung malaman ko na siya ang lalaking itinakda para makasama ko habang nabubuhay ako dito sa earth? Ma-take ko kaya siyang pakisamahan? Ma-take ko rin kayang mahalin siya? Isa lang naman ang sagot diyan… isang malaking HINDEEE! Hindi nga ba? INTRODUCTION Huminto sa tapat ng waiting shed ang mahabang airconditioned bus. Sa pagbukas pa lamang nito ng pintuan ay mabilis at nagmamadali na nagsi-sakay ang mga pasaherong kanina pa naghihintay sa kanya. Walang pakiealam ang mga ito kung magkapalit-palit pa sila ng mukha dahil sa sobrang pagsisiksikan para lamang makasakay sa bus na malapit na kaagad mapuno. Wala pang dalawang minuto ay napuno na kaagad ang loob ng bus. Siksikan ang mga tao sa loob. Ang iba namang hindi nakasakay at nanatili sa ilalim ng waiting shed ay napapapadyak na lamang ng mga paa sa lupa dahil sa pagkainis. Napapangiwi naman ang babae na isa sa nakasakay sa bus. Nakatayo siya sa bandang gitna. Mukha rin siyang nahihilo dahil sa mabahong naaamoy niya. Kung hindi lang siya nagmamadali papunta sa pupuntahan niya ay hindi siya makikipagsiksikan ng ganito. ‘Ano ba ‘yan?! Ang baho ng kili-kili ng lalaking ito! Hindi ba siya nagde-deodorant o hindi lang niya alam na may anghit siya?’ mariing reklamo ng babae habang lihim na tinitingnan ang lalaking katabi. May itsura naman ang lalaki at maganda ang pangangatawan ngunit bagsak na bagsak sa amoy. Nakatapat pa sa mukha niya ang nakataas na kili-kili ng katabi niyang lalaki at mas lalo pa niyang naaamoy ito sa tuwing mapapadikit sa mukha niya doon. Mainit sa loob ng bus kahit may aircon at dahil may aircon, humahalo sa hangin ang anghit ng lalaki. Diring-diri ang mukha ng babae ngunit wala naman siyang magawa. Kailangan niyang tiisin ang mabahong amoy kung gusto niyang maka-survive sa biyahe at makarating sa pupuntahan niya. ‘Hay! Kung ipinanganak lang akong maraming pera, bibili ako ng sarili kong bus at doon ako sasakay,’ isip-isip pa ng babae. Pinipilit ng babae na ilingon pakanan ang mukha niya para hindi na madikit sa kanya ang kili-kili ng lalaking galing pa yata sa gym dahil nakasuot ito ng sports wear. Sinuklay niya pataas ang kanyang buhok saka tinakpan ng mabuti ang ilong niya dahil kahit nakalingon na siya, nalalanghap pa rin niya ang anghit ng lalaki. ‘Mas mabuti pa yatang mamatay nang nakatakip ang ilong dahil naubusan ng hangin kaysa mamatay sa anghit,’ sa isip-isip pa niya. Maya-maya ay umandar na ang bus. Medyo nagpagewang-gewang ang babae dahil hindi siya nakahawak sa kahit saan at napapasandal lang ang katawan niya sa iba pang pasaherong nakasakay. Iniharap niya ang kanyang dalang sling bag at bahagya pa iyong itinaas para hindi siya madukutan. Mahirap na para sa kanya ang madukutan dahil nakasalalay sa perang dala niya ang kanyang buhay. Patuloy na umaandar ang bus at binabagtaas ang kalsada. Patuloy na nagtitiis ang babae sa anghit ng lalaking katabi niya. “Haaay! Makalayo nga!’ sa isip-isip ng babae saka siya nakipagsiksikan para makalayo sa katabi niya. “Oy ano ba! Ang sikip-sikip na nga sumisiksik ka pa!” “Sorry po! Buhay ko po kasi ang nakasalalay kung hindi pa po ako pupunta sa dulo,” paghingi niya ng paumanhin. Panay ang sorry niya sa mga taong nasisiksikan niya at nagagalit sa kanya. Patuloy siya sa paglayo dahil gusto pa niyang mabuhay. Hanggang sa nakarating na sa dulo ng bus ang babae. Nakahinga na siya ng maluwag. “Hay salamat at nakahinga rin ako ng maluwag,” usal niya. Nag-stop ang traffic light kaya naman huminto rin ang bus na sinasakyan niya. Nagbuga nang hininga ang babae. Pamaya-maya ay napatingin ang babae sa bintana. Pati na rin ang iba pang pasahero ay tumingin sa labas. Napansin ng lahat ng nasa masikip na bus ang katabi nilang bus. Nakaramdam sila ng inggit kabilang na ang babae sa nag-iisang pasahero na nakasakay roon. Katabi ng bus na sinasakyan nila ay isang premium bus na inupahan naman ng nag-iisang lalaking estudyante na siyang tinitingnan ngayon ng mga pasahero. Relax na relax ang pagkakasandal nito sa sandalan ng inuupuan. Nakasuot pa ito ng itim na shades sa mata dahil mataas ang sikat ng araw. Nakapikit ang mga mata nito. Nakataas at nakapatong ang dalawa nitong paa sa naka-bend pa-abante na sandalan ng upuan na nasa harapan naman nito kaya napapansin nila ang mahaba nitong legs. In short, relax na relax itong nakaupo na parang nasa bahay lang. “Ganito pala ang sumakay sa bus,” mahinang usal ng lalaki na hindi napapansin na nakatingin na sa kanya ang lahat ng nasa kabilang bus. Wala naman siyang pakiealam sa iba dahil ini-enjoy niya ang pagsakay sa bus. Malamig sa loob dahil sa malakas ang buga ng aircon kaya naman mas nage-enjoy siya. Inayos ng lalaki ang pagkakasuot ng earphones sa magkabilang tenga niya. Nag-smirk siya habang nakikinig ng music mula sa phone niya. Umupa siya ng bus para maranasan sumakay dito. Wala siyang pakiealam sa kung magkano ang binayaran niya dahil marami siyang pera. “Grabe naman iyon! Inupahan niya ba ang buong bus para sakyan niya lang mag-isa?” pagtatanong ng babae sa hangin. Hindi siya makapaniwala na may taong gagawa nun. “Siguro marami siyang pera at hindi niya alam kung paano iyon gastusin,” sabi pa niya. Nakatingin lamang ang babae sa lalaking nakasakay ng nag-iisa sa kabilang bus. Bahagya siyang umiling-iling. “Edi siya na may pangbayad sa buong bus,” bulong niya. Hindi niya maitatanggi na naiinggit siya dahil sa pagiging komportable ng lalaki sa loob ng bus habang sila, ito at mukhang sardinas. “Infairness naman gwapo siya,” mahinang usal pa ng babae. Nag-smirk siya. Pinaka-napansin niya ang matangos nitong ilong. Pamaya-maya ay muli nang nag-go ang traffic light. Dahan-dahan na muling umandar ang bus na sinasakyan ng babae. Nakatingin pa rin ang babae sa kabilang bus na umandar na rin kung saan nakasakay ang lalaking tila isang prinsipe. Mahina na lamang siyang natawa sa kakaibang trip nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD