Kabanata 10: Ano ba'ng nangyayari sa akin?

3056 Words
"Nay, sana hindi na lang po kayo pumayag sa gusto nina Senyora Venice at Senyor Dennis na magkaroon ako ng birthday party. Nakakahiya naman po at hinandaan pa nila ako ng ganito kagarbo," ani ko kay Nanay habang nakatingin ako sa may garden kung saan maliwanag ang ilaw habang tumutugtog sa speaker ang isang instrumental na kanta. Narito kami sa quarters namin at inaayusan ako ni Nanay ng aking buhok. Mamaya lang ay magsisimula na ang party at sobra na akong kinakabahan dahil dito. Wala namang bisita, kami-kami lang na narito sa mansion ang magsasalo-salo. Pero magkakaroon ng maikling party mamaya kaya kinakabahan ako. Hindi naman iyong party talaga na may eighteen candles, roses at kung ano-ano pa. Simpleng program lang naman ang gaganapin at siniguro ng mga amo namin na mag-e-enjoy 'di lang ako kundi pati na ang iba pang mga kasama naming katulong. Napakagarbo ng hinandang birthday party sa akin ng mag-asawa sa totoo lang dahil kita ko sa kinaroroonan ko na napakaganda ng ayos ng mini stage na nakatayo sa gitna. Pati ang mga lamesa at upuan na kulay pink ang takip ay lubhang napakabongga at halatang ginastusan. Nasilip ko rin sa isang banda ang mga pagkain na nakalatag sa mahabang mesa. Alam kong ginastusan ng mga amo namin ang lahat ng ito para lang mabigyan ako ng magarbo at masayang eighteenth birthday. Parang isang taong sweldo na ni Nanay ang kabuauang gastos dito sa party na hinanda nila para sa akin. Kinakabahan tuloy kanina si Nanay dahil baka ibawas sa swledo niya ang ilan sa nagastos ng dalawang matanda para sa handaang ito. Ano kayang pumasok sa isip ng mag-asawa at naisipan nila na pagkalooban ako ng ganitong birthday party? Hindi ko ito deserve dahil hindi naman ako miyembro ng kanilang pamilya. Kahit na sobrang loyal at sipag ni Nanay sa pagtatrabaho sa kanila ng ilang taon hindi ito dahilan para handaan nila ako ng ganito. "Naku, Ara! Ilang beses ko ng tinanggihan gaya ng gusto mong mangyari ngunit makulit sina Senyor at Senyora. Tumanggi man ako at sabihin kong huwag na, sa huli tinuloy pa rin nila kahit hiyang-hiya ako na sabihin na huwag na." Alam kong itutuloy pa rin nila kahit tumanggi kami ni Nanay. Kabisado ko na ang ugali ng dalawang amo namin, mabait sila sa mabait, pero malupit din minsan lalo na kapag pasaway at hindi nasusunod ang kanilang gusto. Napagod na sigurong tumanggi si Nanay sa kanila kaya sa huli gaya ng sabi niya, hinayaan na lang niya ang dalawang matanda sa gusto nila. "Nakakahiya ho kasi sa ibang kasamahan natin dito sa mansion, Nay. Ayaw ko namang isipin nila na sumisipsip tayong mag-ina kaya hangga't maaari ayaw ko po talagang hayaan na ang mga amo natin ang maghanda para sa kaarawan ko. Hindi naman po kailangan na i-celebrate pa natin ang eighteenth birthday ko. Kahit wala namang handa masaya po ako na lilipas ang araw na 'to na kasama ko kayo," malambing kong sabi kay Nanay. At pagkatapos ay lumapit ako sa kanya at yumakap sa kanyang baywang. Alam ko naman na kahit hindi magsalita ang mga kasamahan namin, napapansin ko naman ang inggit sa kanilang kilos. Tatahi-tahimik sila kapag kaharap kami ni Nanay at pakitang-tao kung kausapin kami ngunit alam ko sa loob nila na pinag-uusapan din nila kami ng palihim. Baka sinasabi na nilang magaling kaming sumipsip at may special treatment pa kami sa mag-asawa. "Naku hayaan mo na 'yang mga tsismosa at back fighter nating mga kasama. Ang isipin mo na lang regalo ito sa iyo ng mag-asawa dahil laging mataas ang nakukuha mong grade sa eskwela. Imbes na magreklamo ka riyan at kung ano-ano ang iyong iniisip, magpasalamat ka na lang sa dalawang matanda at huwag ng magreklamo. Isipin mo na lang anak, deserve mo 'to dahil kita naman nila sa subsob ka sa pag-aaral," mahabang pahayag ni Nanay. Sabagay, tama si Nanay, magpasalamat na lang ako sa dalawang matanda at huwag ko na lang intindihin ang sasabihin ng mga kasamahan namin. Tutal, sa lahat ng trabahador dito na tumagal na, si Nanay ang pinagkakatiwalaan ng mag-asawa dahil subok na nila ang katapatan at kasipagan sa trabaho ang nanay ko. "Sige po, Nay. Susundin ko po ang sabi niyo. Magpapasalamat ako mamaya kina Senyor Dennis at Senyora Venice." "Kaya ngiti ka na riyan, Ara. Gabi mo 'to, dapat maging masaya ka ngayon at sulitin mo ang gabi na 'to na para kang isang tunay na prinsesa," nakangiting saad ni Nanay. Sinipat niya ang ayos ng buhok ko kung bagay ba ito sa suot kong simpleng gown na pinili pa ni Senyora Venice para sa akin. Napakasimple lang nito kung titingnan pero ngayong suot ko ang gown, pakiramdam ko isa nga akong prinsesa na magde-debut mamaya. "Opo, Nanay. Basta po naroon po kayo sa tabi ko dahil nahihiya po ako." "Sus! Kaya mo na 'yan, anak. Alam mo naman na manonood ako sa iyo sa gilid. Basta go with the flow ka lang. Kung ano ang sasabihin nila, gawin mo." Hayun nga, go with the glow ako sa buong oras ng programa. Sinunod ko ang sinabi ni Nanay na mag-enjoy ako at isipin ko na gabi ko 'to at huwag ko munang isipin ang sasabihin ng ibang tao sa akin. In-enjoy ko ng husto ang pa-birthday ng mag-asawa at alam kong ganoon din ang aming mga kasama sa trabaho ni Nanay. Hindi ako iniwan ni Nanay buong program. Saka na lang siya humiwalay sa akin nang matapos na ang programa at nagsimula na kaming kumain. Sobra-sobra ang naging pasasalamat ko sa mag-asawa na tinawanan lang ng dalawa at sinabing walang ano man dahil deserve ko naman na regaluhan nila ako ng ganito. Ani pa ni Senyora Venice, "minsan lang mag-debut ang isang babae sa tanang buhay niya, Farrah, gusto kong maranansan mo ang hindi ko naiparanas sa sarili ko. Kaya mag-enjoy ka na lang sa party mo at kalimutan mo muna ang katayuan mo sa buhay." "Very thankful po ako sa inyo ni Senyor, Senyora, hayaan niyo po, pagbubutihin kp pa po ang aking pag-aaral." "That's good, Farrah. Pagbutihan mo dahil iyan lang ang maipapamana sa iyo ng Nanay mo." "Opo, Senyora. Maraming salamat po ulit, hindi ko po makakalimutan ang araw na 'to." "Just enjoy the night, Ara. Mauna na kami ni Dennis sa taas, kayo na ng Nanay mo ang bahala rito. Darating pa ang mga kaibigan ni Devin para makikain kaya kayo na ang bahala." "Opo, sige po pahinga na po kayo." Nang makaalis si Senyora Venice ay naiwan akong nag-iisip. Darating ang barkada ni Senyorito Devin maya-maya lang, ibig sabihin kasama siya? Kaya pala hindi ko siya nakita mula pa kanina, baka sinundo pa niya ang mga kaibigan niya para um-attend ng birthday party ko. Bigla tuloy akong nakadama ng lamig sa paligid kahit medyo maalinsangan naman ang panahon. Saglit kong naiwala sa isip ko ang tungkol Senyorito Devin sa totoo lang dahil sa sobrang mangha ko sa paligid. Ngayong naalala ko siya, hindi ko napigilan ang makadama ng kaba. Ilang beses ko pa rin siyang iniiwasan kahit pinagbantaan na niya ako noon na dapat sundin ko ang mga nais niya para hindi siya magalit sa akin. Ako lang talaga itong gumagawa ng alibi para hindi ako sumunod sa mga utos niya. Hanggang pagbabanta lang naman siya dahil hindi naman nagbago ang pakikitungo ng dalawang matanda sa akin. Niregaluhan pa nga nila ako ng birthday party na ni sa hinagap ay hindi ko rin akalain na mangyayari. Alam ko, alam din niya na eighteenth birthday ko ngayong gabi, alam naman niya talaga dahil binanggit pa niya ito nang nakaraan. Saka na kapag hinog ka na… Paulit-ulit na nag-echo ito sa loob ng aking utak. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag-pop in sa utak ko ang sinabing ito ni Senyorito Devin sa akin noon. Saka ko lang naisip na pinagbabantaan nga niya ang kasariwaan ko noon pa. Shettttt! Ngayong gabi ba niya pipitasin ang kasariwaan ko? Kailangan kong mag-ingat, kailangang makaalis na ako mamaya rito bago pa sila dumating ng mga kaibigan niya. Dapat makapagligpit na kami ni Nanay dahil ayaw kong abutan ako ni Senyorito Devin na gising. Pero sabi ni Senyora Venice asikasuhin sila dapat ng mga kaibigan niya. Wala rin akong choice kundi manatili at abangan ang pagdating nila. 'Di bale, hindi naman ako hihiwalay kay Nanay para hindi ako mapahamak. "Farrah, punta lang ako sa kwarto natin at iidlip lang saglit. Kayo na muna ang bahala kina Senyorito Devin at ang mga kasama niya," bilin ni Nanay nang lumapit siya sa mesa na kinaroroonan namin ng ilang katulong dito sa mansion. Nagkukwentuhan kami habang kumakain muli ng handa. "P-Pero, Nay—," protesta ko. Ayaw kong maiwan dito lalo na at baka mamaya iwan na rin ako ng ibang kasama ko rito lalo na at nakapagligpit na kami ng ilang pinagkainan, mga upuan at lamesa na hindi na magagamit dahil konti na lang kami na magkakaharap dito. "Babalik ako mamaya, idlip lang ako saglit. Padating naman na sina Senyorito Devin kaya asikasuhin na lang ninyo para hindi naman nakakahiya sa mga kaibigan niya." "Sige po, Nay. Pahinga na lang po muna kayo." Tutal may kasama naman ako rito, hindi naman nila ako iiwan dito dahil wala akong kasama na mag-asikaso sa mga darating. Ipinagpatuloy namin ang pagkain at kwentuhan ng mga kaharap ko habang nakikinig ng mahinang music sa speaker. Ilang minuto lang ay may dumating ng mga sasakyan at labis na akong nakadama ng kaba sa aking dibdib. Shetttt! Heto na ang lalaking manyakis, mag-iingat na ako sa mga galaw ko dahil baka totohanin niya ang banta sa akin. "Good evening sa inyo," narinig kong bati ni Sir Blue sa mga kasama ko. Kaagad akong nagkunwari na busy sa ginagawa ko para hindi nila ako mapansin. Pero siguro kahit ano'ng gawin ko ay mapapansin pa rin nila ako. Ako ang celebrant kaya ako lalapitan nila para batiin. "Happy, happy birthday," bati ni Sir Blue nang makalapit sa akin. Napilitan tuloy akong mag-angat ng tingin habang nahihiya na ngumiti at nagpasalamat. "S-salamat po, Sir Blue," kimi kong sabi habang namamangha sa kanyang ngiti. Ang gwapo, hindi ko tuloy mapigil na kapusin ng hininga. Naka-three-piece suit siya at mukha galing pa sila sa opisina dahil nakita ko si Sir Hellione na gano'n din ang suot kay Sir Blue. "Happy birthday, Farrah," pormal na bati naman ni Sir Hellione at saka inabot ang hawak niya na regalo sa akin. Maging si Sir Blue ay may inaabot din pa lang regalo sa akin ngunit hindi ko lang napansin dahil naging busy ako sa pagsipat sa kanyang mukha. Nagpasalamat ako kay Sir Blue at plano ko na sana silang abutan ng pinggan ni Sir Hellione nang makita ko sa sulok ng aking mga mata ang paglapit ni Senyorito Devin kung saan kami nakatayo. Wala sana akong plano na lingunin siya ngunit napalingon ako nang utusan niya ang natitira kong kasama na magpahinga na at kami na ang bahala rito. Shetttt! Lagot na! Gusto ko mang pigilan sina Mizty at Della na huwag munang umalis at samahan muna ako rito, wala naman akong magawa para pigilan sila dahil mismong amo namin ang nag-utos sa kanila. "Maiwan ka na namin dito, Farrah. Wala naman ng masyadong gagawin dahil naayos naman na natin lahat kanina," ani ni Mizty na siyang nagsalita. "S-sige," napipilitan kong sabi. Kahit gustuhin ko man na sabihin na samahan nila ako rito, alam ko naman na inaantok na sila dahil medyo late na ng gabi. Mabuti na lang at walang pasok bukas kaya ayos lang na magpuyat ako. Hihintayin ko na lang na balikan ako ni Nanay tutal sabi naman niya na saglit lang siya na iidlip. "Happy birthday, sweetheart…" mahinang sabi ni Senyorito Devin na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala at matamang nakatingin sa akin. Kagat-labing umayos ako ng tayo at sinikap kong humarap sa kanya at ngumiti ng tipid. "T-Thank you po, Senyorito." Sagot ko habang dama ko ang pangangatal ng aking bibig. Gusto ko man na kumalma, hindi ko magawa dahil nahihiya ako sa kanya and at the same time natatakot. Nahihiya ako dahil sa mga pag-iwas ko nang nakaraan. Natatakot naman ako dahil sa banta rin niya sa akin nang nakaraan. "Mamaya na ang gift ko, sweetheart. Kakain na muna kami nina Blue at Storm dahil nagutom kami sa biyahe," aniya sa kaswal na tono. Nakapamulsa ang kanyang mga palad habang matiim pa rin ang titig sa akin. "Ipaghahain na kita, Senyorito," alok ko. Nakakahiya naman kung tumunganga lang ako rito habang tinitingnan ang ginagawa nila. Sina Sir Blue at Sir Storm nga hindi ko na naasikaso dahil sa pagiging lutang ko na naman dahil sa aking mga iniisip. Nagsimula na silang kumain habang seryoso sa kanilang pag-uusap. "Sige ba, sweetheart. Pagsilbihan mo naman ako ngayon tutal, maraming araw kang umiiwas at nagtatago sa akin. Pinagbigyan kita sa gusto mo, pero ngayon ako naman ang pagbigyan mo…" Maang na napatingin ako sa kanya habang nakabitin sa ere ang hawak kong sandok. Hinihintay ko ang idudugtong niya sa kanyang sinabi ngunit hindi niya ito dinugtungan. Ipinagkibit-balikat ko na lang ito ay binalewala, hindi naman siguro katulad ng nasa isip ko ang iniisip niya. Masyado lang siguro ako napa-paranoid dahil iniisip ko na tutuparin niya ang banta sa akin. Nang matapos kong hainan si Senyorito Devin ay inasikaso ko naman sina Sir Blue para kuhanan sila ng tubig. Nakita ko kasing wala silang inumin at alak lang kasi ang nasa harapan nila at iyon ang tinutungga nila. Nang mabigyan ko sila ng tubig ay bumalik ako sa pwesto ko kung saan inaayos ko na ang ilang gamit para hindi na mahirapan pa si Nanay sa pag-aayos mamaya. Tahimik na kumakain ang tatlo at pinagpapasalamat ko iyon. Babalewalain ko sana ang presensiya nila para mabilis akong matapos sa aking ginagawa nang biglang tawagin ako ni Sir Blue para lumapit. "A-ano po 'yon?" kaagad kong tanong na hindi nililingon si Senyorito Devin na nakamata sa akin. "Tikman mo 'to, Farrah. Eighteen ka naman na at allowed ka naman na sigurong tumikim ng alak ngayon, 'di ba?" "H-hindi po. Ayaw ko po," ani ko sabay iling. Hindi ko pinangarap na tumikim ng alak dahil sa kasabihan na lagi kong naririnig sa mga kaklase kong lalaki. 'Kapag may alak, may balak." "Aw…akala ko pa naman gusto mong tikman. Ang sarap kaya nito, Farrah. Alam mo ba kung magkano ang worth nito? It cost a hundred thousands." Kahit na, nais ko sanang sabihin ngunit nanahimik na lang ako. "Inom ka na, tikman mo lang kahit ganito lang kadami," pamimilit pa rin ni Sir Blue. Pero gaya kanina, umiling ako. "Ayaw ko po, kayo na lang po ang uminom." "Alright, kung ayaw 'di ayaw. Hindi naman kita pipilitin." Nakahinga ako ng maluwag ngunit hindi nakaligtas sa akin ang marahas na pagbuntonghininga ni Sir Devin at ang pagtawa naman ni Sir Storm. Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy ang aking ginagawa. Hindi na nila ako kinausap pa at ginawa ko naman iyong way para mapabilis ako sa pagliligpit. Nang matapos ako ay nagpasya akong umupo at abutin ang baso ko na may lamang tubig. Kaagad ko itong tinungga dahil sa uhaw, naubos ko ito at marahan na nilapag sa ibabaw ng lamesa. Nagtaka lang ako ng makita kong mag-apiran ang tatlong lalaki habang nagtatawanan. Muli ay hindi ko sila pinansin, may pinag-uusapan lang siguro silang topic na nakakatawa kaya sila tumatawa. Tumayo ako mula sa pagkakaupo nang makaramdam ako ng alinsangan. Kaagad na tumapat ako sa electric fan dahil pakiramdam ko sinisilaban ang aking pakiramdam. "Bakit ang init-init?" himutok ko habang pinapahid ang pawis sa aking noo at leeg. Nakatodo na sa number three ang electric fan pero pinagpapawisan pa rin ako. "What's happening, Farrah?" tanong sa akin ni Sir Blue na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala at alalang nakatingin sa akin. "A-ang init-init po kasi ng pakiramdam ko, Sir. H-hindi ko po alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko, baka po magkakasakit yata ako," wika ko habang habol ang aking paghinga. Mas lalong uminit ang aking pakiramdam na parang gusto ko ng maghubad. "Let me feel your temperature." Tinapat ni Sir Blue ang kamay niya sa noo ko. Pagsayad pa lang ng kamay niya sa noo ko ay parang nakadama ako ng bahagyang ginhawa dahil sa paglapat ng kanyang palad sa balat ko. Natukso tuloy akong ilapit ang katawan ko sa kanya dahil parang pakiramdam ko sa katawan niya ako giginhawa. Walang salitang yumakap ako sa kanya at ibinaon ang mukha ko sa kanyang dibdib. Wala na akong pakialam kung anong iisipin niya ang gusto ko lang naman ay maibsan ang init na aking nadarama. Ngunit, wala pang limang minuto ay may galit na kamay na humablot sa akin paalis sa katawan ni Sir Blue habang galit na nagmumura. "Wala sa usapan natin 'to, Blue! Bakit mukhang nag-enjoy ka sa yakap niya?" "What the f**k, pare? Ikaw ang nagbigay ng pahintulot sa akin para ma-testing kung effec—" "Oo na! Just shut your f*****g mouth!" Niyakap ako ni Senyorito Devin na siyang humila sa akin paalis sa katawan ni Sir Blue. Gusto ko sanang magalit sa kanya ngunit nilulon ko ang mga salita ko dahil sa kaginhawaan na nadama ko sa katawan niya. Walang babala ng sinunggaban ko siya ng yakap sa kanyang leeg habang ikinikiskis ko sa katawan niya ang katawan ko. Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa pero ito ang gusto ng katawan ko. Init na init na ako at parang gusto kong may ilabas ako sa aking katawan. Gusto kong may sumabog sa loob ko at hindj ko alam kung paano ko ito mailalabas. "S-Senyorito Devin ang init-init. Yakapin mo rin ako, please…please…" wala sa sarili na sabi ko. Nakatingala ako sa kanya habang papikit-pikit ang aking mga mata. Ano bang nangyayari sa akin? Narinig kong bumuntonghininga siya at napamura. Tapos nakita ko na lang na nasa tabi na namin sina Sir Blue at Sir Hellione na malawak ang ngiti sa labi. "Alis na kami, Devin. Mukhang hindi na kami kailangan dito," ani ni Sir Blue sabay tapik sa balikat ni Senyorito Devin. "Oo nga, good luck pare, buntisin mo na agad," narinig ko namang sabi ni Sir Hellione. Good luck? Buntisin agad? Sino? Shetttt! Bakit hindi ako makapag-focus? Ano ba'ng nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD