EPISODE 3

4550 Words
PLACE: DANGWA TIME: 3:37PM THIRD PERSON “Mga ale! Mga manong! Mga ate at kuya! Bili na kayo ng mga bulaklak! Pambigay sa jowa, sa rebulto, sa patay o sa kahit sino! Bili na kayo!!!” Halos maputol na ang ugat sa lalamunan ni Ellyse dahil sa kakasigaw ng malakas para makahatak ng customer na bibili sa kanyang mga panindang bulaklak. Pangiti-ngiti pa siya ng maganda pagkatapos niyang sumigaw. Kanina pa nagbebenta ng mga bulaklak si Ellyse. Marami na siyang benta pero hindi pa ubos ang mga paninda niya. Iba’t-ibang klase ng mga bulaklak ang paninda ni Ellyse na nakaayos. May nakalagay sa paso at ang iba naman ay naka-bouquet. Naka-pwesto ang mga paninda ni Ellyse sa gilid ng daanan kaya talaga namang mapapatingin ang mga mamimili sa kanyang mga paninda. Nakapatong sa monoblock na mesa ang mga paninda niya. Agaw atensyon rin naman kasi ang mga bulaklak niya dahil sa maganda ang pagkakaayos ng mga ito. May talent si Ellyse when it comes to flower arrangement kahit na wala naman siyang formal training. Based on experience at panunuod na rin niya noon sa kanyang ina kaya niya ito natutunan. “Miss, magkano itong tinda mong bulaklak?” Napatingin kaagad si Ellyse sa harapan nang marinig niya panlalaking boses na bigla na lang sumulpot sa harapan at nagtanong sa presyo ng kanyang paninda. ‘Shocks! Ang gwapo naman nito!’ sa isip-isip na malanding wika ni Ellyse. Kung wala siyang boyfriend ngayon, malamang ay baka malandi niya ang lalaking nasa harapan niya at nasisilayan ng kanyang mga mata. Ang gwapo kasi nito. Makalaglag underwear ang gwapo nitong mukha at ang mga mata nito na kung tumingin sa kanya ay nakakalaglag puso. “Uh… eh… isang libo po isang bugkos,” pagsagot ni Ellyse sa tanong ng gwapong mamimili. “Para kanino niyo po ba ibibigay? Sa mother, father, sister, brother, girlfriend o wife niyo po?” pagtatanong pa niya sa lalaki. Itinanong niya iyon para malaman niya kung anong bagay na boquet ng bulaklak ang maaaring ibigay. ‘Baka sa girlfriend niya,’ sa isip-isip pa niya. Ngumiti ang lalaki kay Ellyse. Nasilayan niya tuloy ang pantay-pantay at puti nitong ngipin na pwede nang isabak sa commercial ng toothpase. ‘Ang puti ng ngipin. Kumakain pa ba siya?’ sa isip-isip na naman niya. “That’s for my wife, kaya sana ipili mo ko ng magandang flower arrangement na magugustuhan niya.” ‘Sayang! May asawa na pala! Paubos na talaga ngayon ang mga gwapo na single pa. ‘Yung iba kasi, gwapo nga, mayabang at arogante naman at ang iba naman kasali pa sa ikatlong lahi,’ nanghihinayang na wika ni Ellyse sa kanyang isipan habang nakatingin sa gwapong mukha ng lalaki. Mukha pa itong mabait. Talagang humahanga siya sa kagwapuhan ng lalaking ito. Mali man ang ginagawa niya ngayon dahil naturingan pa man din siyang may boyfriend pero hindi niya mapigilan talaga ang humanga sa artistahing lalaki. “Uhm… Miss, may problema ba?” pagtatanong ng lalaking customer kay Ellyse. Napatunganga na kasi ang huli at talagang tinitigan ang gwapong mukha ng lalaki. “May dumi ba ako sa mukha?” tanong pa niya. Kaagad naman na bumalik sa ulirat si Ellyse. Bigla siyang nahiya. “Hehehe. Pasensya na. Kamukhang-kamukha mo kasi ‘yung Korean actor sa pinapanood kong K-drama,” aniya saka kumamot sa ulo. “Grabe! Mukha nga kayong kambal kaya hindi ko napigilan ang pagtitig sayo,” dagdag pa niya sa kinikilig na tono. Tama siya, kamukhang-kamukha nga ng Korean actor na tinutukoy niya ang lalaki. Mahilig rin kasi si Ellyse na manuod ng mga K-drama dahil bukod sa maganda at nakakakilig ang story, ang gwapo pa ng male lead. Napangiti ang lalaki kay Ellyse. May bigla kasing sumagi sa isipan nito. “Pareho kayo ng sinabi ng asawa ko. Kamukha ko nga raw ang alien na iyon,” nangingiting aniya. Napataas ang kanang kilay ni Ellyse. “So alam niyo rin pala na may kamukha kayong Korean actor? Nanunuod din po ba kayo ng K-drama?” tanong ni Ellyse. “Oo. Simula nang sabihin ng asawa ko na kamukha ko nga raw ‘yung male lead ng palabas na iyon na paborito niyang panuorin, nanuod na rin ako. Tama nga siya, kamukha ko nga. But I think, mas gwapo pa ako dun. Hahaha!” nakakalokong sabi nito. Kitang-kita ni Ellyse ang napaka-gwapo nitong pagtawa at talaga namang lumalabas ang magkabilang dimples nito at naniningkit ang chinito nitong mga mata. Natawa rin si Ellyse sa sinabi ng lalaki. “Ay! Oo nga po pala, bago ko makalimutan,” sabi bigla ni Ellyse. Hinanap niya mula sa paninda niya ang bulaklak na bagay ibigay ng lalaki sa asawa nito. “Ito po. Bagay na bagay po ito ang ibigay ninyo sa inyong asawa. Tingin ko naman, magkasing-ganda lang sila ng bulaklak na ito,” wika pa niya at iniabot sa lalaki ang bouquet ng bulaklak. Tinanggap naman ito ng lalaki at tiningnan ang ibinigay na bulaklak ni Ellyse. Sumilay ang natutuwang ngiti sa labi nito habang sinisipat nang tingin ang bulaklak. “You’re right. The flowers are beautiful. Bagay na bagay sa maganda kong asawa,” nangingiting sabi nito. Natuwa naman si Ellyse dahil nagustuhan ng costumer niya ang bulaklak na napili niya. “Wait. Hawakan mo muna ito,” pakiusap bigla ng lalaki kay Ellyse at iniabot muli sa kanya ang bulaklak. Mabilis na tinanggap naman ito ni Ellyse. Hinugot ng lalaki ang mahabang wallet nito sa back pocket at kumuha ng pambayad kay Ellyse. “Here.” Iniabot ng lalaki ang kinuhang pera kay Ellyse. Muli din nitong kinuha ang bouquet ng bulaklak mula kay Ellyse. “Uhm… Sir, one thousand lang po ang bulaklak. Sobra po ang ibinigay ninyo,” wika ni Ellyse matapos mabilang ang perang ibinigay sa kanya. Five thousand pesos kasi ang iniabot na pera sa kanya ng lalaki. Ngumiti lamang ang lalaki sa kanya. “Keep the change. Napakaganda ng bulaklak na ibinigay mo sa akin para lang sa halagang one thousand pesos. Saka isa pa, ayokong bumili ng murang bulaklak dahil mahal na mahal ko ang asawa ko,” wika pa niya. “Pero-” “Bye,” mabilis na pagpapaalam ng lalaki kay Ellyse at bigla na lamang itong naglakad palayo. Hindi na nakapagsalita si Ellyse na nakasunod ang tingin sa lalaki at ngumuso. “Grabe! Ang ganda ng likod niya,” kinikilig na sambit ni Ellyse. “Halatang mamahalin pa siya,” saad pa niya. “At nakakakilig din ‘yung mga sinabi niya. Haaay! Bihira na lang talaga ang mga lalaking gaya niya at ni Dominic,” saad pa niya. Nakita ni Ellyse na sumakay ito sa isang white volvo. ‘Mayaman,’ saad niya sa isipan. ‘Kaya pala barya lang sa kanya ang five thousand,’ aniya pa. Huminga na lamang ng malalim si Ellyse. Maya-maya biglang napatingin si Ellyse sa lupa. May nakita siyang isang card na nakakalat doon. Kaagad niya itong pinulot at binasa ang nakasulat. “Business card niya ba ito?” pagtatanong ni Ellyse sa hangin. Naalala niya ‘yung huling customer niya. Maya-maya ay napangiti siya. “Nicollo Iris Tolentino pala ang pangalan niya,” aniya pa. “Kahit ang pangalan, ang hot,” kinikilig na sambit pa niya. --- SAMANTALA “Sh*t! Huwag niyo ngang dikitan ang kotse ko!” nandidiring sambit ni Yuri sa mga taong nasa labas ng kotse niya. Nasa loob ito ng kanyang black luxury car na kanyang minamaneho ng mabagal. Inis na inis si Yuri sa mga taong dumidikit sa kotse niya. Tingin niya kasi, marurumihan ng katawan ng mga taong ito ang kotse niya. Napapalo si Yuri sa manibela ng kanyang kotse. Inis na inis talaga siya. Mababanaag naman iyon sa kanyang mukha. “Nakakainis talaga si Mom!” nanggagalaiti na sambit pa niya at kumamot-kamot sa batok niya. Inis na inis si Yuri sa kanyang mommy dahil inutusan siya nito na bumili ng bulaklak sa Dangwa kaya ito, nakikipagsiksikan ang kotse niya sa mga taong namimili rin dito. Meron naman kasi silang yaya na pwedeng utusan pero siya pa ang inutusan at isa pa, bakit dito pa siya kailangang bumili kung marami namang flower shop na malapit sa bahay nila? Pinipilit nga ni Yuri na doon na lang bumili ngunit ayaw ng mommy niya. Dahan-dahan lang ang pagpapandar niya sa kanyang kotse. Baka kasi makasagasa pa siya ng tao at makasuhan pa siya ng reckeless driving or attempted murder. Ayaw niyang mangyari iyon dahil may takot pa rin naman siya batas. Isa pa, hindi niya pinangarap makulong lalo na dito sa Pilipinas na ang pangit ng mga bilangguan. Mabuti pa sa ibang bansa, kahit nakakulong, hindi feel na nakakulong dahil ang gaganda ng mga bilangguan doon. Hindi feel na parang hayop unlike dito sa sarili niyang bansa. “Hay! Bakit ba kasi pakalat-kalat ang mga tao rito! Hindi na lang sila pumirmi sa bahay! Kainis!” nabwibwisit na singhal pa niya. Palingon-lingon at sumisilip si Yuri sa magkabilang bintana ng kotse niya at sa rare view mirror. Naghahanap na kasi siya ng mabibilhan ng bulaklak. Naka-shades pa ito at animo’y ang taas ng araw sa loob ng kanyang kotse. Sa paglingon-lingon ni Yuri, hindi na niya tuloy napapansin ang nadadaanan niya kung may mababangga ba siya or what. Busy pa rin si Ellyse na binabasa ang napakaikling sulat sa card. Talagang hindi niya tinanggal ang paningin niya doon at tila kinakabisado niya ang mga detalyeng naroon. “Sa kanya kaya talaga ang card na ito? Ito kaya ang number niya? Kung tawagan ko kaya siya para makahingi ng picture? Kamukhang-kamukha niya kasi ‘yung crush kong Korean actor,” kinikilig na sambit niya sa sarili. Ang tinutukoy niya ay ang lalaking bumili sa kanya ng bulaklak kanina. Walang kamalay-malay si Ellyse sa nangyayari sa paligid niya dahil abala siya sa pagkakilig. Hindi niya nakikita at napapansin na may paparating na kotse at mababangga ang tinda niya. Nagunlatang na lamang si Ellyse ng biglang may bumangga sa mga paninda niya at talagang nakaladkad lahat ng bulaklak niya na ngayon ay lasog na lasog. Nabangga ng gilid ng kotse ang mesang pinagpapatungan ng mga bulaklak niya kaya nakaladkad at nahulog ang mga ito sa lupa. Hindi makagalaw si Ellyse dahil sa gulat sa nangyari. Natulala siya at nakatitig lamang sa mga nakakalat na niyang bulaklak. Hindi man lang huminto ang kotse para tanungin kung ayos lang ba siya o hindi kaya ay para bayaran ang nasira nito. Bumalik sa ulirat si Ellyse at parang nag-transform ito na parang dragon. Nanlilisik at namumula na ang mga mata nito dahil sa galit at inis. Tiningnan niya ang hindi pa nakakalayong kotse na dahan-dahan pa rin ang pagpapatakbo. “Putragis ka!!! Talagang hindi ka pa humintong bwisit ka!!! Hoy!!! Nasira mo ang bulaklak ko tarantado ka!!!” buong lakas na sigaw ni Ellyse na halos nagpahinto rin sa mga taong namimili doon at tiningnan siya. Mukhang wala namang narinig ang driver ng itim na kotse sa mga sinabi niya. Tuloy-tuloy pa rin ito sa pag-andar. “Nakakainis ka!!! Bwisit!!! T*** *** ***” sigaw pa rin ni Ellyse na may kasama ng pagmumura. Lahat ng klase ng mura ay sinabi na niya kaya ‘yung mga matatandang may kasamang bata ay tinakpan ang magkabilang tenga ng mga ito. Hindi pa rin humihinto ang kotse na wala pa ring alam sa nangyayari. Lalong nainis si Ellyse sa tila walang pakiealam na driver. Dahil sa sobrang pagka-inis ni Ellyse, hindi na siya nakakapag-isip pa ng mabuti. Bigla na lamang ito pumulot ng isang mataba at maikling tabla na nakakalat lamang sa daan. Tiningnan muna ni Ellyse ang kotse ng may galit at inis. Humugot ng sobrang lalim na hininga si Ellyse. Tiningnan niya ang mga tao. “Hoy! Lumayo na muna kayo at baka matamaan ko kayo nitong ihahagis ko!” pakiusap niya sa mga tao na kaagad namang nasilayuan at pumunta sa gilid-gilid at sulok-sulok. ‘Yung iba ay umalis na at ang iba naman ay manunuod ng gagawin niya. Likas na talaga sa tao ang pagiging tsismoso at tsismosa. Muling tiningnan ni Ellyse ang kotse. Inasinta niya ang kanyang ibabato. Pamaya-maya ay buong lakas na ibinato niya ang may kalakihang tabla sa likurang salamin ng kotse. Halos magulantang naman si Yuri sa loob ng kanyang kotse nang marinig ang napakalakas na lagabog na nanggaling sa likuran ng kotse niya. Tiningnan niya ito at nanlaki ng sobra ang mga chinito niyang mata sa kanyang nakita. Halos mabasag na kasi ang likurang salamin ng kotse niya. “Pucha!!!” sigaw ni Yuri ng ubod ng lakas. “Anong nangyari? Sino ang may gawa nito?” nanlulumong mga tanong pa niya. Mahal pa naman niya ang kanyang kotse kaya siya nanlulumo. Inis na inis si Yuri. Ang dami na nga niyang kinaiinisan tapos dumagdag pa ito. Inihinto niya ang kanyang kotse. Tinanggal niya ng mabilis ang seatbelt sa katawan niya at kaagad na binuksan ang pintuan at lumabas sa kanyang kotse. Kitang-kita ni Ellyse ang paglabas ng isang matangkad na lalaki sa kotse. Naging slow-motion pa nga ang paglabas nito at tila nagliwanag dahil sa pagtama ng sinag ng araw. Naka-shades pa ito. Halata sa postura nito ang sumisigaw na kayamanan. Mukhang gwapo rin ang lalaki pero para kay Ellyse, isa itong kriminal dahil sinira lang naman nito ang mga bulaklak niya. Tinanggal ni Yuri ang suot na shades sa mata at itinago iyon sa bulsa. Tama nga si Ellyse, gwapo ang lalaki pero wala talaga siyang pakiealam. Kung kaugali pa nito ‘yung customer niyang gwapo kanina ay baka kinilig pa siya. “Sino sa inyo ang bumato at bumasag sa salamin ng kotse ko!!!” galit na galit at halos mapatid na ang vocal chords ni Yuri sa lakas nang pagsigaw. Ang mga tao namang nandoon ay parang naputulan ng dila. Hindi sila makapagsalita. Natakot sa bagsik ng pananalita ni Yuri. “Ako!!!” buong lakas na sigaw ni Ellyse habang titig na titig kay Yuri. Siya lang ang hindi nasindak sa sigaw nito. Tiningnan ni Yuri ng ubos ng sama si Ellyse. “Ikaw?!” malakas na paninigaw ni Yuri at tinitigan si Ellyse ng matalim. Nagsalubong ang kanilang mga tingin na kulang na lang, lapain nila ang isa’t-isa. Dahan-dahang naglakad palapit si Yuri kay Ellyse. Hindi naman nagpatinag si Ellyse sa kinatatayuan niya. Wala siyang pakielam kung mas matangkad pa ito sa kanya. Wala rin siyang pakielam kung gwapo ito at mayaman. Basta may kasalanan ito sa kanya. Tapos! “Ikaw ba ang walang kwentang tao na bumasag sa salamin ng kotse ko?!!!” buong lakas na sigaw ni Yuri sa mismong mukha ni Ellyse. Napapikit naman ng mata si Ellyse. Ang dami kasing tumalsik na laway sa mukha niya galing sa bibig ni Yuri. Mabuti na lang at mabango ang laway nito at hindi amoy panis kundi baka madagdagan lalo ang galit niya dito. Sigawan ba naman siya sa mismong mukha niya? Padausdos na pinunasan ni Ellyse ang mga tumalsik na laway sa mukha niya gamit ang palad niya. Tinitigan ni Ellyse si Yuri. Halos magkalapit na ang kanilang mga mukha. Mata sa mata, ngipin sa ngipin. “Ang kapal naman ng mukha mo para sigawan ako? At ako? Walang kwentang tao? Baka ikaw ang walang kwenta kasi ikaw itong nakagawa ng krimen!!!” sigaw rin ni Ellyse sa mismong mukha ni Yuri. Tumalsik rin ang mga laway niya sa buong mukha nito. Sobra namang nandiri ang napapikit na si Yuri dahil ramdam na ramdam niya ang laway na tumalsik sa mukha niya. Mabilis niyang hinugot mula sa bulsa ang panyo niya at kaagad na ipinunas sa kanyang mukha. ‘Yuck! Kadiri! Kainis!’ sa isip-isip pa ni Yuri habang marahas niyang pinupunasan ng panyo ang kanyang mukha. Kulang na lang ay burahin nito ang sariling mukha dahil sa sobrang pagkuskos. ‘Ang arte naman nito!’ sa isip-isip ni Ellyse. Napaismid pa siya at umirap. Maya-maya ay natapos si Yuri sa pagpupunas. Namumula ang mukha niya sa sobrang pagkuskos. Nagsalubong ang kilay niya nang maalala ang sinabi ni Ellyse. Dumilat siya at tinitigan na naman ng masama si Ellyse. “Anong sinasabi mo? May nagawa akong krimen? Baka ikaw ang nakagawa ng krimen dahil nambasag ka ng kotse ng taong walang kasalanan!” sigaw niya habang titig na titig kay Ellyse. “At sa tingin mo ba babasagin ko ang salamin ng kotse mo ng wala lang? Hoy! May dahilan kung bakit ko ‘yan binasag!” sigaw ng malakas ni Ellyse. Nagsusukatan nang tingin sila Ellyse at Yuri. Wala talagang ayaw magpatalo sa kanilang dalawa. Tinitigan lalo ni Yuri si Ellyse. Maganda ito sa paningin niya. ‘Yun lang dahil para kay Yuri, ang babaeng ito ay malaki ang kasalanan sa kanya at hindi dapat purihin. “Wala naman akong kasalanan sayo!!!” sigaw ni Yuri. Umismid si Ellyse. “Nakikita mo ba ‘yun?!!!” mataas ang boses na singhal niya at itinuro ang nagkalat na lasog-lasog na bulaklak sa kalsada. “Sinagasaan mo lang naman ang bulaklak ko tapos sasabihin mo sa aking wala kang kasalanan? G*go ka ba?!” nanggagalaiti na sambit pa niya. “Sinira mo ang bulaklak ko kaya magbayad ka!” dugtong na singhal pa niya. “Kasalanan ko ba kung hindi mo alam ang ibig sabihin ng kalsada? Kasalanan ko ba kung paharang-harang ka sa daanan? Kasalanan ko pa ba kung nagtitinda ka sa hindi naman dapat pagtindahan?” madiin na pagtatanong ni Yuri. “Hindi ka ba nag-aral kaya kapag may nagawa sayong sa tingin mo hindi maganda ay mambabasag ka na lang ng salamin ng kotse kahit na in the first place ay ikaw naman ang mali?” tanong pa niya. ‘Saka bakit ako magbabayad? Asa siya!’ sa isip-isip pa niya. Pagak na tumawa si Ellyse. “Grabe! Ikaw na nga ang nanagasa tapos ako pa ang sisisihin mo? Hoy! Bwisit ka! Ikaw na nga ang may kasalanan tapos ikaw pa ang galit!” nanggagalaiti na wika pa niya. “Dapat lang naman akong magalit dahil binasag mo ang mamahalin kong kotse!” nanggagalaiti rin na singhal ni Yuri kay Ellyse. Tiningnan ni Ellyse ang kotse ni Yuri na nakapwesto sa hindi kalayuan. Nag-smirk siya saka muling tiningnan si Yuri. “Gusto mo ba basagin ko pa? Lahat ng salamin babasagin ko at sisirain ko ng todo tulad nang pagsira mo sa bulaklak ko,” madiin na banta ni Ellyse kay Yuri. “Magaling akong manira. Hindi nga lang bagay ang kaya kong sirain kundi pati na rin ng buhay ng mga kagaya mo,” dagdag pa niya habang nakatitig kay Yuri. “Subukan mo lang,” mariing wika ni Yuri. Mas nilapit pa niya ang mukha sa mukha ni Ellyse na hindi pa rin natinag sa kanya. “Kaya ko ring manira ng buhay,” pagbabanta pa niya. “Edi magsiraan tayo ng buhay. Kailan mo gustong magsimula? Ngayon na ba?” nakakalokong tanong ni Ellyse at nang-aasar pang ngumiti. Naningkit ang mga mata ni Yuri. Ewan ba niya pero naiinis na talaga siya ng todo sa babaeng kaharap. Hindi naman niya ito kilala pero bakit parang may iba siyang nadarama pagdating sa babaeng ito? Parang konektado sila sa isa’t-isa na hindi niya maintindihan. Ito na ba ang magiging katapat niya? Ang mga tao naman ay nanunuod lang sa kanilang dalawa. Parang nanunuod ng isang away sa kanto. Nagtitigan sila Ellyse at Yuri. Kapwa may galit sa mga mata ng isa’t-isa. “Kakasuhan kita dahil sa pagsira mo sa kotse ko,” pabulong na pagbabanta ni Yuri. Nanghahamon ang titig niya kay Ellyse. “Lahat ng pwedeng ikaso sayo, ikakaso ko hanggang hindi ka na makalabas pa sa kulungan,” dugtong pa niya saka ngumisi. Napangiti lang si Ellyse. “Sige, kasuhan mo at siguraduhin mo lang na hindi na ako makakalabas pa sa kulungan,” madiin na sambit niya. Nanghahamon rin ang titig niya kay Yuri. “Dahil sisiguraduhin ko din sayong hindi ka makakalabas sa kulungan dahil patong-patong na kaso rin ang isasampa ko sayo dahil sa pagsira mo sa bulaklak ko!” aniya pa. Again, nagtitigan muli sila ng matalim. Maya-maya ay si Yuri ang unang bumawi nang tingin. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya nakayanan ang pagtitig ni Ellyse sa kanya. Napangiting tagumpay si Ellyse. Nagtagumpay kasi siya sa titigan. Parang siyang nanalo sa contest sa pagalingan ng pakikipagtitigan. Hinugot ni Yuri mula sa bulsa ang kanyang wallet. Binuksan ito at naglabas ng isang bugkos ng pera na puro papel at kulay asul. “Ayan! Bayad ko sayo para matapos na. Baka ngumawa ka pa diyan kapag hindi pa kita binayaran kahit alam ko naman na wala akong kasalanan!” singhal ni Yuri sabay hagis sa mukha ni Ellyse ng pera na napapikit naman ng mga mata dahil sa ginawa niya. Pagkahagis ni Yuri ng pera ay kaagad itong lumayo kay Ellyse at naglakad palayo. Umangat ang kanang sulok ng labi niya. Tumindi ang galit ni Ellyse sa lalaki. Kaagad niyang idinilat ang mga mata. “Lintik! Hagisan ba ako ng pera sa mukha? Ang sakit, ha!” Sobra ang pagkainis na sambit niya. Puno ng galit na tinitigan niya ang lalaki na nakatalikod na sa kanya. “Ang kapal ng mukha mo para hagisan ako ng pera!!! Mayabang kang aroganteng pangit kang hayop ka lahat na ng negatibong bagay nakikita ko sayong hayop ka!!!” malakas na sigaw ni Ellyse na halos mangiyak-ngiyak na dahil sa tindi ng sigaw niya, dagdagan pa na napahiya siya sa ginawa ng lalaki sa kanya. Hindi naman pinansin ni Yuri si Ellyse at ngumisi lamang siya at nagpapatuloy lang sa paglalakad. Pinamulsa pa niya ang kanyang mga kamay. Wala rin siyang pakielam sa mga tingin sa kanya ng tao. Lalong nainis si Ellyse. Hindi man lang nito pinansin ang galit niya. Dahil sa matinding galit, mabilis siyang tumakbo para maabutan sa paglalakad si Yuri. Nang mahabol na niya ito at nasa likod na siya ng lalaki, buong lakas niyang sinipa sa pwetan si Yuri na nagulantang at nanlaki ang mga mata dahil sa kanyang ginawa. Halos mapadapa naman si Yuri sa lupa dahil sa tindi ng sakit nang sipa ni Ellyse sa kanya. Napaluhod pa nga ito sa lupa na ikinasakit ng tuhod niya. “Sh*t!!!” malakas na mura nang nasaktang si Yuri Kaagad na sumampa si Ellyse sa likod ni Yuri at ipinulupot niya ang kanyang braso sa leeg nito na nakaluhod naman at halata ang iniindang sakit sa katawan. Sinakal niya ito sa leeg. “Ang kapal ng mukha mo para hagisan ako ng pera sa mukha at bigla akong talikuran at hindi na pansinin ang galit ko,” madiin na usal ni Ellyse sa kanang tenga ni Yuri na nanlalaki pa rin ang mga mata at dumadaing sa sakit. “Pwes, mararamdaman mo ngayon ang balik ng karma,” dugtong pa niya saka tumawa na parang nababaliw. Ang bango-bango pa rin ni Yuri kahit pinagpapawisan na ngunit hindi iyon pinansin ni Ellyse. ‘Mabuti na lang at tinuruan ako ni Dominic ng basics sa taekwando,’ sa isip-isip pa ni Ellyse. “B-Bitawan mo nga ako!” madiin na utos ni Yuri kay Ellyse at bahagya siyang pumiglas-piglas. Tinanggal naman na ni Ellyse ang pagkakapalupot ng kanang braso niya sa leeg ni Yuri. Tumayo ito at ngumiti nang matamis. Sinuklay pa nito ang buhok pataas gamit ang mga daliri sa kanan nitong kamay. Tumingala si Yuri at tiningnan ng ubod ng talim si Ellyse. “Bi-Bwi- Bwisit ka,” galit na sambit ni Yuri sa gitna nang paghingal. “Hindi na sana kita makita sa kahit saan pang parte ng mundo dahil kung mauulit pa ito, titiyakin ko sayong mananalo na ako,” pagbabanta pa ni Yuri. “Tandaan mo itong araw na binangga mo ako,” aniya pa habang pinanlalakihan ng mga mata si Ellyse. “Ikaw kaya ang nangbangga,” nangingiting sabi ni Ellyse. “Saka huwag mo nga akong takutin diyan dahil wala ‘yang talab sa akin.” Naging pang-asar ang ngiti sa labi niya. “Saka sana nga hindi na ulit kita makita kasi naaalibadbaran ako sayo,” dagdag pa niya saka tumawa. Masamang tiningnan na lamang ni Yuri si Ellyse. Lalo namang ngumiti si Ellyse na nakatayo lamang sa harapan ni Yuri. Tiningnan ni Ellyse ang mga nakakalat na pera. Maya-maya ay nilapitan niya ang mga iyon na nagkalat sa lupa at isa-isa itong pinulot at binilang. “Twenty thousand pesoses! Hindi na masama!” aniya saka muling tiningnan si Yuri. Ginawa niyang pamaypay ang pera. “Salamat dito,” aniya. “Kung nagbayad ka lang kaagad edi sana kinausap kita ng mas mabuti at mas magalang,” nangingiting saad pa niya. Nang-aasar ang tingin niya. Hindi ka rin sana masasaktan,” aniya pa. Hindi nagsalita si Yuri. Matalim pa rin ang pagtitig niya kay Ellyse. Ngumiti naman ng matamis si Ellyse. “Oh, paano? Bye-bye na! Huwag na sana tayong magkita kahit sa hell,” nangingiting sambit niya saka dahan-dahang tumalikod at pakendeng-kendeng na naglakad palayo. Patalon-talon pa siya habang pinapaypay ang malulutong na pera sa tapat ng kanyang mukha. Iniwan na lang niyang nagkalat ang mga bulaklak at ang nasirang mesa sa kalsada dahil hindi naman na niya iyon magagamit pa. Nakasunod naman ang matalim na tingin ni Yuri kay Ellyse. “Okay ka lang ba?” tanong ng isang concerned na babae nang lumapit ito kay Yuri. Nakita nito ang buong pangyayari at ang dahilan kung bakit nakaluhod pa rin si Yuri sa lupa. Tinitigan ni Yuri ng masama ang babae. Nasindak naman ang babae at mabilis na lumayo kay Yuri. “Sh*t!” pagmumura na lang ni Yuri. Umiling-iling rin siya. Kahit na nahihirapan ay dahan-dahang tumayo pa rin si Yuri. Nang makatayo ay pinagpag niya ang suot na damit at pantalon na nadumihan. Tinitigan muli ni Yuri ang papalayong si Ellyse. Talagang sinusumpa niya ang nangyari sa araw na ito. Tatandaan niya ang mukha ng babaeng namahiya at nanakit sa katawan niya. “Sa sususunod na magkita tayo kung mangyari man ay sisiguraduhin ko sayong magsisisi kang sinaktan mo ako,” madiin na usal ni Yuri habang tinatatagan ang pagtayo. Maliit lang ang mundo kaya naman hindi malabong magtagpo ulit ang landas nila ni Ellyse. Hinawakan ni Yuri ang leeg niyang nasaktan rin. Napadaing pa siya. “Haaay! Bwisit! Bakit ba ang lakas ng babaeng iyon?” naiinis na saad ni Yuri. Nawala tuloy ang angas niya. “Halatang laking kalye,” dagdag pa niya. --- “Nahanap niyo na ba siya?” pagtatanong ni Mommy Ji sa kausap niya sa telepono. “Opo Ma’am, nahanap na po namin siya. Base na rin po sa picture na ibinigay ninyo, kamukhang-kamukha po ng babaeng nakita namin ang babae na nasa picture.” Natutuwang ngumiti si mommy Ji. “Mabuti naman kung ganun. Salamat sa paghahanap sa kanya. Hayaan mo at makakatanggap ka ng bonus kapag nakakuha ka pa ng mga impormasyon tungkol sa kanya para makasigurado tayo na siya nga ang ating hinahanap.” “Okay po, Ma’am,” sagot ng nasa kabilang linya. Napangiti naman lalo si mommy Ji. Ibinaba na niya ang tawag. “Malapit na Elisa. Malapit nang matupad ang ipinangako natin sa isa’t-isa na ang mga anak natin ang magkakatuluyan,” mahinang usal ni mommy Ji sa hangin habang nakatingin sa isang litrato. Litrato ito ng kanyang best friend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD