"f**k you, Justin! Answer my goddamn call!" gigil kong sabi habang panay lang ang ring ng numero ni Justin. Panay ang lakad ko rito sa kwartong kinaroroonan namin ni Farrah at sobra na akong nag-aalala para sa kanya dahil hindi pa siya gumigising. Mamaya ay uuwi na kami sa mansion, mga alas-sais ng gabi ang oras na sinabi ko sa aking bodyguard para kami ay kanyang sunduin. Gusto kong doon na siya magpahinga sa kwarto niya para makapagpahinga siya ng maayos at maging komportable ang kanyang pakiramdam. Kung pwede lang sana sa kwarto ko ay doon ko na lang siya patutulugin dahil gusto ko siyang alagaan. Pero hindi iyon pwede dahil baka dumating na ang Nanay niya at hanapin siya. Isa pa, baka hindi lang din siya pumayag at para iwas issue na rin kung sakali. I don't care kung magkaroon man n