EPISODE 5

3836 Words
ELLYSE MARIE ROMANO “Bes!” Mahigpit na yakap ang sinalubong ni Alona sa akin pagkapasok na pagkapasok ko ng flower shop. Matinding pag-aalala para sa akin ang mababanaag sa mukha niya. Awww! Nag-alala ng husto ang best friend ko. Mabilis ring bumitaw si Alona sa pagyakap sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko at tiningnan ako na puno nang pag-aalala ang mga mata. “Anong nangyari sayo? Mabuti naman nakauwi ka ng buhay. May ginawa ba ang mga men in black na yun sayo? Paano ka nakatakas sa kanila? Sinaktan ka ba nila? Ginalaw? Ano?” Sunod-sunod na tanong ni Alona na kulang na lang ay mag-hesterikal siya. “Bes! Kalma lang! Baka magka-nervous breakdown ka diyan!” natatawa kong sambit at pinigilan siya sa pag-alog sa akin. Grabe! Nahilo ako sa pag-alog sa akin ni Alona. Pati brain cells ko naalog niya, eh. “Paano akong kakalma kung ang bes ko’y dinukot ng mga men in black na wala man lang kadahilanan? Paano akong hindi mag-aalala kung ang daming pumapasok sa isip ko na baka may nangyari sayo na hindi maganda? Hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Alam mo naman na mahal na mahal kita, ‘di ba? Kapatid kaya kita,” pang- hapong serye na pagda-drama ni Alona. Mangiyak-ngiyak pa siya. Niyakap ko na lamang si Alona. Mapalad ako na nagkaroon ako ng isang kaibigan at kapatid na gaya niya. At least, kahit wala na si mama at papa, may isang Alona pa rin na nandyan at itinuturing namin ang isa’t-isa bilang magkaibigan at kapatid. “Okay lang ako. Tingnan mo, buo pa ako. Mukha bang may nangyari sa aking masama?” pagtatanong ko at bumitaw na ako sa pagyakap kay Alona. Tiningnan ko si Alona sa kanyang mga mata. “Okay na okay ako,” paniniguro ko sa kanya para hindi na siya masyadong mag-alala sa akin. Nakita ko naman na kumalma na si Alona. Napangiti tuloy ako. “Mukha ngang okay ka at walang nangyaring masama sayo,” aniya ni Alona at tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa saka ibinalik rin ang tingin sa mukha ko. “Pero bes, paano ka nga ba nakatakas sa mga men in black na iyon? Alam mo ba na nagsumbong pa ako sa mga pulis para ipahananap ka nila? Saka bakit ka ba nila kinuha?” Ngumiti ako ng maliit. “It’s a long story Alona. At saka, actually hindi naman ako tumakas sa mga men in black na iyon. Ang totoo niyan, sila ang naghatid sa akin pabalik dito,” sabi ko. Totoo naman, sila ang naghatid sa akin dito pagkatapos namin mag-usap ni Mommy Ji. Kumunot ang noo ni Alona at nagtataka ang tingin sa akin. “Ang mga men in black pa ang naghatid sayo dito? Eh mga g*go pala iyon, eh! Anong motibo nila sa pagdukot sayo?” nanggagalaiti na tanong pa niya. Huminga ako ng malalim. Kailangan rin naman ni Alona na malaman kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa akin. “Hayaan mo at ike-kwento ko sayo. Maupo muna tayo at baka mangawit ang mga paa mo sa haba ng kwento ko,” pag-aaya ko at nauna na akong naglakad papunta sa isang upuan at doon ay naupo. Sumunod naman sa akin si Alona. Magkatapat na tuloy kami na nakaupo sa isang pandalawahang mesa. “Ganito kasi iyon…” paunang sambit ko at nagsimulang i-kwento ko na kay Alona ang mga nangyari. Matapos ang mahabang kwento ko ay tulala lang si Alona na nakatingin sa akin. Nanlalaki ang mga mata niya. Natawa ako ng mahina. Kunsabagay, ako nga rin gulat na gulat sa mga nalaman ko, siya pa kaya? “Grabe bes! Totoo ba? Totoo ba talaga ang mga sinabi mo?” hindi makapaniwalang tanong niya. Ngumiti ako. “Hindi ko akalain na best friend pala ng mama mo si Ma’am Ji. May mayaman pala siyang best friend. Biruin mo, may-ari ng Del Pierro Group of Companies ang best friend niya at talagang ipinadukot ka pa niya para lang makausap ka,” aniya pa. “Oo nga, hindi ko rin akalain na makikilala ko siya.” “Pero… teka. Kaya pala ipinadukot ka ni Ma’am Ji ay dahil para kausapin ka tungkol sa isang kasunduan sa pagitan ng mama mo at ni Ma’am Ji right? May plano na pala sila noon pa na ipakasal ka ng mama mo sa anak ng best friend niya?” tanong ni Alona. Tumango lang ako bilang sagot. “My gosh! Hindi ko akalain na pati sa totoong buhay, nangyayari pa ang mga ganito! Pero teka nga lang, nakilala mo na ba kung sino ang lalaki na anak ni Ma’am Ji na soon to be husband mo?” pagtatanong pa ni Alona. Umiling-iling ako. “Hindi pa. Sa oras na pumayag lang ako sa alok ni Mommy Ji, doon ko raw makikilala ang anak niya,” sagot ko. “Ikaw Alona, sa tingin mo ba, kakayanin mong tanggapin ang alok niya kapalit ng malaking pagbabago sa buhay mo?” tanong ko. Gusto ko rin kasi marinig kung anong view ni Alona. Napaisip si Alona. Nangalumbaba pa siya. “Kung ako ang tatanungin, tatanggapin ko. Bes! Ang ganda kaya ng offer niya. Malaking pagbabago sa buhay ang mangyayari. Magiging instant mayaman ka. ‘Yun nga lang, makikisama ka nga lang sa anak niya na magiging asawa mo. Habang-buhay ka ng nakatali sa kanya. Hindi mo pa nga kilala magiging asawa mo na. Pero keri lang iyon at least hindi ka na mamomoblema pa sa pera kasi mayaman na sila at nakahanda silang tulungan ka. Nasabi ko lang ito dahil iyon ang view point ko saka wala naman akong boyfriend so why I grab the chance, ‘di ba?” mahabang litanya ni Alona. “Saka para sa akin, wala namang masama kung magpakasal ako sa taong hindi ko mahal. Be practical. Pera na ang mas mahalaga sa panahon ngayon kaysa sa nararamdaman ng puso,” dagdag pa niya. Napaisip rin ako. “Alam mo bes, gusto ko na nga rin pumayag ang kaso iniisip ko si Dominic my one true love ko. Baka kapag pumayag ako, masaktan siya at ayokong mangyari iyon. At ang isa ko pang iniisip, ikaw,” sabi ko at tiningnan ng diretso si Alona. “Ha? Bakit pati ako iniisip mo?” kunot-noo na tanong ni Alona. Ngumiti ako. “Bes, sa oras na pumayag ako sa gusto ni Mommy Ji, malaking pagbabago ang mangyayari sa buhay ko. At isa sa mga pagbabagong iyon ay baka hindi na tayo magkasama araw-araw dahil natural lang na tumira ako sa bahay namin ng magiging asawa ko. Ayoko naman na tanggapin na lang basta-basta ang offer na iyon gayong alam ko na maiiwan ka. Ayokong iwan ka,” madrama kong wika. Hinawakan bigla ni Alona ang aking kanang kamay at tiningnan ako sa aking mga mata. “Bes, ako rin naman, ayokong magkahiwalay tayo. Kung pwede nga lang, forever na tayong magkasama. Pero alam naman nating dalawa na hindi iyon pwede. Hindi habang panahon magkasama tayo. Magkakaroon rin tayo ng sari-sarili nating buhay kaya kailangan rin nating magdesisiyon para sa ating mga sarili at hindi humihingi ng opinion sa iba,” kalmadong saad ni Alona. “Pero-” “Bes, alam ko na nag-aalala ka sa akin.” Ngumiti si Alona sa akin. “Huwag kang mag-alala, oras na pumayag ka sa alok ni Ma’am Ji, magiging masaya ako. Magiging masaya ko sa pagbabago ng buhay mo kahit wala ako sa mga pagbabagong iyon. Mananatili mo pa rin akong kaibigan at kapatid mo na handa kang damayan at makinig sa mga rants mo. Saka kaya ko naman na ang sarili ko. Kung sakali man na hindi mo na rin maasikaso ang flower shop mo, I’m willing na mamahala rito kahit nag-iisa. Dalawa natin itong patuloy na binubuo so dapat lang na hindi mawala ang flower shop na ito kahit mawala ang isa sa atin,” pagpapatuloy pa niya saka mas lalong ngumiti. “Pero bes, parang hindi ko yata kaya na hindi ka kasama sa bahay at sa araw-araw na nabubuhay ako dito sa mundo,” madamdaming saad ko. Alam ko na may pagka-OA na ang sinabi ko pero ‘yun naman talaga ang totoo. Nasanay na ako na palaging kasama si Alona kahit na may regla pa ako. “Bes, ako rin naman, hindi na nga ako sanay na hindi ka kasama palagi. Pero sabi nga, may kanya-kanya tayong buhay na dapat ayusin. May kanya-kanya tayong kapalaran na dapat tahakin. At sa sitwasyon natin, ikaw, nasa kapalaran mo ang ikasal ka sa lalaking hindi mo lubusang kilala. Nasasaiyo na nga lang kung papayag ka or hindi. Alam ko na iniisip mo rin si Dominic ngayon. Mag-isip ka ng mabuti. Buhay mo ang nakasalaylay sa magiging desisyon mo. Palagi mo lang tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo para suportahan ka,” paniniguro sa akin ni Alona. OA man sa tingin ng iba pero napaluha talaga ako. Isipin ko pa lang na magkakahiwalay kami ni Alona, parang hindi ko kakayanin. Sabi ko sa inyo, mas mahal ko pa si Alona kaysa kay Dominic na nobyo ko. Pinunasan ni Alona ang mga tumulo kong luha sa mukha galing sa aking mga mata. “Huwag ka ngang umiyak, Bes! Magkakahiwalay lang naman tayo kung papayag ka, ‘di ba? Saka hindi pa naman mamamatay ang isa sa atin. Mamamatay nga lang ang lovelife mo dahil kung sakali mang pumayag kang maikasal sa anak ni Ma’am Ji, siguradong hindi ka na rin pwede tumingin sa ibang boys dahil may asawa ka na,” nakakalokong sambit ni Alona na natatawa. Pilit ko namang pinigilan ang aking pagluha at natawa rin. Suminghot-singhot pa ako dahil baka lumabas ang uhog sa ilong ko. “Salamat bes. Hayaan mo, hindi ko tatanggapin ang alok sa akin ni Mommy Ji,” wika ko. Ningitian ako ni Alona. “Huwag magsalita ng tapos. Mahirap tanggihan ang grasya gaya nang pagtanggi kapag may gwapong boys,” nangingiting saad ni Alona. “Mas matimbang ka pa kaya kaysa sa yaman na meron sila,” usal ko. “Pero aminin mo, nate-temp ka rin na tanggapin ang alok ni Ma’am Ji! Huwag kang magsinungaling,” ngumingiting litanya ni Alona. Napailing na lamang ako. “Ewan ko sayo,” sabi ko na lang saka ininguso ang ibabang labi ko. Natawa naman sa akin si Alona. Hay! Ano kayang gagawin ko sa sitwasyong ito? Tatanggapin ko ba ang alok o mananatili ako sa ganitong buhay? FEW DAYS LATER Patingin-tingin ako sa cellphone ko habang naglalakad ako sa loob ng department store ng mall. Mag-isa lamang ako dahil si Alona muna ang naging in-charge sa pagbabantay sa flower shop. Bibili kasi ako ng fifth monthsary gift para kay Dominic my one true love. Malapit na kasi iyon. Speaking of him, ang tagal na pala niya akong hindi nate-text or natatawagan man lang. Busy kaya siya? Bakit hindi man lamang niya maisipang i-text or tawagan ako? Mahirap bas a kanya na gawin iyon ngayon? Samantalang ako kahit busy, hindi ko nakakailigataan na i-txt at tawagan siya. Hay! Ewan! Siguro nga baka sobrang busy lang niya kaya kahit pagte-text hindi na niya nagagawa. Palingon-lingon ako sa paligid baka sakaling may makitang magandang ipang-regalo para kay Dominic. Kahit ano naman na i-regalo ko, tinatanggap niya at natutuwa ako dahil doon. Maraming magaganda. Mga damit, sapatos, bags, shoes at iba pa pero ang presyo kasi, tumatanginting! Ang mahal. Hindi ko afford bumili ng ganun kamahal. Naramdaman ko ang pagkulo ng aking tiyan. Marahan kong hinimas ito. “Hay! Nagutom ako,” mahinang usal ko. Napagpasyahan ko na pumunta sa food court ng mall para maghanap ng makakain. Nagugutom na talaga ako. Pagkapunta ko sa food court, napalingon-lingon ako kung may bakanteng pwesto pa ba akong mauupuan. Isa-isa ko ring tiningnan ang mga food stalls na nandun baka sakaling may magustuhan ako na gusto kong kainin. Pero sa halip na pagkain at mauupuan ang mahanap ko, nakita ng dalawang mga mata ko ang isang kahindik-hindik na eksena. Isang eksena na nagpaguho hindi lamang sa mga pangarap ko na binuo kasama siya kundi nagwasak sa puso ko. Naningkit ang mga mata ko. Gumulo ang utak ko. Nakatitig lamang ako sa nakikita ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ng aking mga mata. Kaya pala hindi siya nagte-text at tumatawag man lang sa akin. Kaya pala! Hindi siya busy sa ibang bagay kundi busy siya sa babae niya! Pinigilan kong tumulo ang aking luha. Hindi ko pinangarap na lumuha sa public place at makita ng ibang tao na nagda-drama. Sa harapan lang ako ni Alona madalas mag-drama. Ayokong maging isang kaawa-awa na nilalang sa harap ng maraming tao. Hindi ko akalain na sasaktan ni Dominic ang puso ko ng ganito. Kumuyom ng madiin ang mga kamay ko. Nakatitig lang ako sa dalawang taong kung maglambingan ay daig pa ang magkasintahan sa park. Nagsusubuan ng pagkain at ang saya-saya. Nagtatawanan na parang walang problema ang mundo at hindi tumataas ang dolyar laban sa piso. Halos mapipi na ang cellphone na hawak ko dahil sa higpit nang pagkuyom ng mga kamao ko. Namuo ang galit at sakit sa dibdib ko. Masakit pala na ang itinuturing mo na one true love mo, may kasamang iba at mukhang doon pa siya mas masaya kumpara kapag kasama ka niya. Alam ko naman, may mga pagkukulang ako bilang nobya mo Dominic. Pero kailangan mo ba talaga akong saktan at lokohin ng ganito? Edi sana, bago ka lumandi sa iba, nakipaghiwalay ka muna sa akin hindi iyong pinagmumukha mo pa akong tanga na naghahanap ng ipangre-regalo sayo ngayong fifth monthsary natin! Masakit kaya! Sinaktan na nga ang puso mo, pinagmukha mo pa akong tanga! Naghahanap pa ako ng ire-regalo sa bwisit at malolokong lalaking ‘yan ‘yun pala ay may kalandian ng iba. Sa totoo lang, gusto ko silang sugurin at itapon sa mga mukha nila ‘yung kinakain nila. Isaksak sa bibig nila ‘yung kutsara, tinidor at pati na rin ang plato at baso pero ‘yung tuhod at mga paa ko, biglang nawalan ng lakas para lapitan sila. Bakit ganun? Alam ko na matapang at malakas akong babae. Kung gugustuhin ko nga, lalapitan ko sila at pagbubuhulin ko ang dalawang iyan sa harap ng maraming tao. Pero bakit pakiramdam ko, kasabay nang pagkawasak ng aking puso ay ang pangihina naman ng aking katawan? Parang nawalan ako bigla ng lakas para lumaban. Ganun ba talaga kapag sinaktan ng taong mahal mo ang puso mo? Damay pati ang katawan mo? Damay ang lahat-lahat sayo? Nanginginig ang aking kamay na may hawak ng cellphone. Tiningnan ko muna ang cellphone ko at nagpasya na tatawagan ko ang manlolokong Dominic na ‘yan. May gusto lang akong kumpirmahin. Gusto ko rin na pagkatapos ng tawag ko na ito, tapos na rin ang lahat sa amin. Wala ng formal break-up para mangisay siya sa kakaisip kung bakit bigla akong nawala sa buhay niya. Dapat lang ‘yun sa kanya para makonsensya naman siya. Huminga ako ng malalim. Dahan-dahan kong itinapat sa aking kanang tenga ang phone ko. Nagbuga ako ng hininga. “Hello,” pambungad na sambit ko kay Dominic nang sagutin niya ang tawag ko. Nakatingin pa rin ako sa kanila ng babae mukhang clown dahil ang kapal-kapal ng make-up at parang ahas na nakapalupot sa puno. Kunsabagay, mukha naman talagang puno si Dominic. Bakit ba gwapong-gwapo ako kay Dominic kahit sinasabi sa akin nila Alona na hindi naman kagwapuhan ang lalaking iyan? Ganoon ba ako katinding nabulag ng pag-ibig kay Dominic? Pwes ngayon, I’m not blind! Nakikita ko na kung ano ang nakikita ng iba sa kanya at ang tanga-tanga ko kasi nagpabulag ako ng matagal sa kanya. “Babe! Napatawag ka? Pasensya na hindi ako nakakatawag at nakaka-text sayo. Medyo busy sa trabaho,” saad niya. Ang kapal ng mukha. Talagang harap-harapan pa siya na tumatawag sa akin katabi lang ang babae niya. Oh baka naman alam ng babaeng ito na may girlfiend ang kinakalantari niya? Sinungaling! Busy daw! Busy sa pakikipaglandian! “Nasaan ka?” tanong ko. Titingnan ko pa kung hanggang saan ang gagawin nitong pagsisinungaling sa akin. Baka nga dati pa, nagsisinungaling na ito sa akin at ang tanga-tanga ko lang na hindi ko iyon nahalata. “Uh, babe, nasa work pa ako. Break time ko ngayon,” aniya sa kabilang linya. Sabi na nga ba at nagsisinungaling siya. Ang hapdi lang sa puso na nagsisinungaling siya sa akin. Lintik siya! “Hm… ganun ba?” tanong ko na lamang. Napapakagat-labi pa ako dahil baka anytime, bigla na lamang tumulo ang aking luha at ayokong mangyari iyon. Hangga’t maaari, hindi ko ipapakita sa ibang tao ang kahinaan ko. Okay lang talaga kung si Alona ang makakita ng kahinaan ko huwag lang ang iba dahil mas lalo lang akong manliliit sa sarili ko. “Ikaw babe? Nasaan ka?” pagtatanong ni Dominic. Talagang tinanong pa niya kung nasaan ako. Paano kung sagutin ko siya na nandito lang ako sa harapan niya at pinapanood ang landian niyo ng babae niya? Siguradong magugulat siya at baka hanapin pa niya ako. “A-Ako? Ito at nanunuod ng isang napaka-romantic at sweet na eksena. Grabe! Dinaig pa ng dalawang ito ‘yung napapanuod kong loveteam sa tv sa sobrang ka-sweetan,” sarcastic na sambit ko ng may diin. “Ganun?” tanong ni Dominic na niyakap pa ‘yung babae niya sa baywang. “Yes, ganun nga. Sana nga lang katulad mo rin ‘yung male lead. Loyal sa girlfriend at halatang mahal na mahal si female lead,” pagpaparinig ko sa kanya. Baka lang tablan kahit na nakikita kong hindi siya tatablan. “Syempre naman, loyal kaya ako sayo,” aniya na ikinapanindig ng balahibo ko. Ang kapal ng mukha niya! Grabe! Talagang nasabi niya iyon sa akin? Kaloka! Itong puno na ito, puputulin ko na ‘to eh para wala ng maging pakinabang! “Sana nga,” sabi ko na lamang at kaagad na ibinaba ang tawag. Nakita ko pa si Dominic na hindi binababa ang phone at parang naghe-hello pa. Bahala ka diyan! Sinungaling! Manloloko! Cheater! Ang kapal ng mukha niya talaga! Grabe! Nakakakulo siya ng dugo! Lahat ng klase ng mura, imumura ko sa kanya hanggang sa magpantig ang tenga niya! Bwisit siya! Tiningnan ko pa muna sila Dominic and his girl sandali. Isinumpa ko sa sarili ko na ito na ang huli naming pagkikita. Ang ayoko sa lahat, niloloko at pinagmumukha akong tanga. Tinaliman ko pa ang pagtitig sa kanila. Mahiwa sana sila. Matapos ko silang titigan ay inirapan ko sila. Nagpasya na akong umalis sa lugar na iyon. Wala ng dahilan pa para mag-stay pa ako. Ang akala kong pagpunta ko sa mall para maghanap ng ire-regalo para sa kanya ay naging bangungot dahil nakita ko lang naman ang manlolokong iyon na may kasamang iba. Tapos na ang lahat sa atin Dominic! Tinatapos ko na ang pagiging bulag ko sayo. --- Nakatayo lamang ako sa ilalim ng waiting shed. Ilang bus na ang dumaan at huminto ngunit hindi pa ako sumasakay. Pinapanuod ko ang pagtakbo ng mga sasakyan sa kalsada. Tulala lamang akong nakatingin roon. Mabuti pa sila, patuloy lang sa pagtakbo at mapupunta rin sa tamang pupuntahan. Maya-maya ay nagbaba ako nang tingin. Kinagat ko ang ibabang labi ko. Hanggang sa iyuko ko ang aking ulo at tahimik na umiyak. Hindi ko na kasi kayang pigilan ito kaya naman kahit sandali, iluluha ko itong sakit na ito. Wala na akong naging pakielam sa iba o sa mga sasakyan. Tahimik lamang akong umiyak habang nakatayo pa rin sa ilalim ng waiting shed. --- “Bes! Niloko niya ako!” Humagulgol ako habang nakayakap ako kay Alona. Nasabi ko na sa kanya ang nangyari kanina. “Sabi ko naman kasi sayo, huwag mong ibigay ang lahat ng pagmamahal mo para sa lalaking iyon,” kalmadong wika ni Alona habang hinihimas-himas nito ang aking likod. “Akala ko siya na! Akala ko siya na ang lalaking makakasama ko habang-buhay. Lahat ng pangarap ko na kasama siya, biglang gumuho na lang sa isang iglap,” saad ko sa gitna nang pag-iyak ko. “Kahit mukha siyang puno, minahal ko siya ng totoo pero… pero… huhuhu!” Muli na naman akong napahagulgol. “Huwag ka nang umiyak diyan. Lilipas rin ‘yang sakit na nararamdaman mo. Lahat ng bagay na nangyayari sa mundo, may dahilan. Saka hindi lamang ang Dominic na iyan ang lalaki sa mundo dahil mas marami pa diyan na mas gwapo kaysa sa kanya,” aniya ni Alona habang marahang hinahagod ang likod ko. Huminga siya ng malalim. “Alam ko na madaling sabihin ang salitang move-on pero mahirap gawin dahil napakaraming proseso nito pero kung gugustuhin mo talagang mag move-on, magagawa mo rin ‘yan. Malay mo paggising mo bukas, ma-realize mo na lang sa sarili mo na hindi mo na siya mahal. Sabi nga ng iba, time heal all wounds. Kaya huwag mong sayangin ang buhay mo. Saka nga huwag mong sabihin sa akin na gumuho ang pangarap mo, pwede mo naman tuparin ang mga pangarap mo kahit wala ang lalaking ‘yan sa buhay mo,” pagpapatuloy pa niya. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Alona. Alam ko na punum-puno ng luha ang aking mukha. Tiningnan ko siya sa mata. “Siguro bes kaya nangyari sa akin ito ay dahil alam ni God na hindi si Dominic ang nakatakdang makasama ko habang-buhay,” sabi ko. “Siguro, ibinigay lang niya sa akin sandali ang lalaking iyon dahil isa siyang mali at para mapunta ako sa tama, kailangan ko muna siya para matuto ako sa pagkakamali,” dugtong ko pa. “Siguro, may the best pa siyang ibibigay sa akin.” Nagtaka naman si Alona dahil sa mga sinabi ko. Kunot na kunot ang noo niya. Kinuha ko mula sa aking bulsa ang cellphone ko. Hinanap ko sa contacts ang cellphone number ni Mommy Ji na ibinigay nito sa akin bago ako umalis sa kanilang mansyon. Nang mahanap ko ang number niya ay pinindot ko ang call at itinapat sa aking kanang tenga ang phone. “Ellyse? Hi! It’s been a long time. Kumusta ka na? And bakit ka napatawag?” sunod-sunod na tanong at sabi ni Mommy Ji sa kabilang linya. Tiningnan ko si Alona. Parang alam na nito kung bakit ako tumawag kay Mommy Ji. Ngumiti ako ng tipid. Huminga muna ako ng malalim saka ako nagsalita. “Pumapayag na po ako. Magpapakasal na po ako sa anak ninyo,” matigas na wika ko. Pumapayag na ako kahit sinabi ko rito na oras na pumunta lang ako ng mansyon nila, doon niya malalaman na pumayag na ako. Pwede namang tawag, ‘di ba? Tama lang siguro itong magiging desisyon ko. Yayaman na ako at ipapamukha ko sa Dominic na ‘yon na sinayang niya ako. Bahala na siya sa buhay niya! Kapag nagkita ulit kami, who you na siya sa akin. Huwag na huwag lang siyang uutang sa akin dahil kapag ginawa niya iyon, buhay niya ang sisingilin ko sa kanya. Bwahahaha!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD