Camella/Code Red POV Nakaupo ako ngayon sa kanilang magarang sofa habang nakaharap sa mag-asawa na parehong titig na titig sakin. “Sigurado ka'bang hindi ikaw si Felicia?“ tanong nanaman sakin ng kapitan. Bumuntong hininga ako, “Hindi po kapitan, sa katunayan po ay iyan din sana ang itatanong ko ngayon.” Naibuka naman nito ang iniinom na juice, “I-iha ulitin mo nga ang sinabi mo.” hindi makapaniwala na tanong nito sakin. Sa pang-ilang pagkakataon ay huminga nanaman ako ng malalim bago ko inulit ang sinabi ko, “Gusto ko sanang malaman kong namatay po'ba si Felicia sa mga nangyari noon O buhay pa? Wala kasing sinabi si nanay Carmelita sakin.” ani ko. Hindi agad umimik ang kapitan habang ang asawa nito ay ganon rin, ilang sandaling paghihintay ko ay sinagot nito ang tanong ko. “Hindi