EPISODE 7

4352 Words
ELLYSE MARIE ROMANO Mabagal akong naglalakad sa sidewalk. Ihahatid pa sana ako ni mommy Ji pauwi gamit ang sinakyan niyang kotse pero tumanggi na ako dahil gusto ko munang maglakad-lakad at mag-isip-isip. Grabe! Para akong sinabugan ng bomba sa mukha at hindi na ako binigyan ng pagkakataon para makailag. Ang daming revelations! Pero ang pinaka-revelation sa akin ay si Yuri, ang soon to be husband ko. Sa dinami-dami ng lalaki, bakit siya pa? Bakit siya pa? Siya ba talaga? Wala na bang iba? Masama ba akong tao nu’ng past life ko kaya bilang parusa ay dapat kong makasama si Yuri hanggang sa mamatay ako? Sobra ba ang kasamaang nagawa ko noon to the point na ibibigay sa akin ang parusang katumbas ng parusang bitay? Ang sama-sama ng ugali ng lalaking iyon. Ang amo ng mukha niya pero parang asong may rabies ang ugali niya at sigurado akong mas magiging masama pa ang ugali niya kung makakasama ko na siya sa iisang bubong. Hindi naman sa mapanghusga ako pero iyon kasi ang nakikita ko sa kanya. Haaay! Kung bakit ba kasi pumayag-payag pa ako, eh! Nakakainis! Nakakainis! “Hoy!” Ano na kayang gagawin ko? In the coming days maghahanda na kami para sa kasal. “Hoy!” Kung humingi kaya ako ng tulong sa mangkukulam? Kulamin niya si Yuri para hindi matuloy ang kasal. De, joke lang! “Hoy!” Sino ba ‘yung hoy nang hoy na iyon? Napairap na lang ako at nagpatuloy pa sa paglalakad. “Hoy! Babaeng amazona!” Napatigil ako sa paglalakad ko. Napatingin ako sa mga taong nadadaanan ko at nadadaanan ako. Natatawa sila. Ako ba ang pinagtatawanan nila? Nagulantang na lamang ako dahil may biglang humawak sa kanang braso ko at muntik na akong makasapak ng mukha kung hindi lang may pumigil sa kanang kamao ko. Tiningnan ko siya at ang pesteng si Yuri pala. Galit ko siyang tiningnan. “Ikaw ba ‘yung sumisigaw?” maangas kong tanong kay Yuri. Bigla kong na-realize na siya lang naman din kasi ang tumawag sa akin ng amazona. “Saka bakit mo ako sinundan?” tanong ko pa. Sa halip na sagutin kaagad ako ni Yuri ay marahas niyang binitawan ang braso at kamao ko saka pumunta sa harapan ko. Tinaasan ko naman siya ng kanang kilay habang galit ang tingin sa kanya. Tinitigan naman ako ni Yuri nang madiin. Seryosong-seryoso ang mukha niya. “Ano? Bakit hindi ka-” “Pumunta ka sa Mars!” mabilis niyang sambit. Ha? “Ano?” nagtatakang tanong ko habang naniningkit ang mga mata kong nakatingin kay Yuri. “Pumunta ka sa Mars… o kaya sa Jupiter, sa Saturn, sa Uranus o sa kahit saang planeta pa!” madiin na sambit niya. “Pumunta ka sa kahit saan pang parte ng galaxy at magpakalayo-layo at siguraduhin mong kahit ang star form mo ay hindi ko makikita sa kalangitan,” mariing litanya pa niya habang dinidilatan ako ng mga mata. Ano raw? “Ano bang kalokohan ang pinagsasasabi mo diyan?” naguguluhang tanong ko. Umismid si Yuri. Masama niya akong tiningnan. “Bobo ka lang ba o sadyang mahina lang ang utak mo?” nang-iinsultong tanong niya. “Aba-” “Lumayo ka at huwag ka nang magpapakita pa,” mabilis niyang sabi. “Ayokong makasal sayo at sa tingin ko naman ganoon rin ang nararamdaman mo,” dugtong pa niya kaagad. Hindi ako kaagad nakapagsalita. Pamaya-maya ay natawa ako na ikinakunot naman ng noo niya. “Bakit ka tumatawa?” nagtatakang tanong sa akin ni Yuri. “Inaasar mo ba ako?” tanong pa niya. Tumigil ako sa pagtawa. Ningisihan siya. “Oo, inaasar kita at tama ka… ayokong magpakasal sayo-” “‘Yun naman pala-” “Pero bakit kailangan ako ang lumayo?” pagtatanong ko kaagad sa kanya na bahagyang ikinalaki ng mga mata niya. “Bakit kailangan na ako ang mag-adjust? Bakit ako?” Tinuro ko pa ang sarili ko. “Ako ba ang may gusto na ipakasal ka sa akin?” maangas na tanong ko pa. Pinaningkitan ako ng mga mata ni Yuri. Ramdam ko ang sobrang pagkainis niya sa akin. “Pilitin mo ‘yung mommy mo na i-cancel ang kasal,” mariing saad ko. “Ikaw ang gumawa ng paraan,” sambit ko pa. “Hindi ko kailangang mamroblema dahil in the first place… ang mommy mo ang may gusto nito at hindi ako,” dagdag ko pa. “Hoy babaeng amazona-” “Pwede ba huwag mo akong tawaging ganyan!” pasigaw na singhal ko kay Yuri. Bahagya akong tumingkayad at inilapit ang mukha sa kanya na bahagya naman niyang ikina-atras. Ningisihan ko siya habang nakatitig sa mga mata niyang medyo nanlalaki na naman. “Kung ayaw mong dalhin kita sa gubat at doon bugbugin,” pagbabanta ko pa sa kanya. Naningkit na naman ang mga mata ni Yuri sa akin. “Isa pa, ikaw ang pumunta sa Mars, Jupiter, Saturn o sa kahit saan mang planeta na matripan mong tirhan dahil ikaw ang nakaisip niyan,” saad ko pa sa kanya saka inilayo ko na ang mukha at sarili ko sa kanya at umayos sa pagtayo. “Ugaling alien ka naman kaya bagay ka dun,” nang-aasar na sambit ko pa. Inis na inis naman ang mukha ni Yuri. Sobrang sama nang tingin niya sa akin. Ngumiti ako nang pang-asar. “Not bad,” sambit ko sa nang-aasar na tono. “Marami kayong pera, ‘di ba?” tanong ko pa. “Kapag pinakasalan kita… yayaman na rin ako. Hihiga na ako sa kamang puno ng pera! Ang saya-saya!” pang-aasar ko pa sa kanya saka tumawa. “Ellyse!” madiin na pagbanggit niya sa pangalan ko. Sobrang talim nang tingin niya sa akin. Nakakatakot naman! Pero hindi talaga ako natatakot. Mas ngumiti ako nang pang-asar. “Sige na at aalis na ako. Kailangan ko na kasing umuwi dahil ima-marites ko pa sa kaibigan ko ang mga nangyari ngayong araw,” pagpapaalam ko. Dahan-dahan kong tinalikuran si Yuri at maglalakad na sana ako pero napatigil ako sa biglang sinabi niya. “Sisiguraduhin kong magsisisi ka na pinakasalan mo ako,” madiin na banta niya sa akin. Napairap ako. Nananatili akong nakatalikod mula sa kanya. Hindi ko maikakaila na medyo kinabahan ako sa sinabi niya. “Ngayon pa lang nakakaramdam na ako nang pagsisisi kaya huwag mo na iyong alalahanin pa,” sarcastic na sambit ko saka nagpatuloy na ako sa paglalakad at lumayo na sa kanya. Pakendeng-kendeng pa ako para hindi niya mahalatang kinakabahan ako. Alam ko naman na pagsisisihan ko rin itong pagpayag ko, kailangan ba talaga niyang ipagdiinan? YURI ANGELO DEL PIERRO Nananatili lamang akong nakatayo sa sidewalk at nakasunod ang matalim kong tingin sa babaeng amazona na iyon na pakendeng-kendeng pa. Talagang nang-aasar siya. Grrr! Hinihingal ako dahil sa sobra kong pagkainis sa kanya. “Grabe talaga ang babaeng iyon,” madiin na sambit ko. “Nakiusap na ako’t-lahat pero siya pa ang matapang.” Sobra ang pagkainis ko. Ang gusto ko lang naman ay lumayo siya at huwag nang magpakita para hindi na matuloy ‘yung kasal pero ang hirap niyang pakiusapan. Kung ipa-salvage ko na lang kaya siya? Umiling-iling ako. Hindi naman ako ganung klase ng tao. Masama lang ang ugali ko pero hindi ako pumapatay at nagpapapatay. Malakas na nagbuga na lamang ako ng hininga. Hindi ko na tuloy alam kung ano ang gagawin ko. Kapag natuloy ang kasal, siguradong katapusan na ng buhay ko dahil siya ang makakasama ko. Baka mamaya maging battered husband pa ako dahil panay ang bugbog niya sa akin. Kainis! Kainis! Kainis! Ginulo-g**o ko ang aking buhok at nagpapadyak ng paa sa lupa na para akong bata. Wala na akong pakiealam sa mga taong nakakakita sa akin dahil ang gusto ko ay mailabas ko ‘yung sobrang pagkainis na nararamdaman ko ng dahil sa babaeng amazona na iyon. --- ELLYSE MARIE ROMANO Today is the day Naglalakad ako ngayon mag-isa nang dahan-dahan sa aisle ng simbahan palapit sa dulo ng altar. Ako ang huling pumasok sa simbahan dahil siyempre ako ang bride. Wala na kasi si papa na siyang maghahatid sa akin sa altar kaya ako na lang. Wala na rin naman si mama. Wala rin nga akong kamag-anak man lang na nandito ngayon sa aking kasal. Edi ako na ang dakilang parentless. Suot ko ngayon ang napakagandang terno-inspired gown na ipinagawa ni Mommy Ji sa isang well-renowned fashion designer dito sa Pilipinas. Gawa ito sa pina fabric at mayroon itong distinct puffy sleeves. Feeling ko nga habang suot ko ang gown na ito, ako si Maria Clara. Ang lakas kasi maka-unang panahon ng suot kong wedding gown. Naka-bakya pa ako bilang sapin sa paa. Kulang na lang si Jose Rizal at ang iba pang mga bayani ang narito at bisita rin sa aking kasal. Ewan ko ba kay Mommy Ji kung bakit ito ang naisipan niyang theme ng kasal namin ni Yuri. Pero sabi ko sa sarili ko, huwag na akong magreklamo, siya na nga ang nag-ayos ng lahat, puro reklamo pa ako. Napalibot ang aking mga mata sa kabuuan ng simbahan. Ang ganda ng simbahan na ito. Ang simbahan kung saan ngayon ginaganap ang kasal ay sa Manila Cathedral. Napakaganda at ang elegante ng ayos ng simbahan. Napapalamutian ang loob ng simbahan ng mga bulaklak ng sampaguita. Pati nga ang boquet ko ng flowers na hawak, sampaguita rin at okay lang naman dahil mabango ang sampaguita. Hindi ko lang alam kung paano naging boquet ang sampaguita. Sa pagkakaalam ko kasi wala namang tangkay ang sampaguita, ‘di ba? Well, magaling ang wedding coordinator ng kasal na pumili ng flower arranger. Tanungin ko siya mamaya kung sino at magpapaturo ako sa kanya. Naninibago din ako ako dahil hindi naman itong bulaklak ng sampaguita ang kalimitang ginagamit sa ganitong klase ng okasyon gaya ng kasal. Pero kahit na ganun, napaka-engrande ng kasal na ito. Okay na rin ang ganitong klase ng kasal kahit na hindi ito ang theme na pinagarap ko kung sakaling ikakasal man ako. Gusto ko kasi ay mala-garden wedding ang peg ng aking kasal. Modern Filipiniana ang theme ng kasal kaya namamayani ang Pilipinong-pilipinong ambiance ng paligid. Pati ang mga bisita na pawang may mga sinabi sa buhay at prominente sa kanilang mga larangan ay nakasuot rin ng Filipino-inspired dress and gowns. Malamang mga kaibigan at kasosyo sa negosyo ng pamilya ni Mommy Ji ang mga inimbita nitong bisita sa kasal namin ni Yuri. Ang mga lalaki naman gaya ng groom kong si Yuri ay nakasuot ng barong. Malayo-layo pa ako sa dulo ng altar kaya hindi ko pa nakikita masyado kung anong itsura ni Yuri pero feeling ko naman kahit anong isuot ng lalaking ‘yon, gwapo pa rin siya, minus na lang ang ugali. Alam ko na maganda ako ngayon. Kahit na kabadong-kabado ako, maganda pa rin ako. Ikaw ba naman ang ayusan ng isang sikat na hair and make-up artist ng mga artista, hindi ka gaganda? Talagang sinigurado ni Mommy Ji na magiging perfect ang kasalang ito. Maririnig naman na namamayani na tunog sa loob ng simbahan ang pagtugtog ng mga instrument na pinapatugtog ng isang orchestra. Ang sosoyal, ‘di ba? May orchestra pa. Ang nakakainis lang, bakit ‘yan ang kantang kinakanta nu’ng singer? Alam ko naman na maaaring hindi pang-forever ang pagiging kasal namin ni Yuri. Baka nga ako pa ang unang sumuko dahil sa kagaspangan ng ugali ng lalaking iyon. Nakikita ko sa mukha ng bawat isa na narito ngayon at nakakasaksi sa okasyong ito ang tuwa at saya habang nakatingin sa akin na dahan-dahan pa rin ang paglakad. Lalo na si mommy Ji na nakatitig sa akin at nakangiti. Nakita rin ng aking mga mata si Alona, ang aking bride’s maid ngayon. Although nakangiti ito pero nahahalata ko na sa ngiti nito, may iba. Sumagi tuloy sa aking isipan ang naging usapan namin bago ang kasalan. EARLIER (BEFORE THE WEDDING) SALON “Grabe, Bes! Hindi ko akalain na ganito kabilis ang lahat ng pangyayari. Parang kahapon lang, namomoblema pa tayo sa flower shop natin, parang kahapon lang, may boyfriend ka pang si Dominic, parang kahapon lang, niloko ka niya tapos ngayon, ikakasal ka na. Ang bilis talaga! Dinaig pa si The Flash!” wika ni Alona sa akin. Inaayos niya ng kaunti ang aking buhok na naka-buns ang pagkaka-ayos at may ilang hibla lamang ng bangs na nakalugay at kinulot kanina. Huminga ako ng malalim. “Ganun talaga ang buhay, minsan mabilis ang mga pangyayari. Minsan nga ang bilis din mawala ng buhay,” wika ko. Bigla akong niyakap ni Alona mula sa aking likuran. “Mami-miss kita, Bes. Alam ko naman kasi na ngayong maga-asawa ka na, hindi na rin tayo madalas na magkikita.” Naiiyak naman ako sa sinabi niya. Hinawakan ko ang kamay ni Alona. “Bes, ano bang snasabi mo diyan? Siyempre madalas pa rin tayong magkikita. Hindi naman porke’t maga-asawa na ako, pababayaan na kita at ang flower shop. Magkasama pa rin tayo sa pamamahala doon. Saka hindi naman na siguro baby si Yuri para alagaan ko pa siya. Sine-swerte naman siya.” Ngumuso ako. “Alam ko naman ‘yun. Magkikita at magkikita pa rin tayo. Pero iba na. Mag-isa na lang akong titira sa bahay natin. Wala na akong makakausap bago matulog. Siyempre nakakamiss din yung kasama ka sa bahay,” madramang sambit pa ni Alona. “Simula bata pa lang tayo, magkasama na tayo pero sa isang iglap lang, magkakahiwalay na tayo. Pero huwag kang mag-alala, naiintindihan ko naman. Kailangan mo rin itong gawin para mabago na ang buhay mo at tuparin ang kasunduan ng mama mo at ni ma’am Ji,” dagdag pa niya. Hinawakan ko lamang ng mahigpit ang kamay ni Alona. Hindi ako nagsalita. Kahit ako rin naman mami-miss ko siya. Kung pwede nga lang sana na umatras na ngayon, gagawin ko pero hindi ko kaya. Sobrang nahihiya ako kay mommy Ji. Ayoko rin naman siyang ipahiya sa ibang mga kaibigan niya at isa pa, ayokong sirain si mama sa paningin niya. Baka mamaya kasi isipin niya na hindi ako naturuan ni mama ng magandang asal kung aatras ako. “Basta tandaan mo, kapag may problema ka o hindi kaya ay nabo-bored ka ng kasama ang asawa mo, nasa flower shop lang ako o ‘di kaya ay nasa bahay natin. Pumunta ka lang doon at ako ang magtatanggal ng boredom mo. Saka isa pa, kapag sinaktan ka ng Yuri na ‘yan, kahit gwapo pa ang mukha niyan, sisirain ko para lang sayo,” paalala sa akin ni Alona. Paulit-ulit kong sasabihin na mapalad ako na nagkaroon ako ng kaibigan at kapatid na gaya niya. Ipinagpapasalamat ko iyon sa Itaas. “Salamat,” ‘yun lamang ang nasabi ko. “Pero ‘wag mo na lang sirain ang mukha ni Yuri, kaunti na lang ang gwapong lalaki sa mundo. Saka ayokong magkaroon ng asawa na panget at ayoko ring masira ‘yung nag-iisang maganda sa kanya,” pagbibiro ko pa. Natawa na lang kami ni Alona sa sinabi ko. Ningitian ko si Alona na nakatingin sa akin ngayon habang ako’y naglalakad. Medyo malapit na ako sa dulo ng altar. Nakikita ko na rin si Yuri at ang katabi nitong best man niya. Gwapo rin gaya ni Yuri na nakasuot ng barong. Ang style ng buhok nito ay mala- sinaunang panahon rin. ‘Yung tipong flat na flat ang bagsak ng buhok na parang nilagyan ng pamada kaya tuloy nangmukhang dinilaan ng baka ang buhok niya. Pero iba si Yuri. Napaka-gwapo niya. Kung hindi ko lang alam ang ugali niya, malamang baka nabaliw na ako at nilandi ko siya. Kung ang iba ay nagmumukhang bangkay kapag nagsusuot ng barong, siya hindi. Alam mo ‘yung gwapong lalaki sa panahong ng mga kastila or something? Ganun siya. Parang si Adonis. Aaminin ko, gwapo siya kung hindi nga lang nakasimangot ang mukha nito na nakatingin pa sa akin. Ipinapakita na talagang ayaw makasal sa akin. Bawas pogi points tuloy siya para sa akin. Inirapan ko nga. Pinaningkitan pa ako ng mga mata. Hindi ko ba alam kung dapat ba akong maging masaya ngayon o hindi. Halo ang nararamdaman ko ngayon. Dapat ba akong maging masaya dahil pagkatapos ng okasyong ito, magbabago na ang buong buhay ko? Magiging bahagi na ako ng isang pamilyang kinikilala sa bansa? Matutupad ko na ang kagustuhan ni mommy Ji at mama na maikasal ako sa lalaking itinakda nila para sa akin? O dapat ba akong malungkot dahil hindi si Dominic, ang lalaking mahal ko ang naghihintay sa akin sa dulo ng altar. Hindi siya ‘yung lalaking makakaisang dibdib ko at makakasama ko for the rest of my life na dati pinapangarap ko na siya? Erase! Erase! Bakit ba naaala mo pa rin Ellyse ang manlolokng lalaking iyon? Dapat hindi na, ‘di ba? Move-on. Ikakasal ka na at dapat lang na kalimutan mo na siya dahil ang pag-ibig mo para sa kanya ay wala ng patutunguhan pa. Isa na lang siyang alaala na dapat paanurin sa ilog. Huminga ako ng malalim. Pagkatapos nito, isa na akong Ellyse Marie Romano-Del Pierro. --- THIRD PERSON “Grabe pare, hanggang ngayon hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang lahat. Hindi ko akalain na ikakasal ka na at huli na ng malaman namin ni Philipp,” hindi makapaniwalang saad ni Drew. Ang best man ni Yuri na bumulong sa kanya. Magkatabi silang nakatayo ngayon malapit sa altar ng simbahan. Nakaupo naman sila Philipp sa unahang bahagi kung saan nakaupo rin ang mga lalaki. Si Drew ang ginawa niyang best man dahil matino ito. Mabuti nga at nakapasok si Philipp ng simbahan. Ang dami na kaya niyang napaiyak na babae. “May utak ka pala?” sarcastic na usal ni Yuri. Hindi tumingin kay Drew at nakatingin lang ito sa kanyang wife to be na si Ellyse. “Pare naman, anong tingin mo sa akin, walang utak?” aniya ni Drew saka bahagyang ngumuso. Umismid naman si Yuri. “Pero pare, ang ganda ng mapapangasawa mo. Jackpot ka ng tumataginting na one million pesos. Tingnan nga lang natin kung makatiis ‘yan sa ugali mo,” bulong pa nito. Nainis naman si Yuri sa sinabi ng kaibigan. “Tumahimik ka na nga,” madiin na saway niya kay Drew. “Para kang pwet ng manok na putak ng putak,” bulong pa niya. Aaminin ni Yuri, maganda ngayon si Ellyse. Para itong isang sinaunang babae. Alam niyo naman na mas magaganda ang mga babae sa panahon nila Rizal kaysa ngayon na kung hindi mag-make-up, walang ganda. Bihira na sa mga babae sa panahon ngayon ang maganda kahit walang make-up. Simple lang ang nilagay na make-up sa mukha ni Ellyse pero lumabas pa rin ang angkin nitong kagandahan. Maldito man siya at magaspang ang ugali pero hindi siya sinungaling. Tunay na nagagandahan si Yuri kay Ellyse kahit nu’ng una pa lamang niya itong makita at hindi nakaayos. ‘Yung mga sinabi niya noon dito sa restaurant kung saan doon naganap ang kanilang ikalawang pagkikita, kasinungalingan lang niya iyon. Gusto lang kasi niya inisin ang babaeng nanakit sa pwetan niya at yumurak ng iniingatan niyang pride. Syempre, mahirap sa kagaya niyang lalaki na maapakan ang pride. Siya si Yuri at hindi siya basta-basta papayag na maapakan lang ng iba. Tama nga si Drew, jackpot siya kay Ellyse. Pero ano naman kayang mangyayari oras na magsama na silang dalawa sa iisang bahay? Ano kaya ang mangyayari ngayong magiging mag-asawa na sila? ‘Yun ang hindi pa alam ni Yuri. Mahina na lamang nagbuga nang hininga si Yuri. --- ELLYSE MARIE ROMANO Malapit na malapit na ako sa dulo ng altar. Bigla akong kinabahan ng todo. Bakit iyong isip ko, sinasabing umatras na ako at tumakbo palabas ng simbahan pero parang may pumipigil sa akin? Hay! Hindi ko na alam. Naguguluhan ako. Tumigil ka na nga sa pagkanta mo! Maganda man ang boses nu’ng wedding singer pero feeling ko hindi bagay sa amin ni Yuri ang kinakanta niya. Saka akala ko ba Filipiniana ang tema ng kasal? Bakit English ang kinakanta mo? Dapat tagalog at kanta mula sa past ang kinakanta niya, ‘di ba para mas feel ang pagiging lumang panahon? Nahirapan siguro na maghanap ng kanta na tagalo na babagay sa kasal, o baka pwedeng naisip nila na hindi bagay sa amin ni Yuri ang makalumang tagalong na awitin dahil hindi bagay sa edad namin. Anyway, kaunting hakbang na lang ng mga paa ko ay makakarating na rin ako sa harapan ng altar. Nakita kong lumapit na si Yuri sa lugar kung saan doon rin ako hihinto at tatabihan siya. Bakit ganito ang kabang nararamdaman ko? Magiging asawa ko na ba talaga siya? Kung ang ibang babae, feeling nila siguro naka-jackpot sila kapag nakasal sila kay Yuri na ubod ng gwapo. Ako? Hindi. Dahil araw-araw ko nang titiisin ang magaspang niyang ugali. Nakatingin lamang sa akin si Yuri. Hindi pala tingin kundi titig. Hindi ko alam pero parang nanlalambot ang tuhod ko sa klase ng titig niya. Parang… Ay! Ewan! Kaunting lakad pa ay nakarating na rin ako sa harapan. Halos magkatabi na kami ni Yuri. Nagulat na lamang ako ng bigla niyang hawakan ang kanang kamay ko. Siya ba si Electron? Bakit parang kinuryente niya ang katawan ko? Ang lambot ng palad niya. Halatang hindi gumagawa ng kahit anong mabibigat na bagay sa bahay. Inalalayan ako ni Yuri paakyat sa mababang hagdan para makarating na mismo sa tapat ng altar. Wala man lang itong kangiti-ngiti sa labi. Hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako. Parang sasabog na nga ang dibdib ko sa sobrang kaba. Magkatabi na kami ngayon ni Yuri na nakaharap kay Father na nakangiti naman sa aming dalawa. Nasa likod naming dalawa ang mga upuan na siyang uupuan namin mamaya kung kailan pwede ng umupo. Gusto ko na ngang umupo dahil baka anytime, bigla na lang ako matumba sa panlalambot ng aking mga tuhod. Bakit ba kasi ako nagkakaganito ngayon? Tumingin ang Pari sa lahat ng bisita. “Ngayong araw na ito, masasaksihan natin ang pag-iisang dibdib ng dalawang nagmamahalan na sila Yuri at Ellyse,” panimulang sabi ni Father. Napatakip ako ng bibig. Muntik na akong masuka sa sinabi ni Father. Nagmamahalan raw? Kami ni Yuri? Weh? Di nga? “Hoy, bakit ka nasusuka diyan? Buntis ka ba?” bulong na tanong sa akin ni Yuri. Tiningnan ko si Yuri ng masama. “Kapag ba nasusuka, buntis na kaagad? Pwede bang nasusuka lang ako dahil sa sinabi ni Father na nagmamahalan raw tayo?” bulong na singhal ko kay Yuri. Buntis daw ako. “Saka FYI lang, virgin pa ako kaya hindi ako maaaring mabuntis pa ngayon,” sabi ko pa sa kanya ng pabulong. Nagsalubong lang ang makapal na kilay ni Yuri at binawi ang tingin sa akin. Inirapan ko nga. Marami pang sinabi si Father. ‘Yung iba nga hindi ko na narinig kasi naiinis ako kay Yuri. “Sisimulan na natin ang pag-iisang dibdib nila Yuri at Ellyse,” kalmadong wika ni Father at tiningnan si Yuri. “Ikaw Yuri, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Ellyse, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang-buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habang-buhay gaya ng sagradong utos ng Panginoon?” pagtatanong ng pari kay Yuri. Katahimikan. Hinihintay ng lahat ang magiging sagot ni Yuri na ang tagal sumagot. Hinihintay ko rin kung anong isasagot niya. O baka wala siyang balak sumagot? Hindi na ako magugulat kung iyon ang gagawin niya pero nakakahiya iyon sa parte ko. Maya-maya ay huminga nang malalim si Yuri. Tiningnan niya pa ako. Umismid siya saka binawi ang tingin sa akin at tumingin kay father. “Opo,” maikiling sagot niya. Narinig ko naman na nakahinga nang maluwag ang mga bisita. Akala siguro nila hindi sasagot si Yuri. Miski ako kinabahan rin. Baka kasi maisipan ako nitong iwan mag-isa sa altar. Nakakahiya ‘yun. Runaway groom lang ang peg? Tiningnan naman ako ni father kaya ningitian ko siya. Ngumiti siya sa akin. “Ikaw Ellyse, tinatanggap mo bang maging kaisang dibdib si Yuri, na maging kabiyak ng iyong puso, sa habang-buhay, sa hirap at ginhawa, sa sakit man o kalusugan, at mamahalin mo siya sa habang-buhay gaya ng sagradong utos ng Panginoon?” pagtatanong ng pari sa akin. Okay. Bakit parang na-blangko ang utak ko at parang ayaw kong sumagot? Ellyse! Umayos ka! Kasi naman! Parang cd player na nagloko ang sistema ko. CD player talaga? Ang luma, ah! Nagulantang at nasaktan ako dahil biglang may kumurot sa akin sa tagiliran. Nanlalaki ang mga mata ko at kaagad na sumigaw. “Opo Father!” sigaw ko. Nagulat tuloy si Father dahil sa pagsigaw ko. Ang mga bisita naman ay parang nagpipigil ng tawa. Nakakahiya. Ang sakit kasi ng kurot na iyon. Tiningnan ko si Yuri ng masama. Alam ko naman na siya ang kumurot sa tagiliran ko at wala ng iba. Hindi naman pwedeng si Father, ‘di ba? Ewan ko kung namamalikmata ba ako o hindi. Kasi parang nakita kong ngumiti si Yuri. As in ngiti. Tinitigan ko ulit si Yuri. Nakasimangot na ito. Malamang nga at namalikmata lang ako. Wala naman yata sa bokabularyo ng lalaking ito ang salitang ngiti. Napangiti na lang ako nang nag-aalangan. Ngumiti sa akin si Father at sumunod na ang iba pang nangyayari sa seremonyas ng kasal. Nagpalitan kami ng singsing. Alam niyo ba na habang nagsasabi kami ng vows ni Yuri para sa isa’t-isa, gaya ko alam kong labas rin sa ilong ang mga sinabi niya. Saka bakit ba kasi magsasabi pa ng vows sa isa’t-isa? Hindi kami ready. “Kayo, Yuri at Ellyse, binabasbasan ko kasama ang ating Poong Maykapal. Nawa’y magmahalan kayo at maging masaya sa bagong buhay na inyong tatahaking magkasama. Ganap na kayong mag-asawa,” nakangiting sabi ni Father. Kami ni Yuri, eto, poker face. “Ipinapakilala ko sa inyong lahat, ang bagong mag-asawa, Yuri at Ellyse Marie Del Pierro,” natutuwang litanya pa ng pari. Nagpalakpakan naman ang mga bisita. “Yuri, pwede mo nang halikan ang iyong kabiyak,” aniya ni Father. Bigla akong kinabahan. Halik? Halik? Halik?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD