Gusto niyang isipin na di sila magkakilala pero nandiyan talaga ang temptation na buksan ang kanyang dummy account at i stalk ang ex niya. Kahit na alam naman niyang masasaktan lang siya sa kanyang makikita sa account nito.
"Kailangan close na muna ang eyes mo Aqua para di masyadong masakit agad." Sabi niya nang finally ay napindot na niya ang account ni Jhai. Dahan dahan niyang minulat ang kanyang mga mata at agad ding napapikit kasabay ng pagsapo sa kanyang bibig. She miss him so much that it hurts like hell, umibig siya ng lalaking bawal niyang mahalin pero di nito alam kung bakit bawal. Tatlo lang silang nakakaalam niyon, dahil ang pang apat ay patay na.
"Aray ko po! Ang heart ko." Iyak tawa niyang sabi nang bumungad kaagad sa kanya ang larawan ng nakangiting ex niya at ng bago nitong nakaka date ngayon.
Di niya maipaliwanag ang sakit na dulot niyon sa kanya, mabilis na nag unahan sa pagpatak ang kanyang mga luha na animo ay nagpapaligsahan sa pagpatak. Walang kasing sakit palang talaga na makita ang mahal mo sa piling ng iba.
"Isang taon palang akong nawala nakahanap kana agad ng kapalit ko, kapalit palit ba ako? Ay oo nga pala abot langit pala ang galit mo sa akin, kaya ang bilis na nakahanap ng substitute. " Pagkausap niya sa cellphone na akala mo ay sasagot ito sa kanya, parang kailan lang ang isang taon na iyon. Parang kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon at gabi gabi parin niyang iniiyakan at iniisip ang mga nangyari.
Kung nasaktan man ito sa ginawa niya, e ano pa siya? Di nito alam ang patong patong na sakit na kanyang naramdaman nitong nakalipas na isang taon sa buhay niya. Humantong pa nga ang lahat sa muntik niyang pag kitil sa kanyang sariling buhay.
"Ang daya daya mo, ang bilis bilis mo lang na naka move on, samantalang ako habangbuhay kitang pakamamahalin kahit sa malayo at malabo na sitwasyon." Bulong niya na hinaplos ang solo picture na nito. Masakit na masyado sa mata ang picture nito na kasama ang babae na bagong na link dito.
"Kalma lang Aqua Sheila at baka ikaw ay sumpongin pa ng depression mo!" Saway niya nang mag umpisa na namang manikip ang kanyang dibdib.
Halos ilang buwan niya ding dinala ang depression na halos pumatay sa kanya. Di biro ang kanyang pinagdaanan na inakala niya pa nga na di na niya kakayanin pa na makabangon pa mula sa kanyang pagkakalugmok. Good thing na ito na siya ngayon at maayos na kahit papaano ay masasabi niyang kaya na niyang dalhin ang kanyang emosyon.
Kaya na niyang itago sa kanyang mga kalokohan ang lahat ng sakit at ang pait na kanyang nararamdaman. Sa isang iglap lang ay nawala sa kanya ang lahat, para siyang pinagsukloban ng langit at lupa na parang ang gusto niya nalang na gawin ng mga oras na iyon ay sumuko nalang. Maraming beses niyang tinangka na takasan ang mundo pero lagi nalang siyang naililigtas.
Nag try siyang mag bigti noon, pero nang makaakyat na siya sa puno at maitali sa leeg niya ang lubid na gagamitin niya sana sa pagkitil ng buhay niya ay naputol iyon bigla. Kaya ang ending ay tanging sprain lang sa paa ang kanyang inabot. Nung minsan naman ay nagpapasagasa na sana siya sa tren sa may nakita siyang batang patawid na mauuna pa sana na masasagasaan kaysa sa kanya. Nagpakabayani siya at tinakbo ang bata bago paman makarating ang mahabang bagon ng tren.
Naranasan din niyang magpasagasa ng ten wheeler truck, pero bago paman umabot sa kanya ay nag park na ang truck ilang dipa ang layo mula sa kanyang kinatatayuan. At yung pinakahuli niyang naging attempt ay ang pagtalon sa ilog Pasig, kung saan nakita siya ni Trina at ito na siya ngayon sa kanyang training bilang isang agent.
Wala na siyang pamilya, tinalikuran na siya ng lahat kaya wala na siyang rason para mabuhay, pero sabi ni Trina ay pwede niyang ialay sa iba ang buhay niya, sa pamamagitan ng pagliligtas ng buhay ng iba. At ito na nga ang kanyang gagawin.
"If you don't know where to go, know your purpose."
Yun ang inilalagay niya sa isip niya sa tuwina, iyon ang payo sa kanya ni G nung unang dating niya sa lugar na iyon at nag break down siya ng bongga. Wala namang ipinayong matino talaga ang mga ito sa kanya.
"Sus kung ako sayo girl mag suicide ka nalang!" Si Jana.
"Manlalaki nalang tayo girl tapos tikman natin lahat." Si H na akala niya ay napaka seryuso.
"Patapon din ang buhay ko kaya wala akong maipapayo sayo." Si Juliana or Julie.
Mukhang wala man lang matinong words of wisdom na mapapala mula sa mga ito, pero pag kasama na niya ang mga ito ay tila ba may sarili silang mundo. Mga mundo na tila sila lang ang nandun, nahuhumaling na din siya sa mga armas at mga bomba. Gusto niya na makagawa ng mga kakaibang mga pampasabog na magiging weapon nila sa mga darating na nilang misyon.
"Makakalaya pa kaya ako sa sakit na dulot ng mga alaala mo?" Malungkot niyang tanong sa larawan nito na nasa kanyang cellphone.
"Di na daw, forever kanang magiging tigang at mamamatay kang virgin mary, baba kana bumili si H ng pizza." Si G na nasa pintuan at mukhang nakita ang kanyang dramatic stunts.
Lagi na naman siyang ganun, magaling lang talaga siyang magtago ng kanyang nararamdaman kahit na sobrang sakit na. Isang taon na din naman ang lumipas ng huli niya itong makita, at hanggang ngayon ay nakaukit parin sa kanyang balintataw ang mukha nito.
"Grabe ka sa akin, at least lahat naman tayo walang dilig." Nakangusong sabi niya dito.
"Di mo sure, oo nga pala ang pogi pala ng ex mo." Nakangising sabi nito, kaagad naman umandar ang kanyang pagiging selosa. Sinamaan niya ito ng tingin na tila ba ay isa ito sa kanyang mga karibal sa dating katipan.
"Ang sama naman ng tingin, para sa ikakatahimik ng kaluluwang ligaw mo. Ayoko ng tira na ng iba kaya rest assured safe ang ex mo sakin." Tatawa tawang sabi nito bago siya nilayasan.
"Siraulo to, pinasakit pa ang bunbunan ko sa sinabi niya, alam na ngang nag aampalaya talaga ako sa kumag na yun e." Bubulong bulong na sumunod na siya dito.
Dalawang palapag ang kanilang tila barracks, air-conditioned naman ang mga silid nila. Di man kalakihan pero sapat na ang laki niyon para komportable silang makapag pahinga matapos ang isang boung araw na patayang training.
Hello dear readers, may nag aabang paba nito?
if isa kayo sa abangers ni Jhai, kindly
follow or search andriegabriel at hanapin ang:
"Gov Jhai Forbidden Love"
yan na po ang bago niyang title, paki add sa lib nalang po, magsisimula na po ang magulo at nakakatuwang away bating relasyon ni Aqua at Jhai.
love lots po, sana mabasa nyo.
salamat.