Chapter 1
Aqua pov
Nakapila silang tatlo ni Jullie siya at si H. Ikatlong araw niya sa training para maging isang agent. Mahirap madugo ang training, at literal na luluha ka ng dugo sa sobrang hirap ng training. Gayunman ay di iyon naging hadlang upang ibagsak ang kanyang kagustohan na maging isang agent.
Ilang pasa at galos ang kanyang natamo, simula nung unang araw niya sa training at ngayon ito na naman. Maaga silang ipinatawag kanina para daw sa panibagong task nila ngayong araw. Masakit pa ang kanyang balakang dahil napasama yata ang bagsak niya ng mahulog siya sa puno kahapon.
"Ano ba daw ang gagawin?" Pabulong na tanong ko kay H. Gaya niya ay jolly din ito. Si Julliana kasi ay di makausap ng matino, tila mag baback out na ang babae. Kahit sino naman siguro ang nasa lugar nila ay magdadalawang isip kung tutuloy paba o hindi na, ilang araw na ito doon ng dumating sila.
Nung unang dating nila ay maayos pa ito nakakausap pa nila pero pahirap ng pahirap ang training kaya naman ay napapansin nila na tila uurong ang babae. Ngunit batid niyang magbabago din ang pasya nito, sabagay kung ito ay may dahilan pa para mabuhay.
May pamilya pa ito ayon dito kaya lang not in good terms with siblings yata, saka na niya i mesmes ang buhay ni Jullie, siya naman, siya yung tipong patapon na ang buhay kaya kahit ipang bala siya sa kanyon ay ayos lang. Walang iiyak at magluluksa para sa kanya, baka magpa party pa ang kanyang ama pag mapahamak siya.
"Malay ko, baka sabay tayong dumating." pilosopong sabat nito. Yan ang gusto ko dito, pero gusto niyang makaclose si Jullie at Trina. Mas astig kasi tumira si Trina, sharp shooter ito kahit anong armas kaya nitong hawakan. Si Jullie naman at martial arts ang expertise nito. Although kahapon ay natuklasan nila na may talent siya sa paggawa ng mga explosive devices. Sabi nga ni Tamara magiging advantage ako sa grupo.
"Oo nga no, sabay pala tayo no? Hehe." sagot ko pa napangiwi, madalas talaga e sabaw akong kausap lalo pag ganitong gutom at antok na antok pa. Ipinapangako niyang babawi siya ng tulog next layf.
May baril sa kanilang harapan may mga baso naman sa kabilang table. Sa kanyang palagay ay iyon ang magiging target nila. Parang gusto na niyang humawak uli ng baril, pakiwari niya kasi ay napaka powerful niya pag may hawak siyang baril. Nakahawak na siya ng baril nung unang araw niya. Kahit baguhan ay nagawa naman niyang matamaan ang baso na sampong metro ang layo. She work excellent nga daw sabi ng Trainor nila.
Alam niyang may babarilin sila ngayon malamang ay may mga bagong tactics na naman na ituturo sa kanila. Nasasabik siya sa kanilang training ngayong araw. Gusto niyang ibuhos ang sakit na dulot ng panaginip na naman niya ng nagdaang gabi. Dumating na din kanina ang mga lalaking heads sa kabilang grupo. Ayon sa sabi ni Miss G ay ang mga ito ang mag training sa kanila.
"Anong rason kung bakit ka papasok sa organisasyon?" tanong ni Julliana sa kanya ng magdikit sila.
"Ako ba?" tanong ko dito.
"Yung anino mo ang kausap niya, sayo nakatingin o. Tulaley ka naman agad sa mga boylets." sabi ni H.
"Tss tiningnan lang e, maigi na yung na appreciate din natin paminsan minsan ang mga biyaya ng diyos." Sabi ko na muling nilingon ang mga matitipuno at yummy na mga lalaki.
"Hehe, gusto kung magkaroon ng silbi ang buhay ko. I am alone now, wala na akong pamilya." sabi ko na tila wala lang akong sinabing nakakalungkot. Sanay at manhid na ang puso niya para sa pagluluksa.
"Ouch that was so tragic naman. Parating na sila, sana naman di mahirap ang ipagawa, maga pa ang paa ko e. Ang hirap tumakbo at gumapang." sabi ni Julliana.
"Excuse naman yata pag injured. Baka lalo lang lumala ang sprain," Sabi ni H. Na tinitigan ang paa ng kasama nila, halata ang pamamaga niyon. Mamula mula iyon at halos hirap na nga na ilakad pa iyon.h
"Namaga ba? Ayos lang yan Jullie afyter this ay pahinga na muna kayo. The doctor will be here this afternoon para i checked ang sprain mo." Si G na narinig yata ang naging pag uusap naming tatlo.
"Hi Girls this is Wind and this is Ryon. They are here to observe our training." sabi ng seryusong si Trina. Si Trina ang nag invite sa kanya upang maging kabahagi ng organisasyon. Nakita siya nito sa sandaling di na niya makitaan ng purpose ang kanyang buhay. Muntik na siyang tumalon sa tulay matapos na malamang may bago ng nobya ang kanyang ex.
Tiningnan niya ang mga lalaki sa harap. Nakaka intimidating ng dating ng mga ito.
"Nakikita niyo ba ang mga baso na yan at ang pitsel sa gitna?" panimula ni Tamara.
Naglalakad lakad ito na seryuso ang mukha.
"Yes Miss T." Sabay na sagot naming tatlo.
"Ang pitsel ay nagpipresenta yhbilang boss, at ang mga baso ay ang galamay nito." sabi nito. Nagulat pa siya ng iabot sa kanya ni Tamara ang baril.
"Ano po ang gagawin ko?" Tanong ko dito, tila nag alinlangan na tanong ko.
"Alin sa mga iyan hang una mong babarilin?" tanong ng mga ito.
Mabilis kung naikasa ang baril at walang habas na pinagbabaril ang mga sinasabi nitong galamay. Nakangiti at proud na proud ko silang tiningnan. Walang mintis walang nasayang na bala sa mga tira ko lahat tumama sa target niya. Napailing iling sa kanyang ginawa si Trina, malamang ay napabilib na niya sa wakas ang babae.
"See walang mintis pak na pak." Pagyayabang ko pa.
"Aqua, sa tunay na laban di ang galamay ang unang kinakalso. Kung may pagkakataon para itumba ang amo yun ang unahin mo. Kasi ang galamay napapalitan pero ang amo ang pinakadapat na unahin." Sabi ni Tamara na patalikod na binaril ang pinakagitna. Sapol iyong sa gitna.
"Wow ang galing." Bulalas niya sa ginawa nitong iyon.
Nang araw na iyon ay halos nanlalambot na siya ng makabalik sa kanilang room. Isa iyong air-conditioned room, kaya naman ay tiyak niyang plakda na siya kaagad.
"Ang hirap ng training ni Miss G." Reklamo ni Jullie.
"Oo nga e, parang gusto ng umatras ng aking determinasyon, " sabi ko.
"Nakakaloka pa ang warm up mula umaga parang mauubos ang aking pasensya sa mga training na pinagdaanan natin dito." Sabi ni H na nahiga na agad sa kama nito.
"Ako gusto kung maligo na muna, nanlalagkit ako sa pawis natin kanina sa kakatitig sa mga yummy na lalaki." Puno ng kaaliwan na sabi ko dito.
"Matutulog na ako, Aqua para akong mamamatay sa sakit ng paa ko." Sabi nito. Hinayaan niya nalang. Nang pumikit ang kanyang mga mata ay muli na namang nanumbalik sa kanya ang lahat ng sakit ng nakaraan. Yung akala niya na nakalimutan na niya ngunit habang buhay na binago ng kanyang mga maling desisyon sa buhay.
Mga desisyon na sa tingin niya ay makakabuti sa kanya. Pero kahit di siya masaya mga desisyon niya ay masaya siya dahil alam niyang di siya naging makasarili. Mas pinili niya ang makabubuti para sa kanilang dalawa ni Jhai. Ang paglayo niya sa lalaki ang pinakamaganda at pinakatama niyang maiaambag sa kinabukasan nito, at ng bayan ng San Carlos.
Alam niyang magiging mabuti itong gobernador ng bayan nila. Masakit man na kailangan nilang masaktan pareho ay iyon ang nakatakdang mangyari kaya kailangan nilang maging matapang pareho. Haharapin nila ang kinabukasan ng magkahiwalay ng landas.
Siya tatahakin ang madilim na landas, habang ito ay ang landas kung saan tutuparin nito ang pangarap nito. Alam niyang makakalimutan siya nito pagdating ng araw. Pero siya mananatili ito sa puso niya kahit na ilang taon ang lumipas sa buhay niya. Ito lang ang lalaking gusto niyang makasama hanggang sa tumanda siya. At kung di lang din naman ito ang makatuloyan niya ay pipiliin niyang mag isa.